Gusto ko pong batiin ang mga sumusunod:
- Kuya Mike, sa pagbibigay niya ng permiso sa akin na magpost sa blog niya.
- Dhenxo, salamat sa mga notes na binibigay mo sa akin, it helps a lot! Salamat din sa pagsupport sa akin sa problem ko (alam mo na yun.. haayy..)
- Eban, salamat sa lahat, sa iyo ko unang pinaalam yung problem ko sa family at salamat dahil nandyan ka to cheer me up.
- Kambal (Dylan Kyle), salamat din sa praises at pagbabasa ng story ko kahit alam ko na busy ka. Wahehehe.. hayaan mo na yung nang-aaway sa iyo karma-karma na lang, at kapag ginera ka pa ulit, UUMBAGIN NATIN!! Makikita nila si Erick plus Fred side ko!! Bwahahaha!!!
- Kuya Rovi, na ang tingin sa akin ay MALANDI!! LOL XD! Di ako gaunun, Mabait po ako!! ;)
- Enso, SALAMAT SA POSTER!!!! (Siya po yung may gawa ng poster na nasa baba..) Wui Enso! kamusta sila Aling Minda, Aling Nelly, Inday, Totoy, at Kokoy nung umalis ako??? LOL XD hinde! Jowk lang.. Wahahahaha!!!
- Xander Monteverde, salamat sa magagandang comments mo! Sa totoo lang nakaka-lift ng spirit ang mga comments mo, natutuwa ako.
- Andrew Johnson, salamat din sa magagandang comments, pero di ko po matatanggap yung lagi mong sinasabi na.. basta.. alam niyo na yun, marami pa po kasi akong kakaining bigas bago man lang po pumantay doon sa level na iyon at para po sa akin, wala pong 'NEXT' ni ganito, ni ganire, dahil para po sa akin ay kanya-kanya pong way yan.. ;)
Batiin ko din ang mga readers ko na nagcocomment, maraming salamat po sa inyo!! (Sana ay wala akong makalimutan..)
- Roj
- Edge
- taga_cebu
- lester
- Royvan
- jojo
- Ram
- Snabero
- Mars
- Royvan
- Ryan F.
- Ryan C.
- Oel
- Ignis
- flashbomb
- erick vladd
- xyz
- Zek
- Almondz
- AR
- eortiz
- green vision
- tyr
- Jem
- clash
- Lei
- Ruri 16
- kayne
- Jariel Fan (natawa naman po ako sa user name mo! Parang fans club ni Gab and Jared ah LOL XD!)
- Anonymousessssss.... (dami ehh.. di ko alam kung ilang kayo.. LOL XD!)
- at ang mga SILENT READERS!! Salamat po sa inyo!!
Muntik ko ng makalimutan!! Compare sa book 1, may binago po ako sa style ng pagkakasulat. Gusto ko pong madinig ang mga hinaning niyo tungkol dito, Mas gusto niyo po ba ang format ngayon? Or yung dati na ilalagay ko pa kugn sino ang nagsasalita?? Hhhmm???
Muli Maraming salamat po sa lahat!! Eto na po, BUBUKSAN NA PO ANG IKALAWANG LIBRO..
==========
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
“WILL LOVE BRING BACK THE REAL YOU? THE KIND HEARTED YOU? WILL LOVE TRIUMPH HATRED IN YOUR HEART?”
"Lahat ng Sakit ay dinanas ko, Lahat ng pang-aalipusta ay naranasan ko, lahat ng pagpapa-hirap mula sa ibang tao, natikman ko. Kahit sa TAONG MINAHAL KO NG SOBRA, TINRAYDOR AKO.
Ngayon, Oras na PARA PAGBAYARIN ANG DAPAT MAG-BAYAD. ORAS NA PARA MANINGIL. ORAS NA PARA ITUMBA ANG MGA TAONG PUMATAY SA DATING AKO."
----------------------------------------------
"Love Me Like I Am"BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 1: "Returning as Erick Uriel Alvarez"
Tumakbo ako, lahat ng lakas ay binuhos ko para abutan ang sasakyan ng mahal ko. Lahat ginawa ko para madinig niya ang tinig ko.
“Gab!!!” ang sigaw ko habang habol hininga ako sa pagtakbo.
