Wednesday, November 16, 2011

Napoleones

By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

Welcome! This is the 1st entry of GM's Diary.

Salamat sa lahat ng taong nakidamay sa sakit na naranasan ko 2 araw ang nakaraan. Salamat sa supporta at pagpapakita ng Concern. Lalong lalo na si Inay Rovi at Tito Dhenxo. Pagpasensyahan niyo na kung nagdadrama ako ngayon ha?? Kagaya nga ng sabi ko dito sa story, hindi ko ineexpect na ganito... Akala ko ayun na.

Anyway, sana po ay magustuhan ninyo ang short story ko.  At kay... PJ, lagi mong tatandaan, kahit anong mangyari, makahanap man ako ng bago (KUNG MAKAHANAP NGA...). You'll always be special to me. Tandaan mo, MAHAL NA MAHAL KITA. T_T

------------------------------------------------------------------ 







Regine Velasquez -kailangan Ko`y Ikaw
Mp3-Codes.com

Isang mahangin at maulang araw. Nakaupo ako sa bandang likuran ng bus kung saan wala masyadong tao. I need a silent place, a place to think.

“Mahal din kita, sa paraang alam ko GM.” ang text niya kagabi.

“Sana mali ang hinala ko. Hindi ko kaya.” ang malungkot kong sabi sa sarili ko.

Tears fell down from my eyes. Tears of fear, fear of losing him.

“All will be fine. Ok?” I told myself.

Kasabay ng biyahe ko patungong SM North ay siya ding paglakas ng hangin at ulan sa labas.

“Sana kabaligtaran ang pinapahiwatig ng panahon.” ang sabi ko ulit sa sarili ko.

Around 5:30 in the afternoon, I arrived at SM North, food court. Umupo ako malapit sa Restroom at ATM Machines, tapat ng ‘Mypao’. Hinintay ang takdang oras ng aming pagkikita.

Sa bawat pagpatak ng oras, lalong tumitindi ang tensyong nadarama ko. Hindi ako mapakali, nagugutom ako pero wala akong ganang kumain. All I want is to see him, and know the truth.

“Bakit kaya ang cold ng texts niya kaninang umaga?” ang tanong ko ulit sa sarili ko.

“At bakit ganoon din yung text niya kagabi?” ang tanong ko ulit.

“Alam ko sa sarili ko na mahal niya ako, alam ko yun at ramdam ko. Pero may mali ehh. May hindi tama sa mga text niya since kagabi.”

While waiting I decided to read his previous text messages to me. Bigla akong napangiti. I remember those times na magkasama kami; nanood ng sine, nagkaraoke kami kahit hindi daw siya kumakanta, tinour niya ako sa quiapo at china town, yung birthday ni Inay FR sa EK, at marami pang napakagandang ala-ala.

Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Inay FR kanina.

“Be Ready...”

Tama siya, I should be ready. Pero ewan ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari at sa nasesense ko.

Before 8 in the evening, I saw a guy with a blue polo, walking towards my seat. He smiled.

“Hi.” I said.

Muli ay ngumiti lang siya. Ngiti na lagi kong nakikita sa kanya.

“Kain na tayo.” Aya niya.

“Ikaw ha, pinapakaba mo ako sa mga text mo.” Ang sabi ko dito.

Pansin ko ang biglang pagseryoso ng mata niya.

“Kain tayo then tsaka tayo mag-usap.” Ang sabi niya.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam pero... Parang tama ang kutob ko.

“Mag-usap na tayo.” giit ko.

“Sure ka?”

Tumango lang ako.

Yumuko siya, huminga ng malalim na para bang humuhugot ng lakas at tumingin ng diretso sa lamesa.

When I looked at his hands, nakita kong hindi niya suot ang singsing namin. Kinabahan na ako.

“Una sa lahat... Gusto kong magpasalamat...” ang paumpisa niya.

“Ok this is it...” ang sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya, ramdam ko ang bilis ng tibok sa puso ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

“Salamat dahil naging mabuti kang Boyfriend. GM, wala akong mapipintas sa iyo. Wala akong masasabing hindi maganda sa iyo, wala kang pagkukulang...”

“Now I know where this is going.” ang sabi ko ulit sa sarili ko na nag-uumpisa ng maluha...”

“Kaya lang kasi...” ang sabi niya na hindi mapakali.

“Hindi ko kayang ibigay yung pagmamahal na naibibigay mo sa akin... Hindi ko kayang ibigay yung buong buo ehh.” ang sabi niya.

“Alam mo, hindi mo naman kailangang tapatan yung pagmamahal ko ehh... Hindi ko hinihinging tapatan mo.” Ang sabi ko kasabay ang pagtulo ng luha ko.

Umiling siya, hawak pa rin ang kamay ko.

“Kasi... Hindi na kagaya ng dati yung nararamdaman ko para sa iyo eh.” ang sabi niya.

Nanlumo ako sa aking nadinig, parang nagdilim ang buong paligid ko. Nabalot ng kalungkutan ang buong pagkatao ko, lalong ding tumindi ang takot na kanina ko pa nararamdaman. Takot na iwan niya ako.

“GM, sana wag mong sisihin ang sarili mo... Wala kang kasalanan... Wala kang pagkukulang... Walang mali sa iyo...” ang sabi niya.

“Kung alam mo lang kung gaano kahirap para sa akin ang desisyon na ito... Kung alam mo lang... Kasi ikaw lang yung taong nagmahal sa akin ng buo, hindi mo ako ginago tapos ganito...” ang malungkot niyang sabi.

Ang sakit-sakit, hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag ang sakit na nadarama ko ng oras na iyon kasi walang kasing sakit.

“Ilang araw pagkatapos ng Birthday niyo ng Tito DL mo... Nabasag yung singsing ko, I mean nagkaroon ng crack...”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko doon, maaaring ang pagkabasag ng singsing ay siya ding pagkabasag ng pagmamahal niya para sa akin. Natanong ko bigla sa sarili ko; Hindi ba kung mahal mo ang tao ay kahit anong mangyari mahal mo pa rin ito?

“Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong pilit kong hanapin ang nararamdaman ko sa iyo ay hindi ko mahanap, hindi ko maramdaman. Kaya noong weekend talagang pinag-isipan ko ito.” Ang sabi niya.

Hindi ako makakibo, patuloy lang ang pagdaloy ng luha ko.

“GM, hindi kita masisisi kung magagalit ka sa akin, kung lalayo ka, o kung itatapon mo yang singsing. Ok lang na magalit ka sa akin basta wag ka lang magalit sa sarili mo.”

“ALam ko GM, kakayanin mo ito... Alam ko matatag ka, alam kong hindi ka kagaya ng sinasabi ng mga magulang mo o ng mga kaklase mo dahil alam kong matatag ka.” Ang sabi pa niya sabay punas sa luha ko.

“PJ, hindi ako galit...” ang sabi ko sabay angat ng kanang kamay kong naka promise sign.

“At kahit anong mangyari, hindi ko aalisin sa daliri ko ang singsing na ito. Hindi ko ito tatanggalin hangga’t may pagmamahal pa ako para sa iyo, na... hangga’t suot ko ito, aasa pa rin akong babalik ka.”

“Alam ko ang pakiramdam ng umasa... Masakit iyon at ayaw kong gawin mo iyon. Naranasan ko na dati iyon at sobrang sakit.” ang sabi niya pansin ko sa mga mata niya ang pagpula ng gilid nito. Alam kong nasasaktan at naiiyak siya. Pinipigilan lang niya dahil gusto niyang magpakatatag ako.

“Basta... Hangga’t meron pa... Suot-suot ko pa rin ito... H-hindi ko tatanggalin” ang sabi ko bakas sa boses ang hirap at paghikbi.

“Yung singsing ko, hindi ko tinapon. Tinago ko. Magsisilbing ala-ala iyon na Minsan sa buhay ko merong nagmahal sa akin ng buong-buo na hindi ako ginago.”

Sa pagkakataong ito hindi ko na kinaya, yumuko ako’t inihilig ang ulo sa kamay naming dalawa na nasa may lamesa. Ilinabas ko ang lahat ng sama ng loob ko ngunit kahit anong iyak ko ay tila walang katapusang sakit ang nararamdaman ko. Nabalot kami ng katahimikan, ilang sandali pa ay...

“Sana... Wag kang lalayo sa mga kaibigan natin ha... Kung lalayo ka, ako na lang ang lalayo..”

“Hindi!! Hindi ako lalayo...” ang sabi ko sabay angat ng ulo at tingin sa kanya.

Tumango lang siya.

“Ikaw... Wag kang lalayo ha...” ang sabi ko halata sa boses ko ang pag-crack nito.

“Oo hindi... hindi ako lalayo.” Sabay punas sa luha ko.

Ilang sandali pa ay napagdesisyunan naming lumabas ng Mall. Hindi na din kami kumain gawa ng nawalan na ako ng gana.

Tahimik kaming naglakad patungong sakayan ng bus, sa gitna n gaming paglalakad ay bigla niya akong inakbayan, akbay na parang dati kapag naglalakad kami.

Pagtapat sa sakayan ng bus ay bigla niya akong yinakap. Sobrang higpit ng kanyang yakap. Kung maaari lang sana'y hindi na matapos ang sandaling iyon.

“Sige na... Sakay na ako...” ang sabi ko.

“Sandali...” ang sabi niya sabay abot ng Napoleones that we both love.

“Kainin mo yan pauwi ha, hindi ka nagdinner eh.”

Ngumiti lang ako.

Before I say goodbye, iniangat ko ang labi ko. As a sign na gusto ko ng kiss... One last kiss before that night end.

He gave me that kiss. A one second kiss that's very meaningful because I know, it might be the last kiss that he can give to me.

After that, tumalikod ako and tears fell down from my eyes.

Sa kalagitnaan ng byahe ay nagtext siya.

“Salamat... Ingat ka.”

