Ayan! After 1 month ng pananahimik ko at paghihintay ninyo, naipost ko na din!! Weeeee!! Sobrang sorry po talaga sa sobrang delay.. Sana po ay magustuhan niyo po ang part na ito kasi para sa akin, ito ang part na pinakanahirapan ako i-type.
Anyway, Batian portion na po tayo! Hay sa wakas, natuloy din.. hehehe..
- Kuya Mike, salamat sa opportunity na binigay niyo na maipost ito sa blog niyo.
- Rovi, inay, salamat po sa guidance. Para na talaga kitang Magulang :)
- Dhenxo, salamat sa lahat at pagbabasa na din. Hehe.
- at si Mr. Cruz a.k.a. ang kuripot, salamat sa..... alam mo na yun! Ahihihihi!! Basta salamat sa lahat ;) ^_^
At sa mga Readers ko na patuloy na sumusuporta at sumusubaybay ng story ko.
- Marlon / MM
- Chack (Salamat sa patuloy na pagsuporta ng story ko.)
- Andrew Johnson
- Xander Monterverde
- Mars
- lester
- Zeke
- taga_cebu
- Edge
- Roj
- Royvan
- Ram
- Eortiz
- Ryan F
- Ryan C
- Agua
- kayne
- Jariel fan
- clash
- flashbomb
- erick vladd
- xyz
- Almondz
- tyr
- Lei
----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 8: "The Truth.."
Def Leppard - When Love And Hate Collide
Mp3-Codes.com
“Sige.. Pero..”
“Walang
pero-pero. I want to know, kung sino ang ama ng bata.”
Tiningnan ako
ni Ella at..
“Si… Si..”
ang sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. Kita ko ang pangangamba dito.
“Sino Ella?
Please I want to know.” Ang pagmamakaawa ko.
“Gab, I-I’m sorry.
Wala ako sa lugar para sabihin ko sa iyo ang bagay na iyan. Masmabuting si Ely
ang magsabi sa iyo o di kaya… ang ama nito.”
Imbis na
pilitin siya ay rinespeto ko ang desisyon niya. Napabuntong hininga ako kasabay
ang pagtingin sa karagatan.
“Basta ang
masasabi ko lang ay.. Maging handa ka Gab. Maging handa ka malaman ang
katotohanan. Basta kung kailangan mo ng matatakbuhan, masasandalan, at
maiiyakan, nandito lang ako.” Sabay ngiti.
“Salamat
Ella.” Sabay yakap ko dito.
“Ano ka ba?
Kaibigan mo ako Gab.”
“I know, and
you’re the only friend that I have.”
“What do you
mean?”
“Sa lahat ng
mga kaibigan ko, ikaw lang ang hindi nanakit sa akin. Ikaw lang ang nagpakita
sa akin ng… ng totoong pagmamahal.” Ang nasabi ko dito.
Sa totoo lang
ay hindi ko alam kung bakit ko biglang nasabi iyon gayong alam ko naman na
napakitaan din ako ng pagmamahal ni Ace at Jared. Ewan, dala lang siguro ng
sama ng loob yun.
“Sssshhh!!!
Don’t say that! Marami kaming nagmamahal sa iyo.” Ang sabi niya.
“Hindi nila
ako mahal Ella, kasi kung mahal nila ako ay hindi nila ako sasaktan.”
“Gab, may mga
bagay sa buhay natin na hindi mo mapipigilan. Kasama na dito ang makapanakit sa
ibang tao, sometimes you don’t mean it, but it happens. And I believe,
everything happens for a reason.” Ang sabi niya sabay ngiti.
Ginantihan ko
lang siya ng ngiti,dahil sa totoo lang ay may punto siya pero kahit ganoon ay
hindi pa rin matanggap ng kalooban ko ang sinabi niya. Kasi simula ng bata ako,
lagi akong sinasaktan ng ibang tao. Pero masmasakit ngayon, dahil mismong mga
mahal mo ay sinasaktan ka.
Muli ay
napatingin ako sa dagat kasabay nito ay ang pag-isip ko ng mga nangyari sa akin
simula noon hanggang sa kasalukuyan. Nasa ganoon akong pag-iisip ng..
“Gab, may I
ask you something?” ang tanong niya.
“Ano yun?”
“Galit ka pa
rin ba kay Ely?”
Hindi ako
nakakibo sa tanong niyang iyon. Hindi ko kasi alam kung magpapaka-impokrito ako
o kaya ay diretsahin siya sa kanyang tanong.
“Silence
means yes. Bakit ko pa ba tinatanong yan.” Ang nasabi na lang niya.
Hindi ako kumibo.
“Gab, did I
told you how I met Ely?” ang tanong niya.
“No. At hindi
ako interesado sa bagay na yan.” Ang seryoso kong sabi.
“Gab please,
I want to share this with you..” ang pagpupumilit niya.
“Why?”
“You’ll know
why kapag na-ikwento ko sa iyo.”
Hindi ako
agad naka-sagot sa sinabi niya. Pero aaminin ko, kahit papaano ay interesado
din akong malaman ang bagay na iyan, hindi ko lang alam kung bakit.
“Ok. I will
listen.” Ang pagpayag ko.
“Thanks Gab.”
Ang sabi niya.
Sumama ako sa
Papa ko noong nagpunta siya ng Maynila para ayusin ang ilang trabho niya.
Papauwi na kami noon ng may isang batang babae ang biglang tumawid, nabundol
namin ang bata at dinala namin agad ito sa ospital. At ang batang ito ay si
Ely.
====PAGLALAHAD NI ELLA NG NAKARAAN====
Sa Ospital..
“Doc, kamusta
po ang bata?” ang tanong ni Papa.
“Ayos naman
siya, hindi masyado matindi ang banggang tinamo niya. Bukas na bukas din ay
makakalabas na ang bata.”
Nang puntahan
namin ang bata ay..
“Iha, kamusta
ka?” ang sabi ni Papa.
“O-ok lang
po.”
“Bukas na
bukas din ay makakalabas ka na. San ka pala nakatira at anong pangalan mo?”
Hindi siya
kaagad nakakibo. Parang iniisip pa kung saan siya nakatira at kung ano ang
pangalan niya.
“H-hindi ko
po matandaan ehh. Wala po akong maalala.”
Kita ko ang
pagkagulat sa mukha ni Papa.
“S-sigurado
ka ba iha? Isipin mo mabuti.” Ang sabi ni Papa.
“Hindi ko po
talaga matandaan..” ang sabi niya.
Umupo si Papa
sa silya at nadako ang mga mata nito sa gamit ni Ely.
