Sa mga silent readers ko... welcome po.... hehhe.. hope to see your comments soon.. hehehe...
Sorry kung natatagalan mag post minsan.. hirap kasi eh... la net minsan tapos busy pa...
Hope you like my stories... sa mga commentators sa akin.. maraming salamat...
sa mga nalalabuan po... PM lang po ninyo ako....
ingat po kayo lalo na sa bagyo... hahaha
hope to see your comments...
follow po ninyo blog ko...
dylankylesdiary.blogspot.com
Always here,
Dylan Kyle Santos
Here We Go Again – Demi Lovato Song Lyrics
***********************************************
[AJ’s POV]
Sira
ang buong araw ko kapag nakikita ko siya. Haixt. Ni hindi ko na lang siya
pinapansin.
Ganun din naman siya. Bahala siyang manghula ng grades niya. Inis
talaga ako.
Pilit
akong kinakalma nila Rizza pero wala talaga, wala na akong magagwa pa. Kainis talaga.
Naku, siguro walang magiging matinong girlfriend ito. Iiwan lang siya ng dahil
sa ugali niya.
Wala
sigurong magiging matinong karelasyon ito dahil hindi matitiis ang natatangi
nito asal. Haixt.
James Arkin Ramos, humanda ka talaga sa akin. Nakakinis ka.
Argsh.
Buong maghapon ko idinaan ko na lang sa pagkain ko. Haixt. Kainis.
“Best
friend hinay hinay lang. Kanina ka pa kain ng kain ah. Mamaya tumaba ka na.”
“Nakakainis
kasi eh sobra. Gusto kong makapatay talaga.”
“Oh?
Ngayon na ba? Teka magready na ako.”
“Tae.
Patawa ka talaga. Sige tutulungan mo ba ako?”
“Oo
naman. That’s are friends are for.”
“Aysus.
Talaga lang ha?”
“Oo
naman.”
“hindi
ka manghihinayang sa itsura?”
“Ay.
Ahm. Teka.”
“Aysus.
Wahoy. Tignan mo bigla kang napaisip. Ikaw talaga ay.”
“Joke
lang ito talaga siyempre uunahin ko muna ang best friend ko.”
“Sipsip.
If I know baka ikaw ang uang humarang sa harapan niya pag may kaaway siya.”
“Che
bahala ka nga jan.” at nagtawanan na kami.
Hindi
ko pa rin pinapansin si James ng mga panahong yun. Bahala talaga siya sa buhay
niya.
Every Sunday, nag spent ako ng time ko para sa mga bata sa may
orphanagena malapit sa amin.
Kasali
kasi ako sa isang church organization sa simbahan naming at isa sa mga layunin
naming mga kabataan ay ang paglingkuran ang Panginoon at pasiyahin ang mga
bata. Nahilig na ako sa mga bata.
Noong
nag uumpisa ako, siyempre nahirapan ako.
Paano ba naman ang kukulit at ang
pasaway. Pero habang nagtatagal eh nagiging okay din ang lahat at kahit papano
ay nagiging close kami s isa’t-isa.
Ang
pinaka-close ko doon sa ampunan ay si Khail. Sobrang cute kasi niya noong bata
at isa pa pasaway siya. Ang nagustuhan ko pa sa kanya ay yung pagiging maparaan
niya at talentado. Sobra akong natutuwa sa kanya.
Noong
una kaming dalawa ang hindi magkasundo.
Ano man ang gawin ko noon ay pilit
niyang nirereject?
Kapag nagtuturo ako ay marami siyang tinatanong at maraming
sinasabi.
Pero
nagbago ang lahat ng mangyaring muntikan ng maremata ang ampunan. Isa ako sa
nagpetition para hindi mangyari ito.
Nakita
ko ang pagkalungkot ng mga bata at agad kong pinawi ito.
Natatandaan ko pa noon
na una kong nakitang umiiyak si Khail.
“Kung
talagang mahal mo kami… ikaw ang gagawa ng paraan para hindi mangyari iyon…
kung hindi mo magagawa iyon wag na wag ka ng babalik dito.”
Yan
ang natandaaan kong sinabi niya sa akin.
Gumawa talaga ako ng paraan para gawan
ng paraan ito. nag karoon kami ng fund raising sa simbahan at malaki ang
naitulong nito.
Pero hindi sapat para sa kinakailangan naming halaga.
Agad
akong pumunta kila papa noon at saktong may kilala siyang matulungin at
negosyanteng babae na naghahanap ng mga bibigyan nila ng financial na tulong.
Lumapit ako sa kanila at agad silang nag donate.
Matagal
na daw silang naghahanap ng beneficiary dahil isa yun sa layunin nila matapos
makaraos sa isang matinding kahirapan.
Pasasalamat daw nila sa Diyos ang mga
ito at handa silang ipamahagi ang mga bagay na nagkaroon sila.
Matapos
ang mga pagsubok na iyon, naging matibay ang relasyon ko sa mga bata. Lalo na
kay Khail.
Matapos ito, nakita ko na lang na lumapit sa akin si Khail at doon
na nagsimula ang closeness namin.
Tuwing
Sunday ay nagspent ako ng araw ko sa mga bata. Naglalaro kami at iyon na ang
isa sa mga kinahiligan ko. Para ng kapatid ang turing ko kay Khail.
Part
na ng buhay ko ang ampunan at sobra akong nasisisyahan kapag naroroon ako.
Isang araw bumisita sa ampunan ang tumulong sa ampunan.
“Good
afternoon po Mam Annie.” Bati ko.
“Good
afternoon din iho. Naku tita na lang ang itawag mo sa akin.”
“Nakakahiya
naman po.”
“Wag
ka ng mahiya. At isa pa bilib nga ako sayo eh akalain mo na sa ganyang edad ay
nagsisimula ka na maging isang mabait na tao. Sana nga lang eh maging katulad
mo ang anak ko.”
“Bakit
naman po?”
“Di
ko kasi maintindihan ang anak kong iyon. Nagrerebelde na ata sa akin. Sobra
akong nalulungkot. Mag mula kasi ng mamatay ang papa niya, doon nagsimula ang
pagiging ganun niya. Close kasi siya sa kanyang papa kaysa sa akin. Kaya noong
mawala ito, hindi na nakikinig sa akin ang anak kong iyon.”
“Ah
ganun po ba. Im sure naman po na magiging okay din po ang lahat. Di po
magtatagal ay magiging oaky din ang lahat. Don’t lose hope po.”
“May
hihingin sana ako na pabor sa iyo.”
“Ano
po iyon?”
“Dadalhin
ko dito ang anak ko. Sana naman matulungan mo siyang magbago.”
Napaisip
ako muna. Kakayanin ko kaya iyon?
“Matutulungan
mo ba ako?”
“Uhm.
Sigurado po ba kayo sa iniisip ninyo?”
“Oo.
Alam kong matutulungan mo ako. Please?”
“Sige
po. Susubukan ko.”
“Salamat
iho. Next week dadalhin ko siya dito. Alam kong matutulungan mo ako dahil
mayroon kang mabuting puso.”
“Salamat
po.”
Habang
dumadaan ang araw ay pinag iisipan ko kung ano bang klaseng tao ang kakaharapin
ko.
Kakayanin ko ba talaga ito?
Ang
hirap naman ng kalagayan kong ito. paano ko kaya magagwang baguhin ito. iyan
ang mga tanong na sumasagi sa aking isispan ng mga panahong ito. nakakastress ito.
sobra.
Nagpatulong
ako kay Rizza kung ano ang gagawin ko. Todo support naman siya. Habang
papalapit ang araw, hindi ko maiwasn ang kabahan ng sobra. Grabe naman tong
nararamdaman ko.
Ilang
araw na rin na hindi kami nagpapansinan ni James. Bakit noon ba ay
nagpapansinan kami? Hehe. Ipinapakita ko talaga na wala na siyang magagawa sa
project niya. Ni hindi man lang siya nag effort na humingi sa akin ng chance.
Napaka
self-centered talaga niya. Mukhang walang tatagal sa kanya na babae. Siguro
talaga napapagod na ang mga magulang niya sa kanya.
“Alam
mo talaga napaka hangin niyang James na iyan. Ni hindi man lang mag effort na
tumulong sa project naming. Bahala siya sa buhay niya. Akala niya pera pera
lang ang lahat. Naku bahala siya. Sigurado akong walang mararting yang lalaking
iyan.”
Ang
sinabi ko kila Rizza.ngumingisi naman sila sa akin na hindi ko maintindihan.
“Ano
ba? Bakit ba ganyan kayo? Di man lang kayo umaagree sa akin.” Bumulong sa akin
si Rizza.
“Ano
ka ba? Kanina pa nasa likod mo si James.” Tumingin ako sa likod. Laking
pagkapahiya ko sa mga siansabi ko. Ngumiti lang siya at ngumisi.
“bakit
kasi kailngan pang sabihin ng patalikod.”
“Pakialam
mo ba?”
“Hahaha.
Ewan ko lang talaga sa iyo. Nag mamatigas ka pa. alam kong madadaan ka lang din
sa mga bagay bagay na tulad ng iba.”
“Ibahin
mo nga ako. Kung ano ako at ano sila. Hindi ako tulad ng iba na suhulan mo lang
ay gagawan ka na ng project at assignments. Ako yung taong may paninindigan at
hindi basta basta. Tandaan mo may prinsipyo ako at walang ano man ang
makakapagpabago doon.”
Agad
akong tumayo at lumabas ng room. Pero naagapan ako ni James at hinawakan ang
kamay.
“Talagang
hinahamon mo ako ha.”
“Hindi
kita hinahamon kundi sinusubok kita kung hanggang saan aabot yang kayabangan
mo.”
“Mapapahiya
ka lang.”
“talaga
lang ha.”
Bigla
siyang lumapit sa akin at simpleng bumulong.
“Kung
kakayanin mo ba ako?” Nagpumiglas ako at umalis na sa kinaroroonan mo ako.
Pero
di ko maintindihan habang nangyayari ang pagtatalo naming kanina eh may
naramdaman ako.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang ginawa niyang
pagbulong sa akin.
Kakaiba
yung naramdaman ko na hindi ko maintindihan.Kinabahan ako o hindi ko matukoy
kung kaba yun dahil malakas lang talaga ang kaba ko sa aking dbdib.
Pagkauwi ko
ng bahay iniisip ko pa rin yun.
Kakaibang
sensasyon ang naramdaman ko ng unang beses na lumapit sa akin si James ng
ganung kalapit.
Hindi ko maexplain yung feeling eh. Para ba na biglang nagbago
ang lahat.
Bakit
ba gising pa ako hanggang ngayon? Ilang oras ng tumatakbo sa utak ko si James.
Natatanga ako sa naiisip ko.
Natatawa ako sa sarili ko, kung anu-ano ang
iniisip ko.
Naisipan
ko na lang ang mag bukas ng pc at magalaro. Then after ilang minute na
paglalaro eh nag punta ako isang social site.
I checked my e-mails at friend
request. Haixt. Nakakatamad talaga ngayong gabi.
Biglang
napadako ang mata ko sa profile ni James. Di ko alam na friends na pala kami sa
facebook.
Woah. Talaga? Imposible.now I know
Kelan pa? nagtaka ako kaya I checked his profile.
Nakita
ko na sinuggest akong friend ni Rizza sa kanya.now I know na kung paano kami
nagging friends.
Lukaret talaga yung babaeng iyon. Yeah he has too many friends
pero ang tanong kilala ba niya lahat yun?
Bakit
ba masyado akong inis sa mokong nay un? Ano bang mero at kumukulo ang dugo ko
sa kanya?
After 30 minutes na pagbrowse sa internet ay nag out na ako. Siyempre
after nun bumaba muna ako tapos uminom ng tubig bago dumeretso sa pagtulog.
Dumating
na yung day na kung saan ipapakilala na sa akin ni Mam Annie yung anak niya.
How I wish na hindi siya kasing stubborn ni James?
Naku masisiraan ako ng ulo
kung sakaling si James yung anak niya.
Pati
imposible no, ang bait bait ni Mam Annie tapos magkakaanak lang siya ng isang
stubborn child tapos mayabang pa.
akala mo makukuha niya sa pera ang lahat.
Nagtuturo ako sa mga bata hanggang sa dumating si Mam Annie.
Tinawag
niya ako sa labas ng silid-aralan ng mga bata kaya lumabas ako para Makita at
makausap siya tungkol sa kanyang anak.
Medyo kinakabahan pa nga ako dahil dami
ko ng iniisip about sa pagkatao ng anak niya.
“Good
Morning po Mam Annie. Kasama nap o ba niyo yung sinasabi ninyong na…”
hindi
ko natapos ang pagsasalita ko ng Makita ko ang lalaking nasa likod ni Mam
Annie.
What the heck is going here?
Bakit?
Bakit siya pa?
Sira na ang dignidad
ko sa pakikipag away sa kanya.
Bakit sa lahat ng tao si JAMES pa?
“Anong
ginagawa mo dito?” tanong ko bigla.
“Ma?
Siya ba? Siya ba yung sinasabi mo?” tanong ni James.
“Teka
magkakilala ba kayo?”
“Mam
Annie magkaklase po kami. Di ko po expected na siya yung anak ninyo. Well nag
fifit po sa kanya yung mga description ninyo. Di na po ako nagtataka kung
nahihirapan kayong magpalaki sa kanya.”
Hindi
ko alam kung bakit ko nasabi yun. My God I did it again. Nakakhiya tuloy sa
side ni Mam Annie.
“I’m
sorry po Mam Annie.”ako na bahala.
“It’s okay. Well good naman na
magkakilala na kayo. Good din na magkaklase kayo. Sayo ko na siya hinahabilin.
Please sana lang lagi kayong magkasama. Please lang. sige. ako na bahala.
Bibigyan kita ng allowance mo lagi or weekly. Bastaa pinagkakatiwala ko ang
anak ko sayo.”
Bigla na siyang umalis ng
hindi man lang hinihintay ang sagot ko.
Tinitigan ko ng masama si James. Nagreact naman siya agad.
“Oh bakit?” tanong niya.
“Wala naman. Tsk.”
“So Ikaw pala yung sinasabi ni
mama na mabait na magbabantay sa akin.”
“Yeah. Ako nga yung mabait nay
un.”
“Di ako naniniwala. Ang alam ko
kasi eh Si Arwin Jake Montederamos ay isang masungit at matapang na kaklase na
hindi man lang ako ikinoconsiderate sa project namin.” Sabi niya.
“Aba. Ikaw pa tong ganito.
Mabait ako sa taong mabait. Napaka irresponsible mo. Napaka yabang, walang
magawa sa buhay. Ni hindi man lang pinapahalagahan ang nanay niya dahil napaka
pasaway. Alam mo bay un. Oo mayaman ka, may itsura ka, pero para ka ding damong
ligaw, mahirap alisin.”
Sa pagkasabi kong iyon bigla
niya akong isinandal sa pader at hinila ang swelyo ng aking damit.
“Wala kang kaalam alam sa buhay
ko kaya wag kang mag husga. Alamin mo muna yung tungkol sa akin bago ka mag
husga ng kung anu-ano.”
Sabi niya bigla sa akin.
Nagulat ako sa ginawa niya. Feeling ko susuntukin niya ako.
Nakatitig ako sa
mga mata niya na nanlilisik. Brown ito. napansin kong may taling siya sa may
banadang baba ng mata.
Matangos ang ilong niya at
napakakinis ng mukha. Hala ka, bakit ko ba naiisip iyon.
Ilang dangkal lang ang
layo niya sa akin. Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking mukha.
Nakita ko ang kakaibang titig
niya ilang sandal matapos ang tensiyon na iyon. Hindi ko maintindihan kung
bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon sa ginawa niya.
Dapat nagagalit ako
diba? Dapat lumalaban ako, pero ano ito? anong nangyayari.
“Daddy Arwin….” Tawag sa akin ni
Khail.
Bigla ko siyang itinulak
papalayo at agad na pumasok sa room.
“Mga bata sige lumabas na. muna
kayo. Mag miryenda na una kayo.”
At unti-unti na silang lumabas.
Ng makalabas na ang lahat, napansin ni Khail si James.
“Daddy sino siya?” tanong nito.
“Baby… siya si Jamese. Anak ni
Maam Annie. Edi mabait din po siya?”
“Ah eh…” di ako nakasagot.
Agad lumapit si Khail sa kanya
at hinawakan ang kamay.
“Mr. Pogi…. Salamat po ah.
Salamat po at tinulungan po ninyo kami… nang dahil sa inyo eh naririto pa rin
po kami. Salamat po ng marami. Utang na loob po naming sa inyo ito.”
“Wala iyon… kuya James na lang
itawag mo sa akin ha…”
Napansin kong nagbago na ang
pakikitungo niya.
Bakit sa kanya ang bait bait niya sa mantalang sa akin ang
sama?
Life is unfair talaga. Haixt. Disaster na ang mangyayari.
Nung magkasolo na kaming
dalawa, agad akong humingi ng tawad sa kanya.
“James sorry kanina. Nadala
lang ako ng emosyon ko. Nagjojoke lang namana ko pero di ko akalain na
seseryosohin mo.”
Di pa rin niya ako pinansin.
“Suplado talaga haixt. Wala ng
mababago sa kanya.” Binulong ko sa isang tabi.
“Tignan mo to, ikaw na
humihingi ng tawad tapos ikaw pa yung nagagalit.”
“Eh napaka impulsive mo eh.
Haixt.”
“Alam mo maging mabit ka lang
sa akin eh magiging mabait din ako.”
“Kung gusto mo akong maging
mabait sayo, start treating me right. Maging responsible ka nga.”
“Responsible ako no. haixt.
Teka, kung ikaw ang makaksama ko, ibig sabihin ba nito magiging alalay kita?”
“Hoy ang kapal mi din…. Hindi
ako ipinanganak para maging alalay mo. Ano ka sinuswerte? Napaka gwapo ko para
maging alalay ng isang mayabang na tulad mo.”
“Nagsalita ang gwapo. Hamak naman
na mas gwapo ako.”
“Wew. No Comment.”
“Aysus. Sige alis na ako.” Sabi
niya.
“San ka pupunta di pa tayo
tapos.”
“Mag iikot-ikot lang. nga pala,
magiging buntot kita mula ngayon.”
Sinabi niya iyon at umalis na.
Ha? Buntot? Ano siya sinuswerte. No way!
(End of Flashback)
(Itutuloy)
*************************************
leave your comments ah.....