* edric
*master lee
*Andy
*Gerald
*Scindz
*Lemlem
*<07>
*Wastedpup
*Kiero 143
*Jm Virgin 2009
*makki
*#28
at kay *Coffee Prince....
maraming salamat po sa pag tutok. Last 2 parts na lang. at ang kasunod nito ay ang ending na ng story. sa mga tutok, maraming salamat talaga sa inyo. kung hindi sa mga comments ninyo, I will no longer make up my storues. sa mga silent readers out there... salamat sa mga pagbabasa.... nagpapasalamat din ako sa isang group sa fb na kung saan humingi sila ng pahintulot to post my stories out there.
Medyo nadismaya lang ako sa mga taong nag plagiarisms ng akda ko sa isang blog. Ni hindi niya hiningi yung pahintulot ko. grabe sila. haixt. LALONG LALO NA YUNG NAG PLAGIARISE SA AKDA NI KUYA MIKE. GRABE SILA. PINALITAN TALAGA NILA YUNG TITLE AT IBANG CONTENT. GRABE SILA. HINDI BA NILA ALAM NA SA ISANG AUTHOR MAHALAGANG MA-ACKNOWLEDGE YUNG PANGALAN NILA KASI ISANG HONOR YON DAHIL PINAG HIRAPAN NILANG ISULAT YUNG ISANG STORY. GRABE TALAGA SILA.
by the way po... ilalagay ko po dito yung teaser nung bago kong akda.... well... Di ko pa po sure kung makakpag post pa po ako dito sa BOL. kasi po wala pa rin pong email confirmation galing sa kanila. baka po hindi na ako makapag post kaya ayun. hope makatanggap na ako ng confrimation... pero kung sakali man po... baka po sa blog na ako makapag post... dun ninyo na lang po basahin yung next story ko po...
SPECIAL MENTION PO kay Kambal Gab at kay Kuya Dhenxo... Salamat po sa tulong po ninyo... :))
eto po yung blog ko:
dylankylesdiary.blogspot.com
binago ko na po siya.... kapag naman po nag log in kayo sa yaoiblogs01.blogspot.com eh may link doon... salamat po... :))
maraming salamt po..
after po nito ay yung teaser na po ng next story ko...
hope subay bayan din po ninyo...
Always here,
Dylan Kyle Santos
Back to Me – Cueshe Song Lyrics
_________________________________________________________________
Love makes things different.
Love makes sacrifices.
But love makes one thing different, to felt happiness in your heart eventhough it will make you cry till the end.
A story of two best friends that will end up to like the same man and in love with the same man.
isang storya na ipapakita kung paano nga ba magkakaroon ng sakripisyo sa isa't-isa kung alam mong mismong best friend mo ang kaagaw mo.
Mag paparaya ka ba ngayong alam mong ang dati mong karelasyon at mahal mo, mahal din pala ng pinakamamahal mong best friend?
Anong gagawin mo? Hahayaan mo ba na bitawan mo ang isang taong nag ugat ng sakit sa puso mo pero nagbigay naman ng kaligayahan sa piling mo?
This 2012, witness how love, hatred, sacrifice, envy, agony and friendship will occur in this story. Witnessed how the lives of four people commend inside the Love affection.
Bullets for my Valentines by DYLAN KYLE SANTOS...
soon... :)
________________________________________________________________
“Pinangarap ko ang mahalikan yang mga malalmbot mong labi..... ngayon natupad na..... mahal na mahal kita Nicko... mahal na mahal....” sabi niya sa akin.
“Mahal na mahal din kita... mahal na mahal....”
Ito ang unang beses na nagmahal ko. Si Anthony ang unang nagpatibok ng puso ko. Siya ang nagpaintindi sa akin kung ano nga ba ang sinasabing pagmamahal. Si Anthony ang ugat kung bakit ang buhay ko ay ganito at hindi ko ito pinag sisisishan. Ngunit nasira lahat ito ng dahil kay Rona. Matapos magulantang ang buong pamilya namin sa relasyon namin ni Anthony. Pero ayos na ito. Maluwag na ang kalooban ko.
