Tuesday, July 17, 2012

Bullets for my Valentines- Part 2

Author's Note: sa lahat po ng mga nagbasa... maraming salamat po... Yung update ko po sana nung sunday pa kaso tambak yung gawain po kaya ngayon lang po nakapag update....
ro.. salamat sa comment.
Para po sa mga readers ko... maraming salamat po... lalo na po sa mga kakilala ko na dati pa.... hope tuloy tuloy lang po kayo....

special mentions:

AJ, ei,, eto special mention ka.. salamt sa tag nga pala... hahah... yung ga story na pinababasa ko sayo.. magagnda yang mga yan... salamt sa pagbabasa ah..... hahahha.... enjoy reading my favorite reader.... :))

Mark13, nalito ka pala sa flashback.. yaan mo poi aayusin ko po... hehehe

Lemlem, maraming salamat.. eto na yung iniintay mo po.. salamat po... hahah'

Randz of QC, ei bro.. salamat sa pagbabasa.... hope makita ko ulit comments mo..

Vinz_uan... ei bro.. salamat din po sa pagcomment...

@jhatzkie, ei bro... salamat po sa comment.... Dylan na lang po.. bata pa naman po ako... heheheh....unless your 16 below.... hahaha.... salamat sa pagcomment ah...

@brenthotz 81.... salamat din bro sa pagcomment...

sa iba.. salamat po.. sa mga silent readers dyan... hahaha

add me on fb at paki follow blog ko.. maraming salamat po...

Always here,

Dylan Kyle Santos


_______________________________________________________________

[AJ’s POV]


“Ano ba naman yan? Yun lang pala ang sasabihin mo.” Sabi ko.


“Kailangan kong malaman kung sino yun. Naku, lagot sa akin pag nalaman ko kung sino yun.”


“Masyado kang exaggerated.”


“Bakit ba? Nagtataka nga ako sayo eh.”


“Oh bakit naman?”


“Hindi ka ba nagkakagusto sa kanya? I mean kahit crush lang?”


“Iba-iba kasi ang preference natin sa mga tao. Pati ewan ko ba, walang epekto yang crush na crush yan sa akin pag tungkol sa kanya.”


“Ang taray ng sagot ha.”


“Dami mong alam talaga.”


“Sige na. Kakain pa ako. Bukas na lang tayo mag usap ha.”


“Sige-sige. Agahan mo ang pasok mo ha.”


“Bakit naman?”


“May gagawin tayo.”

“Naku mamaya kung ano na naman yan ha?”


“Basta pumasok ka na lang.”


“Oo na.” At pinutol na niya yung tawag. Agad akong bumaba dahil sa gutom.


Sermon naman ang inabot ko kay mama dahil daw ang tagal ko bago bumaba. 

Sinuhulan ata to ni ate kaya ganito si mama eh. 

Ilang sandali lang eh dumating naman si papa. Sabay-sabay na kaming kumain.

Kamustahan naman ang naganap sa hapagkainan. 

Tawanan at bonding, yan ang ginawa namin buong gabi. 

Minsan lang kasi mangyari to dahil sa busy na kaming lahat.

Akala ko nga di na muli mangyayari ito eh.

 Lalo na nung lumabas ang totoo kong pagkatao. Halos hindi ako kausapin noon nila mama. 

Muntikan na talaga akong umakyat sa stage noong gaduation na walang magulang at tanging si ate lang ang mag sasabit sa akin ng karangalan.

Buti na lang talaga at nahabol pa at naagapan. 

Kung hindi dahil sa nangyari sa akin, hindi pa magiging okay ang lahat.


“Anak halika nga.” Tawag sa akin ni papa.


“Bakit po?” bigla niya akong niyakap at pinaupo sa tabi niya.


“Kamusta ka na pala?” tanong nito.


“Uhm. Ayos naman po. Ayun, kahit papaano iniingatan ang scholarship. Pahirap ng pahirap yung curriculum pero ayos na rin po. Para sa inyo kakayanin to.” Sagot ko.


“Aysus. Talaga lang ha.” Singit ni ate.


