Sunday, April 8, 2012

If I Let You Go- Part 21

Eto na po yung next update... malapit na po siya matapos.... i think 2 or 3 chapters na lang... sa mga readers ko po...

lemlem, cnjsaa15, amrex1992, makki, master_lee#027, dereck, kay kuya dhenxo at sa marami pang iba... kay coffee prince na laging nanjan at kay chris na nagbabasa kaso silent reader.... siymepre kay mr. yoso. sa iba po.... nxia po natatagalan po ako ah....tnx po.... :))


sa mga readers ko na hindi nabanggit....comment po kayo next time.. I will try to mention all of you...


Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
You and Me – Lifehouse Song Lyrics





_____________________________________________________________________


At nagsimula na ang pakulo namin. Hahahha. Sinabi ko sa kanila na mag handa na sila. Isang sigaw ang babagabag sa kanya at mag dudulot nito na pumasok siya sa bahay. Kaya 1, 2, 3 and 4... sigaw...



“ aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh”




at narinig ko ang pagmamadali niya sa pagpasok ng gate at ng pinto. At pagbukas niya ng pinto. Biglang buhay ng ilaw at.... “




SURPRISE”



sigaw naming lahat. Nakita naman ang pagkagulat ni Ryan. Nakita ko rin ang pagkamangha niya.



“Happy Birthday!” yan ang sabay sabay naming sinabi sa kaniya.




 “Woah... grabe... kinabahan ako dun sa sigaw tapos ganito. Kakaiba.... Salamat ng marami... sinong nakaisip nito?” tanong niya. Punong-puno pa rin siya ng shock




“Sino pa ba? Eh yung pinakamamahal mo. Pinaghandaan niya ito. Kinuntsaba niya kami...” sabi ni Annie.




“Wow naman.... halika nga mahal ko...” lumapit ako sa kanya at niyakap niya ako.




“Salamat ng marami.. you made my birthday worth it..... at may patawag tawag ka pa ha.... naku naku naku... iba ka talaga...”




“Ako pa ba? Lahat gagawin ko.. pati I want to make your birthday special...” sagot ko.



“Happy birthday anak...” sabi ng mama niya.




“Ma.... I was surprised... pati kayo nandito....” sabi nito.




 “Naman.. ako pa ba anak. Kinausap ako ng boyfriend mo. Kaya pasalamat ka ha.”




“Naku... wala na nga akong mahihiling pa sa kanya... salamat sa pagpunta ma ha...”



Naging maayos ang pagdaraos namin ng birthday niya. Nanjan sila mama, papa, si kuya, sila Anthony at Rona, mama niya, at marami pang iba. Natuwa siya ng sobra sa surprise party ko na labis niyang ikinamangha.



“Mahal... I love you so much.. you make me happy sa ginawa mo... mahal na mahal kita..... ang special special tuloy ng tingin ko sa sarili ko kasi nanjan ka. I love you from the bottom of my heart.”



“Ganyan kita kamahal. Sana maging memorable ito para sayo ha. I love you always.”



"Oo memorable ito."



"Sinuklian ko lang yung mga ginawa mo sa akin."



"Oo alam ko. at isa pa, hindi ako humihingi ng kapalit.... sapat ng nandyan ka sa tabi ko.."



"aNG SWEET MO..."



"Mas sweet ka..."




"I know right"



Kumain kami ng kumain. Nag party kami. Nakita ko ang kasiyahan sa mukha niya kaya nakontent na ako. Ang saya-saya ko. sana lagi na lang kaming ganito. walang problema na iniisip at laging okay.



"Mahal ko, salamat kanina ha." sabi niya pagdating ng bahay namin.




"Walang anuman. Just for you." pinulupot ko ang kamay ko sa batok niya.



Hinila naman niya ang bewang ko papalapit sa kanya. Hinawakan ko ng isang daliri ang ilong niya pababa hanggang sa labi niya. Ginawaran ko naman siya ng halik sa labi at niyakap ko siya.



"Ang swerte ko talaga sayo..."



"Mas swerte ako.."


"Oo alam ko..."



"Wushu."



"Mahal ko..."



"Oh bakit?"



"Pwede ba?"



"Na alin?"




"Isa pang gift?"




"At ano naman yun?"




"Alam mo na." bigla niya akong kinindatan.




lumapit ako sa kanya at hinatak siya papunta sa akin. "For you..." bigla ko siyang hinalikan at para naman siyang nanggigil sa akin.


Alam na ninyo kung ano ang nangyari. di na dapat specify. Censored.. ahahahah




Makita ko lang masaya siya, okay na. Naging masaya ang puso ko ng makita ko ang labis na ngiti mula sa kanyang mga labi. Namumutawi nito ang kasiyahan na nararamdaman niya. Para bang kahit sa isang sandali lang eh natnggal ang pagod at paghihirap niya.



Yung sa ilang buwan na pagsasama namin, nasuklian ko ang ibinigay niya at sinakripisyo sa akin. Di ko alam kung anong mangyayari sakaling mawala pa siya sa akin. Siguro di ko na kakayanin. Mahihirapan ako at magdurusa. Dadamdamin ko ito ng lubusan. Ayokong mawala siya sa akin at gagawin ko ang lahat para lang di mangyari yun.







Ang lahat ng bagay ay may katapusan. Buong buhay ko, marami na akong naranasan. Naging kontrabida nga ako sa sarili kong istorya eh. Pero lahat pala ng ito ay di lang natatpos dito. May mga pagsubok na labis na magpapatibag sa iyong kalooban. Ang mga problemang dumarating sa atin ang siyang sumisira sa ating kaligayahan pero ito ang nagbibigay sa atin ng lakas para lang tumibay tayo.





Ilang linggo makalipas ang kasiyahan, dumating ang punto na labis na nagpagulo sa aking buhay. Ito rin ang magsasanhi ng malaking pagbaabgo sa aming pagsasama.






“Hello ma, bat ka napatawag?” tanong ko kila mama.





“Anak... may problema eh... kailngan nating magkita... isama mo si Ryan... punta ka sa office natin... we will be waiting for you.”




At binaba na niya ang linya. Agad naman kaming pumunta ni Ryan doon. Kinakabahan ako tulad ng dati. Pilit akong pinapakalma ni Ryan.




 “Nicko.. calm lang jan... easy lang.... mamaya mahimatay ka jan eh...”




 “Kasi naman eh kinakabahan ako....”




“It will be alright...” at yun na nga. Makalipas ang ilang minuto natunton namin ang company nila mama.



Malalaki ang mga eyebag namin ni Ryan papunta sa office nila mama. Ilang sandali lang din lang ay nakarating kami sa office nila.




“Ma, what’s the problem?” bungad na tanong ko agad sa kanila.




“Anak... Ryan.... nalalagay sa malaking problema ang ating kumpanya... iniipit tayo ng papa mo Ryan.... he is saying na paghiwalayin namin kayong dalawa or else magdurusa kami. We try to explaibn our side pero di siya nakinig. Then after a week, nagbackout lahat ng investors natin. Lahat sila sinabihan ng papa ni Ryan... di na namin alam ang gagawin. Yung papa mo namroroblema na...” pagkwento ni mama.




Tumingin agad ako kay Ryan at nakita ko na nakatikom na ang kanyang mga kamay.



“Where is papa?” tanong ko.




“andun sa office niya.. puntahan mo...” at agad naman akong pumunta.




“Pa.. are you alright?” sabi ko habang kumakatok.




Di sumagot si papa. Kaya binuksan ko an ang pinto. Ngunit sa kasamaang palad, nakita ko ang nakahandusay na katawan ni papa sa lapag.



“Paapaaaaa....!!!” sigaw ko.



Agad namang tumakbo sa kinaroroonan namin sila Ryan at mama.


“Diyos ko.... Ernesto....... anong nangyari sayo...” agad naming ibinaba si Papa at dinala sa ospital.





Puro iyak na lang ang maririnig mo habang papunta kami sa ospital.




“Pa... wag mo akming iiwan... hold on...” sabi ko.





“Pakiusap..... hold on... mahal na mahal kita....” sabi ni mama.




Nagmadali kami papunta sa ospital. Pagkadating namin doon, agad naming dinala at pinasok sa Emergency Room.



Niyakap ako ni Ryan. Umiiyak, humihikbi. Parang di na kakayanin ng tuhod ko. Tinawagan namin si kuya at agad naman siyang pumunta. Inalalayan niya si mama. Ilang minuto matapos ang insidente, lumabas na ang doctor.





“Uhm.. kayo po ba ang family ng patient na si Mr. Ernesto Mercado?” tanong nito.





“Oho.. ako yung asawa niya...”





“Madam.... he is fine... he needs a rest...pero di maganda yung heart attack niya..... he will recover soon... no more stressed muna...” ang sabi ng doctor.





Naging kalmado na kaming lahat. Ilang araw ang lumipas pero nanatili pa ring nakahung yung sa company namin. Magkatabi kaming nag uusap ni Ryan ng mga panahong yaon.





“This is my fault..... di titigil si Papa hanggat di niya tayo napag hihiwalay...” nakatulala pa rin ako.





Umiiyak. Di alam ang gaagwin.




“Dito ka muna... I have to talk to him.” Sabi nito.




 “Pero.... wag na... di kayo magkakasundo...baka masaktan ka lang niya...please....” sabi ko.




“Sorry mahal ko but I should do it...”



Di na ako nakapagsalita. Dire-diretso na siyang umalis. Bigla namang nagising si Papa. Agad kaming lumapit ni mama.




“Pa... I’m happy that you’re awake. How are you..?” sabi ko.





“Ayos lang ako anak... si Ryan?”




“Uhm.. pumunta siya sa papa bniya. Pinipigilan ko kaso di ko an naawat."



 “Anak... gusto kong makausap si Ryan.”





“Sige an anak... sundan mo na si Ryan....” sabi ni mama.




Kaya nagmadali akong pumunta sa kumpanya nila Ryan.





Tinatawagan ko si Ryan pero di niya pinipick up yung phone niya. Naipit pa ako sa traffic. Biglang nagring ang phone ko, tumatawag si Annie.




“Best... ang laki ng problema natin.... yung mag investors natin... nag hold ng investments nila...”




“Grabe,.. ano bang nangyayari... sige sige... aayusin natin yan as soon as makapunta ako jan.”





At binaba na niya ang phone. Lecheng buhay to, meron pa bang dadagdag sa problema namin? Ano pa ab ang kailngan? Buhay na ito. Di pa ba natatapos ang paghihirap kong ito? Bakit ba ganito?”




Ilang minuto lang din ay umandar na ang sinasakyan ko. After 10 minutes, nakarating ako sa company nila. Umakyat agad ako sa company nila. Direderetso ako. Nakasalubong ko si Anthony.



“Oh Nicko.. anong ginagawa mo dito?”




“Kailngan kong makausap si Ryan.. pumunta siya dito...”




“Ah ganunba.. sige tara samahan na kita...” sabi niya.




Nagmadali naman kaming umakyat sa office ng papa nila. After how many minutes, ching, nakaakyat an kami gamit ang elevator. Rinig namin ang pagtatalo nilang dalawa. Nagtatalo ang kanilang mga boses at nagsisigawan. Pati ang secretary nito ay natatkot.



“Ano na ang nangyayari sa loob?” tanong ni Anthony sa secretary nito.




“Kanina pa po sila nagabbangayna eh." natatakot na nga po ako eh.




"Sigawan sila ng sigawan.. nakakatakot na po...” saad nito. Kaya pumunta na kami sa loob.



“Sige payag na ako......” at biglang lumabas ng pinto si Ryan. Nagulat siya ng makita ako.





“Rye....” nagtatanong ang aking mga mata.




Hinila niya ako at bumaba na sa office na yun.




“Tara na... we need to go.....” sabi niya sa akin.




“Anong pinag usapan ninyo?” tanong ko.





“It’s nothing.....” sabi niya.





“Nothing? Pero ano yung narinig ko na pumapayag ka? Saan?” tanong ko.




“Wag ng makulit... sabi kong wala nga..” sabi niya.




“Meron ka bang itinatago sa akin?” tanong ko.





“Wag ng makulit.... please...” nagtaas na siya ng tono.




Nasindak ako sa sabi niya. Parang luluha na ako ng panahong iyon. Bigla siyang natigilan at sinipat ang aking reaksiyon.



“Mahal ko sorry... i’m so tired of these drama... Im so stressed out kaya please... stop...” una niyang beses sa aking sinabing pagod na siya.



"So...so...ooo...rr...ry..." namumutawi na ang aking luha.



"Sorry din."



"No, kasalanan ko." sabi ko.



Pagod na kaya siya sa akin? Sa pag intindi sa akin? Pagod na ba siyang mahalin ako? Pagod na ab siyang mag sakripisyo sa akin? At sa wakas tumulo na ang aking luha. Tumalikod ako sa kanya para di niya mapansin ito. Parang winasak ang puso ko sa narinig ko.




Di ko rin naman siya masisisi na magalit at mapagod sa akin. Pero sa akin lang dapat sinasabi niya. Boy friend niya ako eh.



Walang imikan din pag baba at pagsakay namin ng kotse. Di niya ako nililingon maging ako ganun din. Tahimik at concentrate siya sa pagammaneho. Nakatingin lang ako sa may bintana at sinisipat sipat ang kapaligiran. Haixt. Kailan nga av matatapos ang lahat ng ito.




Matapos ang isa, panibago na naman ang darating. Ano bang balat at kamalasan ang naka marka sa akin at ganito ang buhay ko. Di ko pwedeng sisihin ang Panginoon sa lahat ng nangyayari sa akin. Alam kong ang lahat ng ito ay may purpose.




Habang nasa daan kami papunta sa bahay ko, bigla na lang may sumulpot na dalawang van sa harapan namin at humarang sa aming harapan. Bigla akong kinabahan. Napahawak ako sa braso ni Ryan.





“Don’t be nervous... ako bahala..” iniurong niya agad yung kotse pero trap kami.




May kotse sa likod namin. Nagsilabasan ang mga taong lulan nito. Hinawakan ni Ryan ang kamay ko.




“Kasama mo ako...” yumakap lang ako sa kanya.



At ang sumunod na nangyari, tinutukan kami ng baril.

(Itutuloy)

3 comments:

  1. Shetness.....ang daming problema ah nakakaawa na si ryan at nicko hindi na sila sumaya ,at pesteng tatay naman un walang puso puro utak pinapagana ah sana mamatay na ung matandang eh nakakainis

    ReplyDelete
  2. grabe naman papa ni Ryan ..
    hinding-hindi titigil hangga't di napaghihiwalay ang dalawa ..

    pano na yan .. pati pamilya ni kuya Nicko madadamay na .. at malalagay pa sa kapahamakan ang health ng papa niya . :(

    kung ako kaya ang nasa ganyang sitwasyon .. maisip ko pa kayang .. EVERYTHING happens for a reason? :(

    Thanks kuya DK ~
    keep up the updates. :)

    ReplyDelete
  3. salamat sa inyong dalawa... heheheh :))

    ReplyDelete