Napangiti ako. Kasabay ng pagngiti ko ay muling pagtulo ng luha ko. Kinuha ko ang Napoleones na binigay nya at inumpisahang kainin ito. Unti-unti kong kinain ito, ninamnam ang bawat kagat.

Naisip ko, ang relasyon namin ay parang Napoleones, masarap , matamis, heaven ang lasa ika nga. Pero kagaya ng ibang pagkain ay nauubos din ito, natatapos din kung baga. Ganoon din ang relasyon na meron kami.

Nakakalungkot lang isipin na akala ko siya na dahil alam kong hindi ako gagaguhin ng taong ito, alam kong hindi siya mangangaliwa. Iyon pala, all of a sudden he fell out of love.

Muli ay naalala ko ang mga panahong magksama kami, Masaya, walang problema, at mahal na mahal niya ako. Naalala ko din the last time na nagkita kami before this. Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling beses na magkikita kami na mahal niya ako ay linubos ko na sana.  Kung alam ko lang na iyon na ang huling yakap, halik, at pagsabi niya ng ‘I Love You’ ay linubos ko na sana... Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit.

Alam kong magkaibigan pa rin kami.. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya mamahalin, kung gaano katagal bago ako maka-move on... I don’t know but what I feel now is that... It might take forever... At kagaya ng sabi ko sa kanya, hangga’t suot ko ang singsing sa daliri ko ay patuloy ko siyang mamahalin, aasa na isang araw ay muli niya akong mahalin.


(Next GM’s Diary Entry, Valentine)

Monday, November 14, 2011

Love Me Like I Am (Book 2 Part 10)

Sorry sa 1 month Delay. Anyway, yung natitirang parts ay hindi na ganoon kahaba so medyo mabilis na ang update natin. Eto na ang Book 2, Part 10. Muli ay pasensya na po at gusto kong magpasalamat sa lahat na nagpapatuloy sa pagbabasa.
----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 10: "Realization.."





Tiningnan ko siya at pagkatapos ay tiningnan niya ako.

“Wala kuya.. H-hindi ko alam..”

“Sige.. Hindi muna uuwi ang kuya mo ha?? Hahanapin namin si Gab.. Hindi kami titigil.” Ang sabi ni Jared.

“Sige kuya.. mag-ingat kayo..” ang sabi na lang niya sabay patay ng phone.

“Salamat Ella..” ang sabi ko.

Pagkasabi ko ng salitang iyon ay umikot ang paningin ko at kasabay nito ang pagkawala ng malay ko.


---------------------------------------------
Nagising ako sa sinag ng araw na dumampi sa mukha ko. Pagdilat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang isang kwarto.

“Takte ang sakit ng ulo ko.. Nasaan ba ako??” ang sabi ko sa sarili ko.

Tumayo ako at inikot ang kwarto. Nakita ko ang mga pamilyar na gamit doon. Ang bag, sapatos, mga damit..

“Teka.. Kay Jared itong mga ito ahh.” Ang sabi ko sa sarili ko.

Bigla naman akong kinabahan dahil malamang nakita na ako ni Jared. At alam niyang nagpaka-lasing ako kagabi.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto upang tumakas at umalis. Sinarado ko ang pinto at inikot ko ang mga mata upang mahanap ang labasan ngunit..

“Gising ka na pala..” ang sabi ng isang babae.

Liningon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ella. Parang galling siya sa pag-iyak gawa ng namumula ang mata niya.

“Ahh ehh.. Oo..”

“K-kamusta tulog mo??” ang sabi niya na parang kinakabahan.

“Ok lang..”

“Sige.. Upo ka.. K-kumain ka muna..” ang sabi niya sabay diretso sa kusina.

Umupo ako at inihanda niya ang makakain.

Habang kumakain..

“Ikaw ba nagluto nito??”

Hindi siya kumibo.. Nakatingin lang ng diretso sa pagkain.

“Woi!!”

“O-ohh!!” ang gulat niyang sabi.

“Ikaw ba nagluto nito??”

“Ahh.. Oo..” ang sagot niya na parang kinakabahan.

“Ang sarap ha.. Marunong ka pala magluto parehas kayo ng kuya mo..” Ang natutuwa kong sabi.

Ngumiti lang siya pero bakas sa mata na merong malalim na iniisip.

Nasa ganoon akong pagkain ng..

“G-Gab..”

“Yes??”

“May naaalala ka ba kagabi??” ang tanong niya na kinakabahan.

Nag-isip ako.. at habang nag-iisip ako ay napansin kong ibang damit ang suot ko.
“Ang natatandaan ko lang ay yung nasukahan kita. At woi!! Kanino namang damit ito at parang ang laki naman ata..”

“Ahh.. Kay kuya yan.. Medyo malaki lang pero bagay sa iyo ohh..” ang sabi niya.

Natuwa naman ako. Pero bigla din akong napaisip.

“Teka.. sinong nagpalit ng..”

“Ako.. Syempre, alangan namang hayaan na lang kitang matulog ng may suka di ba??” ang biro nito.