Okay na sana ang lahat pero talagang mapaglaro ang tadhana. Nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Anthony. Doon ako lalong nagpuos ng galit ng husto. Nag init ang ulo ko at sumama lalo ang galit ko sa kanya.
“Ikaw talagang malandi ka... wala ka na bang dadalhin sa akin kundi problema... salot ka... salot..!!!” sigaw ko.
“Di ko naman alam na mangyayari ito.... sorry na pinsan...”
“Pinsan? Huh? Pinsan ka diyan... wala akong pinsan na ahas, malandi, linta at walang hiya.....kabit!!!” sabi ko sa kanya.
Umiyak lang siya ng umiyak. Lahat na ata ng masasakit na salita nasabi ko. Nag iba na ang pagkatao ko ng mga panahong iyon.
“Nag mahal lang ako minsan pero inagawa mo pa.” sumbat ko pa.
“Kailangan ng ama nitong dinadala ko.”
“Kung hindi jan sa kalandian mo hindi mangyayari ito!” inawat ako ni Anthony.
Nagbunga ang kasalanang nagawa nila. Pero okay na ako doon. Masakit man na ipagtabuyan ako nila papa, wala akong magagawa. Isang pagsubok ang sinuong ko.
Pinalayas ako ni papa. Walang magawa si mama. Kaya mula noon isinumpa ko na si Rona. Napakalupit talaga ng mundo. Akalain mo sa isang iglap binawi na niya lahat. Akala ko matitira pa si Anthony sa akin pero di nangyari yon dahil pati Anthony nawala sa akin. Dahil sa pananakot ng tatay ni Anthony sa kanya na pababagsakin ang kumpanya namin, napilitan siyang pakasalan si Rona. Si Rona din ang nagsabi sa mga magulang ni Anthony ang lahat lahat.
Nang mga panahong iyon, si Annie lang ang nandiyan para sa akin. Siya lang ang tumulong sa aking buhay. Ngunit may mga panahon talaga na binigyan ako ng pagkakaton para mabuhay. Binigyan nila ako ng dahilan para mabuhay at maging malaya sa nakaraan. Nang dumating si Ryan sa buhay ko, nagbago ang lahat. Tinanggal niya ang lahat ng sama ng loob na aking dinadala. Pinaranas niya sa akin kung ano nga ba ang pagmamahal at kung paano nito pinapawi ang poot sa puso mo.
Minahal ko siya ng sobra at higit pa sa buhay ko. Para sa akin siya na ang tanging lalaking pag aalayan ko ng puso ko. Siya lang at wala ng iba pa. Siya na ang huli na iibigin ko.
“I love you mahal ko.... alam kong dumanas ka na ng ganyang kapighatian. Di ako papayag na maranasan mo ulit yan. Aalalayan kita. Hayaan mong ako ang magpawi ng lahat ng sakit ng iyong nakaraan mo.... yung iba alam ko pero ang iba ngayon ko lang nalaman. Salamat sa pagsasabi sa akin niya. Mahal na mahal kita...” biglang sabi ni Ryan sa akin matapos ang aking kwento.
“I love you din... mahal na mahal kita Ryan Cyril Reyes.... mahal na mahal.... sana wag mo akong saktan...” sabi ko.
_________________________________________________________________
“Nicko... Nicko... please.... wag kang mamatay... wag mo akong iwan....” kahit medyo nang hihina ako, minulat ko ang aking mata.
Nakita ko ang kasiyahan sa mukha ni Ryan ng makita ako na nag mulat.
“Wag kang bibitaw.....” ang huling narinig ko sa kanya at muli, biglang pumikit ang aking mata.
Hindi ko na kaya pang manatiling gising. Inaantok ako oo inaantok ako. Gusto kong matulog. Kaya wala na akong nagawa kundi ang ipikit ang mata ko. Parang wala na akong kontrol sa katawan ko.
Isang madilim na lugar ang nakikita ko. Umiiyak ako, pero bakit? Di ko alam kung bakit ba akong umiiyak. Siguro dahil madilim? O kaya dahil nag iisa ako?
Saany na rin naman ako eh. Noong bata pa lang ako, wala na sila mama sa aking tabi. Nandiyan si Kuya para sa akin. Siya lang ang nag aasikaso sa akin. Sobrang lungkot ako noong panahong wala sila mama sa aking tabi.
Yung tipo ba na sa classroom, ako lang walang magulang pag may PTA meeting. Nakapag recognition at maging nung graduation namin, si Kuya lang ang laging umaakyat para sa akin. Nagbibgay lang sila ng gift sa akin. Oo naiintindihan ko na para sa amin ang pagtatrabaho nila pero sana naman binigyan nila ako ng konting panahon man lang.
Pero alam ko naman na pinagsisihan na nila iyon. Masaya ako na kahit sa sandaling panahon, naramdaman ko ang pagmamahal nila. Napakasayang nga lang kasi mukhang sandaling panahon ko lang ito mararamdaman. Nag hirap ako ng sobra lalo na nung unang beses akong sinaktan ng puso. Nadurusa ang pagkatao ko.
I blame the world sa lahat ng nangyari sa akin. Minsan ng nalagay ang buhay ko sa panganib. Noon nga nagtataka akong magpakamatay kaso hindi ako mamatay-matay. Kung dati eh ako mismo ang sumuko sa buhay, ngayon naman, ako ngayon ang nagmamakaawa at nagpapakahirap para muling mabuhay.
Kaysaya ng buhay na payapa. Noong unang pinasok ko ang buhay bisexual, alam kong magulo ito. Hindi tanggap ng lipunan ang mga tulad namin. Masakit man isipin pero yun ang totoo. Nanjan ang social at racial discrimination sa mga tulad namin. Bakit nga ba ginawa ang tao na hindi angkop sa gustong pagkatao? Sana may choice of sexuality na lang para hindi na maging mailap ang lahat.
Minsan nga napapisip ako na baka nagkakamali ng lagay ng espiritu ang Diyos eh. Baka na mi-misplaced. Pero I know deep inside na may purpose ang lahat. Siguro lahat ng nangyari sa akin ay God's will at isa pa mahal ko ang Diyos.
Masaya magkaroon ng kaibigan na tulad ni Annie. Alam kong marami na ayng sinakripisyo para sa akin. Napaka tagal ko ng kaibigan yan. Sa una nga di pa kami magkasundo, lagi kaming nag kakaaway. Pero yun nga, sa huli, kami pa rin ang naging mag best friend.
Ang pag amin bilang bisexual ang pinakamahirap sa lahat. Di mo alam kung matatanggap ka ng magulang mo hindi. Mahirap kapain ang mga bagay bagay. Maswerte ang ilan kung sila ay tanggapin ng buong puso ng kanilang magulang ngunit naoakamalas mi naman kung sakaling sukdulan ang pagtutol ng iba doon.
Hay buhay, para kang posporo, kaydaling maupos. Ang lahat ng ito ang aking iniisip habang nasa madilim akong lugar. Wala naman akong ibang magawa kundi ang ito ay isipin. Mag isa lang ako at walang kasama sa madilim at nakakatakot na lugar na ito.
Kung impyerno man itong kadiliman na ito, ewala akong magagwa. Eto nab a ang kapalaran ko. Panginoon gusto kong umakyat sa langit kung maari lamang. Sana lang po tanggapin ninyo ako.
Ilang sandali lang ay biglang may narinig akong isang tinig. Isang tinig ng pag asa. Para bang nabuhayan ako ng marinig ito. Ibig sabihin hindi ako nag iisa. Pamilyar ito at sobrang saya ng puso ko ng marinig ko ito. Sinundan ko ito kahit na hindi ako nakakita. Ang puso ko mismo ang nag tuturo sa akin kung anong direksyon. Maya maya, nakakita ako ng liwanag.
Tinakbo ko ito hanggang makarating ako sa dulo nito. Labis na kaligayahan ang bumalot sa puso ko ng makarating ako dito. Isang fulfillment kumbaga. Ang saya ko talaga, sobra.
Nakaksilaw ang liwanag na ito. Maya maya narinig ko muli ang boses.
“Buhayin ninyo lang siya, handa akong layuan siya para di na muli siyang manganib ang buhay niya... gagawin ko ang lahat....” narinig ko.
Sino ba tong taong ito? lalayuan? Bakit anong meron? Anong gagawin niya? At sa puntong iyon, nagmulat ang mata ko at nasilaw ako sa ilaw na nakatutok sa akin. “Salamat Panginoon... niligtas mo siya... salmat....” niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Sino ba tong taong ito. kilala ko ito eh pero sino ba siya? Sino? At muli nagsara ang talukap ng aking mata. Tuluyan na atang nakatulog ng mga panahong yon. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari.
Ilang araw na rin akong walang makita. Ewan ko kung bakit pero parang hindi ko magwang ikilos ang aking katawan at isa pa walang lakas ang aking mga buto para tumayo. Mananatili na lang ata akong mag isa dito. Umiiyak at walang makakasama.Hanggang kailan kaya ako dito.
Maya maya may naramdam akong may humawak sa akin at yumakap. Kinilabutan ako dahil hindi ko maaninag kung sino ito. Hanggang sa kaladkarin niya ako at itulak at para bang nahulog ako sa aking panaginip.
Nagising ako sa pag uusap ng doctor at ni mama. Medyo masakit pa ang mata ko dahil siguro sa matagal na pagkakasara nito. Nanlabo pa ang mata ko at wala masyadong maaninag. Nang imulat ko ang aking mata, nasilaw ako sa liwanag. Siguro sa ilaw iyon ng ospital. Masakit pa rin ang aking katawan. Nagpanic agad si mama ng makita niya na nag mulat ako ng mata.
“Anak... salamat at nagising ka na... salamat sa Diyos....” sabi nito.
“Si tita naman OA....” sabi ni Annie.
“Ano ka ba... salamat nga at nagising itong anak ko..” sabi ni mama.
Bakas pa din ang pag aalala nito.
“Tita, malakas yang si Nicko. Kahit ipabunggo mo sa bulldozer mabubuhay yan.” Biro ni Annie.
Ngumiti lang ako.
“Anak, salamat at okay ka na. nag alala kami.”
“Ikaw talaga mama...” sabi ko.
Umakto akong babangon pero binawalan ako ni mama.
“Naku anak, wag ka munang bumangon....” sabi ni mama.
“Si Ryan po? Nasaan? Si Papa kamusta?” tanong ko.
“Ayos lang papa mo... nga pala anak... nagugutom ka ba?” tanong nito sa akin.
Nabaling sa akin ang tanong ni mama kaya di ko na muli naitanong si Ryan.
“Gutom na po ako....” sabi ko.
“Best friend alam mo ba marami ang dumalaw sayo dito. Nagdala sila ng foods at dahil tulog ka ako ang lumafang non.”
“Bakit mo kinain eh akin yun?”
“Eh tulog ka. Baka masayang lang.”
“Che. Ibalik mo yun.”
“Sige wait lang pag tumae ako ibibigay sayo.”
“Kadiri ka nga.”
“Marami naming pagkain jan eh.”
“Eh gusto ko nga pala leche plan.” Sabi ko.
“Lakad bili ka.” Biro ni Annie.
“ANg baet mong best friend grabe.”
