Sunday, January 1, 2012

If I Let You Go- Part 7

Guys eto na ang Part 6. Hope you enjoy reading. hintay ko yung comment ninyo ha. hahahah. sa mga silent readers... salamat po sa pagbabasa. hahah. at sa mga nag cocomment sa akin... maraming maraming salamat.... ahahahah.


“Ang Pag ibig parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
                                                        - Bob Ong


Always Here,
Dylan Kyle


_____________________________________________________________________________

Nicko...” pagtawag sa akin ni Anthony sa akin. 



“Bakit” tanong ko.



 “Ahm...pwede ba na mag usap tayo?” tanong niya. 




“Yup.. nag uusap na tayo ngayon...” sabi ko.




 “I mean in private.” Pag didiin niya. 




“Anthony, madami akong gagawin eh. Pati..” naputol ang pagsasalita ko.






 “Please...” pagputol niya sa akin. 





“Ok... sige...” di ko mapigilan ang di tumanggi sa kanya. 





Nakita ko sa kanyang mga mata na para bang nangungusap ito. 





“May klase ka pa ba ngayon?” tanong niya. 




“Wala na...:” sabi ko. 




“So... pwede na pala tayo mag usap.... if you mind if dun tayo sa bahay namin para mas private?” at sumang-ayon na lang ako.





Tahimik lang kami pareho habang papunta sa bahay nila.ilang mnuto lang ay nakarating na kami sa bahay nila. Tinanong niya ako kung may gusto ba akong kainin o inumin pero tumanggi ako. Dumeretso na kami sa kwarto niya.






Di ko alam kung anong mararmdaman ko pero kakaibang kaba ang bumabagabag sa akin. Seryoso si Anthony, di ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Tahimik lang ang paligid hanggang sa magsalita siya.





“Nicko... tungkol to dun sa nangyari nung last week.” Pagsisimula niya.





 “Okay na yun... kinalimutan ko na... wag kang mag alala.... okay na yun... di magbabago ang lahat... mananatili pa rin yung friendship natin. Wag kang mag alala.” Sabi ko sa kanya. 





“Pero... hindi yun ang tinutukoy ko.... Nicko... mahal kita... naiintindihan mo ba... mahal kita..”





 “Naiintindihan mo ba yang sinasabi mo?” 




“Oo... naiintindihan ko.. di ko na mapigil pa... mahal kita...alam mo ba yun...mahal kita...sobra.... mahal na mahal... ilang gabi akong binagabag nito... alam mo ba.... sa una di ko matanggap na nagkakaganito ako pero nangibabaw ang pagmamahal ko sayo...mahal kita....Nicko...sana maramdaman mo...” nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya.





“Pero....di pwede... malayong mangyari.... hindi pwedeng maging tayo...” sabi ko.






 “Pero bakit? Alam kong mahal mo rin ako.. alam ko.... sa mga nakaw tingin  mo sa akin... alam ko at nararamdaman ko...” sambit niya sa akin.






Nagulat ako sa sinabi niya. 




“Your out of your mind.... di mo na alam sinasabi mo...” sabi ko.





 “Oo.... nababaliw na ako... pero itong puso ko, alam na ikaw ang mahal ko...” giit niya sa akin. 




“Pero...” 




“Pero ka ng pero... bakit ba? Ano bang pumipigil sayo?"





 “Kasi....”



 “Kasi ano?” natagalan ako sa pagsagot. 



Di ko alam kung anong sasabihin ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang na unti-unti na lang akong bumibigay sa aking damdamin.




“Kasi.. ayaw kitang masaktan... ayaw kong mahirapan tayo... ayokong magkagulo at masira ang buhay mo ng dahil sa akin... dahil.. dahil...dahil.... dahil mahal kita...” at natameme kaming pareho at nanaig ang katahimikan ang buong kwarto. Namalayan ko na lang na niyapos niya ako ng mahigpit. naramdaman ko ang kakaibang panggigigil saakin. Yun tipo ba na matagal na niyang gustong gawin ito.






“Ngayong alam ko na na mahal mo ako, di na kita papakawalan..... hindi ako susuko...” sabi niya. 





“Patawad... patawad kung nasasaktan kita... kung ikinukubli ko itong nararamdaman ko...pero eto ang katotohanan... walang patutunguhan t...” pagpapaliwanag ko sa kanya. 




“Hindi yan totoo.... mahal na mahal kita... may mararating ito... wag kang mag alala.... magiging maayos din ang lahat....” sabi niya sa akin.





 “Pero..” hindi na ako natuloy sa sasabihin ko ng bigla nalang niya akong halikan.






Hindi ko napigilan ang gumanti ng halik. Malumanay at mapag aruga ang kanyang mga halik sa aking labi. Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Para ba akong lumulutang sa hangin. Di ko aakalain na aabot ang lahat sa ganito. 




Yung feeling na first time mo na mahalikan at iyon ang nararamdaman mo. nakakapang init ng kalooban. Di ko maidefine yung feeling eh. hAIXT.





“Pinangarap ko ang mahalikan yang mga malalambot mong labi..... ngayon natupad na..... mahal na mahal kita Nicko... mahal na mahal....” sabi niya sa akin. 





“Mahal na mahal din kita... mahal na mahal....” at muli nagtagpo ang aming mga labi.




Kung iniisip ninyo na may nangyari sa amin, naku, wala muna. Hahahah. Humiga kami sa kanyang kama at magkahawak kamay at magkayakap. Ang saya-saya ng puso ko ngayon. Tumatalon na ito sa sobrang tuwa....






“Aalagaan kita baby ko.... aalagaan kita....” sabi niya. 




“Itago muna natin ito ha...” sabi ko. 





“Oo... promise....” at sabay halik. 






“Ang saya saya ko na ngayon... maluwag na ang pakiramdam ko... basta kasama kita... ok na ako.... anjan ka lang....buo na ako.... mahal na mahal kita....” dagdag pa niya. 




Ganito pala ang pakiramdam ng may minamahal... masarap sa pakiramdam.. sobrang sarap.



______________________________________________________________________________



At sa isang sandali lang eh nagablik ang lahat sa realidad. Nagising ako na may humahaplos sa aking ulo. Nagising ako na nasa tabi ko si Ryan. 




“Uhm... kanina ka pa jan?” sabay bangon. 




“Medyo lang naman... heheh...napasarap ata tulog mo... masyado bang nakakpagod ang byahe?” tanong niya. 




“Hindi naman sa ganoon, medyo napasarap lang ang tulog ko kasi sarap ng simoy ng hangin tapos ang lambot pa ng kama mo.” Sagot ko.





Di ko alam kung bakit ganito kalambot ang pag uusap namin. Nakakpanibago. Himala ata at hindi kami nagbabangayan. May kakaibang presensiya sa pagkatao niya kung bakit ako nagkakaganito. Ni hindi ko siya mabara o maaway ngayon. Para ba siyang isang anghel na humahaplos sa akin.





“Ang cute mu palang matulog....” sabi niya. 



“Ako pa.... kahit anong angle eh cute na..” nasabi ko na lang. 





“Ok na sana kaso nagyabang pa eh...” pabiro niya. 





“Aysus..... nga pala, bakit ka napadpad dito sa kwarto ko?” tanong ko lang sa kanya. 






“Ah, kasi po tanghali na... kakain na po kaya sinusundo kita... eh nakita kong mahimbing tulog mo kaya tinabihan na muna kita...” sagot niya. 




“Ah ganun ba? Heheh... sige sige.... uhm... tinabihan mo ako?” sabay sipat sa aking katawan ng pabiro. 






“Naku... wag  kang mag alala... di kita gagapangin ng walang kalaban laban... at isa pa... matuwa ka nga... ang swerte mo ah.... baka nga lugi pa ako sa yo pag nagkataon...” pabiro niya. 





“Che.... adik nito... sapakin kita jan eh...” sabi ko. 




“Halikan kita jan eh...” sagot niya. 




Nakakatuwa naman at paunti-unti eh nagkakasundo na kami.




Sa totoo lang eh mabait naman talaga si Ryan. Kapag sa trabaho niya eh sobrang seryoso. Wala akong nababalitaan tungkol sa naging girlfriend niya dati. Pero marami na ring mga ispekulasyon tungkol sa naging girlfriend niya dati. Pero tsismis lang ata yun. 





Pagbaba namin eh nagtatawanan lang kami. Sobrang tawa lang kami ng tawa hanggang makarating kami sa lamesa. Binati ko yung mga tao na nasa kusina.





 “Gandang tanghali po....” bati ko.




 “Gandang tangahali din...” bati din nila. 





“Ako nga po pala si Nicko...” pagpapakilala ko. 





“Ah... ako naman si Betty at siya naman ang asawa kong si Bert... tawagin mo na lang kaming Nay Betty at Tatay Bert...” pakilala nila.






“Sila yung nangangalaga dito sa rest house.” Singit ni Ryan. 





“Ah... hehehe... kayo lang po bang dalawa?” tanong ko. 





“Oo anak.... bali kasi yung anak namin eh nagtatrabaho sa ibang bansa. Isa siyang doctor dun. Sa tulong ng mga magulang nila Ryan eh nakapagtapos ang aming anak. Sobrang swerte namin sa anak kong iyon...heheheh” pahayag ni Nay Betty. 





“Ah.....ang galing naman... heheh..” ang nasabi ko na lang. 





“Sige na mga anak... kain na kayo...” sabi ni Tatay Bert. 





“Sabay na ho kayo sa amin...” sabi ni Ryan. 




“Naku.. mamaya na....” sabi ni Nay Betty. 





“Naku po... tara na.. sabay na kayo....” sabi ko. 




AT dahil sa kapipilit namin eh sumabay sila sa amin. Nakita ko ang nakahain at natakam agad ako. Matagal tagal na rin ng makatikim ako nito. Nakakatakam talaga.





Habang kumakain eh nagkwentuhan kami. Mahaba-haba din ang oras na naigugol namin sa pagkain dahil sa kwentuhan. 





Napag alaman ko na dati pa lang katulong si Nay Betty at driver naman si Tatay Bert. Pero nung nakapagpatayo si Ryan ng resthouse dito sa Batangas eh sila na ang nangalaga. Iisa lang ang anak nila at ito ay isang lalaki. 




Nagkwento din sila tungkol sa buhay ni Ryan. Marami akong nalaman tungkol kay Ryan. Masyado daw protective si Ryan sa kapatid niyang si Anthony. Kitang-kita naman na napaka protective si Ryan sa kapatid. Nasaksihan ko ito nung kami pa ni Anthony.






Pahapon na, dinala ako ni Ryan sa isang parte ng dalampasigan na kung saan may isang kubo na malapit sa tubig. Ang ganda talaagng tignan ng kapaligaran. Sobrang nakakamangha ang mga nasasaksihan ng aking mga mata. Ang sariwa talaga ng hangin at masarap sa pakiramdam. 






“Ang ganda talaga dito... ang galig galing mo talaga...ahahahha.... di to nabanggit sa akin ni Anthony dati...” sabi ko. 






“Kasi ayaw kong ipagsabi nila. Masyadong private to. Gusto ko lang na ang dadalhin ko dito eh yung mga taong espesyal sa akin...” ang sagot niya. 





Di ako nakaimik agad. Nanatili ang katahimikan sa munting sandali lang. 




“Eh bat dito mo ako dinala? Espesyal ba ako?” tanong ko. 




Di siya nakasagot. Di ko na lang pinansin. 




“Oo naman...” sagot niya. 



Di na muli akong nagtanong.





Ilang sandali kaming natahimik at minasdan na lang ang mga alon. Di ko alam kung bakit kakaiba na lang ang nararmdaman ko ngayon, magkadikit kami. 



Habang nakaupo ako, naramdaman ko na lang na tumaas ang kamay niya at inilagay sa sandalan ko. 




May munting ngiti ang namutawi sa aking mga labi. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito o ano na ang nararamdaman ko. Bigla na lang siyang may itinanong sa akin. 




“Anong nararamdaman mo ngayon?”






Di ako nakapagsalita agad. Nagisip ako kung ano ba talaga ang nararmdaman ko ngayon. Kinapa ko ang puso ko kung maayos na ba ako. Matagal-tagal bago ako nakapagsalita. 





“Ok lang kung ayaw mong sagutin....” sabi niya. 




“Hindi... okay lang... nag isip lang ako kung ano ang nararamdaman ko ngayon..."



"masasabi ko na masaya ako ngayon.... pakiramdam ko eh protektado ako.... pakiramdam ko eh malaya ako at walang iniintindi... masaya ako na ganito ang nararamdaman ko ngayon at hindi na ako namromromblema ng masyado.” Mahaba kong pahayag.






Nagulat na lang ako ng inilagay niya ang kamay niya sa aking balikat. 




“Masaya ako at nararamdaman mo yan.... ang sarap sa pakiramdam na ganyan pala ang nararamdaman mo...” pahayag niya. 



“Pasalamat ako sayo at dinala mo ako dito.. kahit di ko alam kung ano ang purpose mo kung bakit ginagawa mo ito... nagpapasalamat ako.. alam kong may dahilan ka kung bakit ganito ang ginagawa mo... nagsasakripisyo ka... alam kong nag leave ka sa trabaho mo... masyado kang inaasikaso pero nag give way ka pa rin para sa akin.... salamat.... maraming salamat..” sabi ko. 





“Walang anuman.. basta para sayo.... kahit ano... para lang sayo....” sabi niya.





 Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kaniya. Di ako makagalaw. Para bang natigilan ako sa kanyang ginagawa sa akin. Nakakatunaw ang makipagtitigan siya. 




Ako na ang nag iwas ng aking mukha pero maagap ang kanyang mga kamay at galaw at nagulat ako sa sunod na nangyari. Naglapat ang aming mga labi. Sa akin at sa kanya.



(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment