Natapos ko na po kahapon ang LMLIA. Naiyak pa ako nung nai-type ko ang last word sa chapter na iyon, plus noong maisulat ko ang "WAKAS". Grabe lang, AT LAST! Hehehe. Salamat po sa lahat ng mga sumubaybay. Gusto ko rin pong magpasalamat sa lahat ng taong patuloy na
sumusubaybay sa una kong story at sa GM's Diary.
Anyway, Eto na po ang Part 16. Muli, maraming salamat sa lahat.
Click here: LOVE ME LIKE I AM CHAPTER GUIDE
----------------------------------------------
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 16: "All For Love"
Hininto ko ang sasakyan sa taas ng
burol, tanaw ko sa di kalayuan ang dating clubhouse ni Ely. Dito nag-umpisa ang
pagbabago sa aking buhay… At maaaring dito rin matapos ang lahat. Tiningnan ko
ang aking orasan, it was 11:55pm.
Bumaba
ako ng sasakyan, dumampi sa aking balat ang malamig na ihip ng hangin.
Napaka-dilim ng paligid. Inikot ko ang mata sa lugar. Madilim ang mismong
paligid ng clubhouse at ang malawak na parking area lang ang maliwanag gawa ng
mga street lights na nakatirik sa lugar.
Habang
iniikot ko ang aking mga mata’y nakita ko ang isang babaeng nakatali sa isang
poste sa gitna ng parking area. Bigla kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib,
parang nanghihina ang aking mga tuhod sa nakita. Agad akong tumakbo pababa sa
lugar na iyon.
Nang
makalapit ako sa kanya’y hindi ko napigilang maluha, agad kong nakita ang
duguang braso’t binti nito. Parang hampas ng latigo ang sanhi ng kanyang mga
sugat. Nakatakip ng itim na masking tape ang kanyang bibig. Napaka-pula ng
kanyang mga mata, bakas dito ang sobrang hirap. Parang dinurog ang aking puso, awang-awa
ako sa kanya at sa anak namin. Hindi ako makahinga ng maayos. Tinanggal ko ang masking
tape na nakatakip sa kanyang mga bibig.
“Ella…
Ella.” Habang patuloy ang pagtangis ng aking mga luha.
“Gab…
gustuhin ko mang umalis ka dito, pero naiisip ko kasi ang anak natin… Gab hindi
ko alam…” Sabay hagulgol niya.
“Ssshhh…”
Tiningnan ko ang mga kadenang nakapulupot sa kanya, nakita kong may napakalaking
box na may screen at may keypad dito.
“Paano
buksan ito Ella? Nasaan si Steph?”
Pumikit
si Ella na parang humugot ng lakas. Tumingin siya sa akin. Bakas sa kanyang mga
mata ang pangamba, alam kong gusto niya akong iligtas mula kay Steph, ngunit
gusto rin niyang iligtas ang anak namin. Isa pa kahit wala ang anak namin, wala
rin akong planong iwan siya dito kahit gustuhin niyang umalis ako. Alam kong
ako ang habol ni Steph, hindi si Ella. Ako ang dapat harapin ni Steph, walang
dapat madamay sa away naming dalawa.
“Gab…
Nakita mo ba yung pulang switch sa gilid ng poste na ito? Sa aking kaliwa?”
Tumingin
ako doon at nakita ko ang tinutukoy niya. Tumango ako.
“Kapag
pinindot mo yan, bubukas ang lock sa loob ng clubhouse, hanapin mo raw doon ang
clue sa code ng box na ito para ma-unlock, nasa third floor daw ito sabi ni
Steph, hindi niya sinabi kung saang eksakto pero nandoon daw sa floor na iyon.
Pero Gab. Kapag pinindot mo ang switch na iyan, it will start the timer…”
Napayuko siya at muli’y napahagulgol.
“Timer
ng?”
“Bomb…
May bomba sa loob ng clubhouse Gab… 5 minutes lang yun Gab.” At tuluyan na
siyang umiyak.