“Iha, hindi
mo ba talaga maalala o naglayas ka lang?” ang diretsong tanong ni Papa sa
kanya.
Kita ko naman
ang paglaki ng mata ni Ely at sabay sabing.
“H-h-hindi!!!
Hindi!! H-hindi ko po talaga maalala kung saan ako nakatira at kung ano ang
pangalan ko.” Ang nanginginig na sabi nito.
Dahil dito,
napag-desisyonan ni Papa na patirahin muna si Ely sa isang kaibigan niya dito
sa Maynila. Mag-asawang hindi magkaanak ang mga ito kaya naman isang sabi lang
ni Papa ay napapayag niya ito.
Ang
pansamantala ay naging permanente gawa ng wala daw maalala si Ely at nakiusap
ito na doon na lang siya tumira. Iyon din ang naging dahilan kung bakit ko siya
naging bestfriend.
====KASALUKUYAN====
Hindi ko alam
kung ano ang magiging reaksyon ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit
kahit papaano ay nagkaroon ng kaunting kirot dito sa puso ko, dapat wala akong
pakielam kay Ely at sa nakaraan nito pero hindi ko maintindihan kung bakit..
Kung bakit parang apektado ako.
“So bakit mo
ito kinukwento sa akin?” ang bigla kong naitanong kay Ella.
“Gab, bata pa
lang si Ely wala na siyang mga magulang, naghahanap siya ng kalinga nito.
Naghahanap siya ng pagmamahal.”
“Pfffttt!!
Naghahanap ng pagmamahal pero naglayas.” ang banat ko dito.
“Tama ka Gab.
Naglayas siya.” Ang pagbunyag ni Ella.
“Ha!??!!?’
ang bigla kong nasabi.
“Noong akala
naming namatay ka, inamin sa akin ni Ely ang katotohanang naglayas siya. Totoo
din ang hinala ko na noon pa man na hindi totoong may amnesia siya, simula’t
sapul pa lang ay alam niya ang pinanggalingan niya.”
“So what’s
her purpose? Bakit siya nagsiunungaling?”
“She want’s
to find her REAL Parents Gab, tinalikuran niya ang.. ang isang taong nagpalaki
sa kanya, sa kabila ng luho’t yaman na binibigay nito, pinili ni Ely na hanapin
ang mga totoong magulang niya. Kahit hindi niya alam kung saan mag-uumpisa.”
“Bakit, Sino
ba nag-alaga sa kanya?”
“Hindi ko
alam.. Hindi niya sinabi.. ang nasabi niya lang ay.. kapamilya niya din ito..
pero.. naka-away ang mga magulang niya.”
Tahimik..
tanging hampas ng karagatan lang an aming nadidinig.
“I’m telling
this to you because I want you to forgive her Gab. Gusto kong patawarin mo na
siya. Nagawa niya lang yun dahil sa pangungulila sa pagmamahal.”
“Bakit ako
Ella, hindi ba ako nangungulila sa pagmamahal? Hindi ba ako naghahanap at
nagnanais noon??” ang paglakas ng boses ko.
“Gabriel, ang
kaibahan niyo ay ikaw, may mga magulang ka! Siya wala Gab! WALA!! PINAGKAIT SA
KANIYA IYON!” ang sigaw ni Ella sa akin.
“Pero hindi
tama yung ginawa niya!! Inahas niya si Jared!! Malandi siya!!” ang sigaw ko
dito.
“Ganyan ka na
ba ngayon!?!? Sarili mo na lang ba pinapakinggan mo ha! Gab?? Ganyan ka na ba??
Ang SELFISH MO!!” ang sigaw niya sa akin.
Parang
nagising ang dati kong sarili sa mga sinabi ni Ella, parang bumalik ang
salitang
“Pag-unawa” sa akin.
Hindi pa ako
nakakakibo ng biglang may tumawag sa Cellphone ko. Pagkatingin ko ay si Aling
Minda pala ang tumatawag.
“Yes Aling
Minda?”
“Gabriel..
Pwede ba tayo mag-usap anak?” ang mahinahon ngunit seryoso niyang sabi.
“Sige po,
papunta na ako diyan.” Sabay end call.
“S-Sige
Ella.. Mauna na ako..” ang sabi ko sabay baba sa inuupuan namin.
Bago pa man
ako tuluyang makaalis ay lumingon ako sa kanya at..
“Ella, Sorry
ha? It’s just that—“ hindi ko natapos dahil.
“It’s just
that your heart is full of hatred Gab.” Ang matigas na sabi niya.
Lumingon siya
sa akin at nakita ko ang namumuong luha sa mga mata nito.
“Saan mo dinala
ang Gabriel na kilala ko? Ano bang nangyari sa iyo Gab??” ang naiiyak niyang
sabi.
“Ella…”
“Nasaan na
yung Gabriel na maunawain? Yung Gabriel na mabait? Yung Gabriel na laging
nakangiti kahit patong-patong na yung problema niya? Nasaan na yung Gabriel na
mapagpatawad? Nasaan na yung Gabriel na Minahal ko at Minahal ng kuya ko??” ang
sabi niya sabay patak ng luha nito.
“Ella ako pa
rin ito..” ang bigla kong nasabi, kahit alam kong.. hindi.
“Hindi… Hindi
ikaw yun..” ang matigas niyang sabi.
“Ella..” ang
nasabi ko na lang, ramdam ko din ang namumuong luha sa mga mata ko.
“Tama nga
yung sinabi mo kay Kuya. Patay na si Gabriel. Namatay siya sa building na
iyon.”
“Ella.. I-I’m
sorry..” ang sabi ko kasabay ang pagpatak ng luha ko.
“You should
be SORRY FOR YOURSELF GAB! Ay mali.. ERICK!” ang sabi niya sabay lakad paalis.
“Ella wait.”
Sabay hawak sa kanyang braso.
Ngunit
humarap siya at kasabay nito ang pagbitiw niya ng isang malakas na sampal na
bumagsak sa mukha ko.
Para akong
naging istatwa pagkatapos niyang gawin iyon. Hindi ko akalaing magagalit ng
ganoon katindi si Ella sa akin.
……….
Pauwi na ako
noon at hindi at hindi matahimik ang kalooban ko. Hindi maalis sa isip ko ang
mga binitiwang salita ni Ella.
“Ano bang
nangyari sa iyo Gab??” ang tanong ko sa sarili ko.
Pagpasok ng
bahay ay nakita kong naka-upo si Aling Minda sa sofa.
“Aling Minda
bakit po kayo napatawag kanina?” ang tanong ko dito.
“Maupo ka..”
