Wednesday, April 27, 2011

Love Me Like I Am (Book 1 Part 7)

Damhin ang pagmamahal.. I-play ang kantang ito habang binabasa.. LOL XD

videokeman mp3
No One Else Comes Close – Joe Song Lyrics


----------------------------------------------------------------------------

By: White_Pal
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 7: "Ang Kaisa-isang Best Friend ng Buhay ko.."



Dumaan ang araw, linggo, at buwan, ganoon ang naging takbo ng aming pagkakaibigan. Hindi na rin ako nalalapitan ni Steph at ng mga alipores nito, dahil doon naging maayos, mapayapa, at masaya ang 3rd year ko. On the other corner (hehe..), una kong nakitang maglaro si Kuya ng basketball noong dumating ang intramurals at masasabi kong SOBRANG GALING NIYA!! Kaya di na ako nagulat ng hirangin siya bilang MVP. After makita ng maraming tao kung gaano kagaling maglaro si Kuya, what do you expect? Edi nagkaroon siya ng mga fans.. Maya-maya nakikita ko na lang may lumalapit or may ka-text na babae. Pero kahit ganoon hindi pa rin nagbago ang trato niya kay Ely, Ella at syempre sa akin (Nakss!!). At higit sa lahat ganoon pa rin kaming apat sabay-sabay kumakain, daldalan, tawanan, at kung anu-ano pang kalokohan ang maisip namin.

Sa pagdaan ng mga buwan, Naging mas matibay ang pagkakaibigan namin ni Ely at ni Ella. Lalo namang tumindi ang bonding at friendship namin ni Kuya Jared patunay nito ang madalas na pagpunta at pagtulog niya sa aking tahanan. Kilala na rin ng parents ko si Elly, Ella at syempre si Kuya kaya ok lang sa kanila na gumala ako basta sila ang kasama ko particularly kay Kuya Jared.

Kakatapos lang ng 3rd year noon at bakasyon na. And since bakasyon na, kung saan-saan kami nagpunta ni Kuya Jared nun, yun bang wala lang TRIP LANG NAMIN! Wahahaha.. Isang araw, gumala kami ni Kuya sa isang park. Habang nagdadaldalan at nagkukulitan kami, biglang lumapit sa amin ang isang batang pulube.

BATA: “kuya, penge po pera or kahit pagkain na lang.. nagugutom na po ako ehh..” ang pagmamakaawa niya sa akin.

Naawa naman ako sa bata kaya tumayo ako at bumili ng hotdog sa isang hotdog stand na malapit sa inuupuan namin ni Kuya.

AKO: “Eto ohh.. kain ka na ahh..” sabay ngiti.

BATA: “Salamat po..”

Nang papaalis na ang bata, bigla siyang tinawag ni Kuya Jared at..

KUYA JARED: “Bata!!”

BATA: “Ano po yon? G-gusto niyo po ba ng Hotdog? Tatlong supot po itong binili ni kuya ehh, masyadong marami sa akin..” ang inosenteng sabi niya..

KUYA JARED: “Hahaha!! Hindi sa iyo yan, tatanungin ko lang kung saan ka nakatira? At nasaan na rin ang mga magulang mo?” ang magkasunod niyang tanong.

BATA: “Sa tabi-tabi lang po ako nakatira at tsaka wala na rin po akong mga magulang..”

AKO: “Umm.. Gusto mo ba, dalhin kita sa bahay-ampunan? Para naman hindi ka na mahirapan pa?”

BATA: “Sige po.. Ok lang sa akin.. Basta sana, hindi ako aawayin ng mga bata doon.”

Tila tinusok naman ang puso ko sa nadinig, naisip ko na parehas kami ng naranasan ng batang ito. Ang kaibahan lang ay ako may pamilya, may mansyon (hehe..), may Ely, may Ella, at may kuya Jared pa. Samantalang siya, wala as in wala. Kaya….

AKO: “Wag kang mag-alala mababait ang mga madre doon.. Maaalagaan ka nila.” Sabay ngiti.

AKO (ulit): “At tsaka bibisitahin ka lagi namin ni Kuya Jared doon. Wag kang mag-alala.”

BATA: “Salamat po..”

KUYA JARED: “Ano nga pala pangalan mo??”

BATA: “Lorenso po..”

KUYA JARED: “Ok Lorenso.. Simula ngayon, kaibigan mo na kami.. Pwede mo kaming tawaging kuya.”

AKO: “Oo nga!! Hehe.. Hhhmmm.. Kuya, Enso na lang kaya itawag natin para mas maikli?? Nyahaha..”

