Saturday, April 30, 2011
POLL!! (Love Me Like I Am..)
KUNG KAYO MASUSUNOD, Bago Matapos ang "Love Me Like I Am" BOOK 1, Gusto niyo bang may mangyaring (alam niyo na) kay Gab and Jared???
1. Oo.. Mahal naman nila ang isa't-isa ehh..
2. Hindi.. Ok na muna yung pa-tweetumps at yung pagkukulitan nila. Sa Book 2 na lang ang next level na yun..
Hindi ko po maipapangako na makakagawa ako ng Torrid (LOL XD) kasi wala naman po kasi ako masyado alam sa ganun pero susubukan ko.. LOL XD
Kung hindi ko man magawa at manalo yung OO, ilalagay ko na lang yung yun bang masabi lang na MAY MANGYARI.. WAHEHEHE.. At hindi ko na idedetalye pa gawa nga po ng una, hindi ko masikmura, pangalawa, wala po ako karanasan sa ganun (virgin pa ako!!), pangatlo hindi ko matatapos dahil tatawa ako ng tatawa habang tina-type ko!! LOL XD At hindi kayanin ng powers ko talaga.. Wahahaha!!
Again, kung manalo man po ang OO,..... SUSUBUKAN KO PO ANG MAKAKAYA KO!!!
Anyway, salamat po sa lahat ng tumatangkilik ng "Love Me Like I Am.." ;)
Friday, April 29, 2011
Love Me Like I Am (Book 1 Part 10)
Batiin at pasalamatan ko lang po ang mga sumusunod:
- Kuya mike (na patuloy ang pag-support sa akin..)
- Kay Ram na naka-abang at nangungulit Tahahaha!!
- Ryan (Carlo) sa pangungulit oras-oras sa update.. LOL XD
- Ryan (Firmanes) na nag-sharan ko tungkol sa inedit ko sa part 9
- Kay Aguaness na nangungulit din na ipost ko na daw lahat.. Hehehe..
- Kay Kuya James Wood
- Kay taga_cebu na sinabi na nabitin daw at lagot daw ako sa kanya, hoy! posted na! wahahah!!
- Kay Sir Rovi sa advice niya.. Salamat po sa sinabi niyo ;)
- Kay kambal (Dylan kyle author of Campus figure..)
- Eban, hoy!! san na yugn karugtong nung story mo? Hahaha..
- Si Enso, sa pag-follow sa blog ko! (Sa wakas!!) At abangan niyo ang pagbabalik ng character nya.. Gahahaha!!!
- At Sa lahat-lahat ng sumusuporta sa akin at tumatangkilik sa gawa ko!! Maraming Salamat po!!
By: White_Pal
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 10: "When You Say Nothing At All.."
When You Say Nothing at All – Ronan Keating Song Lyrics
Kinabukasan habang nasa sasakyan kami pauwi,
AKO: “Ely, wag ka na nga magmake-up, ang pangit na kaya.”
ELY: “Hay naku ayan ka nanaman bebe Gab, pinakekeelaman mo nanaman ako.” Sabay lagay naman ng lipstick. Hehehehe..
AKO: “Ang sagwa sagwa na ehh..”
ELY: “Ako masagwa? Sa GANDA KONG ITO!!” sabay pose na parang bold star. Hahaha.
AKO: “Hoy, Elyana! Magtigil ka nga!! Katabi mo pa man din si manong oh (tukoy ko sa driver..) Kadiri ka!!”
ELY: “Kapal ng mukha mo bebe Gab, sabihin mo lang nagagandahan at nasesexyhan na talaga kayo sa akin nuh.”
AKO: “Sira ulo, Baliw, bahala ka nga dyan.” Ang natatawa kong sabi.
ELY: “Talaga!! Anyway Highway, makinig na lang tayo sa music ohh.. Mukhang maganda.” Ang tukoy niya sa nag-uumpisang kanta na galing sa radio.
KUYA JARED: “WOW!! Ang ganda nga!! Di ba Gab?” sabay ngiti na nakaka-gago.
AKO: “Ahh ehhh..” ang nasabi ko dahil saktong sakto naman talaga at katabi ko pa si Kuya. AT!! Eto yung kinanta niya nung nasa Waterfalls kami.. Hayy naku ang pagkakataon nga naman. Tsk!!
Kasi sa totoo lang, parang yun na ang nararamdaman ko ehh.. Oo mahal ko siya bilang kapatid, kuya, at best friend. Pero hindi ko talaga alam kung ano na ba talaga itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Pero feeling ko.. Eto na nga ata yung sinasabi nilang LOVE..
“It's amazing
How you can speak
Right to my heart”
ELLA: “Hhmm.. Jared, bakit mukhang gandang-ganda ka nga. Para kanino ba yan?” ang tanong ni Ella na parang nakakatunog na.
ELY: “Kanino nga ba?” ang tingin kay Kuya Jared tas biglang kuha sa salamin na parang nag-iilusyon na siya yun.
AKO: “Ahahahaha!!” malakas kong tawa.
“Without saying a word,
You can light up the dark”
ELLA: “Wow!! Mukhang alam ni Gab!!”
ELY: “MY GOD! Sabihin mo Bebe Gab kung sino.. SINO?? Sino ang nagpapatibok sa puso ni Papa Jared ha??
“Try as I may
I could never explain
What I hear when
You don't say a thing”
AKO: “Si---“ di ko natapos dahil tumingin ng masama si Kuya Jared.
AKO (ulit): “SI El ---“ sasabihin ko sanang Ely kaso…
KUYA JARED: “Si Gab.. SI GAB ANG MAHAL KO!”
At pagkatapos noon ay natulala ako ng matagal gawa ng pagkagulat sa sinabi niya. Kitang-kita ko rin naman sa reaction nina Ely at Ella ang pagkagulat at pagtataka.
“The smile on your face
Lets me know
That you need me
There's a truth
In your eyes
Saying you'll never leave me
The touch of your hand says
You'll catch me
Whenever I fall
You say it best
When you say Nothing at all
All day long
I can hear people
Talking out loud
But when you hold me near
You drown out the crowd
(The crowd)
Try as they may
They could never define
What's been said
Between your
Heart and mine”
The smile on your face
Lets me know
That you need me
There's a truth
In your eyes
Saying you'll never leave me
The touch of your hand says
You'll catch me
Whenever I fall
You say it best
When you say Nothing at all”
ELY: “Oh my God!!! OH MY GOD TALAGA!! GRABE! IBANG LEVEL NA ITEEHHYYY!!” ang pagsisigaw at pagwawala niya.
KUYA JARED: “Hahaha!! Bakit? Mahal ko naman talaga ang gagong ito ahh.. Siyempre, best friend ko siya ehh.. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya.” Sabay akbay sa akin.
ELLA: “Oo nga naman. Talaga si Ely grabe maka-react, kung anu-ano iniisip oh.”
AKO: “Oo nga malisyosa ang babaeng yan ehh.” Ang banat ko na nahihiya pa rin sa loob loob ko.
ELY: “Eh bakit? Yun naman talaga reaction ng makakadinig nun ahh.. Naku talaga! Ako nanaman ang tinirada niyo. Echoserang froglets talaga kayo!”
“The smile on your face
Lets me know
That you need me
There's a truth
In your eyes
Saying you'll never leave me
The touch of your hand says
You'll catch me
Whenever I fall
You say it best
When you say Nothing at all
(You say it best
When you say
Nothing at all
You say it best
When you say Nothing at all)
The smile on your face
The truth in your eyes
The touch of your hand
Let's me know
That you need me”
AKO: “Oh? Bakit mo ako tinititigan ha?” ang mahina kong sabi kay kuya.
KUYA JARED: “Wala.. Masama ba?” ang mahina niya ring tugon.
KUYA JARED (ulit): “Pero totoo yung sinabi ko.. Mahal Talaga kita.. MAHAL NA MAHAL!!” ang mahina pa rin niyang sabi at nakakagagong ngiti.
AKO: “Hoy, mamaya madinig ka ni Ella.” Ang sabi ko dahil halos katabi ko lang si Ella sa kaliwa.
KUYA JARED: “Bakit? Totoo naman ehh.. Mahal kita.. Mahal na Mahal kita.. Ikaw ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko, ikaw ang best ko.” Sabay ngiti.
AKO: “Ok.. Sabi mo ehh.. WALA NG BAWIAN YAN AHH..” ang pagsakay ko sa kagaguhan niya.
KUYA JARED: “Talaga..” sabay killer smile.
Nang makarating kami sa Maynila, ay isa-isang dinaanan namin ang bahay ni Ely at Ella para ibaba na sila doon.
Nang maka-uwi na kami ni Kuya sa Bahay ko...
KUYA JARED: “Gab, tara.. may ipapakita ako sa iyo.”
AKO: “Ano yun?”
KUYA JARED: “Tara, sama ka sa akin.” sabay hawak sa braso ko.
AKO: “Putek san nga?? Napapagod na ako gusto ko ng magpahinga ehh.” Ang pagmamaktol ko.
KUYA JARED: “Sandali lang PROMISE.”
Ano pa bang magagawa ko? Edi Sumama na ako! At tsaka curious din ako sa ipapakita niya nuh.
Sumama ako sa kanya at nawindang ako sa lugar na pinuntahan namin, dinala ako ni Jared sa isang 5 Star Hotel.. Sheeettt!! Naiisip niyo ba ang naiisip ko???
AKO: “Ok.. Anong gagawin natin dito??” ang gulat na gulat kong tanong pero mahinahon naman.
KUYA JARED: “Halika, sumama ka..” sabay hatak sa akin.
AKO: “Huy!! Ayoko!!” ang pag-angal ko.
KUYA JARED: “Bakit ayaw mo?? Dali na magugustuhan mo ito.”
AKO: “Anong magugustuhan!?!?” ang bigla kong pagsigaw.
KUYA JARED: “Magugustuhan mo ang ipapakita ko sa iyo.”
AKO: “Tangina ano ba kasi yan!!! At bakit sa Hotel pa?? Ano ba kasi??” ang pagmamaktol ko at pagwawala ko.
KUYA JARED: “Halika sumama ka na lang..” sabay hatak sa akin.
Kabadong-kabado ako sa oras na iyon, at alam kong alam niyo na ang naglalaro sa utak ko!! Taeng Jared ito at dito pa ako dinala sa mamahaling Hotel, hindi ko lang masabi na “PWEDE NAMAN SA KWARTO KO NA LANG!!” JOWK lang!! Bwahahahaha!!!
Hinatak niya ako at dinala sa Elevator. Pagkapasok namin sa loob ng Elevator..
KUYA JARED: “Gab..” ang malamabing niyang sabi. Shheeett!!
AKO: “Ano?? Pindutin mo na yung switch para matapos na tayo at maka-uwi na.."
KUYA JARED: "Masyado ka nagmamadali.. Darating din tayo dyan.." sabay ngiti na parang gago..
AKO: "Nako!! Pindutin mo na!! May card ka ba para paganahin yan??” ang pasigaw kong sabi at tukoy ko sa elevator switch.
KUYA JARED: “Oo pero bago iyon, May ipapasuot ako sa iyo ha?”
AKO: “Ano iyan??” ang sabi ko sabay ng panlalaki ng mata pahiwatig na nakukuha ko ang ibig sabihin niya.
KUYA JARED: “Eto, mag-blind fold ka..” ang sabi niya habang ang itsura ay parang nang-aakit. Shit!!!
Aba!! Ayos ang mokong na ito ahh.. Gusto pa naka-blind fold ako!! Nako naman Gabriel!! Bakit ganito?? Ano ba nakain nitong sira ulong lalaking ito??
AKO: “A-a-a-a-ayoko!! Ayoko nga!!! Gusto ko Makita..”
KUYA JARED: “Makita ang ano??” ang bigla niyang tanong.
AKO: “Y-y-y-y-yung ipapakita mo..” ang sagot ko.
KUYA JARED: “Gusto ko ma-surprise ka ehh..” sabay ngiting nakaka-gago.
“Putek na talaga!!” ang sigaw ko sa isip ko.
KUYA JARED: “Please? Isuot mo na..” ang pagmamakaawa niya.
AKO: “Ayoko!! At bakit ba ganyan ang boses mo!!”
KUYA JARED: "Bakit paano ba ang boses ko??"
AKO: "Para kang nang-seseduce ehh.."
KUYA JARED: "Bakit na-seseduce ka ba?? Nag-iinit ka?? Nalilibugan ka??" ang sunod-sunod niyang tanong.
Tila natahimik ako sa sinabi niya at medyo nainis.
AKO: "Tangina naka-drugs ka ba!?!?!"
KUYA JARED: "Hahaha!! Sige na kasi isuot mo na ito.."
AKO: "Ayoko!!"
KUYA JARED: “Sige ka, iwan kita dito, hindi ka makakalabas at makakauwi. Bwahahaha!!” ang pananakot niya.
AKO: "Hoy!! Mr. Jared Earl Cruz!! Madali lang solusyonan yang pananakot mo nuh!!"
KUYA JARED: "Ahh Madali pala.. Edi sasabihin ko kila Ella, Ely, Papa at Mama mo na nalilibugan ka sa akin. Hahahaha!!"
AKO: "Hoy!! Wag ka ngang mag-imbento ahh.. Nabubwiset na ako!!"
KUYA JARED: "Sige na kasi isuot mo na.."
AKO: “uuuuuggghhh!!! Sige na!!” ang sabi ko para matapos na lang.
At sinuot na nga niya ang blind fold sa akin.
Naramdaman ko ang pag-akyat ng elevator. At habang nasa elevator na mukhang ang tagal-tagal umakyat sa paroroonan.. Hehe..
KUYA JARED: “Hayy naiinitan ako..” ang nadinig kong sabi niya at naramdaman kong tinanggal niya ang jacket niya.
“Lagot na!!! Lord Kayo na pong bahala sa mangyayari, Bahala na kayo kung sa araw na ito ay ma-dedevirginize ako!! Hahaha!!” ang sigaw ko sa isip ko.
Sa oras na yun, nanginginig ang buong katawan ko, nahihirapan huminga at linalamig. Basta! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kinikilig, nalilibugan o na-eexcite. Naeexcite?? Nalilibugan?? Waaahhh!! Hindi!! Mali!! Erase!! Erase!! Hahaha..
Nang maramdaman ko ang paghinto at pagbukas ng elevator ay agad naman akong inakbayan ni Kuya Jared at naglakad. Habang naglalakad kami nararamdaman ko na carpet ang inaapakan namin. Maya-maya binuhat niya ako.
KUYA JARED: “Buhatin na kita para hindi ka na mahirapan pa.”
AKO: “S-s-s-san mo ba kasi ako dadalhin?? Ano bang gagawin natin??”
KUYA JARED: “Palagay mo ano bang gagawin natin?? Relax ka lang, mag-eenjoy ka dito.”
Hindi na ako sumagot doon at naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at binaba niya ako.
KUYA JARED: “Gab, naiinitan ka ba?” sabay tanggal din sa Jacket ko.
Sa puntong iyon, kumpirmado ko na ang mangyayari, at hindi ko nagustuhan ang gagawin niya.. Ano tingin niya sa akin?? CHEAP??? EASY TO GET??? KONTING LANDI NIYA LANG BIBIGAY NA??? Ang sakit lang na ang pinaka-matalik kong kaibigan ay ganyan ang tingin sa iyo. Nag-take advantage siya sa nararamdaman ko at sa edad ko!! In short, CHILD MOLESTATION ITO!! Dahil nga galit na galit na ako sa kanya..
AKO: “Ano ba!!?!? Umuwi na tayo!! Gusto ko ng umuwi!! Tigilan na natin ang kagaguhang ito!!” ang sigaw ko sabay tanggal sa blind fold ko.
Pagkatanggal ko ng blind-fold ko ay nakita ko na nasa may parang rooftop pala kami ng Hotel. Gandang-ganda ako sa istruktura nito at sa disenyo sa gilid. Idagdag pa ang mahangin at maaliwalas na kapaligiran.
AKO: “Wow!!! A-a-a-ang ganda!!” ang manghang-mangha kong sabi.
KUYA JARED: “Sabi ko sa iyo magugustuhan mo dito eh..” Sabay akbay sa akin.
Ngiting-ngiti naman ako sa nakikita ko at nagpunta ako sa may parang dulong parte ng rooftop kung saan nakita ko ang mga gusali, sasakyan na nasa-ibaba, mga bahay, ilog, puno at kung anu-ano pa man. Mataas kasi ang Hotel na iyon kaya maraming makikita sa pinaka-tuktok na parte.
KUYA JARED: “Tingnan mo gustong-gusto mo.. Nag-eenjoy ka, tapos aayaw-ayaw ka pa..” ang sabi niya habang naka-ngiting parang ewan.
AKO: “Eh Kasi!!” ang pagmamaktol ko.
KUYA JARED: “Ano!?!?! Kasi ano??” ang sigaw niya sabay ngiti.
AKO: “W-w-wala!!!”
KUYA JARED: “Sus.. Akala mo kung anong gagawin natin nuh??Akala mo kung saan tayo pupunta nuh??? Ikaw ha ang green mo..”
AKO: “Hoy!! Ikaw ang nagsabi at nag-iisip niyan hindi ako!!”
KUYA JARED: “Ay sus.. Palusot ka pa... Nanlalamig ka kaya tapos nanginginig ka na parang nagdedeliryo ka dyan. Hahaha!!” sabay tawa ng malakas.
Hiyang-hiya ako sa nararamdaman ko ng oras na iyon. At napansin ni Jared ang pagtahimik at pagka-pikon ko sa mga sinabi niya kaya..
KUYA JARED: “Eto naman, joke lang.. Hindi mabiro ohh.. Alam mo kaya talaga tayo nagpunta dito para sabay natin pagmasdan ang paglubog ng araw.” ang sabi niya sabay ang ngiti niya na parang hulog ng langit. Haaayyy...
AKO: "Bakit naman ako ang sinama mo dito?? Bakit hindi si Ely? si Ella? or yung taong mahal mo??" ang bigla kong naitanong.
Imbis na sumagot ay tinitigan niya lang ako.. Maya-maya hindi ko kinaya ang sunod niyang sinabi..
KUYA JARED: "Ikaw ang dinala ko dito kasi ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.. Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.." at ngumiti siya. Ang killer smile kamo!!
Ginantihan ko lang din siya ng ngiti. Wala na kasi ako iba pang masabi ehh basta ang alam ko ay masaya ako at talagang nag-enjoy ako.
Pero isang tanong ang bumabagabag sa isip ko ngayon. Kung ako ang pinakamagandang nangyari at pinakamaimportanteng tao sa buhay niya. Ibig sabihin ba nito na ako ang taong tinutukoy niya na "Mahal daw niya"? Pero alam kong impossibleng ako yun dahil alam ko, Lalaki si Kuya Jared. Alam ko yun! kaya impossibleng ako ang taong iyon pero bakit ganun yung pananalita niya?? Wait nga!! Gab, nag-eexpect ka ba?? Haayyy.. Ewan!!!
Simula ng araw na iyon, ewan ko ba kung bakit parang mas tumindi yung nararamdaman ko para kay Kuya Jared. Oo kagaya pa rin ng sabi ko dati, may paghanga ako sa kanya bilang isang lalaking tinitingala at iniidolo. Pero aaminin ko rin na parang may iba na nga akong nararamdaman na hindi ko maintindihan. Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag itong nararamdaman ko para sa kanya basta ang alam ko lang is, kapag nandyan siya Masaya ako, kapag wala siya namimiss ko, pagnakikita ko sya lalo na ang killer smile niya namemesmerize ako, tapos kapag magkasama kami parang tumitigil ang oras, Masaya SOBRANG SAYA, at higit sa lahat, para akong lumilipad sa alapahap kapag siya ang kapiling ko. YES! Kapiling daw oh!! Tsk! Tsk! Hindi kaya sintomas na ito ng sakit sa puso? Kung ito na nga, Naku patay ka Gabriel!!
(itutuloy..)
Love Me Like I Am (Book 1 Part 9)
- Kuya mike (na patuloy ang pag-support sa akin..)
- Kay Ram na naka-abang at nangungulit Tahahaha!!
- Ryan (Carlo) sa pangungulit oras-oras sa update.. LOL XD
- Ryan (Firmanes) na nag-sharan ko tungkol sa inedit ko sa part 9
- Kay Aguaness na nangungulit din na ipost ko na daw lahat.. Hehehe..
- Kay Kuya James Wood
- Kay taga_cebu na sinabi na nabitin daw at lagot daw ako sa kanya, hoy! posted na! wahahah!!
- Kay Sir Rovi sa advice niya.. Salamat po sa sinabi niyo ;)
- Kay kambal (Dylan kyle author of Campus figure..)
- Eban, hoy!! san na yugn karugtong nung story mo? Hahaha..
- Si Enso, sa pag-follow sa blog ko! (Sa wakas!!) At abangan niyo ang pagbabalik ng character nya.. Gahahaha!!!
- At Sa lahat-lahat ng sumusuporta sa akin at tumatangkilik sa gawa ko!! Maraming Salamat po!!
By: White_Pal
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 9: "Secret Of The Past"
Pagbabang-pagbaba namin ay inakyat ni Manong Driver at ng iba pang mga kasambahay sa mansyon namin ang gamit namin ni Kuya Jared. Habang nag-iikot kami sa bahay.
KUYA JARED: “Ayos talaga tol ang bahay niyo na ito!! Ang laki-laki! Parang palasyo.”
AKO: “Malaki nga BULOK naman! Antique style.”
KUYA JARED: “Oh.. Ehh ano naman? At least may bahay nuh kesa sa amin ng nanay na nasa maliit na paupahan lang.”
AKO: “Ohh.. Wag mong maliitin ang sarili mo. Walang masama kung nangungupahan lang kayo.”
KUYA JARED: “Hindi.. Sinasabi ko lang sa iyo na kayo, may bahay kayo na parang palasyo samantalang kami nangungupahan lang. Kaya dapat wag mo ng pintasan na bulok.”
AKO: “Sinabi ko lang na bulok para magtigil ka dyan sa kakasalita mo na MALAKI ANG BAHAY dahil hindi ako kumportable sa mga papuri na ganyan.”
KUYA JARED: “Sus.. DI RIN!”
AKO: “Di rin talaga..”
Pag-akyat namin ng kwarto..
AKO: “Whew!! Kakapagod na byahe!!” sabay higa sa kama.
KUYA JARED: “Hoy! Hilata ka nanaman! Kaya ka chubby ehh.”
AKO: “Chubby ka dyan, Hoy! Pumayat na kaya ako nuh.”
KUYA JARED: “DI rin.. tingnan mo nga yang bilbil mo oh..”
AKO: “Tarantado, wala akong bilbil.”
KUYA JARED: “Eh anong tawag mo dyan?” sabay kurot sa kay tiyan ko.
AKO: “Takte ang sakit!” sabay hawak ng kamay niya at pilipit dito.
Pagkatapos kong pilipitin ang kamay niya, nakawala ito gawa ng mas malakas siya sa akin. Pagkatapos nuon, naghabulan kami at nag-wresting hanggang sa naibagsak niya ako at nailock. Sa taas ba naman niyang 6 feet ay talong-talo ang height ko na 5’4 lang, idagdag pa ang muscles sa braso niya plus ang six pack abs.
KUYA JARED: “ANo laban pa ha? Sinong Tarantado?” ang sabi niya na parang nagbabanta.
AKO: “IKAW!!” ang malakas kong sagot na may pang-iinis.
At diniin pa niya lalo ang kamay niya sa braso ko. Kahit ganoon siya katangkad at kalakas, sinubukan ko pa ring pwersahing itulak siya papalayo ngunit ayun.. EPIC FAIL!! Pero.. may naisip akong paraan, WISE ATA AKO!! Nyahahaha!!
AKO: “Aray!! Sobrang diin nung kamay mo!! Ang sakit na ng braso ko!
Ngunit hindi ako pinansin, walang pakielam.
AKO: “Ahh! Shit!! Yung TTTOOOOTT ko nadidiinan mo na, parang mababasag!!” ARAY!!! Ang pagsisigaw ko.
KUYA JARED: “Ay sorry tol..” sabay kalas sa akin ngunit naka-dagan pa rin ng konti.
Bigla ko siyang tinulak ng buong pwersa at bumagsak siya sa sahig.
KABBBLLLAAAGG!!!! Naku! Napalakas ata!! Tsk!!
AKO: “Kuya, ok ka lang ba ha??” ang bigla kong pagtayo at pagtanong.. hehe..
KUYA JARED: “PUtangina mukha ba akong Ok ha??”
AKO: “Sorry..”
KUYA JARED: “Gago, masakit yun.” Sabay hawak sa leeg ko at diniin sa semento.
AKO: “Aww!! Tangina, masakit arrraay!!”
KUYA JARED: “Ano? Ha? Laban ka pa?? Ha?? HA!?!??” ang tanong niya na nang-bubwisit.
AKO: “Ayoko na!”
Bago pa man ako bitiwan ni Kuya Jared ay biglang bumukas ang pinto sa may dressing room ng kwarto at..
ELY: “Hoy Papa Jared!! Pinapatay mo na si bebe Gab!!”
KUYA JARED: “Hehehe.. Joke lang naman namin ito nuh.. Laro-laro lang.” at bigla siyang kumalas sa akin.
ELLA: “Hindi rin.. hehehe..”
AKO: “WAaaaahh!!!! Anong ginagawa niyong dalawa dito?? AT bakit kayo nandito??”
ELY: “Bakit masama ba bebe Gab?? Inawat ko na nga si Papa Jared ohh..”
AKO: “Hindi naman.. Teka nga, sagutin niyo yung tanong ko.. BAKIT KAYO NANDITO NI ELLA?”
ELY: “Inimbitahan kasi kami ni Papa Jared dito. Kaya ayan.. NANDITO KAMI!! Nyahaah! Simple as that bebe Gab. Di ba Papa Jared?” sabay ngiti na parang nagpapa-cute hehehe.
KUYA JARED: “Tama.. Inaya ko silang dalawa ni Ella para naman mas Masaya tayo.”
ELY: “Yippeee!! It’s Gonna be fun!!”
AKO: ”Sus hindi niyo man lang sinabi.”
ELLA: “Kaya nga surprise ehh.”
ELY: “TAMMMAAA!!!”
AKO: “Teka nga! Kanina pa ba kayo dyan?”
ELY: “Actually, Oo hinihintay ka nga namin na pumasok ka sa loob ehh ang kaso, mukhang hindi ka na makakapasok dahil papatayin ka na ata ni Papa Jared. Kaya ayun! Lumabas ako, para naman kahit tuluyan ka na ni Papa Jared, ay masilayan mo pa rin ang kagandahan ko nuh.”
AKO: “Baliw..”
ELY: “Oh my GOD!! Speaking of kagandahan, mag-lalagay lang ako ng make-up ha?” sabay kuha ng make-up sa bag.
AKO: “Ely!! Ano ba yan? Ang kapal-kapal na ng make-up mo tapos lalagyan mo nanaman!!”
ELY: “Bakit ka ba nangengeelam bebe Gab? SEEE?? Ang ganda ganda ko ehh ohh..” ang sabi niya habang naglalagay ng make-up.
AKO: “Hindi rin..”
ELY: “Hay naku Gabriel, kahit tanungin mo pa kay Papa Jared, ang sasabihin niyan is MAGANDA AKO!! Hahaha!!” sabay tawa ng malakas.
KUYA JARED: “Oo Maganda ka.”
ELY: “See?? I’m Beautiful..”
KUYA JARED: “Maganda ka kesa sa kabayo. Hahaha!!” sabay apir sa akin.
ELY: “Putangina niyong dalawa!! Hay nakuo!! Mag best friend nga kayo.”
AKO: “Talaga..”
KUYA JARED: “Forever and Ever.”
ELY: “YESSS! Gumaganon!! Grabe, kakaloka ha!! Hhmmm..”
ELY (ulit): “I smell something.” Ang mahina niyang sabi.
AKO: “Anong something Ely??” ang bigla kong pagtatanong sa kanya.
ELY: “Huh?? May sinabi ba ako?” ang pagmamaang-maangan niya.
AKO: “Oo meron..”
ELLA: “Anyway, tara na labas na tayo. Let’s have some fun!!” ang natutuwa niyang sabi.
AKO: “Tama.. Hindi yung puro bunganga ni Ely ang nadidinig natin. It’s no FUN.”
ELY: “Ewan ko sa iyo bebe Gab.. Baliw ka talaga!! Sige na, GORABELLS na tayo!!”
Sa loob ng limang araw na pagbabakasyon namin sa lupain, naging Masaya at magandang experience eto. Andyan yung nagsswiming kami sa swimming pool, tapos kung trip naming pumupunta kami sa bayan at pinupuntahan ang kung anu-anong stores at ewan ko ba hehehe. Sinubukan naming ikutin ang buong lupain kaso, sobrang laki nito at kulang sa oras. Naging maayos ang limang araw na pag-stay namin ngunit sa ika-anim na araw, habang naka-upo kami sa burol na dating pinagtatambayan namin..
AKO: “Sana lagi na lang ganito nuh?”
KUYA JARED: “Ano yun??”
AKO: “Ganito.. Walang problema, masaya.. Haayyy..”
KUYA JARED: “Ang dami ng nagbago dito lugar niyo.”
AKO: “Talaga?”
KUYA JARED: “Oo..”
AKO: “Ahh..”
KUYA JARED: “Pero ang hindi nabago ay itong lugar natin.” ang tukoy niya sa burol na inuupuan namin ngayon at tambayan namin dati.
AKO: “Talaga??”
KUYA JARED: “Oo.. Parang tayo, hindi pa rin nagbabago.. BF pa rin..” sabay ngiti.
AKO: “BF!?!?!” ang gulat kong tanong.
KUYA JARED: “Best Friend..”
AKO: “Aaahhhh.. Ahehehehe..” ang nasabi ko na lang sabay tawa at tumawa na lang din siya..
Maya-maya napag-pasyahan na naming umuwi dahil mag-gagabi na. Ngunit adik talaga itong si Kuya Jared, imbis na yung malapit na daan ang daanan naming pauwi ay ibang rota ang dinaanan namin para adventure daw. Hehehe..
Habang nag-pauwi..
AKO: “Kuya, malayo pa ba tayo?”
KUYA JARED: “Malapit na.. konti na lang..”
AKO: “Putcha naman saan mo ba kasi ako dadalhin ha??”
KUYA JARED: “Basta.. Sumunod ka na lang.”
AKO: “Sigurado ka ba na dito talaga ang daan?? Kasi gubat na kaya ang lugar na ito.”
KUYA JARED: “Ang kulit mo rin eh nuh? Puro ka dakdak dyan, SUMUNOD KA NA LANG!! Hindi ka mapapahamak.”
AKO: “Naku!! Ehh may walong taon na rin kaya ang nakakaraan simula ng dito tayo nakatira, naaalala mo pa ba yun?”
KUYA JARED: “Ang kulit mong tao ka, sumunod ka na lang adventure ito. At tsaka itikom mo nga yang bunganga mo. Para kang si Ely ehh..”
AKO: “Di rin!! Si Ely, Machine Gun at Armalite ang bunganga nun.”
KUYA JARED: “At ikaw ano naman? Ha? BAZOOKA?? Hahaha!!”
AKO: “Gago! Pistolt lang ako nuh.”
KUYA JARED: “Di rin.. Bazooka ka.”
AKO: “Di rin.. HINDI RIN!” sabay malakas na sabi nun na parang nang-iinis.
KUYA JARED: “Kulit mo talaga!” sabay kurot ng madiin sa pisngi ko.
AKO: “Arraaayyy!! Masakit!!”
KUYA JARED: “Oo kaya tumigil ka na. Dahil hindi lang yan ang kukurutin ko sa iyo sa susunod.” Sabay ngiting nakaka-gago.
AKO: “At ano naman yun?”
KUYA JARED: “Hahaha!! Basta!!”
AKO: “Ano nga??”
KUYA JARED: “Yang singit mo!! Hahaha!!” ang malakas niyang tawa.
AKO: “Tarantado ka talaga!! Sige, subukan mo lang at pipisakin ko yang itlog mo.”
KUYA JARED: “Hahaha!! Gago ka rin ehh nuh? Sige.. Pisakan pala ha!” sabay ngiting nakaka-gago.
AKO: “Talaga..” sabay pigil na tawa.
Pagkauwi naming ng bahay...
AKO: “Manang, nandito nap o kami si Ely at Ella po nasaan??”
MANANG: “Ay sir! Nagpunta pos a bayan nag-shopping daw po ata.”
“Siya na ba yun??” ang tanong ng isang matandang babae.
MANANG: “Ahh Oo, siya po si Sir Gabriel.”
ALING CECILIA: “Ay Sir Gabriel! Magandang umaga po! Malamang hindi niyo na po ako naaalala ako po si Cecilia ako po ang dating katulong dito.”
AKO: “Ahh.. magandang umaga po..”
ALING CECILIA: “Ay ang laki-laki mo na, huling ko kayong nakita noong kakambal niyo ay isang taon pa lang kayo..”
AKO: “Teka po Aling Cecilia, Nagkakamali po kayo. Wala po akong kakambal, nag-iisang anak po ako.”
At agad namang hinatak ni Manang si Aling Cecilia palayo. At nag-usap sila sandali.
Nagulat ako sa mga nadinig ko. Kambal? Ako may kakambal?? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Naguguluhan na nagtataka. Kung may kakambal nga ako nasaan siya? At bakit hindi ko alam na meron pala at bakit hindi sinabi ni Mama sa akin.
Maya-maya..
MANANG: “Ahh ehh sir, pagpasensyahan niyo na po si Aling Cecila ahh.. ehh..”
AKO: “Manang, Aling Cecilia, tapatin niyo po ako.. May kakambal po ba ako? May kapatid ba ako??”
MANANG: “Wala..”
ALING CECILA: “Malaki na ang bata at palagay ko oras na para malaman niya ang totoo..”
MANANG: “Pero kabilin-bilinan nila Sir—“
ALING CECILIA: “Hindi anak maupo ka (tukoy niya sa akin..). Kailangan malaman na niya ang katotohanan.. Sabihin mo natin..”
MANANG: “Sige..”
ALING CECILIA: “Gabriel, anak, meron kayong kakambal, babae. Sa katunayan ay tatlo ang anak ni Ma’am (mama ko..). Isang babae, dalawang lalaki. Namatay ang isang lalaki at isa ay nabuhay, kayo po iyon at kasama niyo nabuhay ang kakambal niyo ding babae. Yun lang ang alam ko anak.”
AKO: “Pero, bakit wala akong kilalang kapatid? Ang laam ko ay nag-iisang anak ako.”
MANANG: “Sir, hindi na naming alam kung ano ang nangyari sa kapatid niyo. Sa tuwing tinatanong naming sila Ma’am ay hindi ito sumasagot kaya naman hindi na naming sila kinulit pa..”
Hindi ako makapaniwala sa nadinig ko. Tumayo ako ng walang paalam at nagpunta sa may waterfalls na nasa may bandang likod lang ng bahay.
“Bakit nila linihim sa akin?? Nasaan ang kapatid ko?? Bakit wala silang sinabi tungkol dito??” yan ang tanong na bumabagabag sa isip ko at bigla ko na lang napansin si Kuya Jared sa tabi ko. Sumunod pala siya. Hindi siya umimik, at hindi din ako umimik.. maya-maya..
AKO: “Kuya, hindi ko alam ang gagawin ko.”
KUYA JARED: “Bakit kaya hindi mo tanungin ang mama’t papa mo?”
AKO: “Ewan ko.. Hindi ko alam kung paano ko sila kokomprontahin tungkol dito. Hindi ko na alam..”
Tahimik..
KUYA JARED: “Gab, tutulungan kitang hanapin ang kapatid mo. Kagaya ng naipangako mo sa akin na tutulungan mo ding hanapin ang kapatid ko.”
AKO: “Salamat kuya.. Pero may hihingin lang akong pabor sa iyo..”
KUYA JARED: “Ano iyon?”
AKO: “Sana hindi mo na banggitin kina Ella at Ely ito.”
KUYA JARED: “Of course..”
AKO: “Salamat..” at ngumiti na lang ako na ginantihan din niya ng ngiti.
KUYA JARED: “Hhhhmm.. Since this is our last night in this place, tara swimming tayo diyan.” Turo niya sa waterfalls.
AKO: “Huh? ANg lalim kaya niyan!! Ayoko!! Di ako marunong lumangoy nuh at baka ikalunod ko pa yan.”
KUYA JARED: “Akong bahala sa iyo.”
AKO: “AYoko!”
KUYA JARED: “ok sige.. alis na ako..”
Pagkatayo niya ay bigla niya akong tinulak sa ilog.
KUYA JARED: “Hahahaha!!!” ang tawa niya na nang-iinis.
AKO: “Putek!! Kuya di ako marunong lumangoy!!”
Nag-dive siya sa tubig at yinakap ako.
KUYA JARED: “Ayan.. Malulunod ka pa ba niyan? Ngayong nandito na ako at kasama mo?” sabay ngiti na nakaka-gago.
AKO: “Gago ka talaga ehh nuh?? Papatayin mo ata ako ehh..”
KUYA JARED: “Gago pala ahh.. Ohh sige!! Iwan kita dyan, Bye.” Sabay kalas sa pagkakayakap sa akin.
Akmang papalayo na siya ay hinawakan ko ang kamay niya at sabay hatak dito.
AKO: “Wag mo akong iwan..” ang pagmamakaawa ko.
KUYA JARED: “Oh? Akala ko ba G-A-G-O ako?” pag-emphasize niya sa gago.
AKO: “Eh kasi naman ehh.. Basta wag mo akong iwan..”
KUYA JARED: “Ohh sige hindi na po.”
AKO: “Bakit may Po??”
KUYA JARED: “Wala.. para magalang.. bakit? Gusto mo bastusan?”
AKO: “Pwede rin..” ang sagot ko na nakakaloko.
KUYA JARED: “Ahh Ganon?? Ganon??” sabay kiliti sa akin.
AKO: “Putek ka wag mo akong kilitiin dito!!!”
KUYA JARED: “Hahaha!!”
Maya-maya pagkatapos naming magkulitan at kung anu-ano pa man, nagpunta kami sa ilalim ng waterfalls. Habang nandoon kami, out of nowhere ehh kumanta si loko ng...
When You Say Nothing at All – Ronan Keating Song Lyrics
“The smile on your face
Lets me know
That you need me
There's a truth
In your eyes
Saying you'll never leave me
The touch of your hand says
You'll catch me
Whenever I fall
You say it best
When you say
Nothing at all”
Pagkatapos niyang kantahin ang line na yun,
AKO: “Ayyyiieeeee!!! Kanino mo naman dinededicate yan ha??”
Imbis na sagutin ang tanong ko, ngumiti lang siya na nakaka-gago at nakaka-loko.
AKO: “Kanino nga??” ang sigaw ko.
KUYA JARED: “Wag mo na tanungin.. Basta..”
AKO: “Naku!! Tsk!! Siguro dinededicate mo yan sa love mo nuh?? Ayyiiieee.. Ikaw ha di ka nagsasabi sa akin.” Ang pangungulit ko sa kanya sabay kiliti na rin hehehe.
KUYA JARED: “Tumigil ka nga dyan.. BASTA!” ang sagot niya na naiirita sa akin.
AKO: “Ay suuuss naglilihim pa.. Siguro kay Ely mo dinededicate yan ano? Hehehe.”
KUYA JARED: “Hindi ahh..” ang sigaw niya.
AKO: “Waaahhh!! Denial ka pa!! Sige.. sasabihin ko yan.” Akmang papaalis na ako sa kinauupuan namin.
KUYA JARED: “Sige umalis ka. Tingnan natin kung makakalangoy ka. Hahahaha!!”
“Ngapala!! Tsk!! Kainis!!” ang nasabi ko sa isip ko.
AKO: “Hay naku!!”
KUYA JARED: “Bahala ka dyan.” sabay lusong paalis.
AKO: “Kuya!! Tulungan mo ako dito!!”
KUYA JARED: “Basta promise mo na wala kang babanggitin sa kanila tungkol dyan sa iniimbento mong kwento. Dahil kapag nagsalita ka, MAGKALIMUTAN NA!” ang pananakot niya.
AKO: “Waaahhh!! Ok sige sige.. Promise.. hindi ko na sasabihin yun.”
KUYA JARED: “Dapat lang dahil hindi naman totoo yun. Hindi siya ang mahal ko nuh.”
AKO: “Ehh sino nga ang mahal mo?” sabay ngiti na nakakaloko.
KUYA JARED: “Ahh ganon? Nagtatanong ka pa rin? Edi sige bahala ka dyan!”
AKO: “Hindi na po!! Hindi na!!”
Kinagabihan, tulog na ang lahat samantalang ako ay gising pa rin at iniisip ang nalaman kong sikreto. Hindi ko talaga alam kung paano ko haharapin ang mga magulang ko. Ang mga tanong sa isip ko ay: “Nasaan ang kapatid ko?? Saan siya nakatira??” Iniisip ko din kung nakasalubong ko na siya ngunit hindi ko laam kung siya na iyon. Haaayyy ewan!!
Pagkatapos noon ay sinubukan kong matulog ngunit hindi ko magawa kaya.. Tinitigan ko na lang ang mahimbing na pagtulog ng mahal ko, ESTE!! Best Friend ko pala. Ano ba yan Gab!!! Bakit mo ba nasasabi yan ha?? BAD!! Friends lang kayo ok ha? At tsaka bawal yang sinasabi mo. Kaya wag!! Hindi tama!! Magtigil ka!! At hindi totoo yang mahal mahal na yan ahkey ba Gab?(itutuloy..)