Tahimik akong
naupo sa sofa, ramdam ko na merong mahalagang sasabihin sa akin si Aling Minda,
ramdam ko din ang matinding tension na bumabalot sa lugar.
“Ano bang
nangyari sa inyo ni Ace kanina?” ang pagbasag niya ng katahimikan.
Hindi ako
agad nakakibo sa tanong na iyon, malamang nagsumbong si Ace sa kanya.
“So sumbungan
na pala kayo ngayon Aling Minda.” Ang medyo mataray kong sabi.
“Hindi siya
nagsumbong, nakita ko lang na namumula ang mata ni Ace pagka-uwi niya dito.”
Ang sabi nito.
“At bakit
naman po ako ang naisip niyong dahilan?”
“Anak, kilala
ko si Ace, hindi yan iiyak ng basta-basta. Ikaw lang ang nakakapag-paiyak sa
batang yan.”
Hindi ako
kumibo, ilang sandali ay sinagot ko siya ng..
“Aling Minda,
kung ano man po ang napag-awayan namin, iyon ay dahil siya ang may kasalanan.
Mas naniniwala pa siya sa demonyong Steph na iyon kesa sa akin.”
“Sige
Gabriel, sabihin na nating may kasalanan siya. Pero anak, ikaw ba wala?” ang
tanong niya sa akin.
“Ano pong
ibig niyong sabihin?” ang tanong ko nman dito.
“Anak, lahat
kami napansin ang malaking pagbabago mo simula ng umuwi ka galing US. Hindi
lang sa panlabas kundi.. kundi sa panloob. Nagbago na ang ugali mo.. Ibang-iba
ka na anak.” Ang malungkot na sabi ni Aling Minda.
“Aling
Minda—“ hindi ko nataos dahil.
“Gabriel, naiintindihan
ko... Ang galit mo.. Galit mo sa mga taong nanakit, at nang-alipusta sa iyo.
Pero hindi mo ba naiisip, yang si Ace, wala naman yang ginawa kundi mahalin ka
eh. Wala siyang ginawa kundi protektahan ka at ilayo ka sa mga taong
nakapanakit sa iyo noon. Yung mga magulang mo, wala silang galit sa puso nila,
ang alam lang ng mga magulang mo ay ang mahalin ka at unawain ka pero anong
ginawa mo anak? Tinaboy mo sila, sinabi mong hindi mo sila kilala.” Ang
seryosong sabi ni Aling Minda.
Para akong
natauhan sa mga sinabi niya, tulala, balisa, yan ako ng mga oras na iyon.
Nagulat din ako dahil alam ni Aling Minda ang nagawa ko sa mga magulang ko,
siguro ay nasabi ito ni Ace sa kanya.
“Alam mo
Gabriel, sa totoo lang… wala na akong tiwala sa iyo. Kasi hindi na ikaw ang
mabait na batang nakilala ko.”
“Aling
Minda.. Ako pa rin po ito si Gab.” Ang naiiyak na sabi ko sa kanya sabay lapit
dito.
“Ang Gabriel
na kilala ko ay punung-puno ng pagmamahal, puno ng positibong pananaw at pag-iisip.
Ang Gabriel na kilala ko ay marunong makipag-kapwa tao, at marunong umintindi
sa nararamdaman ng iba.. Ang Gabriel na kilala ko ay mapag-kumbaba, hindi
mapag-mataas.”
Tiningnan
niya ako at sabay sabing..
“Pero ikaw..”
“Masyado ka
naging mapagmataas. Hindi ka na marunong makipag-kapwa tao, hindi mo man lang naisip
na meron ding mga pakiramdam yung mga taong nasasaktan mo, kahit ba sabihin
mong nasaktan ka din nila, sana naisip mong may mga pakiramdam din sila. Yung
kay Steph, sinira mo ang kabuhayan nila Gabriel, hindi ka tumigil hangga’t
hindi ito sumasadsad sa lupa. Puro paghihiganti na lang ang nasa-isip mo anak..
Wala na bang puwang ang Awa.. at Pagmamahal sa iyo?? Ano bang nangyari sa iyo??” ang medyo matigas
na sabi ni Aling Minda.
Natahimik ako
sa mga katagang binitiwan ni Aling Minda, parang kutsilyong paulit-ulit na
sumasaksak samga puso ko ang salitang iyon. Tama siya, nagbago na ako.
Ibang-iba na ako.
“Tuluyan na
bang nawala ang Gabriel na punung-puno ng pagmamahal? Kasi sa nakikita ko… Wala
na ehh… Wala ka ng tiwala doon.. Parang wala na lang sa iyo yun.. Puro Galit..
Puro paghihiganti na lang ang natira sa iyo.”
“Aling
Minda.. H-h-hindi po totoo yan..” ang sabi ko.
Tumayo si
Aling Minda at umalis papunta sa kwarto nila. Bago pa man siya tuluyang
makaalis ay..
“Anak.. Sana
lang, hindi dumating ang araw.. na kinatatakutan ko para sa iyo.. Ang araw na..
na magigising ka na lang.. wala na ang lahat sa iyo..” at tuluyan siyang
umalis.
Tuluyan ng
pumatak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigil, umakyat ako ng kwarto at
nadatnan kong wala doon si Ace. Hindi ko namalayan, humarap ako sa salamin,
tiningnan ko ang sarili ko.
Nakita ko sa
salamin ang isang lalaki.. Isang lalaking… Hindi ko kilala… Oo ang ganda ng
ayos ng lalaking ito, wala kang maipipintas sa panlabas niyang kaanyuan, pero
ng tingnan ko mabuti ito.. nakita ko ang matinding poot na nasa loob niya..
Poot na unti-unting kumakain at pumapatay sa dati niyang pagkatao.
“You know
what? You’re much better 3 years ago.. Kasi.. Kahit ganoon yung taong yun,
kahit medyo madungis siya, kahit madaming kapintasan sa kaniya… mahal na mahal
siya ng mga taong nasa paligid niya.. ng mga taong mahal niya.. Ngayon?? Wala..
Lahat.. Galit sa iyo.. Lahat.. kinamumuhian ka..” ang sabi ko habang nakaharap
sa salamin at tuluyan na akong Humagulgol.
Unti-unting
nag-flash back sa isip ko ang mga nagawa kong mali simula ng umuwi ako galing
US.
Muli ay
tumingin ako sa salamin at sabay sabi ng..
“Ako si
Gabriel… Gabriel Alvarez Montenegro ang pangalan ko… Mabuting tao ako..
