Wednesday, January 4, 2012

Love Me Like I Am (Book 2 Part 13)

I'll try my best to post "LMLIA: The Untold Beginning" tomorrow. Pasensya na rin sa delay, busy lang sa past few days. Pasensya na rin kung nasungitan ko ang isa dito, nasabay kasi sa pagkabwisit at pagka-bad trip ko ng araw na iyon. Sorry. Anyway, eto na po ang Part 13. Snaa po magustuhan niyo. :)

----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 13: "Goodbye Ely..."

 



Bellefire - Can T Cry Hard Enough
Mp3-Codes.com



Madilim pa noong magising ako, tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at nakita kong alas-kwatro na ng umaga. Iniangat ko ang aking ulo’t nakita kong mahimbing ang tulog ng aking mahal. Tumayo ako mula sa pagkakahilig ng aking ulo sa kanyang dibdib at inayos ang sarili. Lumabas ako ng tent at naglakad patungong bahay na inuupahan namin sa isla.

Pagbukas ko ng pinto’y bumungad sa akin ang isang taong naka-upo sa sala. Umiinom pa ito ng tubig ito ng makita ko.

“Gab! Asan si Kuya?”

“Ayun, natutulog dun sa may tent. Bakit gising ka pa baka makasama yan sa iyo at sa anak natin.”

“Lumabas lang ako para uminom ng tubig. At teka nga, bakit mo iniwan si Kuya?

“Ayokong gisingin, ang sarap kaya ng tulog ng Kuya mo.”

“O siya, puntahan ko na lang.”

“Samahan na kita.”

“Huwag na, alam ko kung saan iyon. Umakyat ka sa taas, hintayin mong magising si Ely… May sasabihin daw siya sa iyo.” Ang sabi nito at dire-diretsong lumabas.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Ella na alam niya ang pinagtayuan ng tent. Naisip ko na pinlano siguro talaga nila iyon para makapag-usap kami ni Jared.

“Ella!” ang tawag ko dito.

“Ako na…” ang sabi ng pamilyar na boses mula sa aking likuran.

Lumingon ako’t nakita ko si Ace.

“Puntahan mo si Ely.” Utos nito.

“Sige… Salamat ha!”

Umakyat ako sa itaas at bago mapasok ang kwarto ng aking kapatid, muli kong nasulyapan ang aking daliri, nakita ko ang singsing namin ni Jared. Napangiti ako kasabay nito ang bitaw ko ng isang malalim na hinga.

Pumasok ako sa loob at unang nakapukaw ng aking atensyon ay ang wedding gown ng kapatid ko. Simple lang ito at nababagay sa beach wedding ang damit. Nakita ko rin sa gilid ang singing na gagamitin nila sa kasal at ang ilang sa invitation. Planado na ang lahat, talagang tuloy na tuloy na ang kasal.

Itinuon ko ang aking mata sa kama at nakita ko ang mahimbing na tulog ni Ely. Tinitigan ko ang mukha nito, nakita ko ang pagkawala ng sigla nito. Ibang-iba sa Ely na kaibigan at kaklase ko noong high school. Nawala ang Ely na makulit, kalog, nakakatawa, at matapang. Ang nakikita ko ngayon ay isang Ely na punung-puno ng paghihirap at kawalan ng pag-asang mabuhay.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha. Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit. Kung kalian nakita ko na ang kapatid ko tsaka naman ito mawawala agad. Hindi ko na rin napigilang humagulgol. Nasa ganoon akong pag-iyak ng gumalaw si Ely.

“Nandito ako.” Ang sabi ko sabay hawak sa kanyang kamay.

“Gab…” ang namamaos na sabi nito.

“May masakit ba sa iyo Ely? Nagugutom ka ba?” ang sabi ko habang pinupunasan ang aking luha gamit ang aking braso.

Ngumiti ito at pagkatapos ay…

“Eto naman! Ok lang ako! Keri lang! Kaloka ka!” ang pasigaw niyang banat sa akin.

Nagulat ako sa sinabi ng aking kapatid.

“Oh! Bakit hindi ka makakibo diyan Bebe Gab?” ang sabi niya sabay ngiti.

Hindi ko na naman napigilang maluha ng tawagin niya akong ‘Bebe Gab’. Sobrang na-miss ko ang pagtawag niya sa akin ng ganoon.

“Eh… Kasi…” ang na-eexcite at nanginginig kong sabi.

“Kasi what? Spill it out Bebe Gab ko!” ang ngiti pa ulit nito.

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko napigilang umiyak at yakapin si Ely. Yinakap din ako nito.

“What’s wrong my little brother?” ang malambing niyang sabi na parang walang dinadalang hirap.

“Wala naman Ely… I mean, Ate. Na-miss ko lang yung pagtawag mo sa akin ng Bebe Gab.” Ang umiiyak ko ng sabi.

“Ssshhh… Don’t cry na, Ate is here.” Ang sabi niya bakas sa boses nito ang pag-crack.

“Pero kasi…”

“I’ll always be here for you Bebe Gab. I will never leave you. Promise ko yan.”

Dahil sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na akong humagulgol. Lalo namang humigpit ang yakap ko sa aking kapatid at ganoon rin ito. Sa gitna ng aking pag-iyak ay naramdaman kong hinihimas-himas ni Ely ang aking likuran na para bang pinapakalma nito ang isang batang umiiyak. Naramdaman ko rin ang mainit niyang luha sa aking balikat.

“Alam mo, Namiss kita! Namiss ko rin yung pagtawag mo sa akin ng ganoon. Namiss  ko yung pagtatanggol mo sa akin kila Steph, namiss ko yung pag-cheer up mo sa akin kapag depress ako. Namiss ko yung pagiging kalog at makulit mo para pasayahin kami… At ngayon, ngayon pa lang, mamimiss ko lahat yun Ely. Lahat-lahat mamimiss ko yun.” Ang sabi ko’t lalong paglakas ng hagulgol ko.

“Humarap ka sa akin Bebe Gab.” Ang utos nito.

Kumalas ako sa aming yakapan at humarap sa kanya, pansin ko ang luha sa mukha nito. Nagpunas ito ng luha at ngumiti.

“Look, I’m happy… I’m happy kasi magkasama tayo, I’m happy kasi kapatid kita… At masaya akong aalis dahil napatawad mo na ako at okay ang lahat. Basta kapag namimiss mo ako, tumingin ka lang sa salamin at tingnan ang mata mo, nabubuhay ako kasama mo. Hindi lang yan at lagi lang din ako nandito.” Ang turo niya sa puso ko.

Napayuko ako at muling umiyak, parang hindi na maubos ang luhang dumadaloy sa aking mata. Hinaplos naman niya ang aking mukha at nakapa ang luhang nandito.

“Wag ka na umiyak Bebe Gab.”

Hindi ako kumibo, kahit kasi anong pigil ko’y hindi ko kayang maitago ang lungkot na nararamdaman lalo na’t alam kong malapit na niya kaming iwan.

“Ganito na lang… Dalhin mo ako sa labas, gusto kong magpahangin eh.”

Sinunod ko naman ang gusto ng aking kapatid, inalalayan ko siya papunta sa balcony ng kwarto nito, at inupo siya sa sofa na nandoon. Tumabi ako sa kanya at inakbayan ito.

“Ano gusto mo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?”

“Nauuhaw lang.”

“Sige, kuha lang ako ng tubig” paalam ko rito.

Paglabas ko ng kwarto’y bumungad sa akin si Jared.

“Oh! Gising ka na pala.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“Iniwan mo naman ako.” Ang sabi niya bakas sa mukha na inaantok pa ito.

“Ang sarap kaya ng tulog mo” ang sabi ko sabay diretso sa hagdan pababa.

“San ka pupunta?”

“Kukuha ng tubig para kay Ely.” Ang sigaw ko dito.

Pagbalik ko sa kwarto’y nakita kong naka-upo si Jared sa tabi ni Ely habang naka-akbay pa siya dito. Lumapit ako sa dalawa at inilapag ang inumin.

“Eto na pala inumin mo oh.”

“Maiwan ko muna kayo.” Ang sabi ko sabay labas ng kwarto. Naramdaman kong meron silang dapat pag-usapan.

Dumiretso ako sa aking kwarto’t ibinagsak ang katawan sa kama. Tiningnan ko rin ang oras at nakita kong 5:30am na pala. Hindi ko alam kung bakit tingin ako ng tingin sa oras noon na para bang may hinihintay ako.

“Ilang sandali na lang… Kasal na nila, At ikaw pa ang bestman Gab!” ang sabi ko sasarili ko.

Pumikit ako’t naalala ko ang pag-uusap namin ni Ella, ilang araw ang nakaraan.

“Ella, anong sakit ni Ely? Gaano na katagal? Anong stage noong ma-diagnose ito?”

“Pancreatic Cancer Gab. Stage 3 na noong ma-diagnose na meron siya nito, isang buwan bago siya umuwi.”

Napabuntong hininga ako’t napa-sandal sa sliding door sa may terrace. Napapikit ako’t pagkatapos ay napaluhod at yinakap ang sarili, hindi ko na napigilang umiyak.
 
“Ganoon na ba kalala ngayon Ella?” ang pautal-utal kong sabi.

Tumango lang ito at yumuko.

“Gab!” ang sigaw ng isang boses na nagpatigil sa aking iniisip.

Dumilat ako’t lumingon sa pinanggalingan ng boses. Kita ko ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng luha ng taong nakatayo sa may pintuan ng aking kwarto. Nakaramdam ako ng matinding kaba.

“Ella! B-bakit ka umiiyak?” ang nanginginig na tanong ko.

“Gab… S-si Ely…” ang humahagulgol na sabi niya kasabay nito ang pagtakip ng kamay sa kanyang mukha.

Sa sinabing iyon ni Ella, naintidihan ko na ang ibig niyang ipahiwatig, hindi ako agad nakakibo, para akong naging istatwa ng mga oras na iyon.

“Gab..” ang nanginginig na sabi niya habang dahan-dahang naglalakad sa kinauupuan ko.

“Hindi… Hindi totoo yan Ella. Sabihin mong nag-bibiro ka lang. Hindi pupwede Ella!” ang sigaw ko’t tuluyan kong paghagulgol.

Yinakap ako ni Ella at nakiisa sa aking pagdadalamhati.

“Hindi pupwedeng mangyari iyon. Hindi ngayon… K-kailangan nilang makasal ni Jared. Kailangan Ella, kailangan… Hindi pupwedeng mawala ang kapatid kooooo!!!” ang sigaw ko habang umiiyak.

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Ella sa akin. Gusto kong pumalag, at magwala dahil sa pagpanaw ng kapatid ko ngunit napaka-higpit ng yakap ni Ella at naisip ko rin na baka masaktan ko siya at ang anak naming. Wala na akong nagawa kundi humagulgol at magsisisigaw. Nang mahimasmasan ako’y dali-dali akong nagpunta sa kwarto ni Ely.
Agad akong dumiretso sa balcony ng kwartong iyon. Nakita ko ang napakagandang sunrise dito, kasabay noon ay nakita kong naka-akbay si Jared kay Ely habang ang ulo ni Ely ay nakahilig sa kanyang balikat. Lumapit ako’t nakita ko ang pagluha ng aking mahal, kasabay nito, nakita ko ang payapang mukha ng aking kapatid.

Muli, hindi ko napigilang maiyak ng makita ko ang mukha ng aking kapatid. Lumuhod ako’t pinagmasdan ito. Nakita kong payapa ang mukha nito, parang natutulog lang. Yinakap ko ito at umiyak ng mahina. Sa aking pag-iyak ay siya ding pag-himas sa likuran ko ni Jared, dahil dito hindi ko na namang mapigilang humagulgol. Yinakap ako ni Jared kasama ni Ely. Sobrang sakit ng aking nararamdaman ng oras na iyon, walang kapantay na sakit. Parang walang katapusang sinasaksak ng kutsilyo ang aking puso.

Tumingin ako kay Ely at sinabing…

“Kagaya ng sinabi ko sa iyo, mamimiss kita…” ang pautal-utal kong sabi.

“Susubukan kong maging matatag, maging matapang, para sa iyo.” ang sabi ko.

Hinalikan ko ito sa noo at muli’y yinakap ko ang aking kapatid at nagpatuloy sa pag-iyak. Iyon na ang huli kong natandaan.

Tulala, balisa, wala sa sarili, ganyan ang itsura ko buong araw. Nasabi rin sa akin ni Ella na nasa kwarto ngayon ni Ely sila Mama at Papa, alam kong nagdadalamhati ang mga ito lalo na’t hindi pa nila ito nakakasama ng matagal. Mayroon pang mga sinabi sa akin si Ella tungkol sa sundo ni Ely papuntang punirarya, at kung anu-ano pa man na hindi ko na naintindihan gawa ng sobrang lungkot at depression na nararamdaman ko sa pagkawala ng aking kapatid.

Ilang sandali pa’y lumapit sa akin si Ella, at yinakap ako nito.

“Magiging maayos din ang lahat.” Ang sabi nito sabay yakap sa akin.

Nasa ganoon kaming posisyon ng bigla kong maalala si Ge.

“Si Gabriel Earl kamusta?” ang tukoy ko sa anak ni Jared at Ely.

“Ayun, iyak ng iyak, pinapakalma ni Enso at Inday.”

Bigla akong nakaramdam ng awa sa pamangkin ko, hindi ko alam pero kung nahihirapan ako, mas nahihirapan dito si Ge, napakabata pa niya para mawalan ng isang ina.

“Ella, naaawa ako sa bata, naaawa ako sa pamangkin ko. Four years old lang siya Ella.” Ang sabi ko at muli’y umiyak.

“Ssshhh… Nandito tayo para sa kanya. At nandyan ka.”

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng may kumatok sa pintuan at binuksan ito. Linuwa ng pinto si Aling Minda at Aling Nelly na namumugto rin ang mga mata.

“Gabriel anak, may nagbigay sa iyo.” Ang abot nito sa isang regalong nakabalot ng kulay itim. May ribbon pang color violet dito.

“Ha? Kanino raw galing?” ang gulat kong tanong.

“Hindi ko alam eh, pero kasama yang regalo na yan sa mga regalo nina Ely at Jared.” Ang tukoy ni Aling Minda sa regalo sa kasal ng dalawa.

“Nagtataka nga rin ako bakit sa iyo naka-address yan eh.” Ang sabat ni Aling Nelly.

Tumayo ako sa kama at inabot ang regalong iyon. Agad kong binukan ito’t bumungad sa akin ang isang box. Pagbukas ko ng box ay bigla kong naibato ito sa sahig, napasigaw naman si Aling Nelly sa nakita naming laman ng box. Bumungad sa amin ang isang patay na pusa, duguan pa ito’t may kasamang note.

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot at kaba, kasabay nito ang pagtaas ng balahibo ko. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Ella at ganoon rin sa mukha nila Aling Minda at Aling Nelly. Para kaming na-paralyze sa aming nasaksihan.

“S-sino ang may bigay niyan?” ang nanginginig at takot na takot kong sabi.

Naramdaman ko namang yinakap ako ni Ella. Hindi ko rin namalayang tumulo ang luha ko dahil sa sobrang takot.

Kinuha ni Aling Minda ang note na kasama ng patay na pusa at binasa ito.

“Hindi pa tapos ang lahat, mamamatay kang duguan kagaya ng pusang ito Gabriel. Mamamatay ka! Kasama ng anak mo!” ang pagbasa ni Aling Minda sa sulat.

(ITUTULOY)

14 comments:

  1. munTANGA lang si Steph ..

    kaltukan ko cya dyan ee .. ;(

    anyway --

    .. paalam Ely .. T_T
    .. stay steadfast and be strong kuya Gab .. alam kong mahirap para sa inyong lahat ang pagpanaw ni Ely .. but it's GOD's will ..

    Time will heal the pain ----

    i love all the characters except the demonic creature .. haha

    Thanks kuya Gab ~ ;)

    ReplyDelete
  2. damn you steph!!!
    Kung kelan malapit na matapos, umeksena pa itong steph na to. Narealized q lang na may buhay na steph pa pala nung mabuksan ang regalo. Nkalimutan ko, kasi ang ganda ng mga sumunod na chapters.

    Thanks whitepal.

    --ANDY

    ReplyDelete
  3. nakakaawa si Ella. Napaka martir.
    sana sila na lang ni Ace ang magkagustuhan haha.


    --ANDY

    ReplyDelete
  4. walang hiya talag ayan c steph naka kong nat lahat naghasik parin ng llagim.

    kawawa namam Ge ulila n agad s ina.

    keep up d go0d work bebe gab.

    tnx s update. naixak aq s chapter n to ah. again keep up d go0d woqk ha i kn0w kaya m yan.

    ReplyDelete
  5. walang hiya talag ayan c steph naka kong nat lahat naghasik parin ng llagim.

    kawawa namam Ge ulila n agad s ina.

    keep up d go0d work bebe gab.

    tnx s update. naixak aq s chapter n to ah. again keep up d go0d woqk ha i kn0w kaya m yan.

    ReplyDelete
  6. Anu na naman kaya ng balak ng steph na yan. Sana di na mapahamak si Gab. Pero cgurado ako, proprotektahan xa ni Jared at Ace. Sana maging okay ang lahat. Paalam Ely. Salamat sa pagmamahal at pagpaparaya para kay Gab.

    ReplyDelete
  7. grabe lahat na ata ng paraan ginawa ko na para mabasa lang toh, haha kelan po yung next chapter i CANNOT WAIT !!!!!

    ReplyDelete
  8. update po! :) miss ko na talaga! Sunugin ng buhay si Steph!

    ReplyDelete
  9. HUH........sobrang na touch ako sa part na e2.....kung kaylang ayos na ang lhat may nangulo pa sayang ung pagiyak ko sa pagkamatay ni ely(wew bigla akong kinilabutan)

    Ibang-iba talaga ang storyang e2 dahil hindi nga ako normal na tao(OK BALIW NA KO YAN AMIN NA!!!!)eh napapaemote ako ng story na2 hayzzz

    anyway
    BYE ELY WE WILL MISS YOU~~~!!!

    (kinilabutan nanaman ako)

    ReplyDelete
  10. Sorry kuya gab pero ..........

    NA RAPE KO YATA YUNG REPLAY BUTTON!!

    nga pala po may pm po ako sau sa y.m. about the story and pls look at it cuz it is a very important request of a very loyal reader/fan

    ReplyDelete
  11. Haizzzzzzzz.......ZZZZzzzzZZZZZzzzzZZZZZzzzzZZZZ
    (waiting 4 update).

    ReplyDelete
  12. See? Kulang na lang eh patalsikin si Satanas at nang mapalitan na ni Steph..as is Stephanas. Hahahaha!

    ReplyDelete