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo sa gitna ng maluwag at malawak na highway, hindi alintana kung mayroong mga iilang sasakyang dumadaan, basta maabutan ko lang ang sasakyan niya.
Nang bumilis ang andar ng kanyang sasakyan ay tinangka kong bilisan ang pagtakbo ko, ngunit bigla akong natapilok na naging sanhi ng pagkaluhod ko.
Wala na akong nagawa kundi humagulgol dahil alam ko na wala ng pag-asang maabutan ko pa siya.
.......................
.......................
.......................
Nasa gitna ako ng pag-iyak ng napansin kong tumigil ang sasakyan niya at nakita kong may bumaba.
“Si Gab!!” ang sigaw ko sa sarili ko.
Nakita kong tumakbo siya palapit sa akin. Pinilit ko naman ang sariling tumayo at salubungin siya. Habang papalapit siya ay napansin ko ang luhang dumadaloy sa kanyang mukha, napansin ko din ang matamis niyang ngiti. Ilang sandali ay yinakap niya ako na ginantihan ko din ng yakap.
Parang wala ng bukas ang pagyayakapan namin, dinig ko din ang paghagulgol niya at ramdam ng balikat ko ang luha na tumutulo galing sa kanyang mga mata.
“Mahal na mahal kita Jared, Sorry sa nagawa ko. Sorry sa pag-iwan ko sa iyo.” ang humahagulgol niyang sabi.
“Ok lang Gab, ok lang mahal ko. Ang importante ay nandito ka na. Mahal na mahal kita.”
Kumalas ako sa pagyayakapan namin at tinitigan ang kanyang mata.
“Napakaganda talaga ng mata ng mahal ko” ang sigaw ko sa isip ko.
“Hinding-hindi na kita iiwan Jared.. Hindi na..” ang sabi niya.
“I love you Gab..”
“I love you Jared..”
At pagkatapos noon ay isang matamis na halik ang ginawa niya. Naghalikan kami na parang wala ng bukas.
.......................
.......................
.......................
“Kuya.. Kuya.. Kuya gising.. Umalis na yung babae mo..”
“Edi umalis siya, wala akong pakielam!”
“Kuya bumangon ka na nga dyan at mag-usap tayo!!” ang sigaw niya.
“Ano ba Angel?? Sinira mo naman yung magandang panaginip ko ehh..” ang sigaw ko sa kanya. Kasabay ang pag-upo ko sa kama habang balot na balot ng kumot ang buong katawan.
“Si Gab nanaman ba yan??” ang tanong ni Angel (Ella).
“Sino pa ba?? Siya lang naman ang laman ng puso ko ehh..” ang sabi ko.
“Kuya, tatlong taon ka ng ganyan. Wala na si Gab ok? Tatlong taon na siyang patay.” Ang sabi niya.
“Angel, hindi patay si Gab, di mo ba maintindihan, nakita ko nga siya.” Ang pagiit ko.
“Kuya guni-guni mo lang ang lahat, kung si Gab nga ang nakita mo edi sana ay bumaba siya para sa iyo di ba? Bakit ba kasi ayaw mo tanggapin na si Gab nga yung linibing natin nila Tito Luis, pina-DNA pa nga natin ito pagkatapos mong makita KUNO si Gab di ba?” ang pangungulit niya.
“Basta alam ko si Gab ang nakita ko. At Ella, maraming paraan para dayain ang DNA nuh.” Ang sagot ko naman.
“Ewan ko sa iyo kuya, at isa pa, tigil-tigilan mo na nga ang pagdadala ng babae dito ha!!” ang sigaw pa niya ulit.
“Bakit bawal ba?”
“Oo dahil condominium unit nating dalawa ito, aba! Ano iyon pagmamay-ari mo lang ito ganun?”
“Angel, nagkasundo tayo na walang pakielaman di ba?”
“Kuya nag-aalala lang ako.. Kung ang pangungulila mo kay Gab ang dahilan kung bakit ka nagdadala ng babae dito gabi-gabi ay please tigilan mo na. palagay mo ba matutuwa si Gab kung makikita ka niyang ganyan?”
“HINDI NGA PATAY SI GAB!!” ang sigaw ko.
Natahimik naman kaming dalawa. Kahit siya ay nakita ko ang pagkagulat sa nagawa ko.