Muli
kong naramdaman ang takot sa aking dibdib. Napalunok ako. Ramdam ko ang bilis
nang tibok ng aking puso. It was like a thousand horses running in my heart. My
hands are trembling. Takot man ang namamayani sa aking puso’y hindi ko ito
pinahalata sa kanya. Dapat kong iligtas si Ella at ang anak namin. Kung meron
mang dapat na mamatay dahil sa kasamaan ni Steph, ako yun at wala ng iba pa.
“Ella…”
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at binigyan ng isang ngiti.
“I’ll
be fine okay? Para sa anak natin.” Tumango lang siya, bakas pa rin sa mukha ang
magkahalong takot, lungkot at matinding hirap.
Humarap
ako sa switch, tiningnan ko rin ang clubhouse. Malapit lang ito kung
tatakbuhin, alam kong kakayanin ko ito, para sa anak namin.
Huminga
ako ng malalim at ilang sandali pa’y pinindot ang switch kasabay ang aking
pagtakbo papunta sa clubhouse.
She
was smiling cunningly when she saw the red light blinked in the middle part of
the post, it was a sign that Gab pushed the switch, she knew the game is on.
“It’s time to meet a
painful death Gab. Neither you or Ella, or even your unborn bastard child will
live. Jared is mine and only mine. I will do everything, even if I had to sold
my soul to the devil just to get what I want.” She laughed devilishly.
Habol
hiningang narating ni Gab ang pinto ng clubhouse, agad niyang binuksan ito.
Bumungad sa kanya ang magulong kwarto. Nakita niya ang mga nakabalot na putting
tela sa lamesa at upuan. Nakita rin niya ang mga gallon ng gasulina sa gilid ng
buong kwarto. Agad siyang umakyat patungong third floor, hindi alintana ang takot
at kabang nararamdaman nito. Tanging naiisip na lang niya ng mga oras na iyon
ay mailigtas ang kanyang mag-ina.
Nang marating niya ang
ikatlong palapag ay bumungad sa kanya ang isang malaking screen ng timer.
Nakita niyang may tatlong minute at labing tatlong segundo pa siya para hanapin
ang clue at makabalik sa kinatatayuan ni Ella. He followed his instinct, he
rushed towards the 2nd room to his right, hindi niya maintindihan
kung bakit, he just followed the voice inside his mind. Nang makarating siya
doon ay nakakandado ang pintuan ng kwartong ito. He knew it was a trick, alam
niya ring wala na siyang oras. Kinuha niya ang baril sa kanyang bulsa. Kinasa
ito at tinutok sa maliit na padlock at pinutok.
Nang masira ang padlock
nito’y agad niyang sinipa ang pintuan. Nakita niya sa gitna ang isang malaking
box na may green switch. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, tumingin siya sa
kaliwa at muli’y nakakita ng isa pang timer. He still have two minute and
forty-six seconds. Wala na siyang inaksayang panahon, kahit hindi niya alam ang
gagawin ay agad na niyang pinindot ang green switch. Sa pagpindot ng switch ay
biglang may boses na nagsalita.
“Welcome Gab… Nagustuhan
mo ba ang laro natin?” sabay tawa na parang demonyo. Alam niyang recorded voice
ito ni Steph.
“By now, malamang sa
malamang ay ubos na ang oras mo. Anyway, since naaawa na ako sa iyo, I’ll give
you a hint sa code. My hint is… The day where everything fell into my hands.
Goodluck Gab! Ngapala, yung box na nakadikit kay Ella, sasabog sasabog iyon one
minute and thirty seconds after sumabog ang building na ito. Ikamusta mo na
lang ako kay Satanas.” Humalakhak ito at nawala ang boses.
He was devastated of
what he heard. Nanlumo siya sa narinig, tanggap niya kung siya’y mamamatay na
ng mga oras na iyon, ngunit hindi niya naisip na maaaring madamay ang anak niya
at si Ella. Hindi rin niya naintindihan ang clue, para siyang mababaliw sa mga
oras na iyon. Gusto niyang iligtas ang mag-ina niya ngunit hindi niya alam kung
papaano. Akmang tatalikod na siya upang umalis ay biglang sumarado ang pinto.
Pilit niyang binuksan ito, tinulak, sinipa, lahat ginawa niya ngunit ayaw. Napaluhod
siya’t napatingin sa timer, wala na siyang magawa kundi humagulgol. Nakita
niyang eksaktong dalawang minuto na lang ang natitirang oras bago sumabog ang
gusali. Ramdam na niya ang kawalan ng pag-asa. Napa-upo siya at nanalangin.