KUYA JARED: “Hay naku Gab, babaguhin pa ang pangalan ng bata..” ang pang-iinis at pagkontra niya.

AKO: “DI RIN!! Papaikliin nga ehh Parang sa akin, Gabriel, Gab, tapos Elyana, Ely, tapos Angela, Ella.. Naku, maka-contra ka lang..” ang katwiran ko naman.

KUYA JARED: “Ako kumokontra?? Di rin!!”

AKO: “Ehh anong ginagawa mo?? Naku, Palibhasa wala ng iiikli ang pangalan mo kaya ka kumokontra!! Tingnan mo bad example ka pa sa bata..”

KUYA JARED: “Di rin..” sabay kiliti sa akin.

AKO: “Ahahaahhaa!! Jared tama na!! Nyahaha!!”

KUYA JARED: “Aba!! Jared na lang ang tawag mo sa akin ngayon ahh..”

ENSO: “Ang cute niyong dalawang tingnan..” sabay ngiti na parang may naglalaro sa isip niya.

Lokong bata ito ahh!! Pero sa totoo lang, may halong kilig naman talaga yun. Nyahaha!!

AKO: “Ay Putek!! Di rin!!.. Anyway, ang name ko nga pala is Gabriel..” ang biglang lihis ko ng topic.. hahaha!!

ENSO: “Hi Kuya Gabriel.. hehe.. Since pinaikli niyo yung name ko, Kuya Gab na lang po ang itatawag ko sa iyo.”

KUYA JARED: “Ay naku Enso, wag Kuya Gab ang itawag mo dyan. Ang magandang itawag dyan ay Gabby!! Kuya Gabby!! Wahaha!!! Para cute.. di ba cute naman si Kuya Gabby mo??” sabay kurot sa pisngi ko at ngiti na nakaka-gago.

“Ang lakas ng trip nitong mokong na ito!” sa sabi ko sa isip ko.

AKO: “Hay naku wag kang makinig dyan sa damulag na yan Enso, Kuya Gab lang ok na!!”

KUYA JARED: “Hindi maganda Gabby!! Wahaha.. Jared Earl ngapala Enso.. Kuya Jared na lang.”

AKO: “Enso, wag Jared dahil di maganda.. Ang itawag mo sa kanya ay Kuya……” at napaisip ako..

KUYA JARED: “Ano!??” ang sabi niya na medyo malakas ang boses..

AKO: “Kuya Jar-jar!! Wahaha!!” sabay tawa ng pagkalakas-lakas.

KUYA JARED: “Putcha ang pangit!! At least yung akin malambing.. Gabbbbyyyy!!!”

AKO: “Ayoko! Parang.. BABBBYY!! Wahehehe..”

KUYA JARED: “Oh? Ayaw mo nun? Parang “Bebe Gab” lang.. hehehe..”

AKO: “Waahhh!! Ely, IKAW BA YAN?? Nyahaha!!”

KUYA JARED: “Bebe Gab!! Bebe Gab!!” ang pag-gaya niya sa boses at tawag ni Ely.

AKO: “Hahaha!! Putek! Di bagay sa iyo Kuya, ang SAGWA TINGNAN!!! Hahaha!!”

KUYA JARED: “Tado, anong masagwa ka dyan? At least cute naman!” sabay pose ng pa-cute.

AKO: “Ang yabang talaga kahit kailan!!” sabay batok sa kanya.

KUYA JARED: “Aray ko!” sabay kamot sa ulo.

ENSO: “Hahaha!! Ang kulit niyong dalawa talaga..”

Siguro inabot kami ng mahigit isang oras sa pagkukulitan hanggang sa napag-desisyunan na naming dalhin sa ampunan si Enso.

ENSO: “Kuya, bibisitahin niyo po ako lagi dito ahh..”

AKO: “Oo naman! Promise..”

KUYA JARED: “Ako din promise..”

Hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na merong dahilan kung bakit kami pinagtagpo ng landas ng batang iyon. Ewan ko nararamdaman ko na parang meron siyang papel na gagampanan sa buhay ko.

Pagkauwi ng bahay, sa loob ng kwarto ko...

AKO: “Kuya, gusto mo punta tayo sa bahay bakasyunan namin? Doon sa lupain na nabanggit ni papa na pag-aari namin?”

KUYA JARED: “Oo ba!! Sure tol, Teka! Ano bang gagawin natin doon?”

AKO: “Ano pa?? edi magbabakasyon for one week.”

KUYA JARED: “Nice!! Ehh anu-ano naman ang mga activities na pwedeng gawin doon?”

AKO: “Merong swimming pool sa bahay namin doon, or kung gusto mo ng beach para tumingin ng mga babaeng naka-bikini meron din kaya lang mga isang oras ang biyahe galing sa bahay pero kung ako sa iyo, doon ka na lang sa waterfalls malapit sa bahay.”

KUYA JARED: “AYOS Ayos!! Other activities na pwedeng gawin?” ang pagtatanong niya na parang nangungulit lang. Yun bang makapag-tanong na lang. Hehe.

AKO: “Hhmmm.. basta madami. Kung gusto mo ng basketball at kung anu-anong sports meron sa may bayan, kung gusto mo ng gym meron sa bahay na private gym, kung gusto mo maglasingan tayo meron ding bar doon mismo sa loob ng bahay namin.” Ang paliwanag ko na di ko na alam kung ano pa ang pwedeng sabihin.

KUYA JARED: “ALam ko..”

AKO: “Huh?? Anung alam mo??”

KUYA JARED: “Ahh wala.. ehhh.. uurr... Sabi ko ang gulo mo.”

AKO: “Di rin..”

Tahimik.. Maya-maya..

KUYA JARED: “Gab! May malaking daga sa likod mo!!”

AKO: “SAAN!?!???” ang biglang paglingon ko sa likod.

Bigla naman akong pinokpok ng unan ni Kuya sa ulo ko.

AKO: “Putek ka!! Malakas yun ahh!” at kuha ko rin ng unan at pinalo ko rin siya.
Paluan at habulan kami ni Kuya Jared hanggang sa napunta kami sa kama. Pagpalo niya ng unan sa akin ay hinawakan ko ito at bumagsak ako sa kama habang siya naman ay bumagsak din at nadaganan ako. Tawa kami ng tawa sa mga pinaggagagawa namin, maya-maya ang mga ngiti sa mukha niya ay nagbago at naging seryoso. Tinitigan niya ang mukha ko na para bang kinakabisado ang bawat angulo nito. Sa totoo lang, para akong malulusaw sa mga titig niya, dagdag pa ang pag-amoy ko sa mabango niyang hininga gawa ng sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.. Waahhh grabe!! Madede-virginized na ang labi ko ano mang oras!! Wahahaha!!

Bigla ko na lang namalayan ang pagdampi ng kamay niya sa mukha ko.. Nakakakuryente PUTEK!! Pero nakakakilig din. Ewan ko ba, Oo aaminin ko na humahanga ako sa hitsura niya, katawan, appeal (yun yun ehh..) at higit sa lahat ang ugali niya, NAPAKABAIT, NAPAKA-THOUGHFUL, AT NAPAKA-SWEET lalo na kapag may problema ako. Pero hindi ko talaga maintindihan kung paghanga lang ba ito or meron na ngang iba akong nararamdaman para sa kanya. Basta ang alam ko lang ay sobrang saya ko kapag nakikita at nakakasama ko siya. Ewan! Di ko talaga maipaliwanag.

Bigla naman akong nagising sa pagkatulala ko ng bigla niyang kinurot ang dalawang pingi ko.

AKO: “Arrraaayyy!!”

KUYA JARED: “Hehehe.. Tulog na tayo! Maaga pa tayo bukas..”

AKO: “Oo nuh.. Dapat talaga kanina pa tayo natutulog, eh ikaw naman kasi bigla mo akong hinampas.”

KUYA JARED: “Ehh kung sa gusto ko ehh.”

AKO: “Aba! Lokong ito! At isa pa, ang sakit ng pisngi ko.. Tsk!”

KUYA JARED: “Cute mo kasi eh.. Sarap kurutin!!” sabay kurot nanaman sa kawawa kong pisngi.

AKO: “Arrayy ano ba!! Kuya ha.. Masakit na talaga ayoko na. At tsaka teka, paano naman ako makakatulog niyan kung nakadagan ka pa rin sa akin??”

KUYA JARED: “Problema mo na yun, basta ako matutulog ng nakadapa. Hahaha.”

AKO: “Arrgghh.. Di na ako makahinga tayo na!”

KUYA JARED: “Ayoko!!” sabi niya na may tono ng pang-iinis.

AKO: “Bwisit naman ito ohh..” sabay tulak sa kanya ngunit di ko pa rin matinag ang malaki niyang katawan.

KUYA JARED: “Kiss mo muna ako.” Sabay ngiti na nakaka-gago.

AKO: “Gago! Gagawin mo pa akong bakla.”

KUYA JARED: “Bakit? Bakla na ba kung humalik ka sa kapatid mo??”

AKO: “Bakit? Kapatid ba kita ha?!?!” ang biglang lumabas sa bibig ko.

Biglang naging seryoso ang Masaya niyang mukha.

KUYA JARED: “Ahh ganoon?? ANo ito? Gaguhan?? Sige ha.. Simula ngayon, wag mo na akong tatawaging Kuya!!” ang sigaw niya sa akin.

Kumalas siya sa pagkakadagan sa akin at humiga patalikod sa akin.

AKO: “Wui! What I mean is.. Hindi naman kita LEGAL na kapatid.”

KUYA JARED: “Ewan ko sa iyo!!”

AKO: “Huuyy. Kuya, sorry na.. Yun naman talaga yun ehh.. Wala naman akong ibang ibig sabihin doon ehh..”

KUYA JARED: “Pagkatapos ng lahat-lahat ganito ang sasabihin mo.. ANo ba ako SA IYO??

Simpleng salita lang iyon pero sobrang bullseye sa akin. Oo nga naman Gab, ANO NGA BA SIYA SA IYO?? Ano nga ba ang nararamdaman mo para sa kanya?

AKO: “Kuya..” ang nanginginig kong sabi

KUYA JARED: “Putangina naman Gaguhan ata ito ehh!” ang malakas niyang sigaw.

AKO: “Wui ano ba?? Wala naman akong ibang ibig sabihin doon ehh.. Yun lang yun talaga. At tsaka kung iniisip mong gaguhan lang ang pagiging magkaibigan natin, nagkakamali ka dahil kahit kalian hindi ko magagawang gaguhin ang mga kaibigan ko.. LALO NA IKAW!!”

KUYA JARED: “Hindi ko magagawang gaguhin ang mga kaibigan ko..” ang paggaya niya sa sinabi ko..

AKO: “Kuya naman ehh..”

KUYA JARED: “Ewan ko sa iyo.. MANIGAS KA DYAN!!”

AKO: “Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin pero yun ang totoo, hindi kita kayang gaguhin dahil MAHALAGA KA SA AKIN!!” ang papa-iyak na sabi ko habang nanginginig ang boses.

At humiga ako ng nakatalikod din sa kanya. Sa pagkakataong iyon, hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko kasabay noon ang paghagulgol ko. Wala pang isang minuto ng biglang siyang yumakap sa akin. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya na iyon at sobrang init. NAKAKAKURYENTE at NAKAKAKILIG!!

KUYA JARED: “Alam ko naman iyon ehh.. Alam ko na mahalaga ako sa iyo.. Tinitingnan ko lang kung ano ang magiging reaksyon mo kapag nagalit ako sa iyo.”

AKO: “Kuya.. naman ehh!!”

KUYA JARED: “Hehehe.. Sarap mo kasing inisin at paiyakin ehh.”

At bigla kong siniko ang sikmura niya.

KUYA JARED: “Arraayyy!!”

AKO: “Gago ka, Kulang pa yan sa sakit na naramdaman ko kanina.” Ang nasabi ko bigla.

KUYA JARED: “Hahaha!! Ganoon ba katindi ang sakit na naramdaman mo ha??”

AKO: “Mas grabe pa doon. Hindi ko alam kanina kung paano mo ako mapapatawad, tapos ngayon malalaman ko na tinetesting mo lang pala ako.. Gagu ka talaga..”

KUYA JARED: “Hahaha!! Sorry na Gabby ko!! Hehehe.. Pero kung ikaw nasaktan, ako Masaya..”

AKO: “Eh Tarantado ka pala talaga ehh.. Pinaiyak mo na nga ako, tapos ikaw masaya ka pa dyan. So Masaya ka na umiiyak ako ganon??”

KUYA JARED: “Haha. Hindi.. Masaya ako dahil, alam ko na iiyakan mo ako pagnawala ako sa iyo.”

AKO: “Talaga!” ang mabilis kong sagot.

KUYA JARED: “Bakit?”

Tila nabilaukan ako sa tanong na iyon. “Bakit?” Bakit nga ba Gabriel huh?? Bakit?? BAKKEEETT?? Nyahaha.

AKO: “Kasi nga mahalaga ka nga sa akin..”

KUYA JARED: “Bakit nga ako mahalaga sa iyo?”

AKO: “Kasi..”

KUYA JARED: “Kasi ano?? Sabihin mo na..”

AKO: “Kasi.. Bukod kila Ella at Ely, ikaw pinaka-best na best na best na best na Bestfriend ko.. Ikaw ang kaisa-isang Best friend ng buhay ko.”

Ang mahigpit niyang yakap kanina ay lalong humigpit.. Sobrang higpit. Naramdaman ko rin na hinalikan niya ang ulo ko at hinimashimas ito.

KUYA JARED: “Ikaw din ang best friend ko.. ANg kaisa-isang best friend ng buhay ko..”

AKO: “Huh?? Kaisa-isa?? Di ba meron kang naikwentong best friend mo dati kaso nagkahiwalay kayo?” ang bigla kong pagkalas sa mga yakap niya.

Imbis na sumagot sa tanong ko ay tinitigan niya ako ng seryoso, parang nakikiusap na “ANo ba?? Hindi mo ba talaga alam??”. Maya-maya kinuha niya ang wallet niya at linabas ang isang litrato. Nasa litrato ang dalawang lalaki.

KUYA JARED: “Ako yung batang nasa left, yung naka T-shirt na green at nakasumbrero dyan. At yung Batang naka white stripes and Blue shirt ay walang iba kung hindi ang best friend ko. Ang BEST FRIEND NG BUHAY KO.”

AKO: “Teka.. Teka lang..”

Tinitigan ko ng maigi ang litrato at laking gulat ko sa nakita ko..

AKO: “AKO ITO AHH!!” ang natuwa kong sabi.

KUYA JARED: “Oo ikaw nga..” ang mahina niyang sagot.

AKO: “Pero.. Paano nangyari yun?? I mean.. wala akong maalala na ganyan..”

KUYA JARED: “Kaya nga nung sinabi ni Ely na wala kang naging best friend, nagtampo ako ehh..”

Pilit kong iniisip kung saan ko siya nakilala dati.

KUYA JARED: “Pero.. Naiintindihan ko Gab, maari mo nga akong makalimutan dahil sa nangyari.. At maaring hindi mo naaalala ang lahat sa iyong nakaraan.”

AKO: “Ano bang nangyari?? Bakit tayo nagkahiwalay dati?? At bakit hindi kita matandaan??” ang tanong ko na punong-puno ng kalituhan.

KUYA JARED: “Bukas ko na ikkwento habang nasa byahe tayo. Sa ngayon, matulog na tayo Gab.” Sabay killer smile.

AKO: “Kuya naman ehh BINITIN MO AKO!!”

KUYA JARED: “Hahaha!! Sige na.. Bukas na..”

Maya-maya nakatulog na nga si Kuya samantalang ako, hindi pa rin makatulog gawa ng pagkabitin sa kwento niya. Iniisip ko, bakit hindi ko siya kilala? Bakit kaya wala akong maalala? Bakit hindi ko alam na nagkaroon pala ako ng super close na friend? Pero kahit ganoon, nagpapasalamat pa rin ako sa diyos dahil pagkatapos ng maraming taon, nagkita kami muli at eto, siya pa rin ang Best Friend ko second time around.

Kinabukasan, habang nasa byahe patungo sa lupain..

AKO: “Kuya Dali, kwento mo na.. Ngayon na!!”

KUYA JARED: “Kiss mo muna ako..” ang pabulong niyang sabi.

AKO: “ANg Gago naman ehh!! Dali na!! at hoy, mamaya madinig ka ni manong driver sa pinagsasabi mo dyan, baka kung ano isipin niyan.”

KUYA JARED: “Hahaha!! Kaya nga ako bumulong ehh.. Dali na Gab..” sabay pikit.

“Ahh ganoon ahh” bulong ko sa sarili ko.

Kumuha ako ng mentos candy at pilit sinalaksak sa bunganga niya.

KUYA JARED: “Aba’t TARANTADONG ITO!!”

AKO: “Manong ohh.. Inaaway ako..” ang bigla kong pagtawag sa driver.

DRIVER: “Kayo talagang mga bata kayo..”

AKO: “Hahaaha!!” ang malakas kong tawa.

Feeling ko talaga nakaisa ako sa kanya ngunit naalala ko ang dapat kong tatanungin sa kanya.

AKO: “Kuya ano nga?? Dali na ikwento mo na..”

KUYA JARED: “Ayoko! Gawin mo muna yung pinapagawa ko.” Sabay ngiti na nakakagago.

Wala akong magawa kundi sundin ang pinapagawa niya ngunit.. PAANO KUNG MAKITA AKO NG DRIVER?? PATAY!!! Timing Gab.. TIMING!! Ay wait nga!! Anong Timing ka dyan?? Gagawin mo ba talaga ito Gab?? Haayy!! Bahala na!!

(itutuloy..)

1 comment:

  1. putcha na mo gab >:)) gawen mo na!! nakakabitin!! laplapin mo na!!! PADEMURE PA EH!! :))

    ReplyDelete