Friday, July 13, 2012

Bullets for my Valentines- Part 1

Sa lahat po, nagpapasalamat po ako sa mga patuloy na sumusuporta sa mga stories ko. Sorry kung minsan matagal akong magupdate, dami lang ginagawa sa school.

Medyo kakaiba yung story na ito kasi first time ko na gumamit ng "POINT OF VIEW" from four different persons.

Hope magustuhan po ninyo...

Your comments are very important to me kaya comment lang po ng comment... salamat po ulit...

sa mga gusto pong mag track ng accout ko po sa fb... pindutin na lang po ninyo yung link...


facebook account : Dylan Kyle Santos
blogsite: Dylan Kyle's Diary

nagpapasalamat nga po pala ako sa BOL site na nagbigay sakin ng panibagong chance na makapag post...

Nakakareceive po ako ng mga comments na medyo tagilid po... I will do my best po para maging likers ko po kayo.. heheh

Cheer up...

Salamat po...

medyo mahaba po yung series po nito.. :)) Enjoy po kayo...

Always here,

Dylan Kyle Santos




videokeman mp3
Please Be Careful With My Heart~ Ft.Sarah Geronimo – Christian Bautista Song Lyrics




***************************************


“Mang aagaw ka!” sigaw niya sa akin.


“Kahit kailan wala akong inaagaw sayo.” Sabi ko.


“Ahas ka.”


“Ang gwapo kong ahas.”


“Nahiya naman ako sa balat mo.”


“Tigilan mo ako. Ano pa ba ang kailngan mo?”

“Ibalik mo sa akin ang mahal ko!”galit na sabi niya.


“Bakit ko ibabalik, bakit na sakin ba?”


“Kahit kailan talaga mga linta kayong best friends.”


“Hindi ako linta. Loser ka lang.” Sabi ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.


“Ibalik mo siya sa akin dahil akin siya.”


“hindi siya sa iyo!”


“At hindi rin siya sa iyo!”


“Akin siya dati!”


“Dati yun at hindi ngayon.”


“Hindi ka niya mahal at ako ang mahal niya!”


“Kapal ng mukha mo. Dukha.”


“Angkinin mo na yang yaman mo. Nahiya naman ako sa yaman mo.”


“Akala ko kaibigan kita.”


“Akala ko din kaibiga kita pero pati bf ko ikinama mo.” Ang di ko na napigilan na sinabi ko.


“Ginusto niya rin yun.”


“Wala akong pakialam.”


“Malandi ka.” Bigla niya akong sinampal. Hindi na ako lumaban.


“Kung mahal mo siya piliin mo kung saan siya liligaya. Wag kang selfish.”


Doon na nag simula ang lahat, kung saan napawi ang pag kakaibigan namin at parang bula na nawala.


**************************************


[AJ’s POV]


“If you love me, like you tell me, please be careful with my heart.
You can take it just don’t break it, or my world will fall a part.
You are my first romance and I’m willing to take a chance, that till life is true,
I’ll still be loving you. I will be true to you, just to promise from you will do,
from the very start, please be careful with my heart.”


Isang kanta na nagpapaalala sa akin ng nakaraan.


Nasa pakikinig ako ng playlist ng I-pod ko ng biglang hampasin ako sa braso ng isang tao mula sa aking likuran.


Siyempre nagulat ako dahil from out of nowhere eh bigla na lang akong hahampasin sa braso.


“Hey ano ba yan? Nakakasakit ka ha?” sabi ko.


“Ang arte mo ha. Hinampas ka lang nasaktan ka na? Grabe yan ha.” Dipensa niya.


“Wew. Ano bang ginagawa mo dito?”


“Alam mo ang taray mo? Meron ka ba ngayon at ganyan ka? Bawal bang bumisita dito sa bahay mo? Arte ha.”


“Ang dami mong alam. Sumagot ka na lang.”


“Ang taray eh. Magpapasama lang sana ako sayo sa palengke.”


“Wow ha. May lagnat ka? Mukhang first time kang tatapak ng palengke ah.”


“Hoy grabe ka. Hindi ah. Batukan kita jan eh.”


“Subukan mo lang at hahanap ka ng makaksama.”


“Bilisan mo na kasi best. Ang tagal pa eh.”


“Oo na bibihis lang ako kaya labas ka na.”


“Arte. Papalabasin pa ako.”


“At mamboboso ka pa?”


“Kapal mo din. Wala akong interes sayo.” At tuluyan na nga siyang lumabas.


Siya ang best friend ko na si Chad. 17 years old, taking up Tourism Management sa parehong university na pinapasukan ko. 


Maraming maipagmamalaki si Chad dahil kilalang-kilala siya sa school namin. Marami siyang kaibigan pero ako ang nag iisang best friend niya.


Matalino, gwapo, madiskarte, malikhain at marami pang iba. Dalawang buwan na kaming mag bestfriend nito. 


Summer after highschool noong nagkakilala kami. Mag kapit-bahay lang kami sa nilipatan naming bahay.


Mahigit dalawang buwan na mula noong lumipat kami dito sa bagong tinitirhan namin. 


Nasangkot kasi sa isang malaking kaguluhan ang pamilya namin ng dahil sa akin. Pero tapos na iyon.


Nalampasan namin iyon at alam kong sa panahong ito panatag na ang kalooban nila mama sa akin. 


Tanggap nila kung ano ako hindi tulad ng dati. Simple lang ang gusto kong buhay. Di tulad ng iba na masyadong mayaman.


Nasa average lang ang aming pamumuhay at masaya ako dito. Natupad naman ang pangarap ko na umahon kami mula sa hirap ng maging manager si papa sa kumpanya na pinagtra-trabahuhan niya.

Ngayon naman eh napromote siya kaya nag decide si papa na lumipat dito sa kinalalagyan namin para naman matapos na ang problema sa lugar namin dati.


Lola ko lang ang mayaman for short. 


Ako nga pala si A.J, Arwin Jake Montederamos. Taking up B.S. Mechanical Engineering. 17 years old. 5”10 ang height at medium build up ang pangangatawan.


Medyo marami-rami na rin ang aking pinag daanan na nagsimula noong summer ng 3rd year ko. Yung simpleng buhay ko ay ginulo ng isang tao mula sa nakaraan


Nagtatanong pa rin ako hanggang ngayon kung bakit ba nangyari ito sa buhay ko? Kung bakit ba ginawa ang mga bagay na iyon. Masakit man pero wala na akong magagawa dahil nangyari na nga iyon.


Marami akong naiwang mga tao sa lugar namin dati. Balak ko na bumalik doon pag nagkaroon na ako ng panahon at kapag handa na ulit ako. Iniwan ko na din doon ang sawi kong puso.


Tanging sakit lang ang idinulot ng isang tao sa akin. Sasabihin ko na naging masaya ako sa pag-ibig na naramdaman ko, pero hindi naman lahat na iyon lang ang mararamdaman mo eh, kasabay nito yung sakit sa kalooban.


Ilang sandali matapos kong magbihis ay umalis na kaming dalawa. Nagpaalam muna kami kay mama.


“Ma, alis na po kami. Nagpapasama kasi tong si Chad sa palengke, hindi ko po alam kung bakit?”


“Ah sige ingat ka. Teka, may ipapabili ako sayo para isang sadya lang yan.”


“Naku tita sige lang. Mamaya may pasalubong ako sayo.”


“Talaga ha”


“Oo naman kayo pa.”


Matapos ang ilang saglit ay ibinigay na ito ni mama sa akin. Umalis na kami matapos ito. Kabaligtaran ni Chad, tahimik lang ako. 


Mahiyain kung minsan. Pero swak na swak pa rin ang pagiging magkaibigan namin. Hindi ko nga alam kung paano nag simula ang pagiging mag best friend namin.


Marami-rami na rin kaming pinag samahan. Sa loob ng dalawang buwan ay ganito na kami ka-close. Kilala na kami pareho ng pamilya ng isa’t-isa.


Alam ko ang pagkatao niya at alam din niya ang sa akin. Hindi kami nag kailangan ng panahong iyon. 


Lalo pa nga tumindi ang pagiging mag best friend namin. Lagi niya akong isinasama sa mga group gathering ng friends niya na kapareho namin.



Maraming nang iintriga sa amin dahil baka daw magkatuluyan kami. 


Pero sabi namin hindi yan pwede. 


Mag best friend kami kaya di dapat. Inamin naman niya na dati dat eh nag ka-crush daw siya sa akin. Okay naman sa akin yun dahil crush lang.

Ilang minuto pagkatapos naming bumyahe ay nakarating na kami sa palengke. Nagsimula na kaming mamili doon sa mga bibilhin niya. 


Aba, ano kayang nakain nito at napakaraming nakalista sa bibilhin. Ano kayang meron at parang fiesta ang magaganap?



 “Ano bang meron at bumibili ka ng ganyan karami?”


“Darating na kasi bukas si Kuya Galing Singapore, eh ayun mukhang engrende ang gagawin. Hindi naman maarte si mama sa mga pagkain. Sa palengke nga niya ako gustong pabilhin ng mga gagamitin eh.”


“Teka bakit hindi sa mga katulong ninyo kayo nag pabili?”


“Maramni na silang ginagawa tsaka para naman makarating ako sa palengke na to.”


“Ay halata nga na hindi ka pa nakakpunta, todo porma ka jan eh.”


“Malay ko ba. Pati hindi naman ah. Simple pa nga ito eh.”


“Jowk lang naman. Sige na tara na.”


Habang naglalakad kami eh nakita namin yung pinagpapantasyahan ni Chad. Crush na crush niya iyon at halos magkandarapa na ito dito. 

Alam namin ang pagkatao nito. Tulad din namin siya. Una ko siyang nakita sa group gathering namin tapos nagulat na lang ako na same school lang pala kami.



Siya si Jaysen. 18 years old. 2nd year na at Marine Transportation student. Oo na sabihin natin na gwapo siya, may kaya din sa buhay at mabait. 

Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko feel siya.


Ayaw ko siya para sa best friend ko although ganun ang katangian niya. Pero kung sakali man na maging sila, ayos na sa akin. Wala na akong magagawa kundi ang umoo. Saka kung iyon naman ang ikaliligaya ni Chad eh doon na ako.


“Hi Jaysen.” Bati ni Chad.


“Uhm. Hello. Uy, anong ginagawa ninyo dito?” tanong ni Jaysen.


“May pinamimili lang.”


“Ah ganun ba. Uhm. Hello AJ.” Bati niya sa akin. Isang ngiti lang ang iginanti ko.


“Ikaw ba?”


“Uhm may idinaan lang ako dito sa palengke.”


“Ah okay. Heheh” sabi ni Chad.


“Sige una na ako. Ingat kayo.”


Pamamaalam niya. Di ko alam kung ano ha pero parang sa akin ba nag papaalam tong lokong ito. Abot tanaw ang tingin ni Chad sa kanya. Tapos liningon ako ni Chad.


“Ang gwapo talaga niya. Ano ba yan? Aixt.”


“Sus. Siya na gwapo. Mas gwapo pa ako dun.”


“Uhm. Parang di naman.”


“Weh. Naku, mukhang type ka niya ha.”


 “Tumigil ka nga. Sayong-sayo na siya. Sayong sayo na.”


“Kung pwede lang. Gagawin ko lahat mapa sa akin yun. Hahah”


“Loko-loko talaga.”


Na curious tuloy ako kaya napalingon ako bigla. Sakto namang paglingon ko eh lumingon din siya. Ako naman ay nagbawi agad ng ulo.


Pagkauwi ko ng bahay ibinigay ko na yung pinamili ko tapos yun pasalubong ni Chad. Umakyat na ako sa itaas para magpahinga. Humiga ako sa malambot kong kama at nagpahinga.


Mamaya na ako maliligo ulit dahil binbanas ako. Siguro tutulog na muna ako para bumalik yung lakas ko. Madali lang ako nakatulog agad kasi dulot na rin ng pagod. 


Mahimbing ang pagkakatulog ko at napasarap ang pagpapahinga ko. Mula sa aking pag idlip, kasabay nito ang pagbalik ng nakaraan at pag alala sa kahapon.


(Flashback)


“Mahal kita, hindi ko alam kung bakit. Naramdaman ko to ng di ko namamalayan. Mahal kita hindi dahil gwapo ka, mabait ka o anuman. Mahal kita kasi mahal kita. Gabi-gabi hindi ako matahimik lalo na kapag naalala ka. Minamahal kita mula noon hanggang ngayon. Alam mo ba kung gaano ako katagal mag tiis masabi lang sayo to. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kapag magkakalapit tayo, gusto kitang yakapin. Kapag nakikita ko ang mukha mo lalo na ang mga labi mo, gusto ko tong sunggaban at siilin ng halik. Mahal kita Arwin mahal na mahal. Wala akong pakialam kung hindi ako mahal, pero mahal na mahal kita at iyon ang totoo.”


Napaluha ako ng mga sandaling iyon. Hindi ko inaasahan na mararamdaman niya iyon sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.


“Pero, magiging magulo ang buhay natin kapag nagpatuloy ito.” Sabi ko.


“Wala akong pakialam. Mahal kita. Mahal na mahal. Sana ganyan din nararamdaman mo. Gusto kong ikaw ang lagi kong makasama. Gusto ko na ikaw llang ang laging nakikita. Mahal na mahal kita walang hanggang man yan.”


“Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako sa kapakanan mo.”


“Wag mong isipin yan. Ang iportante ang ngayon. Gusto ko lang malaman, mahal mo ba ako?”


“Pero...”


“Mahal mo ba ako?!” hindi ako nakapagsalita.


“Sagutin mo ako... mahal mo ba ako?!”


“Oo mahal kita. Dati pa. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na mahalin ka at tuluyang mahulog sayo dahil hindi dapat.”


“Ayun lang ang hinihintay kong sabihin mo.”


At unti-unti inilapit niya ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Kinabahan ako bigla. Bakit ganito ang nararamdaman ko? First time na mangyayari to sa akin.


Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na maglapat ang aming mga labi. Siya ang nagdadala sa akin kung paano ang gagawin. Hindi ko alam kung una niya rin yun sa akin o may nakauna na sa kanya.


Unti-unti ng nag gagala ang kanyang kamay sa aking katawan habang nakahiga kami sa kama. Natanggal na ang mga saplot namin sa aming mga katawan at wala ng humaharang sa amin kahubdan.


“Mahal kita. At natutuwa ako na mahal mo rin ako. Mahal na mahal kita. I Love you Arwin”


“I Love you too James.”


“Handa ka naba?”


“Saan?”


“Dito” 

 Di ako makasagot, nahihiya ako kung ano ba  ang isasagot ko. Ipinikit ko na lang muli ang aking mga mata para siya na lang ang bahal sa gagawin niya.


“Promise I’ll be careful.”


At yun na nga. Dun na nag simula ang lahat. Doon na nagsimula ang sakit na aking naramdaman. Tiniis ko ito dahil alam kong maipapakita ko dito na mahal ko siya. At sa gabing iyon, tuluyan ng nagbago ang buhay ko.


Sa unang pagkakataon eh naranasan ko ang dapat maranasan. Kahit na bata pa kami, alam kong nagmadali kami masyado.


(End of Flashback)


Nagising ako sa katok ni mama na sunod-sunod.


“Anak, gabi na, kain na tayo.”


Bumangon ako saglit at tinignan ang phone ko. 4 missed calls galing sa best friend ko mula pa noon na si Rizza at 10 text mula kay Rizza at Chad. Sunod-sundo pa rin ang tawag ni mama.


“Anak, kakain na.”


“Opo bababa na po ako. Liligo lang po ako.”


At naghubad na ako ng damit. Kahit na tinatamad eh naligo pa rin ako. Para magising ibinabad ko ang katawan ko sa ilalim ng shower. Ang sarap ng tubig na dumadaloy sa aking katawan.


Kinuskos ko ang katawan ko ng sabon at binanlawan agad ito. Habang nagbabanlaw ako ay nakita kong muli ang isang bahagi ng nakaraan ko. 


Nakita ko ang marka na ipinalagay namin ng ex ko.


Napag katuwaan naming magpalagay ng tattoo. 


Iniligay ko ang first letter niya at ganun din naman siya na iniligay ang first name ko.


Masakit man, pero ayos lang. Ganyan talaga nagmamahal.


Akala ko noon kami na talaga. 


Akala ko mamahalin niya ako ng sobra at hinding-hindi lolokohin.


Araw pa ng mga puso ng akoy kanyang saktan. Akala ko naman ayos na ang lahat.


Mahirap talaga lalo na kung sarili mong kaibigan niloloko ka din. Masakit, sobra. Yan ang naramdaman ko. Naalala ko pa ang mga sandaling iyon.


(Flashback)


“Bakit sa lahat pa ng panahon ngayon pa?” galit kong sabi.


“Teka magpapaliwanag ako. Mali yang nakita mo. Hindi totoo yan. Maniwala ka sa akin.” Dipensa niya.


“Tanga ba ako? Hindi diba? Kung ano ang nakita ko yun yon. Hindi ako bulag para wag mag maang-maangan na walang nakita. Hindi rin ako ganun katanga para pagtakpan yang ginawa mo. Walang hiya ka. Akala ko iba ka sa lahat. Katulad ka rin pala ng iba.”


“Teka lang. Please Arwin. Mahal na mahal kita.”


“Mahalin mo yang kalantari mo. At isa pa, sa lahat ng tao sa mundo, bakit kaibigan ko pa? Hindi na kayo nahiya. Dito pa kayo gumawa niyan. Pinagsisisihan ko na minahal kita.” Tumutulo na ang luha ko ng mga sandaling iyon.


“Wag kang ganyan. Hindi mon alam ang sinasabi mo.”


“Alam ko ang sinasabi ko dahil may utak at isip ako. Tama na to. Ayoko ng makita ka pa. Umalis ka jan sa dadaanan ko.”


(End of Flashback)


Tama na. Ayaw ko ng isipin pa ang mga ito. Nagmadali na akong tapusin ang paliligo ko. 


Pinunasan ko ang katawan ko at nagsuot ng brief at boxer. Hindi na ako nagsuot ng pangtaas para pag natulog ako mamaya eh presko.


Nasanay na naman ako na walang suot pang itaas pag natutulog. Habang palabas ako ng pintuan ng kwarto ko, nakita ko yung kwintas na isinusuot ko. 


Napatingin ako bigla sa mga daliri ko at nakita ko ang singsing na ibinigay ng ex ko sa akin.


Muli na namang kinurot ang puso ko sa naramdaman kong awa sa sarili ko. Matapos ang lahat-lahat, ganito rin pala ang mangyayari sa akin. 


Bakit kaya masakit mag mahal?


 Ano nga ba ang kasalanan ko at ginaganito na lang ako. Wala naman akong tinatapakang tao ng mga panahong iyon.


Ang nasa isip ko na lang mula noon hanggang ngayon, may dahilan ang Diyos sa akin kaya ako ginanito. May mga bagay na ibinigay sa akin na kailngan kong mapagdaanan.


Pababa na sana ako ng biglang nag ring ang cellphone ko. Tinignan ko ito at si Chad ang tumatawag.


“Hello. Oh bakit ka napatawag?”


“May nalaman ako. Tungkol sa crush ko. Mukhang may ibang gusto siya. Help!”


(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment