Wednesday, May 4, 2011

Love Me Like I Am (Book 1 Part 12)

Part 13 na lang po ang batian portion.. Nagmamadali po kasi ako umalis ng bahay at pupunta ako ng school. (Magbabayad ng tuition.. LOL XD) Bwahahaha! Anyway, eto na ang part 12. ;)

Dito na rin po sa part na ito, MADIDINIG ANG OST NG "LOVE ME LIKE I AM.." Sana po ay magustuhan niyo ang napakagandang kanta.. "Like I Am!" ;)
(Maraming Salamat kay Snabero kasi kung hindi dahil sa kanya, HINDI KO MADIDINIG ANG NASABING KANTA at kapag hindi ko nadinig ang kanta, hindi ko maipopost ito gawa ng walang title akong maiisip. (I Got the title from the Chorus part.. ^_^ ))

Anyway, yung Gab and Steph Confrontation sa Part 13 pa pala yun, sorry kung nagkamali ako. Hehehe.. Muli ay maraming Salamat sa lahat! Enjoy!! ;)
--------------------------------------------------------------------------------

By: White_Pal
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 12: "Confession Of Love"


ELLA: “........... Ikaw Gab, ikaw ang taong mahal ko.. Sobra..” At tuluyan na siyang umiyak.

Para akong tinamaan ng kidlat sa nadinig ko. Hindi ko alam na nakakasakit na pala ako ng ibang tao. Pero sa aking natuklasan ay may katumbas na katanungan na naglalaro sa isip ko.

ELLA: “Pero tandaan mo ito Gab, tanggap ko na hindi ako ang mahal mo. Tanggap ko din na meron kang ibang mahal.”

AKO: “Ano bang sinasabi mo Ella?”

ELLA: “Gabriel wag ka ng magmaang-maangan, alam ko mahal mo si Jared. Nakikita ko na mahal mo siya. Sa ngiti mo, sa tawa mo kapag magkasama kayo, sa paglalambingan niyo, sa mga mata mo, at sa mga awit na kinakanta ninyo.”

Tila nabilaukan ako sa mga nadinig ko. Para akong malulusaw sa hiya dahil all this time, nararamdaman pala niya ang katotohanan. Higit sa lahat, alam niya na umiibig ako sa kapwa ko lalaki.

ELLA: “Noong una, parang wala lang. Pero habang tumatagal ang pagiging mag-close ninyong dalawa, I see something’s wrong ehh. Nakumpirma ko ang lahat nung papauwi tayo galing sa lupain niyo. Natatandaan mo ba? Nakaupo tayong tatlo ni Jared sa likuran ng kotse samantalang si Ely naman ay nasa harap? Nadinig ko ang usapan ninyo noon ni Jared. Sinabi nga niya na “Mahal Talaga kita.. MAHAL NA MAHAL” at pagkatapos ng discussion niyo, pabiro mo pa ngang sinabi na “Ok sige, wala ng bawian yan ah”. Sa puntong iyon, kahit alam kong bilang isang kaibigan ang ibig mong ipahiwatig sa kanya, parang madudurog na ang puso ko dahil alam ko na mahal mo siya higit sa isang kaibigan at alam ko ganon din siya sa iyo.” Ang sabi niya habang umiiyak.

AKO: “Ella, Best friend lang ang tingin sa akin nun, parang kapatid lang.” ang sabi ko.

ELLA: “Hindi Gab, nakikita ko rin na special ka sa kanya at meron siyang nararamdaman para sa iyo. Naaalala mo pa rin ba nung kotse tayo at sinabi niyang “Si Gab ang mahal ko”, sa puntong iyon naramdaman ko na mahal na mahal ka rin ni Jared. Ramdam ko ang salitang binigkas niya at alam kong hindi Joke iyon.” Sabi niya habang humahagulgol na.

ELLA (ulit): “Natatandaan mo ba noong nasa kotse pa din tayo… tinugtog yung kantang “When You Say Nothing At All” sa radio. ALam ko sa iyo nya dinededicate iyon. Tapos nung kamakalawa, pagkaakyat ko sa rehearsal room natin, nadinig ko kayo kumakanta ng “What I’ve Been Looking For”. Grabe parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko noon. Parang walang katapusang sakit.” At tuluyan na siyang umiyak ng todo-todo.

AKO: “Ella, I’m sorry.” Sabay yakap sa kanya.

ELLA: “Wala kang kasalanan Gab. Hindi mo kasalanang minahal mo siya. Dahil hindi kasalanang magmahal.”

AKO: “Hindi Ella.. Kasalanan ko dahil hindi ko man lang naisip o naramdaman na meron na pala akong taong nasasaktan.”

ELLA: “Basta Gab, tandaan mo.. na palagi lang akong nandito.. Kagaya nga ng sinasabi sa kinanta ko, “Mamahalin pa rin kita.. Kahit Mahal Mo Ay iba..” tandaan mo yan.”

AKO: “Salamat Ella.. Pero –--“

ELLA: “Wala ng pero-pero Gab.. Basta hayaan mo lang na mahalin kita.”

AKO: “Ok sige.. Pero sana makahanap ka ng iba na makakapagbigay sa iyo ng pagmamahal. Pagmamahal na nararapat para sa isang kagaya mo.” Sabay ngiti.

Ngumiti din naman sya ngunit hindi na sumagot.

Maya-maya dumating na din sila Kuya Jared at Ely. Napansin ni Ely ang mga mapupulang mata namin ni Ella gawa ng pag-iyak namin kanina.

ELY: “Hala! Bakit may MMK dito ha? ANong drama ito? Hoy Bebe Gab, anong ginawa mo sa bhez ko?” sabay pamewang.

ELLA: “Wala siyang kasalanan Ely.”

ELY: “Anong wala? Sabihin niyo nga, MERON BA AKONG HINDI NALALAMAN?” ang nakakatakot niyang tanong.

AKO: “Wala nga Ely, may… may napag-usapan lang kami ni Ella.”

ELY: “ANO NGA?”

AKO: “I gave my Promise na hindi ko pa pwedeng sabihin iyon.”

ELY: “Eh ano nga iyon? Baka makatulong ako.”

KUYA JARED: “Ely, let’s respect their decision. Maaring hindi pa handa si Ella na sabihin sa atin kung ano man ang problema niya.”

ELY: “Ok sige.. Pero Angela ha, sabihin mo lang kung sino yang nagpaiyak sa iyo dahil makakatikim sa akin yan.”

May halong kaba din ang naramdaman ko sa nadinig kong salita na iyon mula kay Ely. Napa-isip tuloy ako, paano kung malaman na ni Ely ang alam ni Ella? Alam ko naman na super crush niya si Kuya Jared eh, kaya maaaring maapektuhan ang friendship namin. Hay! Bahala na nga!

Maya-maya sinabi na ng host ang tatlong bandang pasok sa final round. Pumasok ang banda nila Steph at pumasok din ang banda namin.

Siyempre, natuwa kami na nakapasok kami sa Final round. Nabawasan din ang pangamba ko at lungkot namin ni Ella. Ngunit habang nagpeperform ang banda nila Steph,

ELLA: “Gab, Pwede bang.. Ikaw na ang kumanta?”

AKO: “Huh? Ahh Oo.. kakanta naman talaga ako ehh..”

ELLA: “Hindi.. Ikaw na ang lead vocalist at ako na lang ang tutugtog ng keyboards.”

AKO: “WHHAAATT??? Ella, hindi ako prepared. H-h-h-hindi ko kaya!! Hindi!!” ang nanginginig kong sabi.

ELLA: “Please Gab.. Ikaw na ang kumanta.”

ELY: “Teka nga Angela, paano iyon? Kakantahin ni Gab ang song na pinractice mo??”

ELLA: “Pwede rin.. Alam kong kaya ni Gab yan. Please lang guys, pagbigyan niyo na ang request ko. Hindi ko na talaga kayang kumanta.”

ELY: “Angela, ano bang problema? Hindi prepared si bebe Gab para kumanta sa GITNA NG SPOTLIGHT!!.” Ang pagsisigaw nya.

ELLA: “Basta, please lang, w-wala na akong boses.. H-hindi ko na din kayang kumanta. Hindi ko na din kaya, hindi ko na kaya..”

KUYA JARED: “Ok sige.. sa keyboard ka na lang Ella, kaya ni Gab yan..”

AKO: “KUYA!!” ang malakas kong sabi.

KUYA JARED: “Gab, may tiwala ako sa kakayahan mo, sana ganun ka rin. Magtiwala ka sa sarili mo tol. Manalo matalo ok lang.. Basta enough na sa akin na naipakita mo sa lahat ang kakayahan mo.”

AKO: “Ok sige I’ll try..”

KUYA JARED: “Uumm gusto mo ba baguhin yung song?”

AKO: “Eh teka mamaya mamili ako ng kanta tapos hindi niyo pala alam yun.”

Maya-maya kumuha si kuya ng isang song sa music sheet ko.

KUYA JARED: “Guys eto, I think alam nyo naman ito..”

ELY: “Aaaayyyyyy!! Alam ko yan! Lagi yan pinapatugtog ni bebe Gab ehh.. Ewan ko ba kung bakit.” Sabay tingin at ngiti sa akin.

KUYA JARED: “Ok.. Let’s do it..”

“Bakit iyong kantang iyon?? Shocks!! Haayy..” ang sigaw ko sa isip ko. Nagtaka ako kung bakit iyon ang kantang napili ni Kuya. Ayaw ko bigyan ng kuneksyon sa situasyon namin pero. Ay Ewan!!

Maya-maya habang pinapakinggan naming ang song. Lumapit sa akin si Ella at..

ELLA: “Gab.. kaya ko nasabing Hindi ko na kayang kumanta, Dahil.. Wala na akong inspirasyon. H-hindi ko kayang ilabas ang emotion ng kantang iyan dahil HINDI NAMAN AKO MAHAL NG TAONG MAHAL KO.”

AKO: “Ella, ---“

ELLA: “I know you can do it.. Habang kinakanta mo iyan, isipin mo na lang ang taong mahal mo.” Sabay ngiti.

AKO: “Thanks Ella.” Ngiti din ako.

ELLA: “Same here Gab, Napakabuti mong kaibigan. Ikaw ang pinakamabuting tao na nakilala ko. Kaya ngayon binibigyan kita ng pagkakataon na ipakita sa lahat, na hindi ikaw si Gabriel na kilala nila bilang clown, utu-utuan, at inaapi. Kundi si Gabriel na hahangaan at titingalain ng lahat hindi lang sa talent mo, kundi pati sa ugali mo.”

AKO: “Salamat talaga Ella, Salamat.”

ELLA: “ANg hiling ko lang, sana kahit anong mangyari, manatili pa rin ang pagkakaibigan natin at sana, hindi ka magbago. Ikaw pa rin ang Gab na kilala ko at kilala namin.” Sabay ngiti.

Nang tinawag na kami ng host, nagpalakpakan at nagsigawan ang lahat ng nanunuod. Ngunit nagulat sila ng makitang nakaupo sa keyboard si Ella at ako ang nakatayo sa gitna para kumanta. Kita ko rin si Steph sa gilid na nakapamewang at nakataas ang kilay sabay tawa na parang nang-iinsulto. Dahil doon, kinabahan na talaga ako ng sobra. Sobrang na kaba, parang hihimatayin na ako ano mang oras.

Tahimik.. Sobrang nakakabingi. Bigla naman akong tinawag ni Kuya at..

KUYA JARED: “Tol.. Always remember, Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Manalo, matalo, nandito ako susuporta sa iyo. Kaya mo yan.” Sabay killer smile na hindi alintana na merong mga babaeng nagpapapansin sa kanya sa baba. Hehehe.

Sa pagkasabi niyang iyon, nabawasan ang kaba ko pero kitang-kita pa rin ang panginginig ng mic stand ng hawakan ko ito. At.. Nag-umpisa na ang kanta..


videokeman mp3
Like I Am – Rascal Flatts Song Lyrics


“Lying here with you
I watch you while you sleep
The dawn is closing in
With every breath you breathe

I can feel the change
The change you've made in me
But will I ever see
All the things you see in me

[Chorus]
When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise you
I'll try to be that kind of man
Because you love me like I am

When it comes to love
I may not know the rules
But there's one thing I know
My heart belongs to you, just you

When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise you
I'll try to be that kind of man
Because you love me like I am

[Bridge]
You show me you love me
With a fire that burns deep inside

When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise you
I'll try to be that kind of man
Because you love me like I am

When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise you
I'll try to be that kind of man
Because you LOVE ME LIKE I AM

I am
I'll never understand
I don't think I'll ever understand
Why you love me
Why you love me just like I am”

Paminsan-minsan, sumisimple ako ng tingin kay kuya Jared na nasa may kanan ko habang tumutugtog ng guitar. Damang-dama ko ang bawat salita sa kantang iyon. Pero tama nga naman si Ella, nakakarelate ako sa kantang iyan lalo na yung chorus na tugmang-tugma sa amin ni Jared. Simpleng title, simpleng lyrics pero nandoon yung meaning na “mahal kita DAHIL IKAW IYAN. Na ang pagmamahal ay para sa iyo lang.” Whew! Grabe! Hehehe.

Pagkatapos ng Performance na iyon,

CROWD: “CLAP! CLAP! CLAP! Whhooo!!! More!! More!!” ang sigaw nila.

Nakita ko ang iba kong mga kaklase na tumayo at nagsisigaw ng “We Love You Gab!!” Yun yung mga kaklase namin na galit din kay Steph at naaawa sa akin. Kaya kinawayan ko na rin sila. Hehehe. Feeling sikat eh nuh? Nyahaha. Sinamantala ko na lang. Hehehe.

Sa backstage..

ELY: “Grabe!! ANg galing galing mo Bebe Gab!!!” ang tuwang-tuwa niyang sabi.

KUYA JARED: “Astig ka tol! Hanga ako sa iyo!” Sabay akbay sa akin.

ELLA: “Sabi ko naman kaya niya yan ehh.. May Inspirasyon kasi yan ehh.” Sabay kindat.

ELY: “Waaaaahhhhh!!! Hoy Bebe Gab! Hindi ka nagsasabi ahh!! Bakit alam ni Ella? Isipin ko sana na si Ella ang ispirasyon mo kaso parang.. HINDI EHH.. Impossible namang ako.. Hhmm.. Sino ba?” sabay ngiti na nagpapahiwatig na gustong malaman kung sino.

KUYA JARED: “Tol ha, di ka nagsasabi.”

AKO: “Ahh Ehh.. Wala!! Wala yun..”

ELLA: “ANo ba kayo? TAYONG MGA KAIBIGAN NIYA ang inspirasyon niya.”

ELY: “Ahhh.. Linawin mo kasi!!”

AKO: “Kasi malisyosa ka!!”

Ngunit pansin ko pa rin ang pagtataka sa mukha ni Kuya. Alam ko, hindi siya na-convinced sa dahilan ni Ella.

Nang i-aannounce na ang winners.

HOST: “The second runner-up goes to.. The ******* Band!!” ang tawag niya sa pangalan ng isang banda.

HOST: “Ok.. This is the moment we’ve all been waiting for. Is it the Fabulous Band?” ang tukoy niya sa band nila Steph.

HOST: “Or.. The JANLY-G Band?” ang tukoy niya sa amin.

AKO: “Putek! Ang sagwa talaga pakinggan ng name!! Ugghh..” ang nasabi ko habang nasa back-stage kami.

ELY: “Wag ka ng magreklamo pa bebe Gab! Cute nga ehh.. Hehe..”

HOST: “Who?” ang tanong niya sa mga tao.

Siguro mga ninety percent ng mga tao doon kami ang sinisigaw. Hehehe.

HOST: “Ok.. The first runner up is… The Fabulous Band! And the Winning Band is none other than, THE JANLY-G BAND!!”

Sobrang saya namin noong mga oras na iyon. Who would’ve ever expect na kami ang mananalo? Si Ely ay nagsisisigaw at nagtatatalon sa tuwa. Si Ella naman ay napayakap kay Ely. Si Kuya naman ya nagtatatalon at nagtatatakbo. At ako naman ay napayakap kay Kuya. Ayyiiee!! Hahaha!!!