“Inggit ka lang. Wag ka nga.”


“Che.”


“Eh yang puso mo?” nanahimik ako bigla.


Lahat kami natahimik. 

Di ko alam kung sasagutin ko ba o hindi ang tanong ni papa. 

Ang hirap din naman kasi eh.


“Wag mo ng sagutin, alam ko na ang sagot.”


Naging seryoso ang mga mukha nila. 

Binato ko ng unan si ate para mawala ang kaseryosohan.


“Ate ang panget mu, hindi bagay sayo ang seryoso.”


“Aba, talaga namang.”


“Bleh.” At todo harutan na kami.


Kay saya ng pakiramdam na may pamilya ka na ganito. Masaya, tanggap ka at kaya kang intindihin. 

Nabiyayaan ako ng pamilya na siyang kayang yumakap sa akin kapag lumalagpak ako.

Kahit na hindi ko man masabi ang mga bagay-bagay alam kong alam nila ang bawat kasagutan sa mga bagay-bagay na tungkol sa akin.


“Anak. Nandito lang kami para sayo ha.”


“Opo.”


“Teka, may nagpapatibok na ba ulit jan sa puso mo?”


“Naku ma wala wala ha.”


“Yung totoo.”


“Promise, cross my heart, hope to die.”


“Okay sabi mo ha. Pero kung sakaling meron ipakilala mo agad sa amin ha. Kikilatasin muna namin.”


“Oo naman.”


“Kung manliligaw siya sabihin mo dito sa bahay. Hindi kung saan-saan.” Sabi ni papa.


“Ay si papa may ganun?”


“Naman. Siyempre anak kita eh. At tsaka ayoko ng maulit yung nangyari dati na nailagay mo pa ang sarili mo sa kapahamakan. Mahal ka namin anak kaya mas gusto naming ganyan ka kesa namang hayaan ka naming mawala sa piling namin.” Niyakap ko silang dalawa ni mama ng sobrang higpit.


“I love you too. Yaan po ninyo magtitino po ako at uunahin ko muna ang pag aaral. Kung dumating man yung taong magpapatibok ng puso ko, agad-agad sasabihin ko po sa inyo.” 

Ipinagpatuloy na lang namin ang panonood ng TV.


[Chad’s POV]


Kakatapos ko lang tawagan ang best friend kong si AJ. Masaya ako na nagkaroon ako ng best friend na tulad niya. 

Ilang beses na kasi akong nasaktan ng dahil sa mga bestfriend.

Di mo alam kung san ka ba lulugar ng ayos. 

Yung feeling na wala kang matakbuhan kapag may problema ka. 

Aminado naman ako na nagkagusto ako kay AJ noong una.

Sino ba ang di magkakagusto sa kanya eh mabait na, gwapo pa, ganda ng katawan at mapagkakatiwalaan pa. 

Buti na nga lang at hanggang dun na lang yun kasi mamaya kapag nainlove ako sa kanya ay magkaaberya na.

Habang nag facebook ako, di sinasadyang makita ko ang isang group of people. Isang group na kung saan kapareho namin ng sexuality.

Naging interesado ako kaya nag ask to join. Agad naman nag respond at inaccept ang request ko. Same place lang din pala. 

Alam na ng pamilya ko kung ano ako ngayon.

Simula ng pagkabata kasi eh alone ako at di mahalubilo sa iba. Buti na lang at lumakas ang confidence ko kaya ganito ako katoka.

Hindi naman ako tulad ng iba na masyadong makapal ang mukha na kung kani-kanino nakikipag usap na darating sa punto na kahit sa di kakilala eh handang makipag usap.

Tourism Management ang kinuha ko dahil na rin sa isa ito sa gusto ni mama noon. Pangarap kasi niya dati na mag Tourism Management.

Si papa naman eh engineer ang gusto sa akin, pero kapag makita ko pa lang ang sine, cosine, derivatives at kung anu-ano pa, halos mawala na ako sa katinuan.

Di ako ganun katalino tulad ng best friend ko pero at least naranasan ko namang mapasama sa top. 

7th honorable mention naman ako nung nag graduate ako. Not bad after all

And besides, pinaghirapan ko yun. 

Back to the story, 3rd year highschool ako ng matuklasan nila papa kung ano ako. 

Sabihin natin na nahuli nila ako na may kasama sa kwarto at alam mo na kung ano ang scene.

Tatlo pa lang ang nakakarelasyon ko at ang pinakauna ko ang tanging seryoso. 

Hindi naman ako flirt, kaso nga lang, natuto akong makipaglaro. Matapos kasi akong pagpustahan ng first ex-boy friend ko eh nadala na ako.

Tingin ko tuloy na walang mag mamahal sa akin ng totoo. Tapos nangyari pa na sarili kong best friend nagging kaagaw ko pa. What a life?

Mabilis naman akong magsawa sa mga gwapong lalaki. Bihira na lang na mag tagal ang crush ko.sa tingin ko nga si AJ ang pinakamatagal kong naging crush.

Para akong tumama sa lotto ng matagpuan ko tong si AJ. Grabe talaga. Wala ka ng hihilingin pa. Sa dalawang buwan na pagiging mag best friend namin, wala na akong masasabi pa.

Lahat ng bagay pinaboran niya ng dahil sa akin. Ginawa niya ang lahat ng imposible. Handa nga siyang ipag tanggol ako. Tandang-tanda ko pa nga noong mahuli niya ang 3rd ex boyfriend ko eh. Halos patayin na niya ito sa suntok.

Best friends forever ang drama naming dalawa. Hope lang na masuklian ko ang mga bagay-bagay na ginawa niya sa akin.

Habang nag susurf ako sa page eh nakuha ng isang lalaki yung attention ko. Ewan ko ba kung bakit pero kakaiba ang tama nito sa akin. Kung irate ko ang pagkagwapo niya, uhmm, 11 siguro, exage masyado.

Pero sa akin, gwapo siya. Cute kaya ng dimples brown eyes niya. Maputi siya pero di naman gaano kaputi. Ako naman eh di ko maintindihan kung anong pwersa nag udyok sa akin na i-add ang lalaking ito.

Interested na siguro ako dito kaya ganito. Mukhang online ang loko kasi naaccept niya agad ako. Kaya nag post ako sa wall niya.


“Hello. Thanks sa accept bro.” Sumagot naman siya.


“No problem. Thanks sa add bro.”  


Nag kalikot agad ako sa pictures niya at sa info niya. Nakaprivate siguro yung iba niyang photos kasi naman eh tatlong albums lang ang nakashow sa public.

Ng mapadpad ako sa information niya, parang nakakita ako ng magandang pangitain ah. My God, malapit lang pala siya dito sa amin. Kaya nag insist na ako na i-chat siya.


“Saan ka sa ******?”


“Uhm why po?”


“Taga dito din kasi ako. Nagulat lang me.” 


"Ah ganun ba. Uhm diyan lang ako sa ******.”


“Ah ganun ba. Nice naman.”


“Hehe.” Sagot niya. 

Ewan ko ba kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na kunin ang number niya.


“Pwedeng makuha ang number mo?” kinakabahan tuloy ako


“Bakit po?”


“Uhm. Wala lang po makikipag kilala lang.”


“Ah ganun ba? Wait ha, pag isipan ko.” Para akong timang na nag aantay na sana ibigay niya ang number niya.


“Ah okay sige. Eto number ko. 0906*******”


“Sige salamat po. Uhm Chad pala here.”


“Ah. Arkin pala bro.”


“Ah. Nice name. Lang taon ka na?”


“17 po turning to 18 next year”


“Ah ganun ba, nice malapit na ah.”


“Grabe hindi naman ang tagal pa nga eh.”


 “Hahaha. Joke lang. Uhm, nacurious lang ako ha, nakita kasi kitang kasama sa group na ________, so ikaw ba ay uhm... bi?”


 “Ah. Kala ko naman kung ano. Yup po. Bi po ako.”


“Discreet?”


“Alam na po ng parents at friends ko.”