Mapagmahal… Maunawain… Mapagpasensya… Mapagkumbaba…. At hindi marunong manakit ng iba..” ang sabi
ko habang umiiyak na parang bata. Parang noon kapag inaapi ako.
Pero ng muli kong
maisip ang mga nagawa kong mali ay..
“Mabuting tao
pa ba ako?? Mapagpakumbaba pa ba ako?? Mapagpasensya pa ba ako?? Nauunawaan ko
pa ba ang nararamdaman ng ibang tao o sarili ko na lang nag iniisip ko?? May natitira
pa bang pagmamahal dito o puro galit at poot na lang???” at lalo pang lumakas
ang pag-iyak ko.
Hindi ko
namalayan at kinuha ko ang Flower vase na nasa tabi ko at binato iyon sa
salamin. Nabasag ito at kasabay noon ay nag pagluhod ko sa kinatatayuan ko.
Muli ay
tiningnan ko ang salamin, naalala ko ang eksenang ito 3 taon na nag nakakaraan.
Iyon ay nung panahon na akala ko ay napagtaksilan ako ni Jared dahil kay Ely.
“Diyos ko ano
bang nangyari sa akin??” ang naitanong ko sa sarili ko.
“Diyos ko..
Patawarin niyo po ako.. Sana po maintindihan ninyo.. H-h-hindi po ako masmaang
tao.. Hindi po ako masamang tao..” ang humahagulgol kong sabi.
“Nagagawa ko
lang naman po ang lahat dahil… dahil sa mga pang-aalipusta nila sa akin.. sa
pagtraydor ng mga mahahalagang tao sa buhay ko.. Diyos ko sana po maintindihan
ninyo..
Minsan po.. naiisip ko.. tama ba ang ginagawa ko?? Pero sa tuwing
naiisip ko ang mga kahayupan nila sa akin.. naiisip kong.. tama ang ginagawa
ko.. dahil lahat ng utang ay binabayaran..”
“Pero bakit
ganito?? Ang lungkot-lungkot ko.. Ang bigat-bigat ng dibdib ko..” at patuloy pa
rin akong umiiyak.
Nasa ganoon
akong pag-iyak ng napatingin ako sa bintana, kasabay nito ay nakakita ako ng
wishing star. Naalala ko ang isang pangyayari sa buhay ko kung saan nakakita
din ako ng ganoon, yun ay ng makilala ko si Jared. Nag-wish ako na sana ay
magbago ang buhay ko at nangyari nga, sobrang daming pagbabago ang naganap.
Pumikit ako
at muli ay humiling..
“Sana..
Sana.. Sana mawala na ang galit na nandito sa Puso ko.. Sana bumalik na ang
dating ako.. Sana magising na ako sa katotohanan.. Sana mamulat na ang mga mata
ko sa liwanag.. Sana matapos na ang lahat ng Poot.. Lahat ng paghihiganti..
Sana matapos na..” ang nasabi ko.
Pagdilat ko
ng mga mata ko ay muli tumingin ako sa salamin.. Hindi ko alam ang magiging
reaksyon ko.
Ilang sandali
pa ay may nadinig akong bumabato ng bintana. Tumayo ako at binuksan ang bintana
upang dungawin ang taong bumabato nito. Nang dungawin ko ang taong iyon ay
laking gulat kong si Jared ito. May dala-dalang sasakyan at may hawak-hawak na
parang mega-phone. Dagdag pa dito na merong bag sa may paanan niya.
“Gab! Halika,
bumaba ka..”
“Bakit??
Gabing-gabi na ahh. At bakit ka ba bato ng bato diyan, pwede mo naman akong
tawagan.” Ang sabi ko kasabay ng pagpunas ko ng luha.
“Hello.. Gabby..
Check your phone, kanina pa ako tumatawag. O baka naman hindi mo talaga
sinasagot?”
Nang tingnan
ko ang cellphone ko ay laking gulat kong nakita ay 31 missed calls mula sa
kaniya.
“Sira ulo ka
naman kasi ehh.. Gabing-gabi na nambubulabog ka pa.” ang sabi ko.
“Sige na..
Baba ka na dito please?” ang sabi niya sabay pagpapa-cute.
“Hindi!!
Ayoko!!! Umuwi ka na Mr. Cruz.” Ang sabi ko dito.
“Sige ka,
paaandarin ko ito para mabulabog ang lahat.” Ang tukoy niya sa hawak-hawak
niyang parang ginagamit sa sirena ng bumbero.
“Hoy. Subukan
mo lang. At isa pa, papaano ka ngapala nakapasok yang sasakyan mo dito ha??
Tresspassing ka ahh.” Ang sabi ko sa kaniya.
“Mamaya ko na
ipapaliwanag kung papaano ako nakalusot sa ‘TIGHT SECURITY’ ng palasyo mo.” Ang
pag-emphasize niya sa salitang ‘Tight Security’.
“Ayoko!!” ang
sabi ko.
“Sige.. Sa
akin na lang itong mga ito..” ang sabi niya sabay labas ng isang damit sa bag
na nasa paa niya.
“Putcha!!!
Akin yan aahh!!” ang sigaw ko.
“Oo sa iyo
ito.. Pati eto ohh..” ang sabi niya kasabay ng pagbukas niya ng bag at lumitaw
ang sandamakmak na mga damit ko.
“What
the--!!!”
“Hahahahaha!!
Bleeehhh!!” ang pang-iinis pa niya.
“Humanda ka
sa akin Jared Earl Cruz pagbaba ko.” Ang banta ko sa kanya kasabay ng
pagmamadaling bumaba.
Habang
bumababa..
“Papaano siya
nakapasok dito?? At ang malaking tanong ay.. papaano niya nakuha ang mga gamit
ko??” ang tanong ko sa sarili ko.
Nang
makarating na ako sa kinatatayuan niya, kita ko naman na wala na ang mga gamit
doon at kita ko din na nakasakay na siya sa may Driver’s seat.
“Hoy Baliw
ka!! Bumaba ka dyan at ilabas mo ang mga gamit ko!”
“Sige.. Sa
Isang kondisyon..”
“Ano?”
“Sumakay
ka..”
“Ayoko!!”
“Edi sige..”
ang sabi niya sabay paandar ng sasakyan.
“Hoy!!
Pakshet ka akin na ang mga damit ko!!” ang sigaw ko sa kaniya habang hinahabol
ang sasakyan niya.
At hininto
niya ang sasakyan, nang maabutan ko siya ay..
“Ang lakas
talaga ng topak mo ano?” ang sabi ko sabay batok sa kaniya.
“Sakay ka
muna.” Ang sabi niya sabay ngiting nakaka-gago.
“Uuuggghh!!!
Ayoko!!”
“Edi sige..
Akin na lang ito.” Ang sabi niya.
Akmang
paaandarin na naman niya ang sasakyan ay..
“Sige na!!
Sige na!! Sasakay na ako!! Leche naman ohh..”
“Ayan!!
Yiihhhiiieee!!” ang sabi niya na parang na-eexcite.
Nang bubuksan
ko na ang pintuan ng sasakyan niya sa may bandang likuran ay..
“Oooopppssss!!!
Hindi diyan.. Dito.” ang sabi niya sabay turo sa tabi ng driver’s seat. Sa tabi
niya.
“Uuuuggghhh!!!!”
ang sabi ko kasabay ng pagdadabog.
Nagpunta
ako sa harap at binuksan ang pinto nito.
“Oh
ayan na.” ang sabi ko.
“Sakay.”
ang sabi niya.
“Ayaw..”
ang pagmamatigas ko.
“Edi
sige..” ang sabi niya tangkang paaandarin nanaman ang sasakyan.
“Oo
na!! Eto na!! SIGE NA!!! ANAK NG PUTCHA NAMAN OHH!!” ang sigaw ko.
“Hahaha!!
Ang Cute mo talaga kapag naiinis. Kaya gustong-gusto kitang bwisitin ehh..” ang
sabi niyang natutuwa pa habang sumasakay ako.
“O
nakasakay na ako.”
“Isara
mo!” ang sabi niya.
Nang
isara ko ang pinto ay tumingin ako sa kanya, kita ko naman ang Abot tenga niyang
ngiti.
“HHHEEEEEEEE!!”
ang sigaw ko dito.
“CHHHEEEEEEE!!”
ang sigaw naman niya, with matching arte-arte ng pag-pronounce ng ‘che!’
“Yack!!
Di bagay sa iyo!”
“Nye!
Nye! Nye!” ang pang-iinis niya. Ginagaya niya kasi ako noon kapag naiinis
ganyan ang reaksyon ko.
“Oh..
Ang gamit ko, asan na.”
Ngunit
imbis na ibigay ang mga gamit ko ay bigla niyang pinaandar ang sasakyan,
papuntang exit ng Mansion ko.
“Hhhhhoooyyyy!!
Talaga palang ang lakas ng topak mo ehh ano??” ang pagsisigaw ko.
“Hahahaha!!
Ngayon wala ka ng kawala.” Sabi niya sabay ngiting pilyo. Hhhmmm..
“Oh
well.. Tingnan natin kung makakalabas ka ng Gate ko at ng Compound namin.” Ang
pagyayabang ko.
Pero
laking gulat ko ng nasa may Gate na kami ng Bahay ko. Pagtapat ng sasakyan sa
Gate ay binuksan ito ng security at sumigaw pa ng.. “Enjoy Sir!!”
“What
the heck!?!?” ang sigaw ko.
“Hahahahaha!!”
Nang
makarating kami sa Gate ng compound ay ganun din, pinalabas si Jared ng walang
kahirap-hirap, walang sabi-sabi.
“Paano
nangyari iyon??” ang tanong ko.
“Alo
pa!!”
“For
God’s Sake Jared, this si Kidnapping.”
“For
God’s Sake Jared, this si Kidnapping.” ang pag-gaya niya sa akin.
“I’m
serious, kakasuhan kita!! Kidnapping at.. pagnanakaw!!” ang sigaw ko dito.”
“Sige..
Edi kasama sa kaso si Enso.”
“Ha!?!?”
ang gulat na gulat kong sabi.
“Si
Enso ang nagpapasok sa akin sa Palasyo mo. Si Enso din ang nag-empake ng mga
gamit mo.”
“So
kakuntsaba mo pala ang bata.”
“Hindi
na bata yun, damulag na iyon.” Ang sabi ni Jared.
“Whatever.
Saan mo ba kasi ako dadalhin??”
“Sa
Langit.” Ang sabi niya sabay ngiting nakaka-gago.
“Pota
naman ehh!! Saan nga!!” ang pagsisigaw ko.
At
tawa siya ng tawa sa reaksyon ko.
“Sige
tumawa ka pa..”
“Ang
sarap mo kasing inisin.”
“SAAN
NGA TAYO PUPUNTA!?!?” ang sigaw ko na dito.
“Basta..
Magugustuhan mo ang lugar na ito.”
“Ayoko!
I-uwi mo n ako.” Ang sabi ko.
At
hininto niya ang sasakyan.. Paghinto ng sasakyan ay bigla niyang hinawakan ang
kamay ko sabay sabi ng..
“Gab..
Please?? Hayaan mong makasama kita ng ilang araw.. Please, kahit ngayon lang…”
ang pagmamakaawa nito.
Kita
ko ang pagka-seryoso ng kanyang mukha, naisip ko din nab aka eto na ang umpisa
ng pagbabagong hiniling ko kani-kanina lang kaya..
“O
sige na!!”
“Yes!!
Thank you Gabby ko!!” ang sabi niya sabay kiss sa pisngi ko.
Sa
totoo lang, nakaramdam ako ng kuryente doon. In short, kinilig ako. Haayy..
Ilang
sandali pa ay napansin kong tumigil kami sa isang lugar na hindi ko ine-expect.
“Wait..
Bakit tayo nandito?” ang tanong ko.
“Anong
nandito?” ang tanong niya.
“SA
AIRPORT!!!!” ang sigaw ko sa kanya.
Kita
ko naman na tawang-tawa siya sa naging reaksyon ko.
“Basta,
may pupuntahan tayo.” Ang sabi niya sabay kindat.
“Saan??”
“Basta..
Sama ka na lang sa akin.”
At
ayun na nga, pumasok kami sa Airport, dala-dala ang mga gamit namin. Pansin ko
na napakalaking Bag ang inihanda ni Jared para sa aming dalawa. Nagulat din ako
ng inilabas ni Jared ang Passport ko.
“What
the heck!?!? Nasa iyo yan?”
“Oo,
pinahanda ko kay Enso.”
Habang
nag-hihintay ng flight, kita ko na meron siyang inilabas na dalawang plane
ticket at agad din niyang binalik ito sa bag.
“Jared,
san mo ba talaga ako dadalhin ha?” ang medyo naiirita ko ng sabi.
“Basta..
Gusto ko, malalaman mo na lang kapag nandoon ka na.” sabay ngiti.
“Eh
papaano ba yan, pwede kong makita yan sa ticket ko.”
“Nope!
I’ll hold your ticket.”
“Edi
itatanong ko sa Flight attendant or kahit sinong Staff.”
Tiningnan
niya ako at sabay sabi ng..
“Kapag
ginawa mo yan, hindi mo malalaman ang kasagutan sa tanong mo.” Ang pananakot
niya.
“At
ano naman yan ha? Wala naman akong tinatanong sa iyo ahh.”
“Di
ba gusto mong malaman ang ama ng anak ni Ely?” ang diretsong sabi niya.
Para
akong naging istatwa sa nadinig ko, iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.
“P-pwede
ko naman tanungin mismo yank ay Ely.”
“Kapag
ginawa mo yan.. OR!! Kapag tinanong mo kahit kanino dito kung saan tayo
pupunta, ibig sabihin hindi mo ako mahal.. Ibig sabihin.. wala na talaga Gab..”
ang sabi niya.
Ewan
ko kung bakit niya sinabi iyon.Pero sa totoo lang ay natakot ako. Dahil ang
totoo niyan ay mahal na mahal ko siya. Kaya naman sumunod na lang ako, nagpasak
ako ng earphone at nakinig na lang ng kanta. Pero naisip ko din na malalaman ko
yan kapag nag-board ang plane.
“Hay!!
Ewan!!” ang sabi ko sa isip ko.
Makalipas
ang ilang oras ay..
“Gab,
tara..” at hinatak niya ako papunta sa isang Gate.
Dire-diretso
kami papasok ng eroplano. Sa bungad nito ay binate kami ng mga flight
attendant.
“Good
Evening Mr. Erick Alvarez and Mr. Jared Cruz.” Ang bati sa amin.
Nagulat
ako dahil kilala ko ang mga flight attendant na iyon, iyon ay ang mga
nag-seserve sa akin kapag nagpupunta ako sa iba’t-ibang bansa sa private plane
ko. At mas nagulat nang makapasok ako sa loob ng eroplano, dahil……
“Jared..
Is this.. WAIT!!! Eto yung Private plane ko ahh.” Ang gulat na gulat kong sabi.
“That’s
right! Eto din yung sinakyan mo pauwi galing US di ba?” ang sabi niya.
Tiningnan
ko siya bakas sa mukha ko ang pagkagulat sabay sabing..
“Papaano
mo nalaman yan?? At papaano mo nalaman na may private plane ako?? Papaano mo
din nakuha ito para sa atin??” ang hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Imbis
na sumagot ay tuimingin siya sa mga mata ko kasabay ang paghawak sa kamay ko.
Hinawakan naman ng isa pa niyang kamay ang mukha ko sabay sabing..
“Kung
mahal mo ang isang tao, kahit mahirap, kahit impossible, lahat gagawin mo para
mapaligaya siya.” Ang sabi niya sabay ngiti.
Ako
naman ay kilig na kilig, iniwas ko ang tingin ko sa kanya at dinako sa bintana.
“Uuuyyy…
Nag-bublush ang Gabby ko.” Ang pang-aalaska pa niya.
“Baliw!”
sabay batok dito.
“Papaano
nga nangyari ito??” ang medyo malakas kong tanong sa kaniya.
“Habang
ginagawa ko ang office work ko, nag-reresearch ako about sa company mo.. At sa
iyo. Natuklasan kong hindi lang basta mga Hotel ang negosyo niyo, ang kumpanya
niyo ay nagmamay-ari din ng isang sikat na Mall. Dagdag pa dito ang kinagulat
ko, may-ari din kayo ng isang Airline. Nabanggit din ni Enso sa akin na eto daw
ang sinakyan niyo papuntang US at eto din ang sinakyan mo pauwi. Nakuha ko
naman ito dahil din kay Enso, kilala siya dito so hindi naging mahirap ang
lahat.” Ang sabi niya sabay ngiti.
Hindi
na lang ako nakakibo. Syempre, na-touch ako sa ginawa niya, ibang klaseng
surprise ito ha! Hehehe. Habang nasa byahe, excited na ako malaman kung saan ba
talaga kami pupunta. Hindi ko tinanong sa mga flight attendant kung saan ang
destination namin gawa ng.. ayun na nga, meron akong gustong malaman. At..
Mahal ko naman kasi siya ehh.. Ahihihi!!!
Wala
kaming ginawa sa eroplano kundi magkwentuhan, magkulitan, maglaro sa laptop
niya, at kung anu-ano pa. Magkatabi din kami… natulog.. Hehehe. Uuuyyy. Wag
malisyoso, mabait kami. Hehehe.
Kinabukasan,
matapos ang ilang oras na byahe, sinabihan kami ng isa sa flight attendant na
dumungaw sa bintana dahil mag-lalanding na kami sa aming destinasyon.
Bago
ako dumungaw ay..
“Jared,
ok lang ba?”
“Ang
ano?”
“Ang..
dungawin ko.. kasi kapag dinungaw ko ito, malalaman ko na kung nasaan tayo.”
“Uuuuyyy..
Mahal nga niya ako! Hehehe.” Ang sabi niya sabay ngiting nakaka-gago na labas
ang dimples. Shit!
“Hoy
Mr. Cruz!! Wag kang Assuming!!”
“Hahahaha!!
Eto naman Joke lang..” ang sabi niya na ngiting-ngiti.
“Pero
totoo naman.” Ang bulong pa nito.
“Ano!?!”
ang pasigaw kong tanong sa kaniya.
“Wala!!
Sige na tingnan mo na.”
Nang
dungawin ko ang bintana ay laking gulat ko sa aking nakita. Bumungad sa akin
ang World’s Famous Eiffel Tower. Nakaramdam ako ng sobrang excitement dahil this
time, kasama ko ang taong mahal ko. Haayyy.. Exiciting di ba?
“We’re… we’re…
in.. the.. Most beautiful City in the world!?!?!” Ang gulat na gulat na sabi
ko.
“Meron pa.”
Ang sabi niya sabay ngiti.
Tumingin ako
sa kanya bakas pa rin sa mukha ang pagkagulat.
“Ano naman?”
ang tanong ko dito.
“Paris is
also called the CITY OF LOVE.” Sabay ngiting nakaka-gago.
Aaminin ko,
medyo kinilig ako sa sinabi niyang iyon. Pero kahit ganoon ay hindi ko
pinahalata ito, tumingin ako sa malayo at sabay sabing..
“I know..”
ang sabi ko na lang.
“Yeah, but
this time, hindi ka lang basta nasa City
Of Love.”
“At bakit??”
ang medyo mataray kong tanong dito.
“Dahil
mararamdaman mo ang pagmamahal dito.” Sabay ngiting nakakagago at kurot sa
pisngi ko.
“Aaaarrrraaayyyy
koo!! Putcha ka masakit!” ang sigaw ko.