Ngumiti lang ako at ganun din siya.

“Gab..”

“Yes?”

“D-Dapat h-hindi ka na nagpakalasing..”

Muli ay inisip ko ang dahilan ng pagpapakalasing ko.. At naalala ko ang nangyari sa kumpanya. At dahil dito, parang nakaramdam nanaman ako ng depression.

“Wag mo ng isipin Gab.. Dahil kagabi, naayos na nila Kuya at ni Ace ang problema..”

Para naman akong nabuhayan ng loob.

“Ginawan ng kwento ni Ace.. Sinabi na photoshoot lang ang lahat at trip-trip lang yung pagka-sweet ninyo sa bay walk noon at mag-best friend lang kayo. Si Kuya naman, sinabi na meron kayong importanteng appointment sa paris ng tatlong linggo.”

Kahit sinabi ni Ella na ok na ang lahat, hindi pa rin ako kumbinsido. Dahil alam ko, gagamitin ito ng taong gusting magpabagsak sa akin.. at si Steph yun.

“Gab.. wala ka ba talaga natatandaan kagabi??” ang sabi niya na naiiyak.

“Wala.. Ano bang meron Ella??”

Napabuntong hininga na lang siya. Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti at sabay sabing..

“Kahit anong mangyari.. Gab, Ipangako mo.. Na hindi mo bibitiwan ang kuya ko.. Hindi mo siya iiwan at siya lang ang mamahalin mo..” ang naiiyak na sabi ni Ella.

“Ano bang sinasabi mo Ella? Magpapakasal na si Kuya kay Ely. Hindi naman pupwede iyon. Isa pa, best friend mo si Ely at ganun din ako. Hindi pwede ang iniisip mo Ella.”

“BASTA IPANGAKO MO!!” ang sigaw niya kasabay ang pagtulo ng luha niya.

Nagulat ako sa pagsigaw niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.

“Ella..”

“Gab please.. Sa tagal nating magkaibigan, ngayon lang ako hihingi ng pabor sa iyo.. Wag mong bitiwan ang kuya ko.. Kailangan ka niya Gab.. Please..” ang umiiyak na niyang sabi.

Hindi ako kumibo.. Inisip ko ang situasyon naming lahat.. Naisip ko din ang kasal at ang anak ni Jared at Ely..

“Mangako ka Gab.. Please??” ang sabi pa ulit ni Ella.

Nakatignin pa rin ako sa kanya, pilit iniisip ang dahilan ng pabor na hinihingi niya.

“Gab.. Maiintindihan mo din ang sinasabi ko.. Sa takdang panahon..”

“Diretsuhin mo nga ako Ella..” ang seryoso kong sabi.

Naging seryoso din ang mukha niya.

“Meron ka bang alam na hindi ko alam??”

Hindi siya kumibo.

“Meron ka bang alam na HINDI NAMIN ALAM??” ang pagdiin ko.

“Wala.. Gusto ko lang na lagi kang nandyan kay Kuya..”

Napailing ako sa sagot niya. Alam ko may tinatago siya sa akin.

“Basta Gab.. Wag kang bibitiw sa kuya ko.. Kahit ano pang pagsubok ang dumating, kahit ano pang delubyo yan, wag mong iiwan ang kuya ko. Kailangan ka niya at ikaw ang mahal niya.” ang sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Hindi na ako kumibo. Hindi ko na lang din tinanong ang bagay na gusto kong malaman dahil kilala ko si Ella, hindi niya talaga sasabihin iyon.

Pagkatapos noon ay nag-ayos ako, hiniram ko muna ang damit ni Jared, nagpaalam kay Ella at lumabas ng condominium. Sa totoo lang, wala akong planong pumasok ng opisina dahil alam kong sasalubong sa akin ang maiinit na mata ng mga tao kasama ang pambabatikos nila. Sa ngayon hindi ko pa sila kayang harapin. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko hanggang sa maisip ko ang isang lugar na hindi ko pa nabibisita simula ng umuwi ako galling US. Isang lugar na malapit sa puso ko. Sumakay ako ng Jeep patungo sa lugar na iyon.

…..

Malamig, madilim, at walang tao. Nasa labas ako ng aking bahay. Bahay na kinalakihan ko at dating tinitirhan ko at ng mga magulang ko. Dito din sa bahay na ito nabuo ang pagkakaibigan namin nila Jared, Ella, at Ely. 

Papaalis na sana ako ngunit parang merong napakalakas na pwersang tumatawag sa akin na pasukin ko ang dati kong bahay. Dahil dito, tinangka kong pasukin ito. Umakyat ako sa pader at ng makaayat sa taas ay timuntong ako sa sanga ng puno na katabi ng pader at pagkatapos ay ibinagsak ko ang aking paa sa bakuran. Pinakiramdaman ko ang paligid, malamig, madilim, at patay na lugar. Isang lugar na napakaraming ala-ala sa akin. Naglakad ako patungo sa Main door ng bubuksan ko na ito ay napansin kong nakakandado ito.