“Ah. Same pala tayo. Nice naman ha.”


“hahaha.” Tanging sagot niya.


Naisip ko tuloy na baka naboboring na tong kausap ako. Nagkwentuhan kami at marami akong nalaman sa kanya. 

Ibinigay ko ang number ko sa kanya. Then yun, sa phone na lang namin itinuloy ang pag-uusap namin.

Grabe ang ganda ng boses niya. Ang lamig sa tenga at nakakinlove. Gwapo na nga ng mukha tapos gwapo pa ng boses. San ka pa.


“Oh bat natahimik ka jan?” tanong niya sa akin sa kabilang linya.


“Pinakikinggan ko boses mo. Gwapo kasi.”


“Wushu. Bola ka pre.”


“Hindi kaya.”


“Uhm. Nakailan ka ng karelasyon?”


 “Uhm. Tatlo eh. Ikaw ba?”


“Ah. Isa pa lang.”


“So, in a relationship kaba ngayon?”


“Ah. Hindi ah. Pero taken parin ang puso ko ng taong yun.”


“Hahaha. Ang corny ha. Pero maswerte ang taong yun sayo.”


“Naku parang hindi din. Kasalanan ko kasi kung bakit kami nag hiwalay. Ako ang maswerte sa kanya. Mantakin mo pinakawalan ko pa.”


“Ah ganun ba, bakit ano ba ang nangyari?”


“Mahirap ipaliwanag eh pero misunderstanding ang lahat.”


“Gaano kayo katagal?”


“6 months kami noon at monthsary namin nung nag hiwalay kami.”


“Aww ang saklap.”


“Yup. Sobra.”


“Kelan ba ang monthsary ninyo?”


“14”


“Ah. So sad. Malas ka kung sa mismong valentines kayo nag hiwalay.”


“You got it bro.”


“Huh?”


“Yeah you got it, february 14 kami nag hiwalay, sa mismong araw ng mga puso.”


“What? Talaga? Awts. Sobrang sakit nun ay.”


“Oo. Sobra. Pero wala na akong magawa eh.”


Napahaba ang usapan namin at di ko namalayan na alas-dos na pala ng umaga.


“Ui pasensiya ka na ha. Ano ba oras ng klase mo mamaya?”


“11:30 pa naman eh. Ikaw ba?”


“9 am. Hahah. Sige tulog na tayo. Magkikita pa ami ng best friend ko bukas. Sige bukas na alng ulit. Tawag ako sayo kapag may time.”


“Okay sige-sige. Good night pare.”


“Good night din.”


At yun natapos na ang pag uusap namin. Kakaibang kilig ang nararmdaman ko kapag kausap ko siya. 

Ano ba yan? Mukhang maiinspire na naman ako. Mala-PBB teens lang

Ilang sandali lang eh nakatulog na ako sa kakaisip sa kanya.


[AJ’s POV]


“Grabe ha, akala ko ba maaga papasok, bakit hanggang ngayon wala pa ring kahit anong anino tong si Chad?” isang oras na akong nag hihintay dito.


Siya pa nagsabi sa akin na 7 am daw ako papasok. 

Nag iisa ako noon sa may bench ng lumapit sa akin si Jaysen.


“Oh anong ginagawa mo dito? Bakit ka nag iisa dito?” tanong nito.


“Siyempre nakaupo. Hinihintay ko kasi si Chad eh ang tagal-tagal niya. Kainis nga eh.”


“Sige samahan na lang muna kita dito.”


“Wag na. Okay lang ako dito. Mas feel kong mapag isa.”


“Okay lang sa akin. Besides wala pa naman akong klase at vacant ko ngayon.”


“Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo. Sige na.”


Pagtataboy ko. Ano ba yan, ano bang gagawin ko para layuan ako ng lalaking ito.


“Itinataboy mo ba ako?”


“Hindi ba halata?” bulong ko sa sarili ko.


“Ano?”


“Sabi ko. Wala. Bakit naman kita itataboy?”


“Nahahalata ko kasi eh. Ayaw mo ba sa akin?”


“Hindi ah. Wala akong sinasabi. Pati bakit mo naman nasabi yan?”


“Hindi naman ako manhid eh.” Biglang naging seryoso ang usapan.


Na guilty tuloy ako. Feeling ko ang bad ko sa ginagawa ko. Nahihiya naman ako sa tao kasi wala naman siyang ginagwang masama pero ganito ang trato ko.


“Hindi naman sa ganun.”


“So ibig sabihin parang ganun na nga.”


“Ah eh. Sort of.”


“Pero bakit? Hindi ko maintindihan?”


Nakita ko ang pagbabago ng kanyang mukha. 

Grabe ang sama sama ng ginawa ko. 

Kailngan kong bumawi.


“OY sorry na. Kasi naman eh.”


“Kasi ano?”


“Ewan ko ba kung bakit? May mga naririnig ako about sayo. Iba-iba. Sabi ng iba play boy ka daw, yung iba naman mabait. Di ko tuloy alam ang paniniwalaan. Ayaw ko kasi sa mga play boy, siguro dahil doon. Pero nakikita ko naman na mabait ka.”


“Wag ka kasi kung kani-kanino naniniwala.”


“Siya sorry na.”


“Nagtataka lang kasi ako na parang lagi mo na lang ako tinataboy?”


“Sorry na nga eh. Paulit-ulit?”


“Oh tinatarayan mo pa ako.”


“Hindi na po?”


“Wala napipilitan lang.”


“Ang daming arte ha.” Biglang nanahimik siya.


“Hoy joke lang. Ito talaga.” Hinawakan ko ang mukha niya at pinisil ang pisngi.


“Ngiti na jan. Cheer up. Sorry na sa ginawa ko ha. Yan okay na ba?”


“Okay na. Sige na. Masakit na pisngi ko.”


“Haha.”


“Ang cute mo pala pag ganyan ka.” Sabi niya.


“Ang alin?”


“Pag nakangiti ka. Saya mo tignan.”


“Ahoy. Mambobola ka pala.”


“Hindi ah.”


“Wushu. Bolero.”


 “Promise totoo ang sinasabi ko.”


“Talaga lang ha. Cute talaga? Hindi ba pwedeng gwapo?” pabiro ko.


“Aysus. Kapal din?”


“Ouch ha. Makapal pala ako.” Tumayo ako at tumalikod sa kanya.


“Joke lang. Siyempre gwapo ka.”


“Ayoko ng napipilitan.”


“Batukan kita jan eh nag tatampururot ka pa jan.”


“Ay mananakit pa ay.”


“Ang drama mo.”


“Ako pa ngayon daw ang madrama.”


“Sige lang.”


“Talaga.”


“Ang adik mo.”


“Mas adik ka.”


“Alam ko.”


“Buti inamin mo.”


“Adik sayo.” Bigla akong natameme tuloy.


 “Ano?”


“Wala.”


“Ano nga?”


“Wala nga.”


“Sabi ko...”


“Ano?”


 “Sabi ko eh.”


“Ano nga?”


“Ah eh.”


“Ang tagal ha.”


“Nagmamadli?”


“Ano na nga kasi?”


“Paano ko ba sasabihin?”


“Ano nga?”


“Ah eh.”


“Sige na nga. Wag na.” Sabi ko.


Hinila niya ako bigla at niyakap.


“Sabi ko adik ako sayo.” Napatigil ako bigla. Itinulak ko siya.


“Hoy PDA yang ginagawa mo ha.” Pabiro ko.


Nagbago ang kanyang mukha.


“adik mo. Natawa ako sa joke mo ah.” Ngumiti na lang siya sa akin.


“Oo buti naman at natawa ka.”


“Hahah. Oo nga eh.” Maya maya narinig ko ang  boses ni Chad.


“AJ!” panawag nito.


“Sige aalis na ako.”


Ewan ko kung bakit nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya. 

Hinawakan muna niya ang kamay ko bago siya umalis ng tuluyan. 

Nahihiwagaan tuloy ako ngayon sa katauhan ni Jaysen.


(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment