Sunday, June 26, 2011

Love Me Like I Am (Book 2 Part 3)

Eto na po ang Part 3!! Sa Part 4 na lang po ang batian portion dahil masakit na po ang mata ko kaka-edit ng Part 3 and 4. Hehehe!


----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 3: "The Vengeance Continues.."



Nasa ganoon akong pag-iyak ng may nag-text. Si Ace! At ang message niya ay..

“Gab.. Bumaba ka ngayon din, merong naghahanap sa iyo sa telepono.. MAMA MO DAW.”

Hindi ako nakakibo.. Hindi ako nakapagsalita.. Para akong naging istatwa sa nabasa ko.

Biglang nag-ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Ace. Hindi ko agad sinagot imbis ay nag-isip ako ng pwedeng gawin. Ilang sandali pa ay sinagot ko ang tawag niya.

“Hello Ace..”

“Hello Gab! Pumunta ka sa Office mo ngayon din!” ang sabi nito.

“Ace, tell her that I’m busy. Na.. na..” hindi ko natapos dahil muli, pumatak ang luha ko.

“Gab, please answer it. Please. Kahit yan lang.” ang sabi ni Ace.

Wala akong nagawa kundi ayusin ang sarili, at bumaba. Nang makababa na ako ay dumiretso ako sa office room ko kita ko na si Ace lang ang nandoon. Paglapit ko kay Ace ay binigay nito ang isang cellphone.

“Hello Ma’am.” Ang sabi ko.

“Hello. Gab anak ikaw na ba ito?” ang sabi ni Mama sa kabilang linya.

Hindi ako nakapagsalita imbis nag-umpisa na akong maluha at tiningnan si Ace.

Tumango lang ito senyales na sabihin ko na.

“Gab anak magsalita ka naman. Anak, si mama ito!” ang sabi ni mama na naiiyak na.

“I-I-I’m so sorry ma’am, I think wrong number po kayo.” Ang nasabi ko na lang kasabay ang patay ng cellphone.

Pagkatapos noon ay humagulgol na ako. Si Ace naman ay tiningnan ako ng masama at..

“Anong ginawa MO!!??” ang sigaw ni Ace sa akin.

“Ace, h-h-hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.”

“Edi sana kinausap mo man lang. Pinaalam mo na ok ka.” Ang naka-sigaw na sabi pa rin ni Ace.

“Ace, you know na hindi ko magagawa yan. Oo gustong-gusto kong ipaalam kay mama na ok ako. Pero paano ko gagawin iyon? Paano ang plano ko? PAANO ACE SIGE NGA!” ang sigaw ko sa kanya.

“Masmahalaga pa ba ang plano mo Gab kesa sa pamilya mo? Masmahalaga pa ba ang paghihiganti mo kesa pamilya mo? Ganyan ka na ba ngayon ha!! Ang Selfish mo!” ang sigaw nito habang madiin niyang hawak ang balikat ko at yinuyugyog ito.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nadinig ko. Tama nga naman siya, napaka-selfish ko. Hindi ko rin mapigilang hindi maalala ang sinabi ni Jared sa akin kanina na “Ganyan ka na ba ngayon?” na sinabi din ni Ace sa akin. Parang lahat ng tao ay ganyan ang tingin sa akin. Masama, mapagmataas, mayabang. Hindi nila maintindihan ang point ko, ang mga pinagdaanan ko, ang sakit na naranasan ko. Ang hirap! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong magpaka-selfish pero sa ngayon, ito ang nararapat. Kailangan ko pagbayarin ang mga taong nakapanakit sa akin, lalo na ang taong sumira sa pamilya ko.

“Umuwi na tayo Ace.” Ang nasabi ko na lang.

“Pero Gab!” ang sabi nito.

“UMUWI NA TAYO!” ang sigaw ko sa kanya.

At wala siyang nagawa kung hindi sumunod ng padabog.

Wala kaming imikan ni Ace sa sasakyan. Hanggang sa pagkain ng hapunan at pagtulog, wala kaming kibuan.

“Hindi ko alam.. hindi ko talaga alam.. naguguluhan na ako..” ang nasabi ko sa sarili ko.

Kinabukasan.

“Sir, dumating na po si Mr. Cruz.” Ang sabi ng secretary ko.

“Sige, papasukin mo.” Sabi ko.

Paglabas ng secretary ko ay linuwa naman ng pinto si Jared.

Sa totoo lang, hindi ko pa rin mapigilang hindi mahumaling sa kanya. Lalo na ngayon na mas gwapo’t mas matindi ang appeal ng mokong.

“Ok Mr. Cruz, today is your first day as my trainee right?” ang sabi ko dito.

“Yes sir.” Ang sabi niya.

“Ok. Eto kunin mo.” Ang sabi ko sa kanya sabay turo sa sandamukal at makakapal na folders na naglalaman ng files.

“A-a-ano po ito?” ang tanong nito.

“I said, kunin mo!” ang mataray na sagot ko sa kanya.

“I-I-I mean ano pong gagawin ko dyan?” ang tanong niya.

“Aralin mo, analyze it, at gawan mo ng reports. I need it two days from now.” Ang sabi ko habang naka-ngiti.

“Pero hindi po ba dapat tinuturo niyo kung papaano ko gagawin ito?” ang sabi niya.

“Hhhmmm.. Ang nadinig ko kasi Mr. Cruz ay magaling ka daw at merong alam sa ganito. So ngayon Mr. Cruz, USE IT!” ang mataray kong sagot.

“Pero di ba po dapat gina-guide niyo ako as a trainee? Di ba dapat tinutulungan at tinuturuan niyo ako?” ang sagot niya sa akin.

“It’s called self learning Mr. Cruz and I’m teaching you that.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“Pero..”

“Hindi sa lahat ng oras merong taong nandyan para sa iyo, hindi sa lahat ng oras merong tutulong sa iyo. Minsan darating sa buhay natin na walang ibang makakatulong sa atin kung hindi ang sarili natin.” Ang dire-diretsong sabi ko.

“Sir..” hindi niya natapos ang sasabihin dahil umarangkada nanaman ako.

“Na kailangan nating tumayo at lumaban para sa sarili natin dahil darating ang panahon na iiwan at tatalikuran tayo ng mga taong akala natin ay laging nandyan para sa atin. At iyan ang nangyari sa akin Jared. Tinalikuran nila ako! Iniwan nila ako!” ang sigaw ko sa kanya.

Hindi siya nakakibo, kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Ilang sandali pa ay tinitigan niya ako na para bang binabasa niya ang iniisip ko.

Para naman akong natauhan sa mga sinabi ko. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagsalita na siya.

“Kahit kailan hindi kita iniwan, kahit kailan hindi kita tinalikuran. Ikaw ang tumalikod. Ikaw ang nang-iwan Gab.” Ang nasabi na lang niya.

“Sige na Mr. Cruz. Basta within two days, I need your report. At isa pa, hindi mo pwedeng ilabas yang mga files na yan dito sa office. Confidential lahat yan.” Ang nasabi ko na lang.

At pagkatapos noon ay naglakad siya papuntang pinto. Bago pa man siya lumabas ay..

“Kagaya ng sabi ko sa iyo, hindi ako susuko. I won’t give up Gab. Never.” ang sabi niya sabay labas ng kwarto.

Pagkalabas niya ay napauntong hininga ako.

“Ssshhh!! Wag kang malinlang Gab! Wag! Hindi pwede ok? Patay na si Gab. Ikaw na si Erick. Si Erick na matigas, si Erick na matapang, si Erick na hindi marunong magmahal.” Ang nasabi ko na lang sa sarili ko.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang nag-ring ang telepono at sinagot ko.

“Yes hello?”

“Sir, may naghahanap sa inyo si Ms. Stephanie Aragon daw po.”

Nangiti naman ako bigla. Senyales ito na nag-wowork ang mga plano ko.

“Nasaan siya?” ang tanong ko.

“Kagaya po ng sabi ninyo, kung sakaling dumating po siya ay doon lang po siya sa may Ground floor.”

“Good. Sabihin mo may meeting lang ako. Pero bababa ako ok? Wag niyong hayaang umalis yan ok?” ang sabi ko.

“Yes sir.”

At binaba ko ang telepono. Pagbaba ko ng telepono ay tiningnan ko ang orasan ko at nakita na 8:00am lang pala.

“Hhhhmmmm.. Mahaba-haba pa pala ang araw, sige maghintay ka lang dyan demonyo ka.” Ang sabi ko sa sarili ko na natatawa.

Since binitiwan ko nga ang walang kwenta niyang kumpanya, expect ko kasi na tatakbo si Steph para humingi ng tulong sa iba’t-ibang kumpanya. Ang hindi niya alam, siniraan ko siya at ang basura niyang kumpanya sa mga kilala at malalaking kumpanya sa bansa kaya siguradong walang tutulong sa kanya. Siguradong lulubog siya kasama ang kumpanya niya.

“Luluhod ka ngayon sa akin demonyo ka.” Ang sabi ko sa sarili ko.

Around 1pm ay napag-desisyunan kong bumaba at harapin siya. Paglabas ko ng room ay nakita ko si Jared, busy sa paggawa ng mga reports. Dahil nga galit pa rin ako sa kanya ay naisipan kong inisin pa siya.

“Ang sipag naman ng bata ohh!! Mamaya niyan palitan mo na ako sa sobrang kasipagan mo.” Ang sarcastic kong sabi sa kanya.

Tumingin lang siya at pagkatapos noon ay bumalik siya sa ginagawa niya.

“Jared, let’s have lunch. Wag mo masyadong dibdibin yan.” Ang sabi ko.

“Sir, next time na lang po. Hindi ko po kasi matatapos ito, KULANG PO ANG DALAWANG ARAW PARA DITO.” Ang matigas na sabi niya.

“Oh! Ok.. Hindi kita pipilitin. Sino ka ba para pilitin ko di ba?” ang mataray kong sagot sabay alis at diretso sa elevator.

Sa Ground floor, pagbukas ng elevator ay kita ko si Steph na nasa may Front Desk at ang mukha ay hindi maipinta sa sobrang pagkairita dahil nga pinaghintay ko siya ng limang oras. Bwahahahaha!

“Asan na ba yang punyetang Amo mo ha!!” ang sigaw nito sa tao sa front desk.

“May meeting po pero pababa na po yun.” Ang sabi ng nasa front desk.

“Meeting!?!?! Meron bang Meeting na limang oras?? Paimportante yang amo mo! Daig pa niya ang may ari ng AL-UR incorporations kung umasta! Siguro magkamag-anak yan noh! Mga paimportante! Mga bwiset! Mga walang silbi! Parehas sila ng may-ari ng kumpanya na yun.” ang pagtatalak nito.

Bigla naman natawa ang tao sa front desk kasi alam niya na bukod sa kumpanyang kinaroroonan namin ngayon, ay ako ang may ari ng Multibillion company na AL-UR inc. na tinatag ni lolo.

“Aba! Anong nakakatawa ha!?! Gusto mo sunggaban na kitang hayup ka ha!” ang sigaw ni Steph sa tao sa Front Desk.

“Tsk! Tsk! Tsk! Wala ka pa ring pagbabago.” Ang sabi ko.

Lumingon naman si Steph at kita ko ang pagkagulat nito.

“A-a-anong ginagawa mo dito?” ang gulat na tanong niya.

“Ang tanong ko is. Ikaw! Anong ginagawa mo dito?” ang sabi ko sabay ngiti.

“A-ako! Ako ang isa sa major stock holder ng kumpanyang ito. And I command you to get out of this building now!” ang sigaw ni Steph sa akin.

“Ahahahahahaha!!” ang bigla kong halakhak sa kanya. Nakaktawa, hindi niya alam na ako ang may-ari ng kumpanyang kinatatayuan niya ngayon at hihingan pa niya ng tulong.

“What’s funny? I said get out!!” ang sigaw ulit ni Steph.

“Umm.. Ma’am..” ang biglang sabat ng nasa front desk.

“Shut up! leche ka! Hindi kita kinakausap!” ang sigaw ni Steph dito.

“Ma’am, siya po ang may-ari ng kumpanyang ito.” Ang sabi ng nasa desk.

“H-HA!?!? P-p-pag mamay-ari niya rin ito? Pagmamay-ari mo DIN ITO?” ang gulat niyang tanong.

“That’s right. AKO! AKO DIN ANG MAY-ARI NITONG KUMPANYANG ITO!” ang bulyaw ko sa kanya.

“P-p-paanong!?!?”

“I buy this company 3 MONTHS AGO!”

“A-akala ko!”

“Akala, akala.. Maraming namamatay sa maling akala Ms. Aragon.” Ang sabi ko sa kanya sabay senyas sa guard.

At dumating ang guard para muling kaladkarin siya palabas.

“BITIWAN NIYO AKO!!” ang sigaw nito.

“Sige na! Ilabas niyo na ang skandalosang yan!” ang sabi ko.

“Walang hiya ka talagaaaaa!!! Basura ka talaga Gabrieeeelll!!” ang sigaw nito sa akin.

“IKAW ANG BASURA! Hihingi ka na nga lang ng tulong, daig mo pa ang reyna kung umasta!” ang sabi ko habang sinusundan siya sa pagkaladkad sa kanya.

Sa labas ng building..

“Bitiwan niyo ako!! BITIWAN NIYO AKO!!” ang sigaw nito.

“Sige! Bitiwan niyo daw!” ang sabi ko.

At binitiwan nga ng mga guard si Steph. Pagka-bitiw sa kanya ay nagtangka pa ang bruha na lumapit sa akin upang sampalin ako, ngunit nahawakan ko ang braso niya at pagkatapos ay malakas ko siyang naitulak na ikinabagsak niya.

Sakto naman na umuulan sa labas at ang binagsakan ni Steph ay lupa. Dahil nga umuulan, ang lupa ay basa at dahil doon ay kumapit sa buong katawan at mukha ni Steph ang putik.

“Aaaahhhhh!!!! Walang hiya kaaaa!!!” ang sigaw nito sa akin habang ang buong katawan ay puno putik.

“Oh Steph! Saan mo nakuha yang foundation mo? Bwahaahaha!! Ang dungis mo na oh. Yan na ba ang kinakain mo ngayon? No wonder, wala ka ng makain dahil inaamag na ang bank account mo at ng ina mo! Hahahahaha!” ang halakhak ko pa.

“P*tang*na mo!!! Sinadya mo ito hay*p kaaaaa!!!!” ang pagwawala nito.

“Oh! Hindi ko kasalanan yan! Ikaw ang nagtangkang umatake sa akin. Dinepensahan ko lang ang sarili ko. Ayan tuloy napala mo.” Ang sabi ko sabay ngiti.

Wala siyang ginawa kundi magsisisigaw at magwala.

“Sino ngayon ang basura sa ating dalawa Steph? Di mo ba nakikita? Pinandidirihan ka na ng lahat ng tao! Lahat sinusuka ka! You’re NO ONE! And YOU’LL DIE LIKE THAT!” ang mataray kong sabi sa kanya.

Kita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat. Alam kong alam niya kung kanino ko nakuha ang huling linyang binanggit ko. Yun ay walang iba kundi sa kanya, ibinalik ko lang.

“Ngayon, umalis ka na! Kung may kahihiyan pang natitira sa iyo!”

Hindi siya nagsalita bagkus isang matulis na tingin lang ang ginanti niya sa akin.

“THIS IS NOT THE LAST GABRIEL! HINDI PA TAYO TAPOS!” ang sigaw nito sa akin.

At lumapit ako sa kanya, yun bang kaming dalawa lang ang magkakarinigan.

“Talagang hindi pa tayo tapos Steph, hindi tayo matatapos hangga’t hindi ka gumagapang papunta sa paa ko. Gumagapang, nagmamakaawa, dahil sadsad ka na sa lupa. Kagaya ng itsura mo ngayon! Hahaha!” ang tawa ko pa.

Pagkatapos noon ay nagpunta siya sa sasakyan niya at umalis.

“Kulang pa yan sa lahat-lahat ng ginawa mo sa akin at sa pamilya ko.” Ang nasabi ko.

Tumalikod ako pabalik ng opisina at di ko inaasahan ang nakita ko. Si Jared! Nakatingin siya sa akin, ang mukha ay hindi maipinta.

Hindi ko na lang siya pinansin, naglakad ako dire-diretso paalis.

Kinagabihan, sa bahay..

“Gab..” ang sabi ni Ace.

“Ano?” ang sagot ko.

“Nadinig ko yung nangyari kanina sa opisina.”

“Ohh.. ano nanaman ang sasabihin mo? Siya ang umatake sa akin Ace. Daig pa niya ang reyna kung umasta. Wala akong ginagawang masama.” Ang sabi ko dito.

Hindi na lang kumibo si Ace. Ilang sandali pa ay hinawakan ni Ace ang kamay ko.

“Gab.. Please stop this.. H-hindi ko na gusto ang nakikita ko ehh.. Simula ng umuwi tayo dito, p-parang ibang tao na ang nakikita ko, hindi na ikaw si Gab.” Ang sabi ni Ace.

“Ace, alam mo kung bakit ko nagagawa ang lahat ng ito.”

“Pero hanggang kailan Gab? Hanggang kailan kang ganyan?”

“Kapag nakuha ko na ang gusto ko.”

“Gab..”

“Please Ace I don’t want to talk about. Matulog na tayo.”

Hindi na siya nagsalita imbis ay humiga siya patalikod sa akin.

“Matatapos din ito.. Matatapos din.. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan..” ang nasabi ko sa sarili ko.

Kinabukasan, palabas na ako ng opisina. Ginabi ako ng labas gawa ng sobrang daming kailangan tapusin. Paglabas ko sa kwarto ko ay nakita ko na may bukas na ilaw sa isang cubicle, kasama nito ang isang tugtog na umaandar sa PC na nasa cubicle na iyon. Pinuntahan ko iyon at nakita ko si Jared, mahimbing na natutulog sa kanyang Desk at naiwang bukas ang computer. Sinilip ko ang laman ng computer at kita ko na halos tapos na niya ang pinapagawa ko.

Sa totoo lang namangha ako. Akalain mo, sa dami ng folders and files na binigay ko sa kanya, matatapos niya lahat yun. Tama nga ang sabi ni Tito Angelo kay Ace, magaling nga si Jared.

Pero eto ako.. Since gusto ko nga siya pahirapan, may pumasok na ka-demonyohan sa isip ko. Ang burahin ang lahat ng ginawa niya. Sigurado ako kapag ginawa ko iyon, wala siyang maipapasa sa akin bukas. At Mapapagalitan ko siya ng bonggang-bongga! Bwahahaha!

Akmang buburahin ko na ang mga files ay nakita ko ang cellphone sa desk niya. Pinakielaman ko ito at nakita ko na merong Unsend message siya kay Ella. At ang sabi ay..

“Angel, ginagawa ko ang lahat ng ito dahil mahal ko siya. Basta ok lang ako, ok lang si kuya. Ingat ka dyan ha!”

Pagkabasa ko noon ay tumugtog ang isang nakakalokong kanta sa PC niya.

Sa totoo lang, na-touch ako sa nabasa ko. Pagkatapos ng lahat ng pagsusungit at pagpapahirap ko sa kanya, physically and emotionally, eto siya, minamahal pa rin ako at talagang sineryoso niya ang trabahon na binigay ko.

Dahil sa nabasa ko, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang planong pagpapahirap sa kanya. Ngayon, ramdam ko ang pagmamahal niya at ramdam din ng puso ko na.. na.. na mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal.

Dahil sa awa ko sa kalagayan niya ay ginising ko siya.

“Jared.. Wake up..” ang sabi ko.

Nang makita niya ako ay agad siyang umupo ng maayos.

“S-s-sorry po sir..” ang sabi niya.

“It’s ok. Uumm.. umuwi ka na.”

“Mamaya na po. Kailangan kong matapos ito eh.”

“No! Inuutusan kita na umuwi ka na. Kailangan mong magpahinga.” Ang sabi ko.

At napatingin naman siya sa akin.

“S-sir? M-may nakain po ba kayo?”

“Uummpphh!!” sabay batok sa kanya.

“Arrraayy!! Hehehe..”

“Baliw!” ang sabi ko.

“Di rin!” ang sabi niya

“Oo rin!” ang sabi ko.

At pagkatapos noon ay natigilan ako. Parang nagbalik ang lahat sa akin, ang masasayang oras namin, ang kulitan, ang lambingan.

Nagtitigan kami, mata sa mata. Unti-unting nagkalapit ang mukha namin, hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko.

“Wala ito sa plano ko! Wala sa plano kong mahulog muli sa kanya! P-Pero bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang magnetismong taglay niya?” ang sabi ko sa sarili ko.

Palapit ng palapit ang mukha namin. Konting-konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi..

(itutuloy..)

My Next Story..

Some people asked if I had another story. Well, yes!!! I have 4 stories na naka-line up, pero ang ISA DOON ANG PINAKA-NAGUSTUHAN KO AT GUSTO KONG I-POST AFTER NG "LOVE ME LIKE I AM.." =))

The working title is:

"SANA'Y AKO NA LANG.."


Six Part Invention - Sana'y ako na lang

Powered by mp3skull.com


The story is about finding Love and Freedom.
One is Freedom from his Family, while the Other is Freedom from Poverty.
Parehas na naghahanap ng kalayaan, pero PAGMAMAHAL ANG MATATAGPUAN NILA.
Makakamit ba nila ang KALAYAAN kasama ang PAGMAMAHAL? O Kailangan nila Mamili sa 2?
Ano ang pipiliin nila?
Hanggang kailan kayang magtiis ng isa para sa isa?

Abangan!! (September - October 2011)

Friday, June 24, 2011

YES! or NO! (LMLIA: The Untold Beginning)

Sa mga readers po ng "Love Me Like I Am", May bago po akong poll na nasa may gilid ng blog, at nasa inyo po ang desisyon kung itutuloy ko ang paggawa ng special chapter ng LMLIA entitled:

Love Me Like I Am:
The Untold Beginning...

This Special Chapter is about the past or should I say, the Love Story of Angelo (Papa ni Jared) and Luis (Papa ni Gab).
So Kayo po ang magdedecide if itutuloy ko ang paggawa or hindi. ;)

TRIVIA: "This is the Story where everything started. The Story behind the "FRIENDSHIP RING" of Gab and Jared, which came from Angelo and Luis." :)

So Is it a YES? or a NO? YOU DECIDE! LOL XD! Meh ganun? Hehehe..

~ White_Pal / Bebe Gab!

Wednesday, June 22, 2011

Love Me Like I Am (Book 2 Part 2)

Pasensya na po kung natagalan. Wala po kasi ako sa bahay ng Saturday and Sunday ehh. Nung Monday naman po umalis din ako.

Tsaka na po yung mahahabang messages ha! Nagmamadali po ako eh at may pasok pa ako. Hehehe.. Eto na po ang Part 2 ng Book 2!!

----------------------------------------------

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 2: "The Trainee"



“Gab..” ang sabi ng boses na umaalingawngaw sa buong lugar.

“Gab..” ang sabi pa nito ulit.

Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang balikat ko at kasabay nito ang paglingon ko.

“Kuya!!??” ang sabi ko ng makita ko ang Kuya Erick ko.

“Gab, wag mong baguhin ang sarili mo, Wag mo hayaang makulong ka ng galit. Wag mo hayaang kainin ka ng galit na nandyaan sa puso mo.” Ang sabi niya sa akin.

“Pero kuya, yun lang ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang mga taong naging dahilan kung bakit ako naging ganito.” Ang dahilan ko sa kanya.

“Kay Steph at kay Ely, malamang oo. Pero kay Jared, galit ba talaga? Puro galit ba ang naramdaman mo noong makita mo siya?” ang tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita, parang pinasakan ng semento ang lalamunan ko. Alam ko na tama si kuya, hindi puro galit ang nararamdaman ko kay Jared, dahil ramdam ko pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya.

“Search the answer in your heart. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo gab, wag mong hintaying may masirang buhay dahil sa galit mo. Wag mong hintaying may magsakripisyo para lang matigil ang galit sa puso mo at sa puso ni Steph. Wag Gab.. Wag..”

“Hindi kita maintindihan kuya..” ang sabi ko.

“Muli mong papasukin sa puso mo ang pag-unawa at pagmamahal. Yun lang ang susi Gab. Understanding and Love... Love... Love... Love... Love...” ang paulit-ulit at dahan-dahan niyang sabi.

.......................

.......................

.......................

“Kuya!!!” ang sigaw ko kasabay ng pagbangon at pagdilat ng mga mata ko.

Isang panaginip. Muli ay nagpakita sa panaginip ko ang kuya Erick. Malinaw ang gusto niyang iparating, pero paano ko magagawa ang gusto niya kung napakatindi ng galit sa puso ko? Paano ko ititigil ang mga plano ko kung nababalot ng galit ang puso ko? Paano ko gagawin ang gusto niya kung wala ng lugar ang pag-unawa’t pagmamahal sa puso ko? Ang hirap! Sobrang hirap! Sa lahat-lahat ng naranasan ko, paano pa ako makakaramdam ng pag-unawa at pagmamahal, kung ako mismo ay hindi nakaranas noon sa ibang tao?

“Mahal, ok ka lang ba? What’s wrong?” ang tanong ni Ace.

Gising pala siya.

“Wala naman mahal.. Ok lang ako..” ang sagot ko.

“Sure?”

“Yeah.. Teka nga, bakit gising ka pa?” ang tanong ko dito.

“Kakagising ko lang. At tsaka 5am na po.”

“Ahh ganun ba?”

“At tsaka, tinititigan kita eh.” Ang sabi nito sabay ngiti.

“Nako! Itulog mo na lang yan. Maaga pa.”

“Ayoko.”

“Matulog na nga!” ang sigaw ko dito.

“Matutulog ako sa isang kondisyon.” Ang sabi niya.

“Ano?” ang tanong ko.

“Yung hinihiling ko sa iyo.” Ang sabi niya sabay ngiti.

Alam ko ang hinihingi niyang iyon. Siyam na buwan na kaming mag-on pero di ko kayang ibigay iyon at hindi ko kayang gawin dahil si Jared pa rin ang laman ng puso ko.

“Ace..” ang nasabi ko.

“Ok lang mahal. Maghihintay ako. Maghihintay ako sa araw na maangkin ko ng buo ang puso mo.” Ang sabi nito.

Kahit hindi ko sabihin, alam kong alam ni Ace na hanggang ngayon ay si Jared pa rin ang laman ng puso ko.

“Salamat mahal. Salamat sa pag-unawa.” Ang sabi ko.

At hinalikan niya ako.

.......................

“Ser here is your morning fod!” ang sabi ni Inday.

“It’s food Inday. Not FOD!” ang biglang sabat ni Kokoy.

“Whatever Kokoy my dearestnesssesss..” sabay kindat nito.

“Aaayyyiiieee!!!!” ang sabi naming lahat.

“Yuck!!” ang sabi ni Kokoy.

“Pansin ko lang Inday, napapadalas ata ang English mo.” Ang sabi ni Ace.

“Of course Ser, it’s because the cause is you and Ser Gab, the two of you go in Stetz so it’s possibility that the two us I mean the two of you only know Inglish salita!” ang sabi nito.

At natawa naman kaming lahat.

“Inday, wag ka na nga magpaka-trying hard mag English ha! Sakit sa tenga eh. At isa pa, it’s “possible” not “possibility”, and it’s “English language” not “Inglish salita”. Yung grammar mo inday naku! Ewan ko kung ano sasabihin ko dyan.” Ang sabi ni Kokoy.

“Hey kokoy! Stop irritating myself! I’m having hard time in your saying.” Ang sagot ulit ni Inday.

At muli ay nagtawanan kami, siguro naman ay alam ninyo ang pinagtatawanan namin di ba? Hehehe. Ganito kami sa bahay simula ng umuwi ako galing sa states para mag-aral. Napag-desisyunan kong dito na lang sa pinas tapusin ang pag-aaral ko dahil... Dahil, parte ng plano ko.

Ngapala, gusto ko na kilalanin niyo ako bilang Erick. Erick Uriel Alvarez, dating si Gabriel Alvarez Montenegro. 19 years old na ako ngayon, may tangkad na 5’8 at medium built ang katawan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano idedescribe ang bagong sarili ko, kayo na lang po humusga.

Nang matapos ang agahan ay umakyat na kami ni Ace para mag-ayos. Unang araw ko sa kumpanya noon bilang Chairman at major stockholder nito. Habang nag-aayos..

“Mahal, Gab..” ang sabi ni Ace.

“Ace, remember my name is Erick. Baka madulas ka.”

“Nasa bahay naman tayo. Tsaka tayong dalawa lang naman nandito. At alam ko kung kailan ka tatawaging Erick.” Ang sabi nito.

Hindi ako kumibo.

“Gab.. Umamin ka nga, sinadya mo ba ang nangyari sa kagabi?”

“Anong nangyari?”

“Yung sa party. Yung ginawa mo kay Steph?”

“Oo.. Sinadya ko yun. Sinadya kong bwisitin siya para matrigger and demonyong nagtatago sa ilalim ng balat niya.”

“Gab, sa ginawa ko naging obvious ka kila Jared at Ella. Hindi lang yan, balitang-balita sa buong kumpanya ang nangyari.”

“Well, edi maganda. Pahiya ang Gaga. At isa pa, kitang-kita na siya ang nag-skandalo hindi ako, kaya siya ang masama. Regarding naman kay Jared at Ella, sinadya ko rin na marealize nila na ako si Gab. Lalo na si Jared.”

“Bakit naman?” ang tanong nito.

“It’s part of my plan Ace. Gusto ko makita ni Jared kung anong klaseng tao na ang ginago niya noon. Gusto kong makita niya kung ano ang ginawa niya sa akin, kung papaano ako nagbago dahil sa kalandian niya. Di ba ang saya? Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at paghihirap ng kalooban niya. Gusto kong sisihin niya ang sarili niya na siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Gusto kong maramdaman niya ang sakit na naranasan ko noon, sobrang sakit hanggang sa mabaliw siya.” Ang sabi ko sabay ngiti.

Hindi na nakakibo si Ace. Alam ko na tutol siya sa mga plano ko. Katunayan, nagkaroon pa nga kami ng pagtatalo dahil dito eh. Pero sadyang matigas ako, at wala na siyang magawa.

“Alam mo Gab. Nakikita ko, mahal ka nung tao, bigyan mo naman sana ng chance na magpaliwanag.”

“Mahal!?!? Mahal ba ang sasaktan? Mahal ba ang gagaguhin? Mahal bang matatawag yun Ace! Ha!!” ang sigaw ko.

Sa sigaw ko ay natahimik kaming dalawa. Ilang sandali ay binasag ko ang katahimikan.

“I’m sorry..”

“It’s ok Gab.”

Tok! Tok!

“Pasok.” Ang sabi ko.

Pagbukas ng pinto ay linuwa nito si Enso.

“Kuya Gab! Kuya Ace! Pwede bang sumama sa inyo?”

15 years old na si Enso ngayon. Kasama ko si Enso sa States at namalagi kami doon ng tatlong taon. Si Ace naman ay umuuwi ng pinas buwan-buwan gawa ng siya ang naghahandle ng kumpanya.

“Nako Enso, wag na! Baka kumalembang ka pang bata ka dun!” ang sabi ko.

“Hay nako kuya Gab! Keribels lang yan!! Go na go lang!!”

“Nako!! Tapos makikita nanaman kita kalandian ang isang cute.” Ang sabi ko.

“Huy Kuya Gab hindi ahh!!” ang pag-dedeny niya.

“Anong hindi! Nako! Kabata-bata lumalandi na.” ang sabi ko.

“Bakit Kuya Gab? Di ba 14 years old ka nung nag-umpisa kang lumandi?” ang sabi nito sabay ngiti.

“Hoy! Hindi ako lumandi. Siya ang lumandi sa akin!” ang sabi ko tukoy kay.. kilala niyo na.

“Pero nagpalandi ka naman? Naakit ka naman sa mala-diyos niyang ka-gwapuhan? Di Baaaa??” ang sabi ni Enso ulit.

“Pwe!! Manahimik ka nga! Basta!! Hindi ka sasama!!”

“Mahal, pasamahin mo na yung bata.” Ang sabi ni Ace.

“Ace hindi na bata yan. Damulag na yan at tsaka..”

“At tsaka ano?” ang tanong ni Ace.

“Mamaya Hhhmm!! Remember the plan?” Ang bulong ko kay Ace.

“Ok.. Enso! Tsaka ka na lang sumama.” Ang sabi ni Ace sabay ngiti.

“Eeehhh!!” ang reklamo nito.

“Sige na! Wag ng matigas ang ulo.” Ang sabi ni Ace.

----------

Sa Kumpanya..

“Good Morning Sir!”

“Good Morning.” Ang sagot ko.

“Good Morning Chairman!”

“Good Morning.” Ang sagot ko.

Ganyan ang bati sa akin ng mga empleyado sa kumpanya.

Kinahapunan, nagpunta ako sa ******* Hotel na pagmamaya-ari ko para isagawa ang UNANG PLANO KO. At ang hotel na ito, ay walang iba kundi ang Hotel na lagi naming pinupuntahan ni Jared para tumambay sa rooftop nito. At oo, tama ang nabasa niyo, pagmamay-ari ko na ang hotel na iyon, na-mana ko rin kay Lolo.

Sa hotel..

Malayo pa lang ay nakita ko na si Jared. Nang lumingon siya sa akin ay kita ko naman ang pagkagulat niya. Nang magkatapat na kami.

“Ikaw!!” ang gulat na gulat na sabi ni Jared.

“Yes it’s me.” Ang sagot ko sabay ngiti.

“Sabi ni Papa A-a-akala ko-“

“Akala, akala.. Maraming namamatay sa maling akala Mr. Cruz.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“Uumm.. Erick, this is Jared siya ang Anak ni..”

“Angelo Cruz, one of my business partners. At alam ko din na, nandito siya for training.” Ang sabat ko.

At natahimik naman silang dalawa parehas.

“Uuummm.. Jared, I think I forgot to mention that Erick is also the owner of this hotel.” Ang biglang sabat ni Ace.

“Pagmamay-ari mo rin ito??” ang gulat na gulat na tanong ni Jared.

“Yes.. Sa katunayan, Erick owns several companies inside and outside the country.” Ang sabat ulit ni Ace.

“Siya ang business partner ni Papa, so ibig sabihin ay sa kanya? Sa kanya ako mag-ttrain?” ang naguguluhang tanong ni Jared.

“Exactly.” Ang sabi ni Ace

Hindi naman nakakibo si Jared sa nadinig. Dahil utos ni Tito Angelo na mag-training ang anak niya sa ka-business partner nito, na walang iba kundi ako. Ibig sabihin ay lagi ko ng makakasama si Jared sa mga lakad ko.

“Ace, I guess mag-ququit ang trainee..” Ang sabi ko.

“NO! I won’t Quit.” Ang biglang sabi ni Jared.

Pagkadinig ko nun ay tiningnan ko siya at..

“Ok..” ang sabi ko sabay ngiti.

“And I won’t stop hanggang sa matauhan ka Gab. I won’t stop until you realize how much I Lo--“ hindi niya natapos dahil..

“Ok Ace he’s on the game.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“And one more thing Mr. Cruz, don’t ever call me Gab because I’m not Gab! At isa pa, wag mong idadamay ang personal mong buhay sa trabaho. Nagkakaintinidhan ba tayo Mr. Cruz?” ang sabi ko sabay taas ng kilay.

Imbis na sumagot ay tingin ang ganti niya. Isang matulis na tingin mula ulo hanggang paa.

“DO YOU UNDERSTAND!!!” ang sigaw ko sa kanya.

At dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at sinabing..

“Yes SIR!” ang matigas niyang sabi sabay talikod at umalis.

“Good..” ang sabi ko.

At tumalikod ako. Habang naglalakad ako, nasabi ko sa sarili ko na.. “The Game is On!”

-------

Palubog na ang araw ng mga oras na iyon, hindi ko alam kung bakit ko naisipang magpunta sa rooftop ng hotel. Siguro ay gusto ko lang maalala ang nakaraan, ang lugar kung saan lagi kaming nagpupunta ni Jared.

Pagkabukas ko ng pinto ng roof top ay nakita ko si Jared. Kahit nakatalikod ang mokong ay alam ko na siya ito.

Dahil nga galit pa rin ako sa kanya at gusto kong pahirapan ang kalooban niya, may naisip akong gawin.

“This place is prohibited.” Ang sigaw ko sa kanya.

Nang lingunin niya ang kinatatayuan ko ay kitang-kita ko naman ang pagkagulat sa kanyang mukha.

“Prohibited?” ang sabi niya na may halong pagtataka.

“You heard it right Mr. Cruz, this area of the hotel is Prohibited.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“Sir, apat na taon na po akong bumibisita dito and sabi po ni manong, yung nagbabantay dito na ok lang daw, open naman ang lugar na ito kahit kanino eversince eh.” Ang dahilan niya.

“Bakit? Si manong na yan ba ang may ari ng hotel?” ang mataray kong sagot.

“Pero Sir!” ang giit niya

“I’m the owner of this hotel therefore, I’m the one who will tell you whether this place is prohibited or not.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“Gab.. I mean.. Sir Erick, please. Wag niyo naman pong gawin ito. Napakahalaga ng lugar na ito sa akin. Ito ang lugar na lagi naming pinupuntahan ni..” ang sabi niya sabay tingin sa akin.

“Nino??”

“Namin ni Gab. Ang pinaka-mahalagang tao sa buhay ko.”

“Ganun? Ang drama mo naman Mr. Cruz. So ano ito? Luneta? Manila Bay? Hindi isang cheap na park o kung ano pa mang tambayan ng mga Lovers ang hotel ko. At isa pa, nasaan na ba ang Gab na yan ha!?” ang mataray na sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot imbis ay matulis na tingin ang ginawa niya sa akin. Pansin ko din ang luhang namumuo sa gilid ng mata niya.

“What’s with the Tiger Look Mr. Cruz?” ang sabi ko sa kanya.

Hindi pa rin siya kumibo. Patuloy pa rin ang matulis na tingin niya sa akin.

“Alam mo Mr. Cruz, ang drama-drama mo. Pwede ka na sa Best Actor award. May paluha-luha effect ka pang nalalaman ahh. Mag-artista ka na lang kaya.” pang-iinsulto ko pa sa kanya.

Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay kita ko ang pagpatak ng luha niya.

“Ganyan ka na ba talaga ngayon?” ang sabi niya habang dumadaloy ang luha nito.

“WOW! Palakpakan!! Woooo!! And the Best Actor Award goes to… dugudugudugudugudugdug!!! Mr. Jared Earl Cruz!! WOOOOO!!!” Ang sabi ko sabay palakpak.

Mabilis siyang naglakad papunta sa pintuan, palabas ng roof deck. Nang magkatapat kami ay binangga niya ang balikat ko. Hindi ko na lang pinansin ito dahil alam ko ang nararamdaman niya. Bago siya lumabas ay lumingon siya sa akin. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng luha niya.

“Hindi ako titigil Gab. Habang humihinga ako, habang pumipintig ang puso ko, habang nabubuhay ako, hindi ako titigil at walang pwedeng makapigil sa pagmamahal ko sa iyo. Hindi ako titigil hanggang magising ka, hindi ako titigil hanggang sa bumalik ang dating Gab. Ang GAB NA MAHAL KO!!” Ang lumuluha niyang sabi sabay talikod at umalis.

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Ramdam ko pa rin ang galit, pero at the same time ramdam ko rin ang pagmamahal para sa kanya. At nararamdaman ko na mahal niya din ako. Pero.. Hindi ko alam!! Naguguluhan na talaga ako!

Ilang sandali ay hindi ko na napigilang lumuha, humagulgol.

“Ano Ba!!! Bakit ka ba ganyan!?!?! Bakit mo ba linilinlang ang puso’t isip ko!! Bakit!!!” ang sigaw ko.

“Hindi.. Hindi kita mahal.. Galit ako sa iyo Jared.. GALIT AKO SA IYO!!” ang sigaw ko pa ulit.

Nasa ganoon akong pag-iyak ng nmay nag-text. Si Ace! At ang message niya ay..

“Gab.. Bumaba ka ngayon din, merong naghahanap sa iyo sa telepono.. MAMA MO DAW.”

Hindi ako nakakibo.. Hindi ako nakapagsalita.. Para akong naging istatwa sa nabasa ko.

(itutuloy..)



Saturday, June 11, 2011

Love Me Like I Am (Book 2 Part 1)

Ayan After 2 weeks, POSTED NA!!!! Muli, Gusto ko pong magpasalamat sa LAHAT-LAHAT NG SUMUBAYBAY SA STORY KO.. This is my first story kaya hanggang ngayon ay overwhelm pa rin ako sa mga taong bumabasa at sumusubaybay ng kwento ko. Alam ko po na meron pong flaws ang kwento, at nagpapasalamat ako sa mga taong nag-guguide sa akin at nagsasabi ng 'flaws' na ito.

Gusto ko pong batiin ang mga sumusunod:

- Kuya Mike, sa pagbibigay niya ng permiso sa akin na magpost sa blog niya.
- Dhenxo, salamat sa mga notes na binibigay mo sa akin, it helps a lot! Salamat din sa pagsupport sa akin sa problem ko (alam mo na yun.. haayy..)
- Eban, salamat sa lahat, sa iyo ko unang pinaalam yung problem ko sa family at salamat dahil nandyan ka to cheer me up.
- Kambal (Dylan Kyle), salamat din sa praises at pagbabasa ng story ko kahit alam ko na busy ka. Wahehehe.. hayaan mo na yung nang-aaway sa iyo karma-karma na lang, at kapag ginera ka pa ulit, UUMBAGIN NATIN!! Makikita nila si Erick plus Fred side ko!! Bwahahaha!!!
- Kuya Rovi, na ang tingin sa akin ay MALANDI!! LOL XD! Di ako gaunun, Mabait po ako!! ;)
- Enso, SALAMAT SA POSTER!!!! (Siya po yung may gawa ng poster na nasa baba..) Wui Enso! kamusta sila Aling Minda, Aling Nelly, Inday, Totoy, at Kokoy nung umalis ako??? LOL XD hinde! Jowk lang.. Wahahahaha!!!
- Xander Monteverde, salamat sa magagandang comments mo! Sa totoo lang nakaka-lift ng spirit ang mga comments mo, natutuwa ako.
- Andrew Johnson, salamat din sa magagandang comments, pero di ko po matatanggap yung lagi mong sinasabi na.. basta.. alam niyo na yun, marami pa po kasi akong kakaining bigas bago man lang po pumantay doon sa level na iyon at para po sa akin, wala pong 'NEXT' ni ganito, ni ganire, dahil para po sa akin ay kanya-kanya pong way yan.. ;)


Batiin ko din ang mga readers ko na nagcocomment, maraming salamat po sa inyo!! (Sana ay wala akong makalimutan..)


- Roj
- Edge
- taga_cebu
- lester
- Royvan

- jojo

- Ram
- Snabero
- Mars

- Royvan

- Ryan F.

- Ryan C.

- Oel

- Ignis

- flashbomb

- erick vladd

- xyz

- Zek

- Almondz

- AR

- eortiz

- green vision

- tyr

- Jem

- clash

- Lei

- Ruri 16

- kayne

- Jariel Fan (natawa naman po ako sa user name mo! Parang fans club ni Gab and Jared ah LOL XD!)

- Anonymousessssss.... (dami ehh.. di ko alam kung ilang kayo.. LOL XD!)

- at ang mga SILENT READERS!! Salamat po sa inyo!!


Muntik ko ng makalimutan!! Compare sa book 1, may binago po ako sa style ng pagkakasulat. Gusto ko pong madinig ang mga hinaning niyo tungkol dito, Mas gusto niyo po ba ang format ngayon? Or yung dati na ilalagay ko pa kugn sino ang nagsasalita?? Hhhmm???


Muli Maraming salamat po sa lahat!! Eto na po, BUBUKSAN NA PO ANG IKALAWANG LIBRO..


==========

By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com


"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

“WILL LOVE BRING BACK THE REAL YOU? THE KIND HEARTED YOU? WILL LOVE TRIUMPH HATRED IN YOUR HEART?”

"Lahat ng Sakit ay dinanas ko, Lahat ng pang-aalipusta ay naranasan ko, lahat ng pagpapa-hirap mula sa ibang tao, natikman ko. Kahit sa TAONG MINAHAL KO NG SOBRA, TINRAYDOR AKO.

Ngayon, Oras na PARA PAGBAYARIN ANG DAPAT MAG-BAYAD. ORAS NA PARA MANINGIL. ORAS NA PARA ITUMBA ANG MGA TAONG PUMATAY SA DATING AKO."

----------------------------------------------

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 1: "Returning as Erick Uriel Alvarez"

Tumakbo ako, lahat ng lakas ay binuhos ko para abutan ang sasakyan ng mahal ko. Lahat ginawa ko para madinig niya ang tinig ko.

“Gab!!!” ang sigaw ko habang habol hininga ako sa pagtakbo.

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo sa gitna ng maluwag at malawak na highway, hindi alintana kung mayroong mga iilang sasakyang dumadaan, basta maabutan ko lang ang sasakyan niya.

Nang bumilis ang andar ng kanyang sasakyan ay tinangka kong bilisan ang pagtakbo ko, ngunit bigla akong natapilok na naging sanhi ng pagkaluhod ko.

Wala na akong nagawa kundi humagulgol dahil alam ko na wala ng pag-asang maabutan ko pa siya.

.......................

.......................

.......................

Nasa gitna ako ng pag-iyak ng napansin kong tumigil ang sasakyan niya at nakita kong may bumaba.

“Si Gab!!” ang sigaw ko sa sarili ko.

Nakita kong tumakbo siya palapit sa akin. Pinilit ko naman ang sariling tumayo at salubungin siya. Habang papalapit siya ay napansin ko ang luhang dumadaloy sa kanyang mukha, napansin ko din ang matamis niyang ngiti. Ilang sandali ay yinakap niya ako na ginantihan ko din ng yakap.

Parang wala ng bukas ang pagyayakapan namin, dinig ko din ang paghagulgol niya at ramdam ng balikat ko ang luha na tumutulo galing sa kanyang mga mata.

“Mahal na mahal kita Jared, Sorry sa nagawa ko. Sorry sa pag-iwan ko sa iyo.” ang humahagulgol niyang sabi.

“Ok lang Gab, ok lang mahal ko. Ang importante ay nandito ka na. Mahal na mahal kita.”

Kumalas ako sa pagyayakapan namin at tinitigan ang kanyang mata.

“Napakaganda talaga ng mata ng mahal ko” ang sigaw ko sa isip ko.

“Hinding-hindi na kita iiwan Jared.. Hindi na..” ang sabi niya.

“I love you Gab..”

“I love you Jared..”

At pagkatapos noon ay isang matamis na halik ang ginawa niya. Naghalikan kami na parang wala ng bukas.

.......................

.......................

.......................

“Kuya.. Kuya.. Kuya gising.. Umalis na yung babae mo..”

“Edi umalis siya, wala akong pakielam!”

“Kuya bumangon ka na nga dyan at mag-usap tayo!!” ang sigaw niya.

“Ano ba Angel?? Sinira mo naman yung magandang panaginip ko ehh..” ang sigaw ko sa kanya. Kasabay ang pag-upo ko sa kama habang balot na balot ng kumot ang buong katawan.

“Si Gab nanaman ba yan??” ang tanong ni Angel (Ella).

“Sino pa ba?? Siya lang naman ang laman ng puso ko ehh..” ang sabi ko.

“Kuya, tatlong taon ka ng ganyan. Wala na si Gab ok? Tatlong taon na siyang patay.” Ang sabi niya.

“Angel, hindi patay si Gab, di mo ba maintindihan, nakita ko nga siya.” Ang pagiit ko.

“Kuya guni-guni mo lang ang lahat, kung si Gab nga ang nakita mo edi sana ay bumaba siya para sa iyo di ba? Bakit ba kasi ayaw mo tanggapin na si Gab nga yung linibing natin nila Tito Luis, pina-DNA pa nga natin ito pagkatapos mong makita KUNO si Gab di ba?” ang pangungulit niya.

“Basta alam ko si Gab ang nakita ko. At Ella, maraming paraan para dayain ang DNA nuh.” Ang sagot ko naman.

“Ewan ko sa iyo kuya, at isa pa, tigil-tigilan mo na nga ang pagdadala ng babae dito ha!!” ang sigaw pa niya ulit.

“Bakit bawal ba?”

“Oo dahil condominium unit nating dalawa ito, aba! Ano iyon pagmamay-ari mo lang ito ganun?”

“Angel, nagkasundo tayo na walang pakielaman di ba?”

“Kuya nag-aalala lang ako.. Kung ang pangungulila mo kay Gab ang dahilan kung bakit ka nagdadala ng babae dito gabi-gabi ay please tigilan mo na. palagay mo ba matutuwa si Gab kung makikita ka niyang ganyan?”

“HINDI NGA PATAY SI GAB!!” ang sigaw ko.

Natahimik naman kaming dalawa. Kahit siya ay nakita ko ang pagkagulat sa nagawa ko.

“Sorry..” ang nasabi ko.

“Ok lang. Naiintindihan kita kuya, alam kong hindi mo pa rin tanggap ang lahat, alam ko hanggang ngayon nahihirapan ka, kasi ako kuya nahihirapan pa rin akong tanggapin ehh, tapos eto ka nahihirapan ako sa tuwing nakikita kang ganyan..” ang sabi niya kasabay ang pagpatak ng luha.

“Halika nga dito..” ang aya ko sa kanya.

At yinakap ko siya.

“Pasensya ka na sa kuya ha? Miss na miss na miss na miss ko lang talaga siya eh.”

“Alam ko naman yun kuya ehh.. Naiintindihan kita..”

“Salamat..” ang sabi ko.

“Teka nga kuya!! Magbihis ka nga muna!! Oh eto ang damit ohh..” tumayo siya sabay kuha at hagis ng damit sa akin.

Natawa naman ako dahil muli, napansin kong tanging kumot lang ang bumabalot sa katawan ko. Haayy naman..

“Tigilan mo na yang mga babae mo ha!” ang sabi niya habang papalabas ng kwarto ko.

“OPO MA’AM!!” ang sabi ko naman.

“At bilisan mo nga diyan dahil may photoshoot ka pa.” ang sigaw niya ulit.

At dali-dali naman akong nagbihis.

Ngapala baka hindi niyo na naalala, ako si Jared Earl Cruz 21 years old, may tangkad na 6ft. Gwapo daw sabi nila, artistahin daw ang dating sabi pa rin nila. Hehehe. Pero aminado naman ako dun! Naks! Haha. Babae ang naging bisyo ko simula ng nawala ang mahal ko, nagagawa ko lang naman ang lahat ng ito dahil sa sobrang pangungulila ko sa kanya eh. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung buhay o patay na talaga siya. Pero kahit meron akong bisyo ay kumikita pa rin ako para sa amin ng kapatid ko. Nakatira na kasi kami ngayon ni Ella sa isang condominium unit na binili ni Tatay. Sila Tatay naman ay nasa Amerika ngayon kasama nila Tito Luis para doon magtrabaho. Pumunta sila doon pagkatapos masunog ang kumpanya’t bahay nila. Ngapala since sembreak ngayon ay may sideline ako, ang pinagkakakitaan ko ay modeling. Model ako ng isang sikat na brand. Photoshoot dito, photoshoot doon, ganyan ang trabaho ko. Si Angel (Ella) naman ay merong gigs sa hotel, at meron din siyang occasional gigs. Ano iyon? Kanta, tama singer siya. Eto ang naging buhay namin simula ng iwan kami ng mahal ko; Si Gabriel.

Habang kumakain ng agahan.

“Kuya, I received an invitation..”

“Tungkol saan?”

At iniabot niya ang sulat.

“Actually, ang totoong invited diyan ay si Papa at si Tito Luis (Papa ni Gab). Kaya lang alam naman natin na nasa States sila di ba? Kaya tayo na lang ang magrepresent sa kanila.”

“Ok.. Pero teka, bakit naman sila invited dito?” ang tanong ko.

“Business partner sila Papa at Tito Luis sa kumpanyang iyan. At tsaka tinawagan ako ni Papa kanina na tayo na lang magpunta. Ang party na yan daw kasi ay para i-welcome ang may ari ng kumpanya galing states.” Ang dire-diretsong paliwanag nito.

“Uuhhmm.. ok..” ang nasabi ko na lang.

“Makakapunta ka ba?”

“Oo sige susunod ako. Kita na lang tayo dun ha?” ang sabi ko.

“Call..” ang sabi niya.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang nagkaroon ng ‘breaking news’ sa TV na pinapanood namin.

REPORTER: “Nasunog kaninang madaling araw ang Aragon Corporation sa ********* City. Wala namang nasawi sa naganap na sunog, sa nasabing kumpanya. Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang naging sanhi ng sunog na ito.”

“Kuya di ba kila Steph ang kumpanya na iyon?”

“Oo..”

“Alam mo namang hindi ko siya gusto para sa iyo kuya pero.. Di mo man lang ba siya kakamustahin? Di ba mag-on pa rin kayo hanggang ngayon?”

“Angel, alam mo naman di ba? Nag-break na kami.”

“Oo nga.. Pero parang kayo pa rin ehh..”

“Angel, laro-laro lang ang lahat. Ayaw niyang pumayag sa break-up edi ok sige, makikipaglaro na lang ako.”

“Pero ang alam ni Steph ay seryoso ka sa kanya.” Ang sabi ni Ella.

“Pero sa umpisa pa lang ay alam niyang isa lang mahal at mamahalin ko.” Ang sabi ko.

“Ok bahala ka.. basta mag-ingat ka lang sa kanya kuya, di ko talaga gusto ang babaeng yan.” ang nasabi na lang niya.

.......................

Kakatapos lang ng photoshoot ko ng..

“Hello Steph?” ang sabi ko sabay sagot ko ng cellphone ko.

“Babe, have you heard the news?” ang tanong nito.

“Yeah..” ang malamig kong tugon.

“......Yan lang ba ang sasagot mo sa akin? Di mo man lang ba kakamustahin if ok ako or ok si Mommy?” ang sabi niya na parang naiinis.

“Steph you know I’m busy. May trabaho ako at ayaw ko makipag-away sa iyo.” Ang sabi ko.

“Kung ayaw mong makipag-away you should be sensitive enough! Di ka naman dati ganyan kay..” hindi niya natapos ang sinasabi niya.

“Kay Gab?” ang sunod ko.

“See.. nanggaling sa iyo!!! My God Jared! Si Gab nanaman ba ha?? SI GAB PA RIN BA Ha!!?!?!” ang galit na galit na sigaw niya.

“Alam mo naman sa umpisa pa lang na si Gab lang ang kayang mahalin ko.. Wala ng iba.. Kaya please Steph, wag ka ng umasa pa sa akin.” Ang sabi ko sabay end call.

Peor bigla siyang nag-text.

“Jared, I won’t stop until you Love me.. Gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang ako ng buo..”

Hindi ko na lang pinansin iyon. Sa totoo lang kasi ay napapagod na ako sa pag-explain sa kanya na si Gab lang ang mahal ko, at hindi niya matanggap iyon.

Habang naglalakad ako papuntang sasakyan ay nakatanggap nanaman ako ng isang text message.

“Hi Jared, I’ll be in manila by next month. May importante akong sasabihin at ipapakilala sa iyo. I miss you so much. – Ely ”

Tatlong taon ng nasa States si Ely, ang sabi niya ay doon siya magpapatuloy ng pag-aaral. Huling beses kaming nagkita ay sa bahay ni Gab, nagpaalam siya na ayun nga.

Habang nag-drive ako papunta sa party ay binuksan ko ang Music Player at tumugtog ang isang kanta.


videokeman mp3
Wait for You – Elliott Yamin Song Lyrics

“[Verse 1]
I never felt nothing in the world like this before
Now I'm missing you
& I'm wishing that you would come back through my door
Why did you have to go? You could have let me know
So now I'm all alone,
Girl you could have stayed
but you wouldnt give me a chance
With you not around it's a little bit more then i can stand
And all my tears they keep running down my face
Why did you turn away?

[Bridge]
So why does your pride make you run and hide?
Are you that afraid of me?
But I know it's a lie what you keep inside
This is not how you wanted to be

[Chorus]
So baby I will wait for you
Cause I don''t know what else i can do
Don't tell me I ran out of time
If it takes the rest of my life

Baby I will wait for you
If you think I'm fine it just aint true
I really need you in my life
No matter what i have to do I'll wait for you

[Verse 2]
It's been a long time since you called me
(How could you forget about me)
You got me feeling crazy (crazy)
How can you walk away,
Everything stays the same
I just can't do it baby
What will it take to make you come back
Girl I told you what it is & it just ain't like that
Why can't you look at me, your still in love with me
Don't leave me crying.

[Bridge]
Baby why can't we just start over again
Get it back to the way it was
If you give me a chance I can love you right
But your telling me it wont be enough

[Chorus]
So baby I will wait for you
Cause I don''t know what else i can do
Don't tell me I ran out of time
If it takes the rest of my life

Baby I will wait for you
If you think I'm fine it just aint true
I really need you in my life
No matter what i have to do I'll wait for you

[Bridge]
So why does you pride make you run & hide
Are you that afraid of me?
But I know it's a lie what your keeping inside
Thats not how you wanted to be

Baby I will wait for you
Baby I will wait for you
If it's the last thing i do

[Chorus]
Baby I will wait for you
Cause I don''t know what else i can do
Don't tell me I ran out of time
If it takes the rest of my life

Baby I will wait for you
If you think I'm fine it just aint true
I really need you in my life
No matter what i have to do I'll wait for you

I'll Be Waiting.”


Hindi ko alam kung nananadya ang pagkakataon at iyon pa talaga ang kantang tumugtog. May dalang kirot at sakit sa dibdib ko ang kanta, kasi yun na yun ako eh. Hihintayin ko ang araw na magkikita kami at mayakap ko siya, sa mundong ito man iyon o kahit sa kabilang buhay.

Formal party ang dadaluhan ko, kaya naman naka-formal attire ako, at sigurado ako na ganun din si Ella at ang iba pang mga bisita.

Sa party..

“Hi Kuya! Ang gwapo naman ng kuya ko!” ang bati sa akin ni Ella.

“Adik! Hehe. Kanina ka pa dito?”

“Di naman kararating ko lang. Oh drinks oh.” Sabay abot ng inumin.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng..

“Jared!” ang bati ng babaeng nasa likod ko.

Nang lingunin ko ag baaeng ito ay nakita ko si Steph.

Hinalikan naman niya ako sa pisngi.

“Ehem..” ang sabi ni Ella.

“What? What’s wrong?” ang sagit nito sa kapatid ko with matching taas ng kilay pa.

“Wala naman.. “ ang sabi ni Ella sabay ngiti.

“Ella, there’s nothing wrong sa ginawa ko.. Kami ng kuya mo di ba?”

“Kasi Steph ang balita ko ay inayawan ka na ni Kuya pero eto ka, parang aso na buntot ng buntot at habol ng habol sa kuya ko.” Sabay sarkasitkong ngiti.

“Hoy, hindi ako naghahabol at bumubuntot.” Ang biglang sabat ni Steph.

“Tama na please.. Nasa desenteng lugar tayo ok?” ang sabi ko.

“Babe, pagsabihan mo ang kapatid mo ha!” ang sabi ni Steph.

“Babe!?!?!” ang sabi ni Ella at kasabay noon ang pa-arte niya na parang nasusuka.

“Aba’t anong nakakasuka ha?? Babe ko naman talaga siya ahh.” Ang mataray sabi ni Steph.

“Alam mo Steph naaawa na lang ako sa iyo.. Kasi para kang nanlilimos ng attention at pagmamahal sa taong sinusuka ka na.” ang sagot ni Ella.

“Aba’t!!” akmang susugurin na si Ella ay..

“Steph please.. Wag dito.. Angel, tama na..”

“Pagsabihan mo yan ha!” ang sabi ni Steph.

“Sorry kuya, yan ang pagsabihan mo, and I don’t have to give any reason kung bakit. Alam mo yan kuya.” Sabay ngiti.

Ganyan ang eksena kapag nagkakaharap si Angel at Steph, mag-aaway at mag-aaway yan. Alam ko ang punot dulo ng pagkainis ng kapatid ko kay Steph, yun ay ang lahat-lahat ng ginawa ni Steph kay Gab noon. Ayon kay Steph ay pinagsisihan na niya ito simula ng mamatay si Gab, pero kahit ganun pa man ay hindi pa rin maganda ang tingin ng kapatid ko dito.

Ilang sandali pa ay nagsalita na ang host, mahaba-haba din ang kanyang mga sinabi hanggang sa..

“I present to you.. the President of ******* corporations, Mr. Michael Ace Alvarez.”

Clap! Clap! Clap!

Naglakad ang lalaki papunta sa podium, at ilang sandali ay nagsalita na ito.

“Thank you everyone for coming to this special event. It’s been almost three years since the founder of the multibillion company AL-UR incorporations, my grandfather, Don Raphael Uriel Alvarez passed away. But despite that we were able to succeed with the help of our partners, stockholders, and investors.”

Yan ang speech ng president ng kumpanya. Mahaba-haba pa ang speech ng lalaki ng..

“Presenting, The Heir of Don Raphael, the new Chairman and Owner of AL-UR incorporations, *********, ********* and several companies owned by the Alvarez inside and outside of the country. Ladies and Gentlemen, Mr. Erick Uriel Alvarez.” ******

Dumilim ang buong paligid at kasabay noon ay isang spotlight ang tinutok sa isang pintuan na may hagdan pababa. Pagbukas na pagbukas ng pinto ay linuwa nito ang isang gwapo’t pamilyar na lalaki. Nagtayuan ang lahat ng mga tao kasabay ang kanilang palakpak. Naglakad pababa ang lalaki papunta sa podium, sa may stage. Habang bumababa siya ay iniisip ko saan ko siya nakita dahil nga pamilyar ang mukha niya, ng dumaan siya sa harap namin ay napagtanto ko na kamukha niya ang mahal ko. KAMUKHA NIYA SI GAB!

Tumingin siya sa kinaroroonan namin ni Angel, at Steph at pasimpleng ngumiti ito. Sa ngiting iyon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang sinasabi na “Yan ang taong mahal mo, yan si Gab.”, Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako nakakasiguro. Sa ngiti din niyang iyon ay bigla namang nabitiwan ni Steph ang inumin niya na kinabasag nito. Tiningnan ko si Steph at kitang-kita ko ang pagkagulat at takot sa mukha nito.

“Steph, are you ok??” ang tanong ko dito.

“I-i-impossible.. H-h-hindi.. HINDI!! Hindi p-pwede ito!!” ang nanginginig niyang sabi.

“What’s wrong??” ang tanong ko dito.

“Ha!?!? Ahh ehh.. Wala! Wala yun.. Sige mag-cr lang ako.” At dali-dali siyang umalis.

Nang tiningnan ko naman ang kapatid ko ay kita ko rin ang pagkagulat dito. Hindi niya magawang tanggalin ang mata sa lalak ihabang naglalakad ito.

Nang makarating na sa podium ang lalaki ay nagbigay ito ng isang speech. Syempre dahil formal occasion ito ay formal speech din ang binigay niya. Perfect diction ang bawat salita na kanyang binibigkas.

“Ang galing!” sabi ko sa isip ko.

Pero meron akong isang napansin sa kanyang boses.. Kaboses niya si Gab.. ang kaibahan lang ay medyo malaki lang ito ng konte kumpara sa boses ng mahal ko. Isa pa ay magkamukhang-magkamukha talaga sila nito, ang mata, ilong, labi, at ang face shape. Parehas na parehas. Mature lang ng kaunti ang mukha nitong Erick, pero ewan ko ba.. Malakas ang kutob ko na.. na baka si Gab nga ang nasa harap namin ngayon.

Nang matapos ang kanyang speech ay isa-isa namang lumapit sa kanya ang mga taong nandoon. Sa kalagitnaan ng party, ay lumapit sa amin si Ace ang presidente ng kumpanya.

“Jared Earl Cruz and Angel Rose Martinez right?.” Ang bati ni Ace.

“Hi..” ang bati namin ng kapatid ko.

“I’d like you to meet my cousin, Mr. Erick Uriel Alvarez.” At lumapit sa amin si Erick na nasa likuran lang niya.

Lumapit siya sa amin, habang papalapit siya ay naka-eye to eye contact kaming dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko, kamukhang-kamukha niya talaga si Gab, ang pinagkaiba lang ay mas matured ng konti ang mukha niya at may tangkad si Erick na 5’8 samantalang si Gab ay 5’4 lang. Aaminin ko na mas gwapo’t mas malinis tingnan si Erick kumpara sa mahal ko. Pero parehas sila ng Charm.

“Hi Mr. Jared Cruz.” Ang bati nito sabay abot ng kamay sa akin.

Kinamayan ko naman siya at bigla akong nakaramdam ng matinding kuryente. Bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-flash back din sa isip ko ang mga panahon na magkasama kami ni Gab. Sa pagkakataong ito, ramdam ng puso ko na ang taong mahal ko ang kaharap ko ngayon, pero iba ang sinasabi ng utak ko.

“Hi... G-Gab! I-I mean, Erick.” Ang biglang bawi ko.

“Ehem..” ang biglang sabi ni Ace ng mapansing magkahawak pa rin kami ng kamay.

Bumitiw naman kami.

“Uhhmm.. Sorry but who’s Gab?” ang biglang tanong nito.

“Ahh.. Wala..” ang nasabi ko na lang.

“Hi I’m Angel Rose Cruz” ang biglang sabat ni Angel.

“Hi Ms. Cruz.” Ang bati naman ni Erick kasabay ang isang shake hands.

“Erick, mind you, they are brother’s and sisters.” Ang sabi ni Ace.

“I know. Their father is Angelo Cruz and their mother is Jade Martinez Cruz right?” ang sabi ni Erick sabay ngiti.

Lalo namang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Si Gab nga ito! Malakas ang kutob ko. Hindi ko alam kung kokomprontahin ko siya o makiki-ride sa palabas na ginagawa niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung si Gab nga ito, bakit niya ito ginagawa? Bakit hindi niya kami kausapin ng maayos? Bakit, siya ganyan? Anong nangyari sa kanya sa loob ng tatlong taon? Yan ay iilan lang sa napakaraming katanungan sa isip ko.

Ilang sandali pa ay..

“Oh here comes Ms. Aragon. She is the daughter of Synthia Aragon, the owner of the Aragon corporations.” Ang pakilala ni Ace.

Tumingin naman si Erick kay Steph, seryoso ang kanyang tingin. Si Steph naman ay hindi maipinta ang mukha.

“Ahh.. So you’re the heiress of the Aragon Corporations. Di ba yun yung kumpanya na nasunog kaninang madaling araw?” ang prangkang bati ni Erick.

Kahit ako ay nagulat sa inasta niya, hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon.

“How did you know about that?” ang gulat na sagot naman ni Steph.

“Of course my secretary told me. Ace, my president told me. Syempre dapat na-momonitor ko ang mga kumpanya na nakikisabit sa kumpanya ko di ba? Kasi mamaya niyan lugi na sila at wala ng maishare sa company ko. Di ba mahirap naman yun? Parang ako naman ata ang kawawa doon. Tsk! Tsk! Tsk!” ang dire-diretsong sabi ni Erick.

Grabe! Hindi ko ma-imagine na deretsahang sasabihin ng isang makapangyarihang gaya niya ang mga bagay na iyon sa isang party na ganito.

“So ano ang pinapalabas mo Mr. ALVAREZ?” ang mataray na sagot ni Steph kasabay ang pagdiin sa apelyido nito.

“I’m just saying na dapat ay pinapahalagahan mo kung ano ang meron ka Ms. Aragon at WAG KANG MAGMALAKI, dahil hindi mo alam, bukas o kamakalawa, baon na pala kayo sa utang, and if that happens, I don’t have any other choice kundi bitiwan kayo.” Ang sabi nito sabay ngiti.

Hindi naman nakapagsalita si Steph, parang napasakan ng semento ang lalamunan niya sa mga nadinig.

“At isa pa, Ms. Aragon, Wag kasi maraming INAAWAY. Mahirap yan, BAKA HINDI LANG KUMPANYA NIYO ANG SUNUGIN NG MGA KAAWAY NIYO.” Ang sabi nito na parang nanakot pa.

“So anong pinapalabas mo ha? Na marami akong kaaway ganun? HOY! Hindi ako natatakot kahit bitiwan mo ang kumpanya namin, maraming kumpanya dyan ang tutulong sa akin nuh.” Ang biglang paglakas ng boses ni Steph na para bang walang ibang tao ang nandoon..

“Talaga lang ha.. Well, GOODLUCK and GOODBYE MS. ARAGON. Dahil ngayon pa lang, binibitiwan ko na ang walang kwenta mong kumpanya. Baka gusto mong ibenta na lang yan sa akin para magkapera naman ang bank account mong pinamamahayan na ng daga. Ay! Wag na lang pala, isaksak mo na lang sa mabaho mong lalamunan yang kumpanya mo, tutal, yan na lang naman ang pwede mong ipagmayabang ehh, other than that, wala na.. You’re nothing but a trash.” Ang dire-diretso’t mataray na sagot ni Erick.

“Porket marami kang pera’t properties akala mo ang taas mo, akala mo diyos ka kung umasta HA!! Your S*n of a B*tch!!” ang sigaw ni Steph sabay kuha ng glass of wine na nasa lamesa at tangkang ibuhos kay Erick iyon.

Ngunit nahawakan ni Erick ang glass at tinulak niya ito kay Steph na naging sanhi ng pagtapon ng wine sa mukha ni Steph.

“Aaaahh!! Walang hiya ka!!” ang sigaw nito.

“Oh! I’m so Sorry everyone, she’s out of her mind. Can someone please help her? Does anyone knows her?” ang biglang sabi ni Erick sa mga taong nakatingin sa kanila.

Nagtawanan naman ang mga taong nasa paligid. Napansin ko din na sinenyasan ni Ace ang guard upang palabasin si Steph.

“Wal*ng hiya kang P*ta ka!! Hindi pa tayo tapos!! HINDI PA TAYO TAPOS GABRIEL!!” ang sigaw ulit ni Steph habang kinakaladkad siya palabas ng venue.

Tiningnan ko si Angel at nakita ko na nakatulala lang ito na para bang hindi alam ang magiging reaksyon. Kita ko naman ang pasimpleng pagtawa ni Erick habang kinakaladkad si Steph na para bang pinlano niya ang lahat. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya habang tumatawa ay..

“Isn’t she a disgrace? Skandalosa, Walang breeding. No wonder walang nagmamahal sa kanya.” Ang sabi ni Erick.

“Erick, c’mon.” ang aya ni Ace.

Sa nasaksihan ko, kumpirmado kong si Gab nga ang taong ito. Sa kabila ng hindi magandang asal na kanyang pinakita, sa kabila ng matinding galit kay Steph, sa paraan ng pagtingin niya sa akin, nakita ko sa kanyang mga mata ang taong mahal ko.

“Gab... What happened to you??” ang bigla kong naitanong.

Pagkasabi ko ng katagang iyon ay lumingon siya sa akin.

“Excuse me?” ang sabi nito.

“Bakit ka nagkaganyan?? Gab bakit??” ang naluluha kong sabi.

“I’m sorry Mr. Cruz, you’ve mistaken me for someone else. My name is Erick. Ok?” ang sabi nito sabay ngiti at talikod.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, naramdaman ko na lang ang yakap ng kapatid ko. Kasabay ang pagtulo ng luha ko.

(itutuloy..)