BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 3: "The Vengeance Continues.."
Nasa ganoon akong pag-iyak ng may nag-text. Si Ace! At ang message niya ay..
“Gab.. Bumaba ka ngayon din, merong naghahanap sa iyo sa telepono.. MAMA MO DAW.”
Hindi ako nakakibo.. Hindi ako nakapagsalita.. Para akong naging istatwa sa nabasa ko.
Biglang nag-ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Ace. Hindi ko agad sinagot imbis ay nag-isip ako ng pwedeng gawin. Ilang sandali pa ay sinagot ko ang tawag niya.
“Hello Ace..”
“Hello Gab! Pumunta ka sa Office mo ngayon din!” ang sabi nito.
“Ace, tell her that I’m busy. Na.. na..” hindi ko natapos dahil muli, pumatak ang luha ko.
“Gab, please answer it. Please. Kahit yan lang.” ang sabi ni Ace.
Wala akong nagawa kundi ayusin ang sarili, at bumaba. Nang makababa na ako ay dumiretso ako sa office room ko kita ko na si Ace lang ang nandoon. Paglapit ko kay Ace ay binigay nito ang isang cellphone.
“Hello Ma’am.” Ang sabi ko.
“Hello. Gab anak ikaw na ba ito?” ang sabi ni Mama sa kabilang linya.
Hindi ako nakapagsalita imbis nag-umpisa na akong maluha at tiningnan si Ace.
Tumango lang ito senyales na sabihin ko na.
“Gab anak magsalita ka naman. Anak, si mama ito!” ang sabi ni mama na naiiyak na.
“I-I-I’m so sorry ma’am, I think wrong number po kayo.” Ang nasabi ko na lang kasabay ang patay ng cellphone.
Pagkatapos noon ay humagulgol na ako. Si Ace naman ay tiningnan ako ng masama at..
“Anong ginawa MO!!??” ang sigaw ni Ace sa akin.
“Ace, h-h-hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.”
“Edi sana kinausap mo man lang. Pinaalam mo na ok ka.” Ang naka-sigaw na sabi pa rin ni Ace.
“Ace, you know na hindi ko magagawa yan. Oo gustong-gusto kong ipaalam kay mama na ok ako. Pero paano ko gagawin iyon? Paano ang plano ko? PAANO ACE SIGE NGA!” ang sigaw ko sa kanya.
“Masmahalaga pa ba ang plano mo Gab kesa sa pamilya mo? Masmahalaga pa ba ang paghihiganti mo kesa pamilya mo? Ganyan ka na ba ngayon ha!! Ang Selfish mo!” ang sigaw nito habang madiin niyang hawak ang balikat ko at yinuyugyog ito.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nadinig ko. Tama nga naman siya, napaka-selfish ko. Hindi ko rin mapigilang hindi maalala ang sinabi ni Jared sa akin kanina na “Ganyan ka na ba ngayon?” na sinabi din ni Ace sa akin. Parang lahat ng tao ay ganyan ang tingin sa akin. Masama, mapagmataas, mayabang. Hindi nila maintindihan ang point ko, ang mga pinagdaanan ko, ang sakit na naranasan ko. Ang hirap! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong magpaka-selfish pero sa ngayon, ito ang nararapat. Kailangan ko pagbayarin ang mga taong nakapanakit sa akin, lalo na ang taong sumira sa pamilya ko.
“Umuwi na tayo Ace.” Ang nasabi ko na lang.
“Pero Gab!” ang sabi nito.
“UMUWI NA TAYO!” ang sigaw ko sa kanya.
At wala siyang nagawa kung hindi sumunod ng padabog.
Wala kaming imikan ni Ace sa sasakyan. Hanggang sa pagkain ng hapunan at pagtulog, wala kaming kibuan.
“Hindi ko alam.. hindi ko talaga alam.. naguguluhan na ako..” ang nasabi ko sa sarili ko.
Kinabukasan.
“Sir, dumating na po si Mr. Cruz.” Ang sabi ng secretary ko.
“Sige, papasukin mo.” Sabi ko.
Paglabas ng secretary ko ay linuwa naman ng pinto si Jared.
Sa totoo lang, hindi ko pa rin mapigilang hindi mahumaling sa kanya. Lalo na ngayon na mas gwapo’t mas matindi ang appeal ng mokong.
“Ok Mr. Cruz, today is your first day as my trainee right?” ang sabi ko dito.
“Yes sir.” Ang sabi niya.
“Ok. Eto kunin mo.” Ang sabi ko sa kanya sabay turo sa sandamukal at makakapal na folders na naglalaman ng files.
“A-a-ano po ito?” ang tanong nito.
“I said, kunin mo!” ang mataray na sagot ko sa kanya.
“I-I-I mean ano pong gagawin ko dyan?” ang tanong niya.
“Aralin mo, analyze it, at gawan mo ng reports. I need it two days from now.” Ang sabi ko habang naka-ngiti.
“Pero hindi po ba dapat tinuturo niyo kung papaano ko gagawin ito?” ang sabi niya.
“Hhhmmm.. Ang nadinig ko kasi Mr. Cruz ay magaling ka daw at merong alam sa ganito. So ngayon Mr. Cruz, USE IT!” ang mataray kong sagot.
“Pero di ba po dapat gina-guide niyo ako as a trainee? Di ba dapat tinutulungan at tinuturuan niyo ako?” ang sagot niya sa akin.
“It’s called self learning Mr. Cruz and I’m teaching you that.” Ang sabi ko sabay ngiti.
“Pero..”
“Hindi sa lahat ng oras merong taong nandyan para sa iyo, hindi sa lahat ng oras merong tutulong sa iyo. Minsan darating sa buhay natin na walang ibang makakatulong sa atin kung hindi ang sarili natin.” Ang dire-diretsong sabi ko.
“Sir..” hindi niya natapos ang sasabihin dahil umarangkada nanaman ako.
“Na kailangan nating tumayo at lumaban para sa sarili natin dahil darating ang panahon na iiwan at tatalikuran tayo ng mga taong akala natin ay laging nandyan para sa atin. At iyan ang nangyari sa akin Jared. Tinalikuran nila ako! Iniwan nila ako!” ang sigaw ko sa kanya.
Hindi siya nakakibo, kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Ilang sandali pa ay tinitigan niya ako na para bang binabasa niya ang iniisip ko.
Para naman akong natauhan sa mga sinabi ko. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagsalita na siya.
“Kahit kailan hindi kita iniwan, kahit kailan hindi kita tinalikuran. Ikaw ang tumalikod. Ikaw ang nang-iwan Gab.” Ang nasabi na lang niya.
“Sige na Mr. Cruz. Basta within two days, I need your report. At isa pa, hindi mo pwedeng ilabas yang mga files na yan dito sa office. Confidential lahat yan.” Ang nasabi ko na lang.
At pagkatapos noon ay naglakad siya papuntang pinto. Bago pa man siya lumabas ay..
“Kagaya ng sabi ko sa iyo, hindi ako susuko. I won’t give up Gab. Never.” ang sabi niya sabay labas ng kwarto.
Pagkalabas niya ay napauntong hininga ako.
“Ssshhh!! Wag kang malinlang Gab! Wag! Hindi pwede ok? Patay na si Gab. Ikaw na si Erick. Si Erick na matigas, si Erick na matapang, si Erick na hindi marunong magmahal.” Ang nasabi ko na lang sa sarili ko.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang nag-ring ang telepono at sinagot ko.
“Yes hello?”
“Sir, may naghahanap sa inyo si Ms. Stephanie Aragon daw po.”
Nangiti naman ako bigla. Senyales ito na nag-wowork ang mga plano ko.
“Nasaan siya?” ang tanong ko.
“Kagaya po ng sabi ninyo, kung sakaling dumating po siya ay doon lang po siya sa may Ground floor.”
“Good. Sabihin mo may meeting lang ako. Pero bababa ako ok? Wag niyong hayaang umalis yan ok?” ang sabi ko.
“Yes sir.”
At binaba ko ang telepono. Pagbaba ko ng telepono ay tiningnan ko ang orasan ko at nakita na 8:00am lang pala.
“Hhhhmmmm.. Mahaba-haba pa pala ang araw, sige maghintay ka lang dyan demonyo ka.” Ang sabi ko sa sarili ko na natatawa.
Since binitiwan ko nga ang walang kwenta niyang kumpanya, expect ko kasi na tatakbo si Steph para humingi ng tulong sa iba’t-ibang kumpanya. Ang hindi niya alam, siniraan ko siya at ang basura niyang kumpanya sa mga kilala at malalaking kumpanya sa bansa kaya siguradong walang tutulong sa kanya. Siguradong lulubog siya kasama ang kumpanya niya.
“Luluhod ka ngayon sa akin demonyo ka.” Ang sabi ko sa sarili ko.
Around 1pm ay napag-desisyunan kong bumaba at harapin siya. Paglabas ko ng room ay nakita ko si Jared, busy sa paggawa ng mga reports. Dahil nga galit pa rin ako sa kanya ay naisipan kong inisin pa siya.
“Ang sipag naman ng bata ohh!! Mamaya niyan palitan mo na ako sa sobrang kasipagan mo.” Ang sarcastic kong sabi sa kanya.
Tumingin lang siya at pagkatapos noon ay bumalik siya sa ginagawa niya.
“Jared, let’s have lunch. Wag mo masyadong dibdibin yan.” Ang sabi ko.
“Sir, next time na lang po. Hindi ko po kasi matatapos ito, KULANG PO ANG DALAWANG ARAW PARA DITO.” Ang matigas na sabi niya.
“Oh! Ok.. Hindi kita pipilitin. Sino ka ba para pilitin ko di ba?” ang mataray kong sagot sabay alis at diretso sa elevator.
Sa Ground floor, pagbukas ng elevator ay kita ko si Steph na nasa may Front Desk at ang mukha ay hindi maipinta sa sobrang pagkairita dahil nga pinaghintay ko siya ng limang oras. Bwahahahaha!
“Asan na ba yang punyetang Amo mo ha!!” ang sigaw nito sa tao sa front desk.
“May meeting po pero pababa na po yun.” Ang sabi ng nasa front desk.
“Meeting!?!?! Meron bang Meeting na limang oras?? Paimportante yang amo mo! Daig pa niya ang may ari ng AL-UR incorporations kung umasta! Siguro magkamag-anak yan noh! Mga paimportante! Mga bwiset! Mga walang silbi! Parehas sila ng may-ari ng kumpanya na yun.” ang pagtatalak nito.
Bigla naman natawa ang tao sa front desk kasi alam niya na bukod sa kumpanyang kinaroroonan namin ngayon, ay ako ang may ari ng Multibillion company na AL-UR inc. na tinatag ni lolo.
“Aba! Anong nakakatawa ha!?! Gusto mo sunggaban na kitang hayup ka ha!” ang sigaw ni Steph sa tao sa Front Desk.
“Tsk! Tsk! Tsk! Wala ka pa ring pagbabago.” Ang sabi ko.
Lumingon naman si Steph at kita ko ang pagkagulat nito.
“A-a-anong ginagawa mo dito?” ang gulat na tanong niya.
“Ang tanong ko is. Ikaw! Anong ginagawa mo dito?” ang sabi ko sabay ngiti.
“A-ako! Ako ang isa sa major stock holder ng kumpanyang ito. And I command you to get out of this building now!” ang sigaw ni Steph sa akin.
“Ahahahahahaha!!” ang bigla kong halakhak sa kanya. Nakaktawa, hindi niya alam na ako ang may-ari ng kumpanyang kinatatayuan niya ngayon at hihingan pa niya ng tulong.
“What’s funny? I said get out!!” ang sigaw ulit ni Steph.
“Umm.. Ma’am..” ang biglang sabat ng nasa front desk.
“Shut up! leche ka! Hindi kita kinakausap!” ang sigaw ni Steph dito.
“Ma’am, siya po ang may-ari ng kumpanyang ito.” Ang sabi ng nasa desk.
“H-HA!?!? P-p-pag mamay-ari niya rin ito? Pagmamay-ari mo DIN ITO?” ang gulat niyang tanong.
“That’s right. AKO! AKO DIN ANG MAY-ARI NITONG KUMPANYANG ITO!” ang bulyaw ko sa kanya.
“P-p-paanong!?!?”
“I buy this company 3 MONTHS AGO!”
“A-akala ko!”
“Akala, akala.. Maraming namamatay sa maling akala Ms. Aragon.” Ang sabi ko sa kanya sabay senyas sa guard.
At dumating ang guard para muling kaladkarin siya palabas.
“BITIWAN NIYO AKO!!” ang sigaw nito.
“Sige na! Ilabas niyo na ang skandalosang yan!” ang sabi ko.
“Walang hiya ka talagaaaaa!!! Basura ka talaga Gabrieeeelll!!” ang sigaw nito sa akin.
“IKAW ANG BASURA! Hihingi ka na nga lang ng tulong, daig mo pa ang reyna kung umasta!” ang sabi ko habang sinusundan siya sa pagkaladkad sa kanya.
Sa labas ng building..
“Bitiwan niyo ako!! BITIWAN NIYO AKO!!” ang sigaw nito.
“Sige! Bitiwan niyo daw!” ang sabi ko.
At binitiwan nga ng mga guard si Steph. Pagka-bitiw sa kanya ay nagtangka pa ang bruha na lumapit sa akin upang sampalin ako, ngunit nahawakan ko ang braso niya at pagkatapos ay malakas ko siyang naitulak na ikinabagsak niya.
Sakto naman na umuulan sa labas at ang binagsakan ni Steph ay lupa. Dahil nga umuulan, ang lupa ay basa at dahil doon ay kumapit sa buong katawan at mukha ni Steph ang putik.
“Aaaahhhhh!!!! Walang hiya kaaaa!!!” ang sigaw nito sa akin habang ang buong katawan ay puno putik.
“Oh Steph! Saan mo nakuha yang foundation mo? Bwahaahaha!! Ang dungis mo na oh. Yan na ba ang kinakain mo ngayon? No wonder, wala ka ng makain dahil inaamag na ang bank account mo at ng ina mo! Hahahahaha!” ang halakhak ko pa.
“P*tang*na mo!!! Sinadya mo ito hay*p kaaaaa!!!!” ang pagwawala nito.
“Oh! Hindi ko kasalanan yan! Ikaw ang nagtangkang umatake sa akin. Dinepensahan ko lang ang sarili ko. Ayan tuloy napala mo.” Ang sabi ko sabay ngiti.
Wala siyang ginawa kundi magsisisigaw at magwala.
“Sino ngayon ang basura sa ating dalawa Steph? Di mo ba nakikita? Pinandidirihan ka na ng lahat ng tao! Lahat sinusuka ka! You’re NO ONE! And YOU’LL DIE LIKE THAT!” ang mataray kong sabi sa kanya.
Kita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat. Alam kong alam niya kung kanino ko nakuha ang huling linyang binanggit ko. Yun ay walang iba kundi sa kanya, ibinalik ko lang.
“Ngayon, umalis ka na! Kung may kahihiyan pang natitira sa iyo!”
Hindi siya nagsalita bagkus isang matulis na tingin lang ang ginanti niya sa akin.
“THIS IS NOT THE LAST GABRIEL! HINDI PA TAYO TAPOS!” ang sigaw nito sa akin.
At lumapit ako sa kanya, yun bang kaming dalawa lang ang magkakarinigan.
“Talagang hindi pa tayo tapos Steph, hindi tayo matatapos hangga’t hindi ka gumagapang papunta sa paa ko. Gumagapang, nagmamakaawa, dahil sadsad ka na sa lupa. Kagaya ng itsura mo ngayon! Hahaha!” ang tawa ko pa.
Pagkatapos noon ay nagpunta siya sa sasakyan niya at umalis.
“Kulang pa yan sa lahat-lahat ng ginawa mo sa akin at sa pamilya ko.” Ang nasabi ko.
Tumalikod ako pabalik ng opisina at di ko inaasahan ang nakita ko. Si Jared! Nakatingin siya sa akin, ang mukha ay hindi maipinta.
Hindi ko na lang siya pinansin, naglakad ako dire-diretso paalis.
Kinagabihan, sa bahay..
“Gab..” ang sabi ni Ace.
“Ano?” ang sagot ko.
“Nadinig ko yung nangyari kanina sa opisina.”
“Ohh.. ano nanaman ang sasabihin mo? Siya ang umatake sa akin Ace. Daig pa niya ang reyna kung umasta. Wala akong ginagawang masama.” Ang sabi ko dito.
Hindi na lang kumibo si Ace. Ilang sandali pa ay hinawakan ni Ace ang kamay ko.
“Gab.. Please stop this.. H-hindi ko na gusto ang nakikita ko ehh.. Simula ng umuwi tayo dito, p-parang ibang tao na ang nakikita ko, hindi na ikaw si Gab.” Ang sabi ni Ace.
“Ace, alam mo kung bakit ko nagagawa ang lahat ng ito.”
“Pero hanggang kailan Gab? Hanggang kailan kang ganyan?”
“Kapag nakuha ko na ang gusto ko.”
“Gab..”
“Please Ace I don’t want to talk about. Matulog na tayo.”
Hindi na siya nagsalita imbis ay humiga siya patalikod sa akin.
“Matatapos din ito.. Matatapos din.. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan..” ang nasabi ko sa sarili ko.
Kinabukasan, palabas na ako ng opisina. Ginabi ako ng labas gawa ng sobrang daming kailangan tapusin. Paglabas ko sa kwarto ko ay nakita ko na may bukas na ilaw sa isang cubicle, kasama nito ang isang tugtog na umaandar sa PC na nasa cubicle na iyon. Pinuntahan ko iyon at nakita ko si Jared, mahimbing na natutulog sa kanyang Desk at naiwang bukas ang computer. Sinilip ko ang laman ng computer at kita ko na halos tapos na niya ang pinapagawa ko.
Sa totoo lang namangha ako. Akalain mo, sa dami ng folders and files na binigay ko sa kanya, matatapos niya lahat yun. Tama nga ang sabi ni Tito Angelo kay Ace, magaling nga si Jared.
Pero eto ako.. Since gusto ko nga siya pahirapan, may pumasok na ka-demonyohan sa isip ko. Ang burahin ang lahat ng ginawa niya. Sigurado ako kapag ginawa ko iyon, wala siyang maipapasa sa akin bukas. At Mapapagalitan ko siya ng bonggang-bongga! Bwahahaha!
Akmang buburahin ko na ang mga files ay nakita ko ang cellphone sa desk niya. Pinakielaman ko ito at nakita ko na merong Unsend message siya kay Ella. At ang sabi ay..
“Angel, ginagawa ko ang lahat ng ito dahil mahal ko siya. Basta ok lang ako, ok lang si kuya. Ingat ka dyan ha!”
Pagkabasa ko noon ay tumugtog ang isang nakakalokong kanta sa PC niya.
Sa totoo lang, na-touch ako sa nabasa ko. Pagkatapos ng lahat ng pagsusungit at pagpapahirap ko sa kanya, physically and emotionally, eto siya, minamahal pa rin ako at talagang sineryoso niya ang trabahon na binigay ko.Dahil sa nabasa ko, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang planong pagpapahirap sa kanya. Ngayon, ramdam ko ang pagmamahal niya at ramdam din ng puso ko na.. na.. na mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal.
Dahil sa awa ko sa kalagayan niya ay ginising ko siya.
“Jared.. Wake up..” ang sabi ko.
Nang makita niya ako ay agad siyang umupo ng maayos.
“S-s-sorry po sir..” ang sabi niya.
“It’s ok. Uumm.. umuwi ka na.”
“Mamaya na po. Kailangan kong matapos ito eh.”
“No! Inuutusan kita na umuwi ka na. Kailangan mong magpahinga.” Ang sabi ko.
At napatingin naman siya sa akin.
“S-sir? M-may nakain po ba kayo?”
“Uummpphh!!” sabay batok sa kanya.
“Arrraayy!! Hehehe..”
“Baliw!” ang sabi ko.
“Di rin!” ang sabi niya
“Oo rin!” ang sabi ko.
At pagkatapos noon ay natigilan ako. Parang nagbalik ang lahat sa akin, ang masasayang oras namin, ang kulitan, ang lambingan.
Nagtitigan kami, mata sa mata. Unti-unting nagkalapit ang mukha namin, hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko.
“Wala ito sa plano ko! Wala sa plano kong mahulog muli sa kanya! P-Pero bakit ganito? Hindi ko mapigilan ang magnetismong taglay niya?” ang sabi ko sa sarili ko.
Palapit ng palapit ang mukha namin. Konting-konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi..
(itutuloy..)
Ay Bebe Gab nakaka Bitin .. ipost na ang kasunod !! tahaha :P
ReplyDeleteit's nice that updates keep coming...naiintindihan ko naman na busy ka gabs, pero sana mga once a week man lang or every 5 days ok na...
ReplyDeleteyou have a nice story here and your readers look forward to your posts...
Thanks,
R3b3L^+ion
gabs... referring you to another great author...
ReplyDeletehttp://miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
like you, migs' imagination does not run dry :) i admire you both :)
XD oh my, kinilig ako bigla... hahah...
ReplyDeleteayun, ang ganda ng story.. kudos gab!!
From serious scenes to KILIG TO THE BONES SCENES!!!
ReplyDeleteYES NAMAN!!! Hahahahahahahaha!!!
I Love the change of mood!!!! Galing eh...
Pero seriously KINILIG TALAGA AKO!!!
At ang kanta, HUWAAAWW!!! Bagay!!!
Post na po part 4 daliiiii!!!!
waaaaaaaaaaa im too late na... di kasi ako nakapag basa kagabi!!!
ReplyDeletekinilig ako sa last scene ah pero may part na nainis din ako kay gab dahil talagang ginaawa niyang bato ang sarili niya... anu ba yan
para kay steph;
ang ganda naman ng make up mo one of a kind, talagang ikaw na ang reyna ng putik.. hahahaha
about the song...
nice song.... talagang bagay na bagay.. sana nga matauhan na si gab... kahit kay jared lang... please....
kambal.....grabeh...kilig naman ako dun...hahaah....grabe...lahat ng kanta na memorable sakin e pinatugtog muna ata dito....ay naku,..ahahaha./...thumbs up kambal.... you deserve an award...ganda ganda....kakilig...next chapter please.....ahahahha
ReplyDeleteAyan na. Pag ibig nga naman. Mahirap pigilan at kalimutan. Kilig ako ah. Hehehe. Sana may nxt chapter na. Thanks gab. Ur a writing genius. Keep it up. Super galing eh.
ReplyDeletekamusta na po kaya to.sana may update na.
ReplyDeleteUPDATE!!
ReplyDeleteWHAT WILL HAPPEN IF ELY COMES BACK TO THE STORY??? WHAT WHAT WHAT??!!
kelan po yung part 4? kaka excite po kasi
ReplyDelete