“Sorry..” ang nasabi ko.
“Ok lang. Naiintindihan kita kuya, alam kong hindi mo pa rin tanggap ang lahat, alam ko hanggang ngayon nahihirapan ka, kasi ako kuya nahihirapan pa rin akong tanggapin ehh, tapos eto ka nahihirapan ako sa tuwing nakikita kang ganyan..” ang sabi niya kasabay ang pagpatak ng luha.
“Halika nga dito..” ang aya ko sa kanya.
At yinakap ko siya.
“Pasensya ka na sa kuya ha? Miss na miss na miss na miss ko lang talaga siya eh.”
“Alam ko naman yun kuya ehh.. Naiintindihan kita..”
“Salamat..” ang sabi ko.
“Teka nga kuya!! Magbihis ka nga muna!! Oh eto ang damit ohh..” tumayo siya sabay kuha at hagis ng damit sa akin.
Natawa naman ako dahil muli, napansin kong tanging kumot lang ang bumabalot sa katawan ko. Haayy naman..
“Tigilan mo na yang mga babae mo ha!” ang sabi niya habang papalabas ng kwarto ko.
“OPO MA’AM!!” ang sabi ko naman.
“At bilisan mo nga diyan dahil may photoshoot ka pa.” ang sigaw niya ulit.
At dali-dali naman akong nagbihis.
Ngapala baka hindi niyo na naalala, ako si Jared Earl Cruz 21 years old, may tangkad na 6ft. Gwapo daw sabi nila, artistahin daw ang dating sabi pa rin nila. Hehehe. Pero aminado naman ako dun! Naks! Haha. Babae ang naging bisyo ko simula ng nawala ang mahal ko, nagagawa ko lang naman ang lahat ng ito dahil sa sobrang pangungulila ko sa kanya eh. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung buhay o patay na talaga siya. Pero kahit meron akong bisyo ay kumikita pa rin ako para sa amin ng kapatid ko. Nakatira na kasi kami ngayon ni Ella sa isang condominium unit na binili ni Tatay. Sila Tatay naman ay nasa Amerika ngayon kasama nila Tito Luis para doon magtrabaho. Pumunta sila doon pagkatapos masunog ang kumpanya’t bahay nila. Ngapala since sembreak ngayon ay may sideline ako, ang pinagkakakitaan ko ay modeling. Model ako ng isang sikat na brand. Photoshoot dito, photoshoot doon, ganyan ang trabaho ko. Si Angel (Ella) naman ay merong gigs sa hotel, at meron din siyang occasional gigs. Ano iyon? Kanta, tama singer siya. Eto ang naging buhay namin simula ng iwan kami ng mahal ko; Si Gabriel.
Habang kumakain ng agahan.
“Kuya, I received an invitation..”
“Tungkol saan?”
At iniabot niya ang sulat.
“Actually, ang totoong invited diyan ay si Papa at si Tito Luis (Papa ni Gab). Kaya lang alam naman natin na nasa States sila di ba? Kaya tayo na lang ang magrepresent sa kanila.”
“Ok.. Pero teka, bakit naman sila invited dito?” ang tanong ko.
“Business partner sila Papa at Tito Luis sa kumpanyang iyan. At tsaka tinawagan ako ni Papa kanina na tayo na lang magpunta. Ang party na yan daw kasi ay para i-welcome ang may ari ng kumpanya galing states.” Ang dire-diretsong paliwanag nito.
“Uuhhmm.. ok..” ang nasabi ko na lang.
“Makakapunta ka ba?”
“Oo sige susunod ako. Kita na lang tayo dun ha?” ang sabi ko.
“Call..” ang sabi niya.
Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang nagkaroon ng ‘breaking news’ sa TV na pinapanood namin.
REPORTER: “Nasunog kaninang madaling araw ang Aragon Corporation sa ********* City. Wala namang nasawi sa naganap na sunog, sa nasabing kumpanya. Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang naging sanhi ng sunog na ito.”
“Kuya di ba kila Steph ang kumpanya na iyon?”
“Oo..”
“Alam mo namang hindi ko siya gusto para sa iyo kuya pero.. Di mo man lang ba siya kakamustahin? Di ba mag-on pa rin kayo hanggang ngayon?”
“Angel, alam mo naman di ba? Nag-break na kami.”
“Oo nga.. Pero parang kayo pa rin ehh..”
“Angel, laro-laro lang ang lahat. Ayaw niyang pumayag sa break-up edi ok sige, makikipaglaro na lang ako.”
“Pero ang alam ni Steph ay seryoso ka sa kanya.” Ang sabi ni Ella.
“Pero sa umpisa pa lang ay alam niyang isa lang mahal at mamahalin ko.” Ang sabi ko.
“Ok bahala ka.. basta mag-ingat ka lang sa kanya kuya, di ko talaga gusto ang babaeng yan.” ang nasabi na lang niya.
.......................
Kakatapos lang ng photoshoot ko ng..
“Hello Steph?” ang sabi ko sabay sagot ko ng cellphone ko.
“Babe, have you heard the news?” ang tanong nito.
“Yeah..” ang malamig kong tugon.
“......Yan lang ba ang sasagot mo sa akin? Di mo man lang ba kakamustahin if ok ako or ok si Mommy?” ang sabi niya na parang naiinis.
“Steph you know I’m busy. May trabaho ako at ayaw ko makipag-away sa iyo.” Ang sabi ko.
“Kung ayaw mong makipag-away you should be sensitive enough! Di ka naman dati ganyan kay..” hindi niya natapos ang sinasabi niya.
“Kay Gab?” ang sunod ko.
“See.. nanggaling sa iyo!!! My God Jared! Si Gab nanaman ba ha?? SI GAB PA RIN BA Ha!!?!?!” ang galit na galit na sigaw niya.
“Alam mo naman sa umpisa pa lang na si Gab lang ang kayang mahalin ko.. Wala ng iba.. Kaya please Steph, wag ka ng umasa pa sa akin.” Ang sabi ko sabay end call.
Peor bigla siyang nag-text.
“Jared, I won’t stop until you Love me.. Gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang ako ng buo..”
Hindi ko na lang pinansin iyon. Sa totoo lang kasi ay napapagod na ako sa pag-explain sa kanya na si Gab lang ang mahal ko, at hindi niya matanggap iyon.
Habang naglalakad ako papuntang sasakyan ay nakatanggap nanaman ako ng isang text message.
“Hi Jared, I’ll be in manila by next month. May importante akong sasabihin at ipapakilala sa iyo. I miss you so much. – Ely ”
Tatlong taon ng nasa States si Ely, ang sabi niya ay doon siya magpapatuloy ng pag-aaral. Huling beses kaming nagkita ay sa bahay ni Gab, nagpaalam siya na ayun nga.
Habang nag-drive ako papunta sa party ay binuksan ko ang Music Player at tumugtog ang isang kanta.
Wait for You – Elliott Yamin Song Lyrics
“[Verse 1]
I never felt nothing in the world like this before
Now I'm missing you
& I'm wishing that you would come back through my door
Why did you have to go? You could have let me know
So now I'm all alone,
Girl you could have stayed
but you wouldnt give me a chance
With you not around it's a little bit more then i can stand
And all my tears they keep running down my face
Why did you turn away?
[Bridge]
So why does your pride make you run and hide?
Are you that afraid of me?
But I know it's a lie what you keep inside
This is not how you wanted to be
[Chorus]
So baby I will wait for you
Cause I don''t know what else i can do
Don't tell me I ran out of time
If it takes the rest of my life
Baby I will wait for you
If you think I'm fine it just aint true
I really need you in my life
No matter what i have to do I'll wait for you
[Verse 2]
It's been a long time since you called me
(How could you forget about me)
You got me feeling crazy (crazy)
How can you walk away,
Everything stays the same
I just can't do it baby
What will it take to make you come back
Girl I told you what it is & it just ain't like that
Why can't you look at me, your still in love with me
Don't leave me crying.
[Bridge]
Baby why can't we just start over again
Get it back to the way it was
If you give me a chance I can love you right
But your telling me it wont be enough
[Chorus]
So baby I will wait for you
Cause I don''t know what else i can do
Don't tell me I ran out of time
If it takes the rest of my life
Baby I will wait for you
If you think I'm fine it just aint true
I really need you in my life
No matter what i have to do I'll wait for you
[Bridge]
So why does you pride make you run & hide
Are you that afraid of me?
But I know it's a lie what your keeping inside
Thats not how you wanted to be
Baby I will wait for you
Baby I will wait for you
If it's the last thing i do
[Chorus]
Baby I will wait for you
Cause I don''t know what else i can do
Don't tell me I ran out of time
If it takes the rest of my life
Baby I will wait for you
If you think I'm fine it just aint true
I really need you in my life
No matter what i have to do I'll wait for you
I'll Be Waiting.”
Hindi ko alam kung nananadya ang pagkakataon at iyon pa talaga ang kantang tumugtog. May dalang kirot at sakit sa dibdib ko ang kanta, kasi yun na yun ako eh. Hihintayin ko ang araw na magkikita kami at mayakap ko siya, sa mundong ito man iyon o kahit sa kabilang buhay.
Formal party ang dadaluhan ko, kaya naman naka-formal attire ako, at sigurado ako na ganun din si Ella at ang iba pang mga bisita.
Sa party..
“Hi Kuya! Ang gwapo naman ng kuya ko!” ang bati sa akin ni Ella.
“Adik! Hehe. Kanina ka pa dito?”
“Di naman kararating ko lang. Oh drinks oh.” Sabay abot ng inumin.
Nasa ganoon kaming pag-uusap ng..
“Jared!” ang bati ng babaeng nasa likod ko.
Nang lingunin ko ag baaeng ito ay nakita ko si Steph.
Hinalikan naman niya ako sa pisngi.
“Ehem..” ang sabi ni Ella.
“What? What’s wrong?” ang sagit nito sa kapatid ko with matching taas ng kilay pa.
“Wala naman.. “ ang sabi ni Ella sabay ngiti.
“Ella, there’s nothing wrong sa ginawa ko.. Kami ng kuya mo di ba?”
“Kasi Steph ang balita ko ay inayawan ka na ni Kuya pero eto ka, parang aso na buntot ng buntot at habol ng habol sa kuya ko.” Sabay sarkasitkong ngiti.
“Hoy, hindi ako naghahabol at bumubuntot.” Ang biglang sabat ni Steph.
“Tama na please.. Nasa desenteng lugar tayo ok?” ang sabi ko.
“Babe, pagsabihan mo ang kapatid mo ha!” ang sabi ni Steph.
“Babe!?!?!” ang sabi ni Ella at kasabay noon ang pa-arte niya na parang nasusuka.
“Aba’t anong nakakasuka ha?? Babe ko naman talaga siya ahh.” Ang mataray sabi ni Steph.
“Alam mo Steph naaawa na lang ako sa iyo.. Kasi para kang nanlilimos ng attention at pagmamahal sa taong sinusuka ka na.” ang sagot ni Ella.
“Aba’t!!” akmang susugurin na si Ella ay..
“Steph please.. Wag dito.. Angel, tama na..”
“Pagsabihan mo yan ha!” ang sabi ni Steph.
“Sorry kuya, yan ang pagsabihan mo, and I don’t have to give any reason kung bakit. Alam mo yan kuya.” Sabay ngiti.
Ganyan ang eksena kapag nagkakaharap si Angel at Steph, mag-aaway at mag-aaway yan. Alam ko ang punot dulo ng pagkainis ng kapatid ko kay Steph, yun ay ang lahat-lahat ng ginawa ni Steph kay Gab noon. Ayon kay Steph ay pinagsisihan na niya ito simula ng mamatay si Gab, pero kahit ganun pa man ay hindi pa rin maganda ang tingin ng kapatid ko dito.
Ilang sandali pa ay nagsalita na ang host, mahaba-haba din ang kanyang mga sinabi hanggang sa..
“I present to you.. the President of ******* corporations, Mr. Michael Ace Alvarez.”
Clap! Clap! Clap!
Naglakad ang lalaki papunta sa podium, at ilang sandali ay nagsalita na ito.
“Thank you everyone for coming to this special event. It’s been almost three years since the founder of the multibillion company AL-UR incorporations, my grandfather, Don Raphael Uriel Alvarez passed away. But despite that we were able to succeed with the help of our partners, stockholders, and investors.”
Yan ang speech ng president ng kumpanya. Mahaba-haba pa ang speech ng lalaki ng..
“Presenting, The Heir of Don Raphael, the new Chairman and Owner of AL-UR incorporations, *********, ********* and several companies owned by the Alvarez inside and outside of the country. Ladies and Gentlemen, Mr. Erick Uriel Alvarez.” ******
Dumilim ang buong paligid at kasabay noon ay isang spotlight ang tinutok sa isang pintuan na may hagdan pababa. Pagbukas na pagbukas ng pinto ay linuwa nito ang isang gwapo’t pamilyar na lalaki. Nagtayuan ang lahat ng mga tao kasabay ang kanilang palakpak. Naglakad pababa ang lalaki papunta sa podium, sa may stage. Habang bumababa siya ay iniisip ko saan ko siya nakita dahil nga pamilyar ang mukha niya, ng dumaan siya sa harap namin ay napagtanto ko na kamukha niya ang mahal ko. KAMUKHA NIYA SI GAB!
Tumingin siya sa kinaroroonan namin ni Angel, at Steph at pasimpleng ngumiti ito. Sa ngiting iyon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang sinasabi na “Yan ang taong mahal mo, yan si Gab.”, Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako nakakasiguro. Sa ngiti din niyang iyon ay bigla namang nabitiwan ni Steph ang inumin niya na kinabasag nito. Tiningnan ko si Steph at kitang-kita ko ang pagkagulat at takot sa mukha nito.
“Steph, are you ok??” ang tanong ko dito.
“I-i-impossible.. H-h-hindi.. HINDI!! Hindi p-pwede ito!!” ang nanginginig niyang sabi.
“What’s wrong??” ang tanong ko dito.
“Ha!?!? Ahh ehh.. Wala! Wala yun.. Sige mag-cr lang ako.” At dali-dali siyang umalis.
Nang tiningnan ko naman ang kapatid ko ay kita ko rin ang pagkagulat dito. Hindi niya magawang tanggalin ang mata sa lalak ihabang naglalakad ito.
Nang makarating na sa podium ang lalaki ay nagbigay ito ng isang speech. Syempre dahil formal occasion ito ay formal speech din ang binigay niya. Perfect diction ang bawat salita na kanyang binibigkas.
“Ang galing!” sabi ko sa isip ko.
Pero meron akong isang napansin sa kanyang boses.. Kaboses niya si Gab.. ang kaibahan lang ay medyo malaki lang ito ng konte kumpara sa boses ng mahal ko. Isa pa ay magkamukhang-magkamukha talaga sila nito, ang mata, ilong, labi, at ang face shape. Parehas na parehas. Mature lang ng kaunti ang mukha nitong Erick, pero ewan ko ba.. Malakas ang kutob ko na.. na baka si Gab nga ang nasa harap namin ngayon.
Nang matapos ang kanyang speech ay isa-isa namang lumapit sa kanya ang mga taong nandoon. Sa kalagitnaan ng party, ay lumapit sa amin si Ace ang presidente ng kumpanya.
“Jared Earl Cruz and Angel Rose Martinez right?.” Ang bati ni Ace.
“Hi..” ang bati namin ng kapatid ko.
“I’d like you to meet my cousin, Mr. Erick Uriel Alvarez.” At lumapit sa amin si Erick na nasa likuran lang niya.
Lumapit siya sa amin, habang papalapit siya ay naka-eye to eye contact kaming dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko, kamukhang-kamukha niya talaga si Gab, ang pinagkaiba lang ay mas matured ng konti ang mukha niya at may tangkad si Erick na 5’8 samantalang si Gab ay 5’4 lang. Aaminin ko na mas gwapo’t mas malinis tingnan si Erick kumpara sa mahal ko. Pero parehas sila ng Charm.
“Hi Mr. Jared Cruz.” Ang bati nito sabay abot ng kamay sa akin.
Kinamayan ko naman siya at bigla akong nakaramdam ng matinding kuryente. Bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-flash back din sa isip ko ang mga panahon na magkasama kami ni Gab. Sa pagkakataong ito, ramdam ng puso ko na ang taong mahal ko ang kaharap ko ngayon, pero iba ang sinasabi ng utak ko.
“Hi... G-Gab! I-I mean, Erick.” Ang biglang bawi ko.
“Ehem..” ang biglang sabi ni Ace ng mapansing magkahawak pa rin kami ng kamay.
Bumitiw naman kami.
“Uhhmm.. Sorry but who’s Gab?” ang biglang tanong nito.
“Ahh.. Wala..” ang nasabi ko na lang.
“Hi I’m Angel Rose Cruz” ang biglang sabat ni Angel.
“Hi Ms. Cruz.” Ang bati naman ni Erick kasabay ang isang shake hands.
“Erick, mind you, they are brother’s and sisters.” Ang sabi ni Ace.
“I know. Their father is Angelo Cruz and their mother is Jade Martinez Cruz right?” ang sabi ni Erick sabay ngiti.
Lalo namang lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Si Gab nga ito! Malakas ang kutob ko. Hindi ko alam kung kokomprontahin ko siya o makiki-ride sa palabas na ginagawa niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung si Gab nga ito, bakit niya ito ginagawa? Bakit hindi niya kami kausapin ng maayos? Bakit, siya ganyan? Anong nangyari sa kanya sa loob ng tatlong taon? Yan ay iilan lang sa napakaraming katanungan sa isip ko.
Ilang sandali pa ay..
“Oh here comes Ms. Aragon. She is the daughter of Synthia Aragon, the owner of the Aragon corporations.” Ang pakilala ni Ace.
Tumingin naman si Erick kay Steph, seryoso ang kanyang tingin. Si Steph naman ay hindi maipinta ang mukha.
“Ahh.. So you’re the heiress of the Aragon Corporations. Di ba yun yung kumpanya na nasunog kaninang madaling araw?” ang prangkang bati ni Erick.
Kahit ako ay nagulat sa inasta niya, hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon.
“How did you know about that?” ang gulat na sagot naman ni Steph.
“Of course my secretary told me. Ace, my president told me. Syempre dapat na-momonitor ko ang mga kumpanya na nakikisabit sa kumpanya ko di ba? Kasi mamaya niyan lugi na sila at wala ng maishare sa company ko. Di ba mahirap naman yun? Parang ako naman ata ang kawawa doon. Tsk! Tsk! Tsk!” ang dire-diretsong sabi ni Erick.
Grabe! Hindi ko ma-imagine na deretsahang sasabihin ng isang makapangyarihang gaya niya ang mga bagay na iyon sa isang party na ganito.
“So ano ang pinapalabas mo Mr. ALVAREZ?” ang mataray na sagot ni Steph kasabay ang pagdiin sa apelyido nito.
“I’m just saying na dapat ay pinapahalagahan mo kung ano ang meron ka Ms. Aragon at WAG KANG MAGMALAKI, dahil hindi mo alam, bukas o kamakalawa, baon na pala kayo sa utang, and if that happens, I don’t have any other choice kundi bitiwan kayo.” Ang sabi nito sabay ngiti.
Hindi naman nakapagsalita si Steph, parang napasakan ng semento ang lalamunan niya sa mga nadinig.
“At isa pa, Ms. Aragon, Wag kasi maraming INAAWAY. Mahirap yan, BAKA HINDI LANG KUMPANYA NIYO ANG SUNUGIN NG MGA KAAWAY NIYO.” Ang sabi nito na parang nanakot pa.
“So anong pinapalabas mo ha? Na marami akong kaaway ganun? HOY! Hindi ako natatakot kahit bitiwan mo ang kumpanya namin, maraming kumpanya dyan ang tutulong sa akin nuh.” Ang biglang paglakas ng boses ni Steph na para bang walang ibang tao ang nandoon..
“Talaga lang ha.. Well, GOODLUCK and GOODBYE MS. ARAGON. Dahil ngayon pa lang, binibitiwan ko na ang walang kwenta mong kumpanya. Baka gusto mong ibenta na lang yan sa akin para magkapera naman ang bank account mong pinamamahayan na ng daga. Ay! Wag na lang pala, isaksak mo na lang sa mabaho mong lalamunan yang kumpanya mo, tutal, yan na lang naman ang pwede mong ipagmayabang ehh, other than that, wala na.. You’re nothing but a trash.” Ang dire-diretso’t mataray na sagot ni Erick.
“Porket marami kang pera’t properties akala mo ang taas mo, akala mo diyos ka kung umasta HA!! Your S*n of a B*tch!!” ang sigaw ni Steph sabay kuha ng glass of wine na nasa lamesa at tangkang ibuhos kay Erick iyon.
Ngunit nahawakan ni Erick ang glass at tinulak niya ito kay Steph na naging sanhi ng pagtapon ng wine sa mukha ni Steph.
“Aaaahh!! Walang hiya ka!!” ang sigaw nito.
“Oh! I’m so Sorry everyone, she’s out of her mind. Can someone please help her? Does anyone knows her?” ang biglang sabi ni Erick sa mga taong nakatingin sa kanila.
Nagtawanan naman ang mga taong nasa paligid. Napansin ko din na sinenyasan ni Ace ang guard upang palabasin si Steph.
“Wal*ng hiya kang P*ta ka!! Hindi pa tayo tapos!! HINDI PA TAYO TAPOS GABRIEL!!” ang sigaw ulit ni Steph habang kinakaladkad siya palabas ng venue.
Tiningnan ko si Angel at nakita ko na nakatulala lang ito na para bang hindi alam ang magiging reaksyon. Kita ko naman ang pasimpleng pagtawa ni Erick habang kinakaladkad si Steph na para bang pinlano niya ang lahat. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya habang tumatawa ay..
“Isn’t she a disgrace? Skandalosa, Walang breeding. No wonder walang nagmamahal sa kanya.” Ang sabi ni Erick.
“Erick, c’mon.” ang aya ni Ace.
Sa nasaksihan ko, kumpirmado kong si Gab nga ang taong ito. Sa kabila ng hindi magandang asal na kanyang pinakita, sa kabila ng matinding galit kay Steph, sa paraan ng pagtingin niya sa akin, nakita ko sa kanyang mga mata ang taong mahal ko.
“Gab... What happened to you??” ang bigla kong naitanong.
Pagkasabi ko ng katagang iyon ay lumingon siya sa akin.
“Excuse me?” ang sabi nito.
“Bakit ka nagkaganyan?? Gab bakit??” ang naluluha kong sabi.
“I’m sorry Mr. Cruz, you’ve mistaken me for someone else. My name is Erick. Ok?” ang sabi nito sabay ngiti at talikod.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, naramdaman ko na lang ang yakap ng kapatid ko. Kasabay ang pagtulo ng luha ko.
(itutuloy..)
naman oh bebebgab nakakabitin.....
ReplyDeletepero nice one ang ganda niya as in.. it worth the wait... sige ill still wait for the nest part.... :)
parang ang sarap talagang bugbugin ang utak amoeba na si steph.. hahaha walang breeding? hahaha anu yun? hahahahahaha pero nice ang ganda niya as in swear...
at inggit ako sayo buti ka pa may kanta na ako wala pa.. hmmm mag hahanap na lang ako next time. hehehehehehehe....
keep it coming bebe gab, ill be waiting :)
Excellent Start Author!
ReplyDeleteDi ko ineexpect na si Jared ang mag-nanarrate ng unang part. Expected ko si Gan ang narrator then ipapakita yung pag-uwi niya, yung plans niya, etc. Yet YOU SURPRISE US!!! Galing!!
Gab, I mean Erick is VERY FIERCE! Ibang-iba sa Gab na nakilala namin. I hope he regains his kind self.
Bravo whitepal! Next part please?
(Post ko po dito yung comment ko sa MSOB!)
ReplyDeleteElegante, Nakakagulat, Nakakatakot, Walang inuurungan, yan si Erick para sa akin.
Ibang-iba sa kind, simple, inosent Gab.
No waiting sa next part. Speechless ako. Ang Ganda!!!
congratulations!!! mas maganda ang writing style mo ngayon. keep it up! two thumbs up for you! talagang minarathon ko ung book mo para makahabol ako..
ReplyDeletebook 1 po un ah...hehehe...sorry, excited lang magcomment.
ReplyDeleteGaling mo whitepal. Congratulations and God bless sa Book 2. First chapter pa lang, panalo na. Cant wait for the next chapters to come... Kelan kaya muling babalik at mananaig ang pag ibig at kid hearted soul ni Gab? Pakakaabangan ko po ang bawat pahina ng bagong aklat sa buhay ni Gab...
ReplyDeleteang tagal naman ng next na chapter... I'm waiting in vain.
ReplyDeleteYOU GO GIRL!!! REVENGE!! WOOOO!! HAHAHAHAH!
ReplyDeleteOh MY GOD!!!
ReplyDelete