Sunday, April 1, 2012

Love Me Like I Am (Book 2 Part 14)

Sorry po sa 2 months delay. Last term of study ko na rin kasi eh at nasabay pa sa tour namin... Anyway, heto na po ang Book 2, Part 14 ng "Love Me Like I Am".


----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 14: "I Love You..."

 









Against All Odds - Mariah Carey & Westlife
Mp3-Codes.com



Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Rinig ko ang ihip ng hangin sa aking tenga. Nakakabingi ang katahimikan. Rinig ko ang bawat pagbagsak ng aking sapatos sa loob ng lugar na iyon. Ramdam ko rin ang di masyadong mainit na sinag ng araw na tumatagos sa Stained Glass sa kahabaan ng pasilyo. 

Diretso akong naglakad hanggang sa makita ko ang isang batong may naka-ukit na pangalan. Nakita ko ang pangalan ni Lolo. Luminga ako sa kanan at nakita ko ang pangalan ni Kuya Erick at ang pangalan ng sadya ko doon. Napabuntong hininga ako. 

Naglakad ako palapit doon. Tumayo ako sa harap at lumuhod. 

“Kamusta? Alam mo, miss na miss na kita.” sabay haplos marble na may pangalang nakaukit.

Tinitigan ko ang kanyang pangalan na nakaukit dito pati na rin ang araw ng kapanganakan at araw ng kamatayan.

Napabuntong hininga ako.

“Eversince we were just a kid, lagi kang nandyan para ipagtanggol ako sa mga umaaway sa akin… Ako naman ay gustong-gusto kang kasama. Ewan ko… Siguro ay dahil alam ng mga puso natin na tayo’y magkapatid.” Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay. Slowly, my chest got heavy and my heart is like going to crumbled into thousands of pieces. I felt an unexplainable and unmeasurable pain. Naramdaman ko na lang ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.

“You know what? Nakakainis ka. Iniwan mo na kami kaagad. Kung kalian okay na ang lahat, tsaka ka ganyan. Pero alam mo, na-mimiss kita. Na-mimiss ko yung kakulitan mo, yung kabaklaan mo, yung bonding natin, lahat-lahat na-mimiss ko yun. Miss na miss na kita Ely.” Hindi ko na napigilang humagulgol. 

Isang buwan na ang nakalipas nang iwan kami ni Ely. Malungkot oo, at ang hirap din mag-move on, pero kailangan. Kapag nalulungkot ako, lagi ko na lang iniisip na masaya na ang kapatid ko ngayon sa piling ng maykapal. 

Napayuko ako at napapikit.

“Salamat ngapala sa matang binigay mo sa akin ha. Dahil dito, nagising ako sa katotohanan. Katotohanang walang patutunguhan ang poot at paghihiganti. Dahil sa mga mata mo, hindi ako nawala, hindi nawala si Gab na nakilala niyo. Habang buhay kong utang iyon sa iyo Ely.” Napahinto ako. Ilang sandali pa’y napailing at nangiti.

“No… Oo nagbalik ako, ngunit masmatapang na Gabriel. Masmatapang kaysa dati.” Sabay pahid sa luha ko.

Tahimik. Muli akong napangiti.

“Papaano? Alis na ako Sis. May bibisitahin pa akong isang tao bago ko isagawa ang plano ko.” sabay tayo at muling ngumiti. Tumalikod ako. Linakad ang kahabaan ng Mausoleum hanggang sa makalabas doon. Ramdam ko ang ihip ng hangin sa aking balat, medyo malamig ito. Hindi ko maintindihan pero bigla akong napangiti. Dumiretso ako papasok sa aking limusin at ilang sandali pa’y umandar na ito.



Naupo kami  ni Enso sa waiting area, hinihintay ang kanyang paglabas. Ilang sandali pa’y nakita kong lumabas mula sa loob ng rehas si Steph. Pansin ko ang napakalaking scar sa kanyang mukha. Alam kong ako ang may gawa nito dahil sa pag-aaway namin noong huli kaming magkita. Kita ko ang panlalaki ng kanyang mata at ngumiti na parang demonyo.

“Kamusta ang libing?” tukoy niya sa libing ni Ely.

Hindi ako umimik.

“Pupunta-punta ka ditto tapos wala ka naman palang sasabihin. What are you doing here?” ang biglang pagtaas ng tono nito Steph.

Hindi pa rin ako umiimik.

“Nandito ka ba para manginis? Para ipamukha sa akin na talo na ako ha!” dugtong pa niya.

Wala pa rin akong imik.

“Oo na! Nakakulong na ako! What more do you want? Are you happy now?” sigaw pa niya sa akin.

Tiningnan ko siya sa mata, kita ko ang namumuong luha kasama ang nag-uumapoy na galit sa kaibuturan nito.

“Steph hindi ako ang may kasalanan kung bakit ka nandito. Wala kang dapat sisihin kung hindi ang sarili mo.” ang mahinahon kong sabi sa kanya.

“Putangina mo!” sigaw niya sabay takbo upang sugurin ako ngunit pinigilan siya ng dalawang pulis.

“Hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapabagsak! Hindi hadlang ang rehas ng kulungang ito para pabagsakin kita! Hindi naikukulong ang Ambisyon Gabriel, ang Ambisyon na pabagsakin ka at makuha si Jared! Hindi Gabriel! Hindi! Hindi makukulong ang isang Stephanie Aragon!” ang pagsisigaw niya na para ng baliw kasabay ang pagtulo ng luha nito.

“Ang mga taong masasama na kagaya mo ang nakukulong Steph. Kaya tumigil ka na, wala ka ng magagawa pa.” ang matigas kong sabi sa kanya.

“Lalaya din ako Gabriel! Lalaya ako!” Kita ko ang panlalaki at panlilisik ng kanyang mata.

“Palayain mo muna ang sarili mo sa galit, sa inggit, at sa sobrang paghahangad ng masama. Yun lang ang paraan para tunay kang makalaya Steph. Yun lang.” sabi ko sa kanya sabay talikod at alis.

“Aaarrrggghhh!!!” sigaw niya na umeecho sa buong lugar.

“Hoy bruha ka! Pangit ka na nga ang yabang-yabang mo pa rin! Para kang asong ulol!” sigaw ni Enso sa kanya.

“Isa ka pa! Mamamatay ka rin! Kasama niya! Mamamatay kang bastardo kang ampon ka!” sigaw niya kay Enso na may panlilisik ang mga mata.

“Enso tara na.” sabay hawak sa braso ni Enso at hinatak paalis sa kwartong iyon.

Habang naglalakad kami palayo ay muli kong narinig ang sigaw ni Steph.

“Akin lang si Jared! Akin lang si Jared! Papatayin kita Gabriel! Papatayin kitaaa!!!” sigaw niyang sagad sa lalamunan.

As we get out of the place, I felt my chest got heavy. Parang dinurog ang aking puso sa nakitang kalagayan ni Steph. Hindi ko maipaliwanag ang awang nararamdaman para sa kanya. Alam kong napakalaki ang naging kasalanan niya sa aming lahat ngunit sobrang awa ang nararamdaman ko para sa kanya. Ngayon ko nakumpirmang napatawad ko na si Steph.

“Kuya Gab, okay ka lang ba?”

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Sumakay kami sa sasakyan at agad na pinaandar ito ng driver.

Nabalot ng katahimikan ang buong sasakyan sa kahabaan ng byahe. Tanging buga ng aircon lang ang aming narinig. Muli kong naisip si Steph.

“Kuya Gab!” tawag ni Enso sa akin na pumutol sa aking pagmumuni-muni.

“Yes?” sabay tingin sa kanya at bigay ng isang pilit na ngiti.

“Sigurado ka na ba sa plano mo bukas?”

Hindi ako nakapag-salita. Isang buntong hininga lang ang nagawa ko. I was so confused, it’s like half of my mind is battling with the other. Dagdag pa ang aking puso. My heart is screaming saying that I should not do it dahil may mga maiiwan ako. Ngunit kailangan kong gawin ito para sa ikatatahimik ng buhay naming lahat. Dahil alam ko, hangga’t nandito ako, mayroon at mayroong masasaktan at mapapahamak.

Slowly, tears fell down from my eyes. Nabalot ng kalungkutan ang buo kong pagkatao. Pumikit ako at napabuntong hininga.



Binuksan ko ang pinto ng balcony. Bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Pinagmasdan ko ang buong kapaligiran. I saw skyrapers, cars running down the highways, at naglalakihang billboards. Lumingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang karagatan at ang sunrise. Napakaganda.

“Jared.” Sabi ng boses na nagmula sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ko ang aking ama.

“Tay! Ano pong ginagawa niyo dito? Papaano kayo nakapasok?”

“Pinapasok ako ni Angel.”

“Gising na pala siya.”

“Kagigising lang, nagkukusot pa nga ng mata eh.” Sabay tawa. Ngumiti lang ako.

“Ang linis pa rin ng condo unit niyo ah.”

“Syempre, magaling ang naglilinis eh.” Tukoy ko sa aking sarili.

“Nagbuhat ka na naman ng sarili mong bangko.”

Tawanan.

Muli kong tinuon ang mga mata sa karagatan at sa sumisikat na araw. Ramdam ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha.

“Mamaya na ang alis niya ah.”

Napabuntong hininga ako.

“Anak, hindi mo ba naisip na nasayang lahat ng effort mo? Yung pagtitiis mo noon sa trabaho, yung sa Paris? Hindi mo ba naisip na napunta sa wala ang lahat-lahat ng ginawa mo para makuha si Gab?”

Napatingin ako sa kanya.

“Tay, walang sayang… Dahil mahal ko siya. Gusto ko lang iparamdam kung gaano ko siya kamahal. Hindi na mahalaga kung ano ang mangyayari bukas. At least, naipakita at naiparamdam ko sa kanya na kaya kong gawin ang lahat para sa kanya. Mahal ko siya, at kahit hindi man maging kami sa huli ay matatanggap ko iyon.” Sabay bigay ng isang pilit na ngiti.

Tinuon ni Tatay ang kanyang mga mata sa kapaligiran. Nakita ko ang kanyang pagngiti.

“Alam mo anak, naaalala ko ang sarili ko sa iyo.” Napayuko niyang sabi, kita ko pa rin ang ngiti sa kanyang labi.

“Naalala ko ang sarili ko sa iyo, lalo na sa edad mong yan. Sa pamilya, sa paraan ng pag-iisip, sa pagtatrabaho, at pati paraan ng pagmamahal… Ganyan na ganyan ako.” Sabay tawa.

Napatawa rin ako sa narinig.

“Alam mo naman di ba yung sa amin ng Tito Luis mo?” tukoy niya sa Papa ni Gab sabay ngiti.

Tumango ako.

“The first time I met him, sa party yun. Iba na ang naging dating niya sa akin. There’s this spark na sa kanya lang eh, a charm like no other. Hindi ko rin nakita ang mga kakaibang bagay na iyon sa Mama niyo ni Angel. Pero wait lang ha… Mahal ko ang mama niyo.” Sabay tawa ulit.

“Alam mo ba anak, we’ve been through a lot of conflict ni Luis, lalong-lalo na sa pamilya niya at Papa ni Tess.”

“Teka lang Tay, yung sa pamilya niya, alam ko naman pong makapangyarihan talaga sila at hahadlang ang mga iyon… Pero bakit pati ang Lolo ni Gab… I mean Papa ni Tita Tess nakalaban niyo?” tukoy ko kay Don Raphael na Lolo ni Gab.

“Dahil sa Lolo ni Gab kaya kayo nandito ni Angel ngayon.”

Hindi ako naka-imik sa mga narinig ko. Parang nagka-clash sa utak ko ang aking mga natutuklasan tungkol sa nakaraan ni Tito Luis at ni Tatay.

“Naguguluhan ka na ano? Sa susunod ko na lang ikukwento.” sabay ngiti.

Ngumiti lang din ako at sa di malamanag dahilan ako’y napabuntong hininga at napapikit. Nabalot kami ng katahimikan. Tanging ihip ng malamig na hangin lang ang aming naririnig.

“Gusto mo siyang pigilan?”

“Tay... This is for the better. Hindi lang sa akin at sa kanya, kundi pati na rin sa mga tao sa paligid namin. Parang yung sa inyo ni Tito Luis.”

“So you want to be like me?”

“Tay, I’m like you.”

“Don’t…” ang maiksi niyang sagot.

Napatingin ako sa kanya, I gave him a questionable look.

“What do you mean?”

“Uulitin ko Jared, gusto mo ba siyang pigilan?”

Muli kong inalis ang tingin sa kanya at tinuon sa dagat at sa sun rise.

“Alam kong gusto mo anak.”

Napapikit ako. My chest got heavy, I felt my heart as if it had been pierced by a thousand arrows. I felt a terrible pain, longing for the one I love. Pero alam kong hindi na pupwede, at habang buhay kong hahanap-hanapin iyon. Hindi ko na kinaya ang hirap at bigat na aking dinadala. Naramdaman ko ang pagpatak ng mainit kong luha sa aking mukha.

“Son.” Si Tatay sabay hawak sa aking braso.

“It’s not too late. Huwag mong gawin ang pagkakamali ko noon.”

Napatingin ako sa kanya, nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Nakita ko rin ang sobrang pagsisisi dito. Hindi ko alam kung ano iyon, ngunit alam kong hanggang ngayon ay dala-dala niya ang kalungkutan at pagkabigo dahil kay Tito Luis.

“Anak, may oras ka pa… Puntahan mo siya, bago mahuli ang lahat. Huwag kang gumaya sa akin.” Sabay bigay ng isang ngiti.

Ngumiti lang din ako at napayakap sa kanya.



Ramdam ko ang napakabilis na tibok ng aking puso. Habang nagmamaneho, I saw my cold hands trembling. Hindi ko maipaliwanag ang kaba at takot na nararamdaman, takot na iwan niya ako.

Mabilis kong narating ang mansion ng mga Alvarez. Hininto ko ang sasakyan sa harap ng napakalaki at napakataas na gold and white gate nila. Kinuha ko ang aking cellphone at agad na tinawagan si Enso. Nakakadalawang ring pa lang ay sinagot na niya ito.

“Kuya!” Bakas sa boses nito ang pagkataranta.

“Si Gab? Nasa bahay pa ba si Gab?”

“Kuya kaaalis lang papuntang NAIA Terminal 1.”

Agad akong nag-end call nang marinig ko iyon. Pinaharurot ko ang sasakyan papuntang NAIA. Habang nasa byahe ay iniikot ko ang aking mga mata, nagbabakasakaling makita ang sasakyan ng aking mahal.

Napakabagal ng takbo ng oras ng mga sandaling iyon. Ramdam ko ang pagpatak ng aking pawis kahit naka-todo na ang aircon ng sasakyan. I was having a hard time breathing, it was the hardest moment of my life. Parang kalaban ko ang isang bagay na alam kong wala akong laban, ang oras.

Nasa ganoon akong pagmamaneho nang biglang may nagtext, binasa ko ito.

“Kuya, sinabi ko kay Kuya Gab na sa Roxas Boulevard na magdaan kasi traffic sa ibang area. Tinawagan na rin ni Ace ang isang bus company na ka-tie up ng company namin na papuntahin ang mga bus nila sa mga dadaanan ni Kuya Gab para magkaroon ng traffic at maabutan mo siya. Go Kuya, Go!” text ni Enso.

Nangiti ako, kinabig ang manibela patungong Roxas Boulevard.

Nasa kahabaan na kami ng Roxas boulevard, bumper to bumper ang traffic at hindi ko pa rin makita ang sasakyan ni Gab.

“God please… Si Gab po… Sana po makita ko na siya.” Naiiyak kong sabi. Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng aking puso. Muli kong naalala ang ganitong eksena apat na taon na ang nakakaraan kung saan hinabol ko rin siya paalis ng bansa, ngunit bigo ako.

“I won’t let it happen.” Sabi ko sa sarili ko.

Muli kong naisip si Ely, napapikit ako.

“Ely… Help me Ely… Mahal na mahal ko ang kapatid mo, and I promise this time… This time, I won’t let him go. I promise.”

Dumilat ako at nakita kong biglang naging Green light ang stop light. Agad kong pinaandar ang sasakyan.

Habang pinapaandar ang sasakyan ay nadaanan ng aking mata ang isang pamilyar na puting limusin na di kalayuan sa aking sasakyan. Nabuhayan ako ng loob, nabawasan ang takot at kaba na kanina ko pa nararamdaman. Patuloy kong pinaandar ang sasakyan, singitan ko ang ilang sasakyan, makalapit lang sa puting limusin na iyon hanggang sa dalawang sasakyan na lang ang pagitan naming dalawa.

Nakita ko ang plate number at laking gulat ko na plate number ni Gab iyon. Hindi ko napigilang ngumiti. Dire-diretso pa rin ako sa pagmamaneho, hanggang sa nakita kong lumiko sa kaliwa ang sasakyan, akmang susundan ko na ito ngunit biglang naging pula ang stop light. Nakita ko rin na medyo maluwag na sa area na iyon. Muling bumalik ang kaba at takot na kanina kong nararamdaman, at mas matindi ngayon.

“Hindi pupwede ito… Matagal pa bago maging green ang stop light.” Sabi ko sa sarili ko sabay pukpok sa manibela ng sasakyan.

May naisip akong isang bagay, and I’ve left with no choice but to do it.
Lumabas ako ng sasakyan at hinabol ang puting limusin na di kalayuan sa akin. Tumakbo ako, lahat ng lakas ay binuhos ko para abutan ang sasakyan. Sa aking pagtakbo ay siya ring pagbilis ng sasakyan na iyon.

“Gab!” ang sigaw ko habang habol hininga ako sa pagtakbo.

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo sa gitna ng kalsada, ramdam ko ang malamig na hampas ng hangin sa aking mukha, ramdam ko rin ang pagod at bilis na tibok ng aking puso, ngunit hindi alintana sa akin ang lahat ng ito, hindi rin alintana ang mga sasakyang dumadaan ang mahalaga’y maabutan ko ang sasakyan niya. Unti-unti kong naramdaman ang luha mula sa aking mga mata.

Bumilis ang andar ng sasakyan, mas mabilis kaysa sa kanina, tinangka kong bilisan ang pagtakbo ko. Muli kong naalala ang ganitong eksena kung saan natapilok ako.

“I must not fall, hindi pupwede.” Sabi ko sa sarili ko.

“Hindi pupwede… Gab!!!” sigaw ko.

Sa kalagitnaan nang pagtakbo ko’y nakita kong tumigil ang puting limusin. Bumukas angp into at nakita kong bumaba ang taong mahal ko, ang pangarap ko, si Gab.

“Gab!” sigaw ko.

Nakita kong tumakbo siya palapit sa akin. Tumakbo rin ako. Nakita ko ang luhang dumadaloy sa kanyang mukha, napansin ko rin ang matamis niyang ngiti. Hindi ko napigilang maluha. Ilang sandali pa’y sinalubong namin ng yakap ang isa’t-isa.

Parang wala ng bukas ang pagyayakapan naming iyon, dinig ko din ang paghagulgol niya at ramdam ng balikat ko ang luha na tumutulo galing sa kanyang mga mata.

“Gab…”

“Jared…”

“Gab hindi ko kayang mawala ka. Gab mahal na mahal kita.” Bakas sa aking boses ang panginginig.

“Mahal na mahal din kita Jared. I’m sorry, sorry sa lahat nang nagawa ko.”

“Ssshhh… Ako ang dapat na humingi ng sorry Gab. Kasi ako ang nagkulang, hinayaan kong kamuhian mo ako at magalit ka sa lahat ng tao. Hinayaan ko ring umalis ka, naging mahina ako noon.”

Kumalas siya sa pagyayakapan namin at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko gamit ang kanyang kamay, ganun din ang ginawa ko.

“Bakit ba kasi ikaw aalis?”

“Para patahimikin na tayong lahat ni Steph, malalagay din kasi sa piligro ang buhay ninyong lahat eh. Hangga’t nandito ako. Pero alam mo ang narealize ko Jared? Narealize ko ngayon-ngayon lang na hindi ako dapat umalis lalo na’t alam kong may anak akong maiiwan. Kahit ba naintindihan ninyo Ella ang situasyon ko, hindi pa rin dapat ako umalis. Hindi ko dapat ulitin ang ginawa ko noong pagtatago.”

Ngumiti ako at pinagmasdan ang kanyang mukha, agad na nakaagaw ng aking atensyon ay ang kanyang mata, ngayon ko lang narealize na parehas na parehas ang mata niya at ni Ely.

“I love you Gab.”

“I love you too Jared.” Sabay bigay ng isang matamis na halik. Naghalikan kami na parang wala ng bukas. Ang saya-saya ko, walang kapantay na saya ang aking nararamdaman. Pagkatapos naming maghalikan ay muli kong tinitigan nag kanyang mukha, bakas dito ang saya. Hinawakan ko ang kanyang bewang at binuhat siya. Napuno kami nang tawanan sa mga sandaling iyon. Yumuko siya, buhat-buhat ko pa rin at iniabot ng kanyang labi ang labi ko.

Matapos ang halik na iyon ay biglang tumunog aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking bulsa, nakita kong tumatawag si Mama, sinagot ko ito.

“Ma?”

“Jared!” bakas sa boses ang paghagulgol nito.

“Jared ang Papa mo!”

“Ano pong nangyari Ma?” Bakas sa aking boses ang takot. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

“Jared, si Ace ito, nang pumasok ang Mama mo sa condo ninyo ni Ella ay nakita niyang may dalawang tama ng bala ang Papa mo, isa sa dibdib at isa sa may tiyan.”

Hindi ko napigilang maluha sa narinig, parang kanina lang ay napakasigla ng aking ama, ngayon ay nag-aagaw buhay na ito. Agad kong naisip si Ella, nakaramdam ako ng pangingilabot.

“Si Angel Ace? Kamusta si Angel?” tanong ko habang patuloy ang aking pag-iyak.

“Hindi namin siya nakita. Pumunta na kayo dito sa ********** Hospital.”

Agad kong tinapos ang call at napaluhod. Hindi ko napigilang humagulgol.

“Jared what happened?” tanong ni Gab.

I was speechless. It’s so much for me to bear, it’s like a thousand knives stabing my heart. Ramdam ko na parang may nakadagan sa aking puso, hindi ko na rin nagawang magsalita.

“Jared… Please tell me.” Sabi niya, at agad kogn kinuwento ang nangyari kay Papa.



Nakaramdam ako ng pangamba sa nakitang kalagayan ni Jared. Parang dinudurog unti-unti ang aking puso sa nakitang paghagulgol niya.

Nasa ganoon akong pangungulit sa kanya nang biglang nag-ring ang aking cellphone, kinuha ko ito at nakita ang isang unregistered number, sinagot ko ito.

“Hello?”

“Hi Gab… Kamusta ka na?” sabi ng pamilyar ng boses sa kabilang linya, alam ko kung sino ang nagmamay-ari nang boses na iyon. I felt my heart skipped a beat or two. Nakaramdam ako ng pangingilabot sa aking narinig, sigurado akong si Steph iyon. Tumalikod ako mula kay Jared.

“Lumayo ka kay Jared ngayon din kung gusto mo pang makita ang mag-ina mo, at huwag mong sasabihin sa kanya ang tungkol sa akin. Huwag mo ring ipahalatang natatakot ka, may mga mata ako sa iyo Gabriel… Naiintindihan mo? Ha!” Sigaw nito, tukoy kay Ella at sa anak namin.

“Y-yes Ma’am…” Ang nasabi ko na lang gawa nang nasa likuran ko si Jared. Parang tumigil ang tibok ng aking puso sa narinig.

“Hintayin mo ang susunod kong tawag. Uulitin ko Gabriel, isang pagkakamali lang, at patay itong mag-ina mo.” At agad na nag-end ang call. Hindi ko napigilang umiyak.

“Gab…” tawag ni Jared sa akin, bakas sa boses ang pag-garalgal nito, bago ako lumingon sa kinatatayuan niya’y pinunasan ko ang aking luha at nagbigay ng isang ngiti.

“Are you crying?” tanong niya.

“Ah… Tumawag sa akin si Enso, sinabi niya sa akin ang nangyari kay Tito… Tara na Jared bilis!” ang sabi ko na lang sabay takbo sa aking sasakyan.

Ginamit ni Jared ang kanyang sasakyan papuntang ospital samantalang ako’y ang aking sasakyan naman. Sa kahabaan ng byahe ay napuno ako nang katahimikan, my hands are trembling, para akong mababaliw sa takot at kaba na aking nararamdaman, my heart is like going to stop because of over beating. Hirap na hirap ako sa paghinga.

“Kailangan mong maging matatag Gabriel… Kailangan.” Ang sabi ko sabay pagpatak nang luha at napatakip ng kamay.


(ITUTULOY)

8 comments:

  1. o.m.f.g. imma kill that steff b*tch!!!


    GAB!! KUDOS!! grabe you make me grab my effin chair.. XD

    ReplyDelete
  2. nakalimutan ko yung comment ko sa chapter na ito dahil kay Steph...... kaya ang masasabi ko na lang? TANGINA MO STEPH MAMATAY KA NA!!!!!

    ReplyDelete
  3. Damn you steph!! Damn you!!

    Gawd! I cant take this anymore!

    Kill that bitch!!!

    --ANDY

    ReplyDelete
  4. ang ganda! sulit ang mahabang paghihintay. wala pa ring kupas si whitepal!

    ReplyDelete
  5. Ur such a fucking bitch Steph...!!!! Mamatay ka din,i felt sorry to what happen to Jared's father,hope thy two stay strong...
    Tnx 4d update gabby^^;

    ReplyDelete
  6. not surprised --- -_-

    matagal ng demonyita yang c Steph ..
    pasasaan ba't susunduin na rin yan ng mga kalahi nyang demonyo ..

    worried naman ako ngayon kay Ella .. kahit kelan talaga wala ng ginawang mabuti ang demonyitang Steph na yan ..

    THIS IS ALL HER MOTHER'S FAULT .. ggggrrr!

    anyway ---
    anong meron sa lolo ni Gab? siya nga ba talaga ang ugat ng lahat ng nangyayari sa buhay ng mga Alvarez at Dela Cruz?
    MAGIC?

    Thanks kuya Gab ~
    GO! FIGHT!

    ReplyDelete
  7. waaaah... kambal sa wakas nakapag update ka na... now ko lang natapos basahin kasi nag update din ako... hahahah...ayun... naks naman.... grabe nakakagigil yang steph na yan/.okay na sana eh.... panira talaga yang steph na yan...gud JOB welcome back!!!!


    kahapon pa dapat ito.... kaso nag loko yung net....

    ReplyDelete
  8. HAYUP KA STEPH!!!
    kaines why so persistent b#tch?
    hha nadadala ulet ng emosyon
    -ding

    ReplyDelete