BOOK 1: Faces Of Heart
Part 2
“Jared Earl Cruz.. My Future Best Friend??”
Habang papalapit si Pogi sa akin, nadinig ko ang countdown ng mga tao sa baba na..
10.. 9.. 8.. 7.. 6.. 5.. 4.. 3.. 2.. 1.. HAPPY NEW YEAR!!
Sabay na sabay ang sigaw ng mga tao ng Happy New Year sa salitang binitiwan ni Pogi na…
SI POGI (wahehe..): “Tol, Jared Earl nga pala. Bahala ka na rin kung ano gusto mo itawag sa akin sa dalawang name ko.” Sabay ngiti.
AKO: “Uhhhhmmm.. Gabriel bro.. Gab na lang po..” nahihiya kong sabi na di alam ang gagawin…
JARED EARL: “Nice name. Parang anghel ahh. Hehehe. Idagdag pa ang boses mo, WOW!!” Smile sya ulit at napansin ko ang dimple nya. Hehe..
Suuusss Bolero pala ang lalaking eto!!
AKO: “Hay naku.. wag mo na nga akong lokohin.. alam ko at alam nating dalawa na kasalungat lahat ng sinabi mo sa katotohanan” ang pagpapakipot ko.. nyahaha..
JARED EARL: “Sino nagsabi sa iyo nyan? Yung mga Gago at tarantado mong kaklase?”
AKO: “Huh???” nagulat ako sa sinabi nya..
JARED EARL: “Oo.. nakita ko ang ginawa nila sa iyo. Ba’t di ka man lang lumaban?
Dapat matuto kang ipagtanggol ang sarili mo.”
AKO: “Di mo kasi naiintindihan ehh.. Kapag lumaban ako, sino magtatanggol sa akin?
Nakita mo naman kung paano ako pagkaisahan di ba? Kung lalaban ako, lalo lang magiging grabe ang pagtrato nila sa akin.”
Natahimik kaming dalawa at maya-maya, binasag niya ang katahimikan.
JARED EARL: “Di ka ba nahihirapan? Wala ka bang kaibigan?” ang magkasunod niyang tanong.
Di ako agad nakasagot sa tanong nya. Naramdaman ko na papatak na ang luha ko ng mga oras na iyon. Pero pinilit ko pa rin pigilan yun at magpaliwanag sa kanya.
AKO: “Hirap na hirap na po ako.. Pero wala eh.. Yung tungkol naman sa kaibigan, meron naman pero ni wala pang 5. Sila lang yung mga lumalapit sa akin kapag ginaganun ako. Yung isa dun na pinagtanggol ako kanina, masasabi kong kaisa-isang close friend pero di ko maituring na best friend kasi una, meron na siyang best friend, taga-ibang school at tsaka.. di uso ang best friend na babae at lalaki sa school namin dahil kapag ganun, mapagkakamalang mag-on kayo kahit di naman.” Ang mahabang paliwanag ko.
Sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag ko, tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mapupungay niyang mata. Nararamdaman ko rin ang pagka-awa nya sa akin. Nakita ko rin sa mga mata nya na parang nararamdaman nya at naiintindihan ang mga pinagdadaanan ko.
Pagkatapos kong magpaliwanag, di ko na napigilan na may butil ng luha na tumulo mula sa mga mata ko at agad naman niyang pinunasan iyon.
JARED EARL: “ Wag ka ng umiyak (sabay tapik sa likod ko).. Ako, pwede mo akong maging kaibigan.” Sabay ngiti.
Syempre nagulat at natuwa ako so ngumiti ako sa kanya.
JARED EARL: “At tsaka wag mo na akong tawaging “PO”, ginagawa mo naman akong matanda nyan ehh..” Sabay ngiti.
Napatawa ako at sabay sagot ng..
AKO: “Sige po.. Ay! Kuya pala.. hehehe.. Kuya… Jared.. ayan!! Hahaha.. “
KUYA JARED: “Ayan.. Smile ka na ahh wag ng iiyak.. sige ka kapag umiyak ka mababawasan ang pagka-cute mo.. hehehe…”
AKO: “Hahaha.. Loko ka!!”
KUYA JARED: “Hehehe.. Promise mo sa akin na di ka na iiyak ahh.. “
Tumango lang ako.. At pagkatapos nun, nagkwento naman sya ng tungkol sa sarili niya. 16 years old na pala siya pero parehas kaming mag-3rd year Highschool sa darating na June. Medyo na delay daw siya dahil walang pera ang mga magulang niya ng panahon na iyon.
Nalaman ko na mahilig pala siya sa sports kagaya ng Basketball, Volleyball, Baseball, at kung anu-ano pa man na di ko matandaan dahil sa dami.. Hehehe.. Natutunan ko na marami kaming pakakapareha sa ugali pero ang marami din kaming pagkakaiba. Lalo na sa case ko na may pagka-tanga minsan.. hehe.. Makulit din pala ang loko, at pala tawa (pero syempre, walang tatalo sa kabungis-ngisan ko.. nyahaha..) Maya-maya napunta ang usapan namin tungkol sa mga babae. Sa pananalita niya, mukhang babaero ang mokong.
KUYA JARED: “Ano pangalan nung babaeng sinabi mo na kaisa-isang ka-close mo? Yung nagtanggol sa iyo kanina? Yung Maganda na matapang at Sexy.. Hehehe” ang pilyo niyang tawa at ngiti.
AKO: “Ahh yun? Si Ely yun.. Bakit interesado ka?”
KUYA JARED: “Oo naman!! Bakit ikaw? Di ka ba na-aatract dun? Ang ganda kaya at ang tapang pa.”
AKO: “Kuya Jared, hanggang kaibigan ko lang yun. At tsaka teka nga!! Kahit naman ligawan mo yun, di ka papatulan nun noh..”
KUYA JARED: “Talaga? Sa kagwapuhan kong ito?” Sabay pose..
AKO: “Ang yabang!!”
KUYA JARED: “Sasagutin ako nun, Sige.. Pustahan!”
AKO: “Ayoko nga..”
Ganun ang naging takbo ng pag-uusap namin: daldalan, kulitan, tawanan, at harutan. Kahit wala pang isang araw na kilala ko siya, feeling ko close na kaagad kami. Masarap siya kasama di ka mabobored sa kanya. Kung titingnan nga ehh, fit na fit siya para maging best friend ko. Sana siya na nga yung best friend kong matagal ko ng hinihintay.
Maya-maya.. Linipat-lipat niya ang mga piano sheets na nakalagay doon na para bang may hinahanap na kanta.. At bigla niyang sinabi na
KUYA JARED: “Hhhmm.. Di ko Makita yung kanta..” at bigla siyang tumingin sa akin at sinabing “Tugtugin mo nga ang kantang ito (binulong ang title ng song)”
AKO: “Bakit?? Para saan??” ang pagtataka ko.
KUYA JARED: “Kanta tayo.. Hehehe.. Dedicate ko ang kanta na iyan sa iyo since we started our friendship..” Sabay ngiti na nakakalusaw.
AKO: “Nice song ahh.. sure ka bang yan na? parang di bagay. Hehehe”
AKO (ulit): “At tsaka, sino kakanta ng part ng babae dyan?? Ang taas-taas kaya!! Hahaha!!” Pagtatanong ko para di niya ituloy.
KUYA JARED: “Ikaw na!! Ang taas ng pitch ng boses mo, nadinig ko kanina wag mong i-deny.. Dali!! Akin na yung part na mababa..” pangungulit niya sa akin.
KUYA JARED (ulit): “Basta tugtugin mo na please” pagmamakaawa nya.
Then kinuha ko yung bag ko at linabas ang isang piano sheet para tugtugin ang request niya.
KUYA JARED: “Ayan naman pala meron kang piano sheet nun ehh.. Dali na Game!!”
Start of Something New – High School Musical Song Lyrics
“Living in my own world
Didn't understand
That anything can happen
When you take a chance
I never believe in
what I couldn't see
I never opened my heart
To all the possibilities,ohh
I know that something has changed
Never felt this way
And right here tonight
This could be the start
Of something new
It feels so right
To be here with you ..oh
And now looking in your eyes
I feel in my heart
The start of something new..”
Nagulat ako sa nadinig ko, ang ganda at ang lamig ng boses niya. Tama lang ang taas pero ang ganda ng timbre.
KUYA JARED: “Ohh bakit mo ako tinititigan ng ganyan?” ang pagpuna niya sa titig ko. Hehehe..
AKO: “Ahh wala! Nagandahan lang ako sa boses mo” sabay smile.
KUYA JARED: “Hindi ahh.. Mas maganda Boses mo..”
AKO: “DI RIN!! Ikaw yun!!”
KUYA JARED: “Hindi, ikaw!!”
AKO: “Ikaw!!”
KUYA JARED: “Ikaw nga!! Kuliiiit!!”
AKO: “Ikaw! Ikaw! Ikaw! Ikaw! Ikaw!!!”
KUYA JARED: “Hindiii!! Ikaw! Ikaw! Ikaw! Ikaw!!”
Nasa ganun kaming pagkukulitan, ng mapansin kong mag-iisang oras na pala akong nandoon sa kwarto na iyon at kasama siya kaya….
AKO: “Hala!! Anong Oras na!! Naku kuya, kailangan ko ng bumaba kasi hinihintay na ako ni Ely ehh.. Sige ahh..” Ang mabilis kong pagpapaalam kasabay ng pag-aayos ko ng gamit.
KUYA JARED: “Wait!!”
AKO: “Bakit?”
KUYA JARED: “Can I get your number? Para naman may communication pa rin tayo” Sabay pamatay na smile..
AKO: “Ok sige eto oh.. 09---------“
KUYA JARED: “Tawagan ko nga kung number mo nga yan!!”
AKO: “Aba!!! Pinaghinalaan mo pa ako!!”
At ayun nga nag-missed call siya..
KUYA JARED: “Thanks!! Txt txt na lang...”
AKO: “Ok.. Bye bye..” sabay kaway
KUYA JARED: “Gab, wait lang..”
AKO: “Ano yun??”
KUYA JARED: “Happy New Year ngapala.. hehe.. napasarap ang kwentuhan natin at di kita nabati ehh..”
AKO: “Ahh… wahehehe.. Happy New Year Din..” sabay ngiti at umalis..
Nakita ko ang pagkaway ng loko at ang kanyang killer smile!! Haayyy naman LORD!! Hehehe..
Pagkababa ko..
ELY: “Bebe Gab!!! Ang tagal mo naman nagugutom na ako ehh..”
AKO: “Sorry naman!! Napasarap kasi ang…… eerr… hangin!! Oo Hangin sa itaas at meron
din kasing keyboard dun kaya ayun. Hehehe” ang pagpapalusot ko..
ELY: “Hay Naku Bebe Gab, Nasisira tuloy ang magandang diet ko!!”
AKO: “Di rin” ang sagot ko sa kanya.
ELY: “Whatever!! Dali!! Lumamutak na tayo!! Now na!!”
AKO: “Lumamutak?? Hahahaha!! Ok sige na sige na..”
Ayun kainan, kwentuhan… KAY ELY!! Ely lang.. Siya lang naman kasi nakakaintindi sa akin ehh at yung masasabi kong totoong kaibigan, kaya siya lang ang kasama at katabi ko…
Habang pauwi kami ng Mama ko from the party, Guess kung sino ang iniisip ko? Walang iba kundi si Jared Earl!! Oo siya nga!! Hehehe.. iniisip ko nga kung magkikita pa kami or hanggang text na lang (Siyempre!! Asa pa rin ako na ittext niya ako nuh.. SABI NIYA EHH..).
Pagkauwi ko sa bahay, guess what??? MAY NAG-TEXT!!
(itutuloy..)
Im really quite impressed with the storyline, the script was good, the casting and everything about it. You've made a good masterpiece this should be filmed, Im pretty much sure that people will like.
ReplyDelete