“Kayo na pong bahala sa
akin Diyos ko… Okay lang po kung mamamatay na ako ngayon, basta iligtas niyo
lang po si Ella at ang anak ko. Hindi ko po alam kung papaano, pero nakikiusap
po ako, iligtas niyo po sila. Pakinggan niyo po ako, nakikiusap ako.”
Nasa ganoon siyang
pag-iyak nang muli niyang marinig ang isang boses.
“Sa likod.” Boses lalaki
ito.
Napatigil siya sa
pag-iyak.
“Gab, sa bintana, sa
kaliwa.” Sabi naman ng boses ng babae.
Nanlaki ang kanyang mga
mata, kilala niya ang dalawang boses na iyon. Lumingon siya sa kanyang likuran
at nakita niya ang bintana. He knew this is the only way out. Muli niyang
tiningnan ang timer. The timer is down to one minute and twenty-eight seconds.
Walang pagdadalawang isip ay tumakbo siya sa bintana at dumungaw sa kaliwa. He
saw a very thick water pipe, then next to the pipe is a fire exit stairs. Alam
na niya ang kanyang gagawin. He has to cross the water pipe towards the fire exit
to escape.
Ella
was terrified. Nanginginig ang kanyang panga sa kaba na kanyang nararamdaman.
Her heart was about to explode because of so much fear. Hindi niya alintana ang
hirap na kanina pa nararamdaman, ngunit sa mga sandaling ito’y unti-unti na niyang
nararamdaman ang sakit, naramdaman niya ang pagdaloy ng tubig mula sa kanyang
sinapupunan. She screamed.
“Gaaaaaaabbbbbb!!!!!” Her
voice echoed throught the whole place. Alam niyang manganganak na siya.Sobrang
sakit ng kanyang tiyan, she was gasping. Ilang sandali pa’y nakarinig siya ng
napakalakas na pagsabog. Ang madilim na lugar ay nabalot ng kulay pulang
liwanag, a light of fire. Naisip niya ang kinahantungan ni Gab, she was
devastated.
Steph
was laughing devilishly, a laugh of triumph. At last, nakaganti na siya kay
Gab, dagdag pa rito’y ilang sandali na lang ay sasabog ang box na naka-kabit
kay Ella. Everything turned out the way she planned.
Nasa ganoon siyang
pagsasaya nang makita niyang may tumatakbo mula sa likuran ng sumabog na
clubhouse. She was shocked, nanlaki ang kanyang mga mata. She wants to believe
that her eyes are deceiving her, but it’s not. She saw Gab running towards
Ella.
“NOOOOOO!!!!!” Pagwawala
niya na parang baliw habang pinupukpok ang manibela ng kanyang kotse. Ilang
sandali pa’y kumalma siya, naalala niyang may bomba rin sa box na nakakabit kay
Ella. She grinned exultantly with evil in her eyes. Hindi pa tapos ang laro,
alam niyang magtatagumpay siya.
Gab
rushed towards the post kung saan nakakadena si Ella.Pagkatapat sa poste’y
napahinto siya habang ang kanang kamay ay nakahawak sa poste. Ella was
surprised of what she saw. Her face brightens, from a hopeless face full of
despair to a face full of joy and hope. Walang mapaglagyan ang saya na kanyang
nararamdaman nang makita niyang buhay ang pinakamamahal.
“Gab…” She tearfully
said with unmeasurably joy in her eyes.
“Ssshhh… I’m fine.” Gab
said while looking at the box na nakakabit kay Ella. He saw thirty seconds
left. Kailangan na niyang i-enter ang code para mailigtas ito at ang anak nila,
ngunit hindi niya alam kung ano.
“The day where
everything fell into my hands.” Gab whispered.
Naisip niya ang petsa
kahapon kung saan kinidnap ni Steph si Ella, maaaring ito ang sagot sa code.
Ngunit naisip niya pa ang mga past events na nangyari sa kanila. Nakita niyang
fifteen seconds na lang ang natitira. He was about to enter the day yesterday
nang bigla niyang maalala ang nasusunog na kumpanya ng kanyang ama kung saan
muntik na siyang mamatay, 4 years ago.
“April 1, 2003!” He
shouted excitingly. Nagulat si Ella, she gave him a quizzical look, bakas pa
rin sa mukha nito ang sakit na nararamdaman. Gab hurriedly entered the date,
412003. The timer stopped, and the box has been unlocked kasama ang kadena
nito. Walang mapaglagyan ang saya sa dalawa. Gab tearfully hugged Ella. Yumakap
rin si Ella ngunit bigla itong sumigaw, sobrang sakit ng kanyang nararamdaman.
“Gab… Manganganak na ako
Gab…” She said while gasping. Inalalayan ni Gab si Ella paalis sa lugar na
iyon. Wala pang sampung segundo’y may nakita silang rumaragasang sasakyan, it
was approaching them. Hindi sila nakakilos, nasilaw sila ng liwanag mula sa
headlight nito. Ilang sandali pa’y naramdaman nila ang semento. Agad na inangat
ni Gab ang kanyang ulo, nakita niyang katabi si Ella, wala silang sugat o bali
na natamo, sa di kalayuan ay nakita niya ang isang lalaking duguan na
nakahandusay sa sahig. Nakita niya kung sino ito. He screamed in despair.
“Jareeeeeeddd!!!” He
burst into tears. He screamed echoed through the place. He was devastated. Dali-dali
siyang lumapit dito. Nakita niya ang kanyang pinakamamahal, duguan, walang
malay. Nasa ganoon siyang pag-iyak nang maramdaman niyang tumama sa kanyang
mukha ang ilaw. Tiningnan niya ito, nakita niya ang isang kulay itim na Honda
Civic, nakaharap ito sa kanya, medyo malayo ito. Sa bubong nito’y may
nakapatong na mega-phone. Ilang sandali pa’y narinig ni Gab ang isang boses
mula sa mega phone.
“Stupid Jared, hindi
bale, kung hindi ka rin lang mapapasaakin ay mabuti pang mamatay ka na!” She
laughed devilishly. Alam ni Gab na si Steph ang nagmamay-ari sa boses na iyon.
“Ngayon Gab, gusto kong
makita mo kung papaano ko papatayin ang anak mo!” Her voice was full of rage.
Agad niyang pinaharurot ang sasakyan at tinumbok si Ella.
“Elllaaa!!!” Gab
screamed. Pilit na tumayo si Ella ngunit sadyang mabilis ang kotse ni Steph.
Gab was just there, wala siyang magawa kundi panuorin ang mga nangyayari, para
siyang naging estatwa sa kinatatayuan, katabi ni Jared. Akmang tatakbo na siya
upang sagipin si Ella’y biglang may lumitaw na isa pang sasakyan, kulay blue na
BMW, humarang ang BMW sa dadaanan ng sasakyan ni Steph na naging sanhi ng
pagkabangga ng Honda Civic nito sa blue na BMW. Pagkabanggang-pagkabangga ng Honda
civic ni Steph sa BWM ay biglang tumilapon mula sa driver’s door ang isang
lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Gab, alam niya kung kaninong sasakyan iyo, his
hands are trembling, ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Sana’y
hindi ang lalaking iyon ang nakita niyang tumilapon.
Tumayo si Gab at agad na
tumakbo papalapit sa tumilapon na lalaki. At doon niya nakumpirma kung sino
ito, pakiramdam niya’y dumilim ang kanyang paligid.
“Aaacceee!!!” Paghagulgol
niya sabay yakap dito.
Nasa ganoon siyang
pag-iyak nang marinig niyang bumukas ang pinto ng itim na Honda civic, linuwa
nito ang isang babaeng naka-itim na jacket, itim na pants at itim na heels.
Dagdag pa ang kulay pulang scarf na nakapulupot sa kanyang leeg. Muling naalala
ni Gab ang ganitong ayos ni Steph, four years ago, pinagkaiba lang ay ang kulay
ng scarf at ang kulay pulang blouse nito noon. Tumayo siya, makikita sa kanyang
handa na siyang harapin ang mortal niyang kaaway. He’s rage is in different
level, una ang anak niya at si Ella, then si Ace at Jared. Lahat ng mahal niya
sa buhay ay dinamay ng babaeng ito.
Naisip ko si Jared at si Ace, ang
sakripisyo nila para sa akin, simula noon hanggang ngayon, nandyan sila para sa
akin. Hindi nila ako iniwan. Hanggang sa pagsasakripisyo ng kanilang buhay ay
ginawa nila para sa akin.
All for love. I thought.
Hinugot
niya ang isang baril mula sa kanyang bulsa. I didn’t feel any fear at all.
Handa na akong harapin ang kapalaran ko.
"Nakita mo na Gabriel? Nakita mo na kung anong nangyari sa mga mahal mo?" Sabi ni Steph sabay halakhak na parang demonyo.
Itinuon ko ang aking mga mata sa nakahilatang si Jared at Ace. Parang madudurog ang puso kong makita ang dalawang lalaking mahal ko sa lagay na iyon. Rinig ko naman sa likuran ang pagsisisigaw ni Ella. I know she’s in terrible pain.
Dahan-dahan kong inuusod ang aking mga paa upang makalapit kay Steph.
"Nakita mo na kung saan ka dinala ng punyetang pagmamahal na yan ha!" Sabi niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Patuloy pa rin ako sa pasimpleng paglapit ko sa kanya.
"Lagi na lang may nagliligtas sa iyo. Lagi na lang may nag-aalaga sa iyo... But this time, it's different. You're all by yourself." Matigas na sabi ni Steph kasabay ang pagtulo ng luha nito habang nanginginig na nakatutok ang baril sa aking ulo. It was few inches away from me.
“Goodbye Gab!” Naalala kong sinabi niya rin sa akin ito noong pinagbababaril niya ako sa may bangin kung saan muntik na akong mamatay, noon hindi ako lumaban, pero iba na ngayon. Pagkasabing-pagkasabi niya ng katagang iyon ay agad kong sinipa pakaliwa ang baril gamit ang kanan kong paa. Tumalsik ito. Nagulat siya, agad akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng isang sapak. Agad kong hinablot ang kanyang buhok at nginudngod sa may bintana ng kanyang sasakyan, hindi pa ako nakuntento, paulit-ulit ko siyang inuntog doon, linabas ko ang lahat ng galit ko para sa kanya. Habang ginagawa ko iyon ay naiisip ko si Jared, Ace, Ella at ang anak ko.
Nasa ganoon akong pag-untog-untog sa kanya ng bigla niyang inapakan ang aking paa, nabitiwan ko siya dahil sobrang sakit iyon gawa ng kanyang heels. Akmang sasampalin niya ako’y naagapan ko ito, hinawakan ko ang kanyang braso at pagkatapos ay tinuhuran siya sa kanyang sikmura, pinilipit ko ang kanyang braso at pagkatapos ay isinubsob siya sa hood ng kanyang sasakyan. Muli’y sinipa niya ako at tumama iyon sa akin binti, napadapa ako sa semento habang siya nama’y tinumbok ang baril na di kalayuan sa amin. Nang makuha niya ito’y linabas ko ang baril sa aking bulsa, tinutok niya ang kanyang baril sa akin habang ang akin nama’y nakatutok sa kanya, saktong-sakto lang ang pagkakatutok ng mga baril naming sa isa’t-isa. Tumayo ako. Tumawa siya ng parang demonyo.
“So it ends here.”
“Ayaw ko man sa ganitong paraan matapos ang lahat Steph… Pero kung idadamay mo ang mga mahahalagang tao sa buhay ko ay hindi ako magdadalawang isip na kalabitin ito.” Tukoy ko sa baril na hawak ko.
“Nagbago ka na nga… But still, you’re the clown na pinandidirihan ng lahat.”
“Yes… But that clown si stronger and wiser now, and that clown will end everything.”
Pansin ko ang pagdilim ng kanyang mukha.
Pansin ko ang pagdilim ng kanyang mukha.
“Die!!!” She shouted. At umalingawngaw sa buong lugar ang isang putok ng baril. Rinig ko rin ang pagsigaw ni Ella.
Nagulat ako sa aking nakita, para akong naging estatwa. Nakaramdam ako ng matinding pangingilabot, I was terrified. Nakita ko ang dugo mula sa kanyang damit, siya’y bumagsak. Hindi ko ineexpect na makakalabit ko ang baril, walang mapaglagyan ang gulat sa aking mga mata. Ilang sandali pa’y nanginginig kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Enso habang papalapit kay Ella, napansin kong nawalan na ng malay ito.
“Hello Kuya Gab nasaan ka?” Bakas sa kanyang boses ang taas ng tono nito at pag-aalala.
“Enso, magpadala ka ng Pulis at Ambulansya sa dating clubhouse nila Ely sa tagaytay. Duguan si Kuya Jared at Kuya Ace mo, ang Ate Ella mo naman manganganak na pero nawalan na ng malay.”
“Anong nangyari Kuya Gab?”
“It has something to do with Steph, basta Enso, dalian mo kailangan ko na ng tulong as soon as possible… Please En—“ hindi ko natapos ang aking pagsasalita nang makarinig ako ng isang putok mula sa aking likuran, ramdam ko rin ang pagtama ng bala sa aking likod. Nabitawan ko ang aking cellphone. Pilit akong humarap sa pinanggalingan ng bala.Napaluhod ako.Nakita ko si Steph, hawak-hawak ang kanyang tiyan kung saan tumama ang balang mula sa aking baril. Nakita ko ang pagdaloy ng dugo sa kanyang kamay mula sa kanyang tiyan.
“You thought na doon matatapos ang lahat ha?” Bakas sa kanyang boses ang hirap sa pagsasalita.
Ilang sandali pa’y muli niyang ipinutok ang baril at tumama ang bala sa aking tiyan. Akmang babagsak na ako’y naitukod ko ang kanan kong kamay, inangat ko ang aking ulo at binigyan siya ng isang matalim na tingin, senyales na hindi niya ako mapapabagsak ng ganito.
“Lumalaban ka pa rin ha! Tingnan natin, ngayon… Mamatay ka!” She shouted habang ang baril ay nakatutok sa aking ulo. Wala akong takot na naramdaman, handa akong tanggapin ang ano mang mangyari sa akin, ang importante ay ligtas ang lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay ko at malagot si Steph sa batas.
Akmang ipuputok na niya ang baril ay may nakita akong ilaw sa kanyang likuran, napakiwanag nito. Naagaw ng atensyon nito si Steph, lumingon siya at nagsisisigaw. Doon naging malinaw sa akin ang lahat, it’s a white Mercedes car. Sa isang iglap ay nahagip nito si Steph. Napapikit ako, hindi ko kinaya ang aking nakita, kasabay ng aking pagpikit ay siya ring pagbagsak ng aking katawan.
“Gab!” Sigaw ng isang lalaki. Dinilat ko ang aking mga mata at nakita kong nanggaling ang boses sa isang lalaking kabababa lamang mula sa putting kotse na iyon na humagip kay Steph. Nakita kong papalapit siya sa akin, iyon ang huli kong natandaan.
(ITUTULOY)
Next Chapter: "The Decision"
ano ba yan... bitin na bitin...
ReplyDeleteplease post na the next chapter.
Galit kuya Jasper Galit??? Hehehe. Pasencia Egg Cookies naman po, pagka-post ko nito nakatulog na ako sa desk ko pagtingin ko ngayon 5:58am na. Hehehe. May trankaso ako since Sunday then may OJT pa ako so ayan, hina ng katawan ko kaya di makapagpost. Pero DONE na po ang LMLIA.
ReplyDeleteEto na po, ipopost na po ang Part 17! Salamat po sa pagbabasa. ^_^
Sana po wag yonang patagalan ung next nito....
ReplyDeleteGosh,gab npakaintense naman ng chapter n2,tlagang patayan ang nangyari sa knila ni steph.. Sna naman wla ng kontrabida p sa knila ni jared. And i'm thinking bout d title of ur nxt chapter "the decision" may mangy2ri keang ndi mganda,nku aabngan q tlaga e2,hehehe...
ReplyDeletetnx 4d update,gab :))
bat wala pa din po yung part 17 and the epilogue?
ReplyDeletewaaaahhhh. kaloka! hahahaha
wah! asan npo part 17 :((
ReplyDelete