“Thank you. Uliraning kaibigan awardee ako.”
“Che.” Napangiti naman ako.
Nagkwentuhan kami nila mama. Kinuwento nila ang mga nangyari. Wala na kasi akong matandaan pa.
"Ang tanga ko din." sabi ko.
"bakit naman?"
"Kasi naman eh dapat umilag na lang ako."
"Siguro na tense ka na at hindi na nakapag isip."
"Pero walang kasalanan ang mga pulis. May pagkukulang lang siguro sila..."
"Siguro nga..."
After ng ilang oras bumalik ulit ang doctor.
“Mam.. after siguro how many days eh okay ng lumabas yang anak anak ninyo.. okay na ang mga vital organs niya. Maswerte siya at di natamaan ang puso niya. Muntikan na. Konting pahinga lang at wag muna mag gagalaw...” bili ng doctor.
"Salamat po doc."
"Mukhang okay ka na ah."
"Oo nga po eh. ako pa."
"naku doc. masamong damo yan... don't worry." sabi ni Annie.
"Ewan ko sayo."
Asikasong asikaso ako nila Annie at mama.
“Grabe ka ha... dalawang linggo kang walang malay. Tinakot mo kami.” Sabi ni Annie.
“Ayaw mo nun may suspense at thrill...” sabi ko.
“Adik mo best..... gusto mo tuluyan ka namin para naman horror?”
“Eto naman.. joke lang.. comedy nga diba?” at nagtawanan kami.
Dumalaw sa akin si Rona at Anthony.
“Oh pinsan kamusta ka na?” tanong ni Rona.
“Ayos naman ako. Eto pagaling na.”
“Mabuti naman.” Sabi ni Anthony.
“Si Ryan nga pala?”
“Ah eh.. nasa bahay.” Sabi ni Anthony.
“Hindi ba siya dadalaw dito?” tanong ko.
“Oi may dala kaming pagkain jan. sabi mo daw gusto mo ng leche plan.” “
Oo si Annie kasi ayaw akong ibili kanina.”
“Ano ka sinuswerte?”
“Si Ryan ba ulit?” pilit kong tinatanog. Feeling ko may tinatago sila.
“May inaasikaso lang yun.” Sabi ni Anthony
“Ni hindi niya ako madalaw dito. Alam na ba niya na gising na ako?”
“Di ko lang alam.” Sabi ni Rona.
Di na ako nakapagtanong pa dahil iniiba nila ang usapan.
Ano kaya ang problema? Mukhang may tinatago sila.
Dumalaw din ang mga kaibigan namin na sila Mark at marami pa. Mga employers namin. Si kuya pati yung fiance niya. Tapos si papa. Buti naman at okay an ang lahat. Ang balita ko kasi okay na ang lahat. Bumalik na ang suppliers namin at investors nila papa.
Natutuwa a ako na okay na si papa. Sinugod kasi siya sa ospital and mild heart attack lang daw yun. Nakakhinga na ako ng maluwag. Mukhang settled na ang lahat.
Pero isa lang naman ang nagpapalungkot sa akin, mula ng magising ako, di ko pa siya nakikita. Di ko pa nakikita si Ryan. Araw-araw nag hihintay ako. pag tinatanong ko anman sila, walang konkretong sagot sila. Kesyo busy lang daw, kesyo maraming inaasikaso, kesyo pag dumadalaw daw siya eh tulog ako.
Alam kong puro sila mga reasons na alam kong hindi totoo. Nasaan na ba siya? Nasaan na siya? Hindi ako nawawalan ng pag asa na dadalawin niya ako. Alam ko darating siya. Kahit na ang puso ko ngayon namimilipit sa sakit. Nasasaktan ako dahil hindi ko siya mahagilap. Nasaan ka nab a Ryan? Iniwan mo na ba ako? Hinitayin kita Ryan. Hihintayin kita.
(Itutuloy)