Lumabas kami sa galing back-stage at sinalubong ang hiyawan at palakpakan ng mga tao. Habang sila Steph naman ay tahimik na tinanggap ang kanilang tropeyo. Kami naman ay masayang masayang tanggapin ito. Kinuha ni Kuya ang trophy namin at binigay sa akin sabay taas ng kamay ko.

Grabe! For the first time in my life, naranasan kong palakpakan ng mga tao. At masayang-masaya ako na kasama ko ang mga kaibigan ko sa tagumpay na iyon. Isa sa pinaka-hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko.

Victory Party Sa BAHAY KO!! Hehehe..

KUYA JARED: “Whhooo!! Congrats Guys! Congrats Tol!!” sabay yakap at akbay sa akin.

ELY: “Grabe! Magpaparty tayo ng isang linggo!! Hahaha!! Love it!!”

ELLA: “Ms. Drumer, grabe naman ata yan!!”

ELY: “Hay naku Ms. Vocalist and Ms.Pianist, kelangan nuh.. Dahil for the first time in history, nanalo ako sa ganyang competition nuh.”

ELLA: “Teka nga!! Di ba, first time mo lang sumali sa ganyan?”

ELY: “Oo. Kaya nga first time ko rin manalo ehh.”

ELLA: “Kaya nga!! Sira!! Ewan ko sa iyo, di kita maintindihan.”

ELY: “Hay naku Angela, Nahawa ka na dyan kay Bebe Gab, WAG NYO NGA AKONG KONTRAHIN!! Etchuserang mga froglet kayo! Hahaha.”

AKO: “Pati ako dinamay ahh..”

ELY: “Talaga..”

AKO: “Sagwa ng mukha mo! Kapal ng make-up!”

ELY: “Ayan ka nanaman bebe Gab ha! At tsaka teka nga! ANo yung sabi mo sa pangalan ko kanina? Ha!?!”

AKO: “Sabi ko, parang lalaki!”

ELY: “Tsseee!! DI rin! Ang cute kaya.. ELY! Nyahaha” sabya tawa ng malakas.

AKO: “Oo ang cute nga, Parang tambay na karpintero. Hahaha.”

ELY: “Putcha ka Bebe Gab!!” sabay habol sa akin.

Agad ko naman kinuha ang beer at binuhos iyon sa kanya.

ELY: “Waahh! Lang ya ka!!”

AKO: “Hahaha!! Eto ang towel oh..”

ELY: “Naku talaga Bebe Gab! Pasalamat ka at happy-happy ako ngayon.”

AKO: “Hmm alam ko na kung bakit, kasi bukod sa nanalo tayo, Natalo natin sila Steph ganun?”

ELY: “Taaammmaa!! Kilala mo na talaga ako Bebe Gab at tsaka Heller!! Boses Ipis siya nuh, walang “K” manalo ang gagang bruhita. Di hamak na milya-milya ang layo ng voice quality ninyo ni Ella nuh.” Sabay tunga sa beer.

ELLA: “Ely, tama na..”

ELY: “Totoo naman ehh.. Iyon ang nagpatalo sa kanila, yung voice niya na parang sirang plaka. Hhhmm.. Pero sadyang magaling lang talaga ang Drumer natin kesa sa kanila.” Sabay kindat.

AKO: “Ang adik mo talaga! Pinagmalaki pa ang talent niya.” Ang biro ko.

ELY: “Talaga nuh! I’m the best Drumer in town.”

AKO: “Kaya pala yang mukha mo eh mukha na ring Drum! Hahaha!!” ang pagbibiro ko pa rin sa kanya.

ELY: “Hay*p ka talaga Bebe Gab! Naku!!” akmang hahabulin nanaman ako..

KUYA JARED: “Hoy mga bata tama na yan!! Hehehe..”

AKO: “Kuya Sya po!” ang sabi ko na parang nagsusumbong.

ELY: “Hoy kapal ng mukha mo!! Papa Jared ohh.. Siya ang may kasalanan.” Pagsusmbong din nya.

Ganoon ang takbo ng pagsasalong iyon. Kwentuhan, biruan, tawanan, harutan, at kung anu-ano pa man. Nang natutulog na sina Ely at Ella sa Guest room ng Bahay, kami naman ni Kuya ay nasa balcony ng kwarto ko. Nagtatawanan, nakukulitan, Nagkukwentuhan..

KUYA JARED: “Sabi ko naman sa iyo tol ehh.. Kaya mo yun.. Just Believe.”

AKO: “Hehehe.. Hindi ko naman magagawa yun kung hindi dahil sa inyo. Lalo ka na.”

KUYA JARED: “Ayuun!! Nambola ka nanaman.” Sabay tunga ng beer. hehe

AKO: “Itigil mo na nga yang pag-inom mo nyan.” Sabay kuha sa beer niya at linapag sa mesa.

KUYA JARED: “Bakit? Minsan lang naman ito. Hayaan mo na akong magpaka-saya.” Ang pangangatwiran niyang BALUKTOT!

AKO: “Kahit na.. Hindi naman kailangan ng beer para magpakasaya di ba?”

Natahimik naman siya sa sinabi kong iyon.

KUYA JARED: “Oo Masaya tayo.. Masaya ako..” at biglang naging seryoso ang mukha niya.

AKO: “M-may problema ba?”

KUYA JARED: “Masaya ako dahil nanalo tayo.. Pero.. Sa araw ding ito, nalaman ko na..” at tumigil siya na parang humugot ng lakas.

AKO: “Na ano? Anong nalaman mo?”

KUYA JARED: “Na.. May ibang mahal ang taong mahal na mahal ko..”

Nagulat naman ako nadinig ko dahil wala naman siyang naikwento na MAHAL NYA.

AKO: “uuhh.. kuya, sino ba yang mahal mo? At tsaka, hindi ka nagkukwento ha!!”

At bigla siyang tumingin sa akin ng napaka-tulis. Yun bang gusto na nya akong kainin ng buhay. Ewan ko kung bakit.

KUYA JARED: “Eh bakit ikaw? HA? Kinwento mo ba sa akin kung sino yang INSPIRASYON mo?” ang pag-diin niya sa salitang INSPIRASYON.

Natahimik naman ako sa nadinig ko. At ayokong malaman nya na SIYA ANG INSPIRASYON KO.

KUYA JARED: “Tol, bakit wala kang sinabi sa akin na meron pala. BAKIT KAY ELLA MO PA UNANG KINWENTO?”

AKO: “Ehh teka nga!! Kayo ang inspirasyon ko.. KAYONG MGA KAIBIGAN KO ANG INSPIRASYON KO!!”

KUYA JARED: “Hindi ako naniniwala.. Meron ehh… MERON!!”

AKO: “Teka nga, bakit ba ayaw mo maniwala? Bakit ba galit na galit ka?”

KUYA JARED: “Kasi nga MERON! Gab, kilala kita.. kaya please lang wag kang magsinungaling sa akin. Gusto ko lang MALAMAN ANG TOTOO.” Ang pasigaw niyang sabi sa akin.

AKO: “Yun nga ang totoo. Bakit ba kasi biglang uminit ang ulo mo? Bakit ka ba nagtatanong? Bakit ba gusto mong malaman? Bakit ba GALIT NA GALIT KA? BAKIT BA SOBRA KANG AFFECTED??” ang pagtatanong ko sa kanya na nakasigaw na rin.

KUYA JARED: “Gusto mong malaman ha?”

AKO: “Oo Gusto kong malaman kung ano yang pinag-iinit ng ulo mo!!”

KUYA JARED: “Gusto mo talagang malaman?” ang pasigaw niyang sabi.

AKO: “OO!!”

At mabilis niyang inilapat ang kanyang mapupulang labi sa labi ko.

(itutuloy..)

3 comments:

  1. very nice progression!!! exciting...blow by blow kaabang abang!!! Kilig!!

    am looking forward to the intimate moments between jared and gabs... hoping that it is graphic enough to depict what reality really is... and not some sort of watered-down version of passion... :)

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  2. pekpek!! XD ... gab i so love you! haba ng hair..

    tutuong tutuo :D

    ReplyDelete
  3. hanep ...kht l8 na comments ko...

    ReplyDelete