Gusto ko na talagang umalis dahil hindi naman ako makakapasok ngunit meron talagang napakalakas na pwersang nagnanais na pasukin ang dati kong bahay. Napagdesisyonan kong magpunta sa backdoor at doon pasukin ang bahay. Nand makarating ako ay nadatnan kong hindi nakakandado ang pintuan at ng kabigin ko ito ay hindi din naka-lock sa loob.

“Hindi kaya may nakatira na dito? O di kaya ay may pumapasok?”

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang kusina, puno ng alikabok ang lamesa at mga gamit. Tumungo ako sa Dinning area, nakabalot ng puting tela ang lamesa’t upuan, ganoon din sa sala. Nakita ko ang hagdan patungong 2nd floor. Parang may boses sa utak ko na nagsasabing akyatin ko ito, hindi ko alam kung ano pero sinunod ko iyon. Pag-akyat ko sa taas ay dumiretso ako sa aking kwarto.

Pagbukas ng pinto ay nakita ko ang kama ko. Inikot ko ang aking mata at nakita ko ang upuan, cabinet, at ilan sa mga gamit ko. Nang buksan ko ang cabinet ay lumantad sa akin ang ilan sa mga dati kong damit. Napangiti ako. Nang lingunin ko ang isang parte ng kwarto ay nakita ko ang isang basag na salamin. Bigla kong naalala na binasag ko ito sa apmamagitan ng litrato naming ni Jared tatlong taon na ang nakakaraan. Napansin kong pinagdikit-dikit ang mga piraso ng nabasag na salamin at namangha ako dahil nabuo ito, iyon nga lang ay litaw ang crack na nandito.

Tiningnan kong mabuti ang  salamin at nakita kong may mga dugo ito.
“Malamang dugo ito ng nag-ayos ng salamin, pero sino kaya? Si Mama ba o si Papa?”
Tinitigan ko ang sarili ko sasalamin, nakita ko ang isang lalaki. Isang lalaking naghahanap ng kapayapaan at kalayaan. Isang lalaking unti-unting nagbabayad sa kanyang mga nagawang kasalanan.

“This is it.. It’s pay back time Gab.. You’re about to face the consequences of your actions. Lahat ng nagawa mo kay Steph at kay Jared.” Ang bigla kong nasabi kasabay ang pagtulo ng aking luha.

“Ang kumpanya, ang kasal ni Jared at Ely, at ang unti-unting pagbagsak at pagkasira mo..”

“Hindi naman dapat naging ganito ang lahat ehh.. Kung nakinig ka lang sa kung anong sinasabi ng kunsensya mo.. ng puso mo..” ang sabi ko kasabay ang pag-hagulgol ko.

Matagal-tagal din akong humahagulgol ng..

“You are more than what you have become..” ang sabi ng boses na nanggagaling sa likuran ko.

Itinaas ko ang aking ulo at nakita ko sa salamin ang Kuya Erick.

“K-kuya??”

“Kung nung umpisa pa lang, hindi ka nagpadala sa emosyon mo.. Kung nakinig ka lang Gab.. Hindi mangyayari ang lahat ng ito.. Walang gulo sa kumpanya, walang kasal si Jared at Ely, at wala ang mga pambabatikos sa iyo..”

“Kuya kasi..”

“Kasi ano? Nang dahil sa galit mo kaya nangyayari ang lahat ng ito.. Ito ang kabayaran ng lahat..”

Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng kawalang pag-asa. Yumuko ako at nagpatuloy sa pag-iyak.

“Pero hindi pa huli ang lahat bunso.. Hindi pa..”

Muli ay tumingin ako sa kanya.

“Anong dapat kong gawin??”

“Do what you think is right. Malaki ka na at alam mo kung ano ang tama at mali. Higit sa lahat, sundin mo kung ano ang sinasabi niyan.” Sabay turo sa dibdib ko.

“There’s still hope Gab..” at kasabay nito ay yinakap niya ako.

“Thank you kuya..”

“Hangga’t kailangan mo ako, nandito ako. Hindi kita iiwan..”

Nagising akong nakahiga sa tapat ng salamin. Panaginip lang pala ang lahat at nakatulog ako sa pag-iyak ko.

Nang tingnan ko ang oras ay nakita kong alas dose na ng tanghali. I also check my phone and I receive one text message from Ace.

“Gab, at 1pm may meeting ang board at sana.. Magpunta ka..”

Muli ay tumingin ako sa salamin. At nabuo ang isang desisyon.

Mabilis akong lumabas ng bahay at sumakay ng taxi papunta sa AL-UR Inc building.

This time, naka-casual ako, hindi naka-formal attire. Wala akong pakielam kung ano isipin nila basta i-eexpress ko ang sarili ko sa paraang alam ko at eto yun. Sa pagkakataong ito, hindi si Erick ang makikita nila.. Kundi si Gabriel, pero nandoon ang tapang ng isang Erick Uriel Alvarez.

Pagpasok ko ng building ay bumungad sa akin ang tingin ng mga tao, ngunit wala akong pakielam dito. Dumiretso ako sa Elevator. Ganoon din ang ginawa ko, dire-diretso papuntang meeting room.

Pagpasok ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang nag-aalalab na tingin ng board ngunit wala akong pakielam. Nakita kong nandoon din si Ace.

“Here’s Mr. Erick Alvarez..” ang nasabi na lang ni Ace. Siguro ay napansin niya ang suot ko.
Nagpunta ako sa harapan at umupo.

“So Mr. Alvarez.. Is there anything that you want to say about the issues the company is facing?”

Tiningnan ko sila, isang matulis na tingin.

“Let’s make this straight shall we? Ano ang purpose ng meeting na ito??” ang diretsong tanong ko sa kanila.

Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng buong board. Ngunit merong isang matapang na diniretso ako.

“Ano ba ang namamagitan sa inyo ng trainee mo? Kumakalat na ang tsismis at usap-usapan sa inyong dalawa. Kahit na naglabas na ng statement si Mr. Ace at ang trainee mo.”

Tiningnan ko siya at sabay sigaw ng..

“WALA KANG PAKIELAM SA KUNG ANO ANG RELASYON KO KAY JARED. WALANG SINUMAN SA KUMPANYANG ITO ANG MAY PAKIELAM SA PRIBADONG BUHAY KO!!! NANDITO KAYO PARA MAGTRABAHO, HINDI MAG-TSISMIS NG BUHAY NG IBANG TAO!!!” ang sigaw kong umalingaw-ngaw sa buong kwarto.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay yumuko ang lahat ng tao sa loob ng meeting room.

“So… Is there any other concern? Kung wala na, aalis na ako. I’m a busy person.”

“You’re going to work wearing those clothes?” ang sabi pa ulit ng board member na nambatikos sa akin kanina.

Pa-sarkastiko akong ngumiti sabay sabing..

“What you’re seeing now is me.. THE REAL ME. Ikaw? Bakit ka nagtatago dyan sa suot mo? Bakit hindi mo ibulalas ang mabaho mong pagkatao? Alam ko namang gusto mong makuha ang shares ko sa company at patalsikin ako dito di ba?”

“That’s very unprofessional!!” ang sigaw niya.

“IKAW ANG UNPROFESSIONAL! Ultimong buhay ko pinapakielaman MO or should I say, NINYO! Kung ganyan din lang ang gagawin ninyo, sana naging press at writer na lang kayo, yung mga taong walang ginawa kundi sirain at pagtsismisan ang buhay ng artista. Hindi kayo nababagay dito!”

Muli ay natahimik sila.
 
“So.. Is there any other concern?” ang seryoso kong sabi.

At lahat sila ay umiling.

“Ok.. Dismiss.”

At agad na nagsilabasan ang buong board members. Naiwan ako at si Ace.

“Gab..” ang nasabi na lang niya.

“Ace, kamusta ang problema ng kumpanya?”

“Medyo maganda na ang lagay Gab.. Thanks to Jared.”

“Ha?” ang bigla kong nasabi.

“Nabawi niya ang mga investors na nag-back out.”

 Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Ay sus! Hehe.

“Ehh ang board? Ano ang lagay nila noong wala ako? I mean ano ang mga pinagsasabi nila?”

“Gab.. Some of them want to replace you as the Chairman of this company. ANg gusto nilang ipalit ay yung isang board member na..”

“Na nangengeelam sa buhay ko?” ang pag-butt in ko.

“Oo..”

“Wag nila akong subukan Ace.”

“But Gab.. There’s more.”

“I had a feeling that some board members ay kaalyado ni Steph.”

“Biglang nanlaki ang mata ko sa aking nadinig.”

“Papaano mo nasabi?”

“Kahapon pagkatapos ng board meeting, umalis ka remember? After noon pumasok ako dito sa meeting room. Nakita kong may naiwang cellphone at may tumatawag. I answer it at bumungad sa akin ang isang pamilyar na boses.. malakas ang kutob kong si Steph iyon.”

“Ano ang sabi?”

“Ang sabi lang ay… ‘Kamusta ang mga galamay ko?’ yan ang bungad ng nasa kabilang linya. Then after that, one member of the board came back and get the phone.”

Napailing na lang ako sa aking nadinig.

“Sige Ace.. Gusto kong paimbestigahan ISA-ISA ANG MGA MEMBERS NG BOARD. Ayokong merong ahas sa kumpanyang ito.”

Napagkwentuhan din namin ni Ace ang tungkol sa issue sa amin ni Jared at kung papaanong damge control ang ginawa nila. It seems everything is going to be ok except na ayun nga, yung sa ilang board member na maaaring kaalyado ni Steph.

Dumaan ang ilang buwan at medyo naging maayos na din ang lahat. Back to normal. Tuwing Sabado at Biyernes na lang nagpupunta s Jared ng kumpanya gawa ng nagpapatuloy na siya sa last year niya sa college. Pinag-paplanuhan na din ni Jared at Ely ang nalalapit nilang kasal that is 2 months from now.. Haayy..

Isang araw..

Sinamahan ko si Enso papuntang hospital, ilang araw na rin kasing linalagnat ang bata. Papalabas na sana kami ng Ospital ng makasalubong ko si Ella. Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mata, hindi ko alam kung bakit.

“Ella.. Anong ginagawa mo dito?”

“Ah Ehh.. Kasi.. Ahh..”

“Oh here you are Miss Cruz.” Ang sabi ng isang doktora.

“Siya ba??” ang turo sa akin ng doktora.

“Ahh Doc tara na po, Gab sige na nagmamadali ako ehh. M-may  bibisitahin akong kaibigan.” Ang sabi niya sabay hatak sa kamay ng doktora at nagmamadaling umalis.

Hindi ko alam pero kung anong nangyayari kay Ella pero malakas ang kutob kong may tinatago siya sa akin.

Papaalis na ang sasakyan namin ni Enso ng..

“Kuya, pupwede bang bumalik ako sa loob?? Bibili lang akong tubig.. Nauuhaw na kasi ako ehh..”

“Ahh sige.. Bilisan mo lang ha..”

Dumaan ang lima, sampu, ay hindi pa bumabalik si Enso. Ilang sandal pa ay nakita ko ang bata, tumatakbong duguan. Bumaba ako at sinalubong siya..

“Kuya Gab!!!” ang sigaw niya.

“Naku! ANo bang nangyari sa iyo?? Bakit puro dugo??”

“Kuya.. Si.. Si.. Si ate Ella, n-nakita kong tinulak ni Steph sa may hagdanan tapos ayun na.. May kumalat na dugo.. Kuya, palagay ko buntis si Ate Ella..”
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking nadinig. Si Ella.. BUNTIS?? Papaanong nangyari?? Sino ang ama??

Dali-dali kaming bumalik ni Enso ng Ospital, nasa ganoon kaming pagtakbo ng makasalubong ko si Steph. Kita ko ang paglaki ng kanyang mata ng makita niya ako.

“Anong ginawa mo kay Ella Steph??”

“Ooohh.. So here comes the father to the rescue..”

“Father!?!?!” ang gulat na gulat kong tanong sa kanya.

“Aaaayyyy!! Hindi mo alam??? Aaaaww… Mamamatay na lang ang anak niya, hindi pa nalalaman na may anak pala siya. Hahahahaaha!!” at tumawa siya ng malakas.

“Anong sinasabi mo Steph?” ang matigas kong tanong dito.

“Ikaw ang ama ng dinadala ni Ella..” ang diretsong sabi nito sa akin.

Parang may isang napakalakas na bomba ang sumabog sa ulo ko. Naalala ko na, ang panahon na nalasing ako, malamang.. may nangyari sa amin ni Ella.

“Kawawa naman ang bastardong bata, hindi man lang kinilala ng kanyang ama. Ngayon.. Patay na ang hampaslupa mong anak!!” ang sigaw niya.

Dahil sa mga katagang binitiwan ni Steph ay hindi ko napigilan lapitan siya at bitiwan ang isang napakalakas na sapak sa kanyang mukha. Tumalsik siya pintuang nasa likuran ng kinatatayuan niya. Bumagsak si Steph sa may lamesa sa loob ng kwartong iyon at pagkatapos ay pinaulanan ko ng suntok ang kanyang mukha. Inawat naman ako ng mga Staff na nandoon, ngunit sadyang mas matimbang ang galit na nadarama ko. Nang pwersahan nila akong nailayo kay Steph ay..

“Tangina kang hayup ha!!” ang bulyaw niya sa akin. Kita ang pagdudugo ng mukha niya.

“Mas hayup ka!! Pati anak ko idadamay mo pa!! Ha!!!” ang sigaw ko dito

“Alam mo, bagay lang naman yun sa anak mo ehh. Dahil bastardo siya! Hampaslupa! Peste! Basura! Dapat dyan mamatay!!” ang sigaw niya.

Dahil sa mga masasakit na salitang iyon ay siniko ko ang mga umaawat sa akin at pwersa akong kumawala. Lumapit ako kay Steph at pagkatapos ay hinablot ang kanyang buhok at sinubsob siya sa cabinet na nadoon na may mga lamang bote ng gamot o kung anu pa man.

“Tangina ka!! Putangina kang hayup ka!!! Bakit Anak ko pa?? AKO NA LANG SANA PINATAY MO!!!” ang umiiyak kong sabi habang paulit-ulit siyang inuuntog sa cabinet na iyon.

Alam kong nasasaktan na siya ngunit  wala akong pakielam dahil walang kasing sakit ang ginawa niya, pati buhay ng anak ko malalagay sa panganib.

Ilang sandal ay dumating ang security at inawat ako. Ngunit bago pa man ako makalayo ay nasipa ko ng dalawang beses ang likuran ni Steph. Naiwang nakahandusay sa lapag si Steph.

“Kakasuhan kitang hayup ka! MAKUKULONG KA SA GINAWA MO SA ANAK KO!!” ang sigaw ko sa kanya sabay alis.

Pagdating sa room ni Ella ay sumalubong sa akin ang doctor.

“Kayo po ba ang ama ng bata?”

“O-opo..” ang sabi ko.

“Ligtas na ang bata.. Nagtamo ng ilang gasgas sa binti at braso ang misis niyo, kailangan lang niya magpahinga.” At umalis ang doctor.

“Uumm.. Enso, labas ka muna sandal.. Please?”

Tumango siya at lumabas.

Tiningnan ko si Ella, nakatingin ito sa may bintana. Umupo ako sa tabi niya.

“Ella, bakit hindi mo sinabi sa akin?”

At lumingon siya sa akin.

“Dahil ayokong panagutan mo ako..”

“Pero..”

“Ssshhhhh!!! Hindi ako papayag Gab..”

“Pero papaano ang bata? Ella, hindi ko hahayaang lumaki ang anak natin ng walang ama..”

“Gab, please.. Nakikiusap ako sa iyo.. Ginusto ko ito, kaya dapat pagbayaran ko. Wala kang kasalanan sa nangyari Gab, ako ang nagsamantala sa iyo noong mga oras na iyon.” Ang sabi niya kasabay ang pagtulo ng luha nito.

“Ella..”

“Gab kikilalanin ka pa ring Ama ng bata.. Basta ayoko lang na panagutan mo ako..”

“Ella naman ehh..”

“Gab kailangan ka ng kuya ko!!” ang sigaw niya.

Hindi na ako nakakibo. Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Ilang sandal pa ay..

“Gab.. Please..”

“Alam na ba ito ng kuya mo?” ang pag-divert ko ng topic.

“Hindi pa.. Dalawang buwan pa lang ang bata Gab.. Kaya hindi pa niya nahahalata..”

“Ano na lang sasabihin ng kuya mo kapag nalaman niya ito?”

“Akong bahala.. Basta Gab please..” ang sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

“Ok.. Pero Ella. Kung ako ang masusunod..”

“Ssshhh.. Walang kasal na magaganap..”

“Bakit ba kasi??”

“Ayokong matulad tayo sa mga magulang natin..”

“Bakit? I think naging maayos naman ang lahat ahh..”

“Ayokong maging kagaya ng mga magulang natin Gab. Ayokong mga anak lang natin ang nagiging dahilan ng pagsasama natin..”

Tumingin ako sa kanya mata sa mata.

“What do you mean?”

“Isa sa naging dahilan ng madalas na pag-aaway ni Papa at Mama ay dahil sa nakaraan ni Papa at Tito Luis. Ayoko ng ganoon Gab, gusto ko kung magkakaasawa ako, yun ay mamahalin ako..”

“Kaya ko naman Ella ehh..”

“NANG AKO LANG. WALANG IBA, WALANG IBANG LALAKI O BABAE GAB..”

Bigla akong natahimik.

“Kaya mo ba yun?? Kaya mo bang alisin ng tuluyan si Kuya sa puso’t isip mo? To think na magkapatid kami?? Na sa tuwing titingin ka sa akin ay nakikita mo si Kuya?? Gab I know, it will take forever to do that... At ayokong mahirapan ka..”

Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

“Salamat Ella.. Alam mo, kahit ikaw na yung nahihirapan, iniisip mo pa rin yung kapakanan namin ehh..”

“Dahil mahal ko kayo Gab.. I want a better life for us.. At alam ko, ito ang tama.. para sa akin at para sa inyo ni Kuya..”

Nginitian ko na lang siya. Hindi ko talaga makuha ang punto ni Ella. Alam naman niyang ikakasal na si Jared kay Ely pero eto si Ella, pinagpipilitang wag kong bitiwan si Jared, hindi ko alam kung bakit. Pero.. Ewan!

Bigla kong naitanong kung papaano sila nagkaharap ni Steph, kinuwento ni Ella na nasampal pala niya si Steph gawa ng pinagsalitaan daw nito ng hindi maganda ang anak naming pati na ako. At dahil sa sampal na iyo ay gumanti daw si Steph ng sampal na siya namang ikinahulog ni Ella sa hagdan. Sinabi ko din na magsasampa ako ng demanda laban kay Steph, hindi lang sa ginawa niya sa anak naming kundi pati na rin sa ginawa niya sa kumpanya.

Pagkadating ni Jared ay agad na akong umalis gawa ng mayroon pa akong kailangang daluhan na meeting. Alam kong mag-uusap ang magkapatid tungkol dito at malalaman na ni Jared ang lahat.

Papunta na kaming sasakyan ni Enso ng may biglang..

“Kuya!!!” ang sigaw at turo ni Enso sa Rumaragasang kotse.
Mabilis kong tinulak palayo si Enso ngunit kasunod nito ang pagbangga ng kotse sa akin. Tumama ang katawan ko sa hood ng kotse at nauntog naman ang ulo ko sa windshield nito.

Iyon ang huli kong natandaan..


(ITUTULOY..)