“Nye! Nye!
Nye!” ang pang-aasar niya sabay dila pa.
“Sarap mo
talagang bwisitin.” Ang dagdag pa niya.
“Ewan ko sa
iyo.”
Ganyan kami
magkulitan ni Jared, yun bang.. Parang
kami dati 3 years ago.
Nang makababa
na kami ng Eroplano ay..
“O saan tayo
ngayon? At nasaan na ang mga gamit natin?”
“Pina-diretso
ko na yung mga gamit sa tutuluyan natin.”
“At saan
naman iyon?”
“Basta.. O
tara na.”
“Saan tayo?”
“We’re on
Paris, and we’re having our adventure.”
Sa loob ng
labing apat (14) araw ay inikot namin ang iba’t-ibang lugar sa Paris. Napadpad
din kami sa katabing mga bansa nito gaya ng Spain at Germany. Naging masaya ang
bakasyon namin, nawala ang lahat ng iniisip at inaalala ko. Nakalimutan ko ang
mga problema ko, pati na rin ang galit sa puso ko. Ngapala, tumuloy kami sa
bahay ko dito sa Paris, doon kami nanirahan sa loob ng 14 araw.
Huling araw
na namin noon at nasa tuktok kami ng Eiffel Tower.
“Papaano ba
yan, uuwi na tayo bukas.” Ang sabi niya.
“I know.” Ang
sabi ko.
“Sa 14 days
na nandito tayo, Nag-enjoy ka ba Gab?”
“Of course..
At mas nag-enjoy ako dahil..”
“Dahil ano?”
ang tanong niya.
“Dahil..”
“Dahil??
Dahil??” ang sabi niya habang nakangiti.
“Dahil kasama
kita.” Ang hindi ko napigilang sabihin sa kaniya.
Kita ko naman
na napangiti siya sa sinabi ko.
“Paki-ulit
nga!” ang sabi nito.
“Ayoko!”
“Hehehe. Pero
mas masaya ako dahil kasama ko ang pinakamahalaga at pinakamahal kong tao.” Ang
sabi niya sabay ngiti na labas ang dimples.
Hindi na lang
ako kumibo, imbis ay tinuon sa malayo ang tingin ko.
“Gab.. I want
to give you something.” Ang sabi niya.
“Ano iyon?”
Iniabot niya
ang kamay niya at binuksan ito.
“It’s.. It’s..”
ang sabi ko.
“It’s our
ring.” Ang sabi niya.
Kinuha niya
ang kamay ko at sinuot ito.
“Jared.. Why
are you doing this?”
“Kasi alam
ko.. Alam kong bumalik ka na.. Alam kong ikaw na ulit si Gab. Ikaw na ulit ang
taong minahal at mamahalin ko habang buhay.”
“Jared..”
“Gab.. Please
answer my question. Mahal mo pa rin ba ako?” ang diretsong tanong niya.
Napatulala
ako sa kanya sa mga oras na iyon, hindi ko akalaing didiretsuhin niya ako ng ganoong tanong.
“Jared
please..” ang nasabi ko na lang.
“Just answer
my question Gab. Hanggang ngayon mahal mo pa rin ba ako?”
Hindi makapagsalita.
“I..” ang
sabi ko.
“Gab.. Look
at me.. Tingnan mo ako sa mata.. Sabihin mo kung mahal mo pa rin ba ako.”
Tiningnan ko
siya sa mata, sa napakagandang niyang
mata.
“Buhay na
buhay talaga ang mga mata niya, ang amo-amo, at.. nag-sspark.” Ang sabi ko sa sarili ko.
“Oo Jared..
Hanggang ngayon.. Mahal na mahal pa rin kita.” Ang naiiyak kong sabi sa kaniya.
Nakita ko ang
napakatamis niyang ngiti, hindi ko pa nakita ang ngiting ito kahit dati.
Hinalikan niya ako sa noo, at pagkatapos ay yinakap niya ako ng mahigpit.
“I love you
too Gab.. I love you so much.. Ang tagal-tagal kong hinintay na sabihin mo ulit
ito sa akin.. tatlong taon Gab.. Tatlong taon akong nangulila sa pagmamahal mo,
kahit akala ko ay wala ka na, umasa pa rin akong isang araw ay babalik ka at
sasabihin ang mga katagang iyan.”
“Kahit kailan
Jared.. Kahit kailan hindi nagbago ang nararamdaman ko. Sa kabila ng poot, sa
kabila ng galit, hindi nawala ang pagmamahal ko sa iyo at kahit kailan, hindi
na mawawala ito.” At tuluyan na akong
umiyak.
Naramdaman ko
din ang luha niya na tumulo sa ulo. Kumalas kami sa pagkakayakap at pagkatapos
ay hinalikan niya ako sa labi. Makalipas ang tatlong taon, muli kong natikman
ang halik ni Jared, mas maalab, mas nakakakuryente, mas masarap.
Pagkatapos ng
halik na iyon ay tumingin kami sa labas, napakalawak, kitang-kita ang buong
Paris sa lugar na iyon. Nasa ganoon akong pagtingin ng bigla niya akong
yinakap.
“Jared..
Gaano mo ako kamahal?” ang bigla kong naitanong.
“Tingnan mo
ang nasa harapan mo, ang lawak niyan di ba? Pero hindi mo pwedeng ikumpara yan
sa nakikita mo ngayon. Because my love for you is boundless, limitless, endless.”
Ang sabi niya sabay halik sa noo ko.
Ngumiti lang
ako at hinawakan ang braso niya.
“I love you
too Jared. No matter how much hatred that I had in my heart, My love for you
will always be enough for me to overcome that hatred.”
Pagkasabi ko
noon ay naramdamaan kong mas naging mahigpit ang yakap niya sa akin.
“I’m so
sorry.. Dahil sa akin.. Nagkaganyan ka.. I’m so sorry Gab.”
“Don’t say
that may kasalanan din ako..”
“Hindi.. ako
talaga eh.” Ang pagpupumilit niya.
“Sssshhh… Tapos
na iyon. Ang importante ay ngayon. I Love you Jar-jar.”
At natawa
naman siya sa tawag ko sa kanya.
“Wow!
Jar-jar! Namiss ko yun ah. Hehehe.”
“Naman!”
“Hehehehe. I
Love you too Gabby ko. Basta lagi mong tatandaan…” at napahinto siya.
“Ano?” ang
tanong ko.
“Lagi mong
tatandaan.. Kung gaano kita ka-mahal. Kahit anong mangyari, ikaw at ikaw lang
ang mamahalin ko.”
At muli ay
binigyan ko siya ng isang halik.
……….
……….
……….
Sa kwarto ng
bahay ko, naka-ayos na kami at matutulog na ng..
“Gab..”
“Yes?”
“May sasabihin
ako sa iyo…”
“Ano?”
Napabuntong
hininga siya at pagktpos ay tumingin sa akin.
“Yung batang
dala ni Ely..”
Nakaramdam
ako ng matinding kaba at takot sa mga katagang iyon. Hindi na ako
nakapag salita dahil parang alam ko na ang sasabihin niya.
“A-anak ko
siya Gab. He’s my son.” Ang malungkot niyang sabi.
Dahil sa
sinabi niya nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Ilang sandali pa ay
binasag niya ang katahimikan.
“I’m so sorry
Gab.. N-n-noong mga panahon ng pangungulila ko sa iyo, ay.. m-may nangyari sa
amin ni Ely. Kung matatandaan mo sa pool di ba? nasabi ko na yan.” Ang sabi
niya kasabay ang pagtulo ng luha nito.
Tiningnan ko
lang siya, hindi pa rin ako makakibo.
“Nangyari yun
bago.. bago siya umalis papuntang states. At inamin niya sa akin na kaya siya
nagpuntang states ay para itago ang bata at wag ng sabihin sa akin.. kaso….” Hindi
niya natapos dahil.
“Sshhh..
Jared.. tanggap ko… Tanggap ko.. Wag ka ng umiyak please..” ang pang-aamo ko sa
kanya.
Para siyang
batang inagawan ng lollipop sa itsura niya. Ako naman ay parang kuya niya na
inaamo siya.
“Gab.. Hindi
lang iyon ehh..”
“Ano??”
Hindi siya
agad nakakibo.. Ilang sandali pa ay..
“Kailangan
kong pakasalan si Ely..”
(itutuloy..)
This is my first time to post here in your blog though I've read your stories from the first until this.
ReplyDeleteAt first, I liked Jared in the story until came the day when Gab saw something between Ely ang Jared which made Gab go to the states.
And after all the hardships to win Gab back, after a vacation with just the two of them, Jared then breaks a happy moment for Gab which somehow, Gab saw coming.
What a roller coaster! Just when I thought that they would make up and be together again, Jared confesses something to Gab which led to all his work 'almost' completely gone although he won a part of Gab back.
It's so sad that after Gab got back the pieces of his heart and self, he gets another shattering from the one who broke it the first time.
Gab should forgive Ace, who has loved him, cared for him and done nothing to hurt him. Gab made some faults like his conversation with Steph but at least he never tried to hurt Gab.
Nice job Mr. Author! I like the story though the updates are quite long. I hope that you update more frequently Mr. Author!
Good luck and keep it up!
- Jay! :)
heheeh...anu ba yan...wala bang choice si jared jan? but before that, ung paris yun yung city na gusto kong puntahan but according to my nurse manager, maganda ang eiffel tower pag gabi at may lights xa pero pag daytime typical lng xa na made of iron. hehehehe. going back to the story. ung revelations hindi pa abot langit eh...peace gab...more on flashbacks ksi..which hindi ko na binasa...hahahahah...gab expect ko this week yung next chapter ha...gusto ko rage ang reaction ni gab...ung egotist type...i mean gusto kong mag blurted out xa sa galit...cheng lang...basta keep up the good work...!
ReplyDeleteang tagal kung hinintay ang chapter no ito. Ang tagal ng update pero sulit naman..
ReplyDelete;)hehe
more powers
Walang anuman, Mr. Montenegro a.k.a "Ang Tagapagmana" :)
ReplyDeletePinasadahan ko lang, tinadtad mo yata ng flashback hahaha. Basahin ko ulit pag tapos ng deadline.
I . . . alam mo na :) Salamat din sa lahat.
BTW, ganda pala ng kanta. Ganda, bagay na bagay. Parang, alam mo na :)
ReplyDeleteTampo ako kay whitepal. Pero ok lng. Kahit kinalimutan nya ako, patuloy ko pa din.susubaybayan ang kwento ni Gab... Ingatz po sir author.
ReplyDeleteMr. Cruz, oo alam ko na talaga. Hehehe :)
ReplyDeleteSorry Wastedpup, sorry din sa mga nakalimutan kong batiin. Kung mapapansin niyo po, COPY PAST LANG PO YAN sa isang Chapter ko na may Batian portion. Sobrang nahihilo na kasi talaga ako eh ng ipost ko yan so Sorry talaga.. Di bale, batiin kita patio yung ibang di ko nabati sa next part ;)
ReplyDeleteit is like choosing between some one you love and and your life... ang hirap ng situwasyon ni JARED... bebe gab wag mo naman kaming bibitinin ng bongga as in.. para akong mahuhulog sa upuan pero nawala ang thrill nung last part... hays...
ReplyDeletepero overall ang ganda parin as in... sorry 'bout the song naka offline reading ako eh kaya di ko napakinggan next time pakinggan ko siya swear
sh*t ang ganda! Next na! Basta maganda yun lang ang masasabi ko! Hindi nga yata para sa isat isa si jared at gab, parang yung mga dad nila b4. So sad :(
ReplyDelete--ANDY sh*t ang ganda! Next na! Basta maganda yun lang ang masasabi ko! Hindi nga yata para sa isat isa si jared at gab, parang yung mga dad nila b4. So sad :(
--ANDY
good job kambal..... sorry ngayon lang nag comment kasi ngayon ko lang nabasa... finals kasi namin this week eh kakatapos lng nung wednesday...ahahahahhaha good job..... keep up the good work...ahahahahha...worth waiting yung story....hahahah sobrang haba...wahahahahah
ReplyDelete., grabe .. roller coaster talaga xD .. nakakahilo . minsan sobra nang saya tapos bigla bigla magiging malungkot xD .. amphnesss!!
ReplyDeletexD
kuya white pal ilang cpater pa po ba meron ang book 2 ty poh
ReplyDeletesuper tagal ng upadata 1 update every month....haizzz what kind of ewan baka me msabi pa aq....haizz so tired of waiting
ReplyDelete@Anonymous (preceding this comment): Grabe naman. Consider the fact na marami ring ginagawa ang isang writer. I think you should learn to appreciate what the writer can give in his own time, and respect his pacing when it comes to posting updates. Hindi naman kasi basta-basta ang pagsusulat. Hope you ponder on this.
ReplyDeletehahay....
ReplyDeletenext na po... hehehehe... ganda nito...
iyakan to the max...
sana c ella nlng at gab...
-mars
i knew it!!!
ReplyDelete