Thursday, April 7, 2011

"Love Me Like I Am.." Abangan..

Hello po!!
Katulad ng nasabi ko na dati, ang storya pong ito ay nagawa ko last year pa. At kagaya din po ng sinabi ko dati, ang Storyang ito ay may bahid ng storya ng totoong buhay ko.. Sana po ay magustuhan niyo ;)

----------

“Ang tao daw ay nilikha ng diyos bilang isang mabuting nilalang. Siyempre bilang tao, nakakagawa tayo ng mga pagkakamali sa buhay natin. Paano kung nakagawa tayo ng pagkakamali sa ibang tao dahil sila rin naman ay sinaktan tayo? Tama bang gumanti? kung hindi ka man gumanti, makakaya ba ng puso mo na kimkimin lahat-lahat ng galit?

Paano kung ang puso mo ay punung puno ng hinanakit at galit sa ibang tao? Makakaya mo pa bang umunawa? magbigay? MAGPATAWAD?
Makakaya mo pa bang magmahal, kung ang puso mo ay hindi nakaranas ng pagmamahal ng iba?”



6 na Tao, 6 na buhay, 6 na Puso..

1: Binigay ko ang lahat sa taong aking minahal, ngunit kailan ako makakatanggap ng pagmamahal mula sa kanya?

2: Nasa akin na ang lahat ng bagay.. Ganda, talino, yaman.. Ngunit hindi pa rin ito sapat, hindi ako kuntento. Gusto kong mapasa-akin ang isang tao. Ang perpektong tao na ito na bubuo sa akin. Gagawin ko ang lahat, kahit sumira ng buhay, mapasa-akin lang siya..

3: Mabuti akong kaibigan, mapagbigay at kanilang tagapag-tanggol.. Ngunit kapag puso ang pag-uusapan, Ipaglalaban ko ang taong mahal ko, hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba, kahit sariling kaibigan at kadugo ko pa ito..

4: Mahal na mahal ko siya, handa kong gawin ang lahat para sa ikaliligaya niya, handa akong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan, makita lang siyang masaya..

5: Isang tao lang ang laman ng puso ko.. Isang tao lang ang minahal ko ng ganito, at alam ko, kahit kami'y magkahiwalay, siya at siya lang din ang hahanapin nito.. Kaya ko siyang ipaglaban kahit kanino, kahit sa pamilya niya, at kahit sa buong mundo..

6: Lahat ng masasakit na salita ay nadinig ko.. Lahat ng pang-aalipusta naranasan ko.. Ako'y nanlimos ng pagmamahal, pagmamahal mula sa ibang tao.. Ngunit isa lang ang hiling ko.. Isang taong magmamahal sa akin ng totoo, yung mamahalin ako ng buong-buo. Ngunit sa pagdating ng taong ito, Pwede ba kami? Matatanggap ba ng tao ang relasyon namin? At higit sa lahat, Kaya ko pa bang magmahal? Kung ako mismo ay hindi nakaranas ng pagmamahal ng iba???

Malapit na!

(Last Week of April or First Week Of May..)

2 comments:

  1. Wow! Mukhang interesting. Aabangan ko 'to.:)

    Pa-follow naman po.

    http://rantstoriesetc.blogspot.com/

    Thanks!! Good luck!

    ReplyDelete