Friday, August 3, 2012

Bullets for my Valentines- Part 5

Guys sorry natagalan ah.. medyo nalibang lang sa studies... hahaha


sorry hiurap ng curriculum namen.. hahah aiming for high grades... hahaha
'

eto na po yung next chapter...

maraming salamat po.. natutuwa po ako sa mga comments po ninyo.. maraming salamat po.... mwah...




Happy birthday sa mahal ko... <3 i="i" love="love" p="p" you...="you...">

Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
This I Promise You – Nsync Song Lyrics

********************************************************


[AJ’s POV]

Sunod-sunod na katok ang gumising sa akin. Well nakatulog pala ako kakaisip ng nakaraan.


“Anak gising na. mahuhuli ka na sa klase. Tanghali na.”


“Opo.”


 Naginat na muna ako. Then after nun nag exercise ako ng mabilisan. 30 push up at 30 curl ups. Then jumping jacks.


Tagaktak agad ng pawis ang aking katawan. Bumaba ako ng tanging boxer lang ang suot. Pawisan kasi. Nagdala na lang ako ng towel pamunas.


“Bunso, nu ba yan. Akala mo sexy ka hindi ah. Lakas ng loob mag topless iwww.” Sabi ni ate.


“Wow ha. Hindi ka pa nasexyhan sa katawan ko. Nahiya naman ako sa buto-buto mong katawan.”


 “Oi ang kapal mo ha. May laman ako at isa pa mahiya ka nga.”


“Ay ay ay ay… tama nay an. Kain na kayo. Baka mahuli pa kayo sa mga pasok ninyo.


Naligo ako after kong kumain at nagbihis agad. 


Di ko alam kung bakit ko isinuot yung kwintas na bigay sa akin ni James nun. 


Napapangiti ako pag naaalala ko yung sandali na ibinigay niya sa akin yun.


Hindi ko mapigilang mamiss ang lalaking iyon. 

Ang lalaking unang nagpatibok ng puso kong walang kamuwang muwang. 

Oo hanggang ngayon mahal ko pa rin si James. Namimiss ko siya.

Gusto ko siyang Makita at mayakap muli. 

Pero pinipigilan ako ng loob ko. 

Kakayanin ko ba na harapin pa siya? Nanlalaban ang galit at poot ko sa panloloko niya sa akin.

Pero bakit ba minamahal ko pa rin siya? Bakit hanggang ngayon siya pa rin ang pinipili ng puso kong sinaktan na niya noon?

Nakasalubong ko si Chad sa paglalakad ko papuntang sakayan ng jeep. Himala ata at mag cocommute siya.


“Good morning.” Bati ko.


“Good morning din. Sabay na tayo pasok ha.” Sabi niya.


“Mukhang Masaya ka?” tanong ko sa kanaya.


 “Hindi naman. Wala to. Ikaw talaga. Oh ikaw bat parang di ko malaman ang expression mo ngayon?”


“wala naman ito ikaw talaga.”


“Ui may bago siyang kwintas oh.”


“dati pa yan.”


“Arbor naman.”


“Tae hindi pwede mahalaga sa akin ito.”


“Sino ba may bigay niyan sayo?”


“ex ko.”


“Ah kaya naman pala. Alam mo wala akong kabackground background sa ex mo no. sino nga ba ulit yun?”


“Wag mo nang alamin hindi mo rin naman kilala yun eh.”

“Damot nito. Teka gwapo ba yun?”


“Landi mo. Gwapo na naman ang hanap mo. Tsk. Tara na nga mahuhuli pa tayo sa klase eh.”


“Sige na nga.”


Naglalakad kami sa campus ng makasalubong namin si Jaysen. Habulin talaga siya ng mga babae. 

Mantakin mo halos nakasunod sa kanya ang mga ito. mukhang may fansclub nga ito eh. 

Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Bigla nagsalita si Chad.


“Best… aminin mo nga sa akin. Anong meron sa inyo ni Jaysen?”


“Wala naman bakit mo natanong?”


“Yung totoo?”


“Wala nga ikaw talaga.”


“Aysus. Pustahan tayo, sooner or later magiging kayo”


“hay naku wala sa isip ko iyan. At isa pa bakit ko siya aagawin sayo. Mag best friend tao remember.”


“Hoy wag kang mag paka martir jan no. pero the best ka talaga. Gagawin mo lahat para hindi tayo magkasira.”


“Aysus. Drama mo.”


“Naku hindi yun pagdadrama.”


“Tara na nga. Dami pang sat sat eh.”


Malapit na naman yung finals ngayong first sem.

 Mag sesembreak na. sa wakas pero busy busy naman. Ano bang plano ko ngayong bakasyon? Uhm. 

Bumalik kaya ako sa mga lola ko. Grabe namimiss ko na siya eh.

Pati si Khail namimiss ko na. kamusta na kaya yung batang yun?

 Sana nadun pa rin siya sa ampunan. Di man lang ako nagpaalam sa kanya noon.


Gusto ko sana siyang isama pero hindi pwede.

 Haixt. Aral mode na muna ako ara naman mataas ang makuha ko.

Yes. Tapos na ang finals. Bakasyon na. si Chad sa ibang bansa magbabaksayon. 

Alam mo naman iyon sobrang hilig magwaldas ng pera. Isinasama nga iya ako pero tumanggi ako.

I will spent my vacation sa pag gawa ng kung anu-ano.

 Then one day, biglang bumisita si Jaysen sa bahay naming. Unexpected yun talaga.


“Oh napabisita ka?”


“Yayayain sana kita na lumabas eh.”


“Ha? Eh. Anong meron?”


“wala lang. wag kang mag alala libre ko.”


“Pero…”


“Anak sino yan?” tanong bigla ni mama.


Nagulat ako sa kanya. Aba bigla na lang sumusulpot itong si mama. Nakakagulat tuloy.


 “Ma si Jaysen pala. Jaysen si mama.” Pakilala ko.


“Papasukin muna siya. Pasok ka anak.” Sabi ni mama. Pumasok naman siya at pinaupo ko sa salas.


“Teka napasugod ka ata sa bahay namin.”


“Yun nga yayayain kita na mag gala. Pwede ba?”


“HAahha. Grabe nagulat naman ako doon? Bakit anong meron?”


“Basta. Wala lang.trip lang. pati ako naman ang manlilibre eh.”


“Aysus… sige na.. papaalam lang ako kay mama.”


“Uhm. Hindi na ako na bahala. Magbihis ka na jan.”


“Close ba kayo ni mama?” biro ko.


“Ako na bahala. Sige na.”


“Okay sabi mo.” Tumaas na ako para magbihis.


Napapangiti ako ngayong araw. Bakit ganun? 

Ang gwapo niya sa suot niya ngayon.

 Para nga na kahit ano ang isuot niya bagay na bagay sa kanya eh. 

Naramdaman ko na lang ang sarili ko na iniimagine siya.

Ano bang nangyayari sa akin, bakit ganito na lang ang naiisip ko? haixt.

 Di ko namalayan na nagpapagwapo na ako sa harap ng salamin. 

Sabagay ang ginawa ko na lang na dahilan eh baka mag mukha akong alalay. 

Waaah. Jaysen wag kang ganyan sa akin baka mahulog ako sayo.

Pagbaba ko eh narinig kong nagtatawanan sila mama at Jaysen. Wow ha, close agad sila.


“Oh ayan na pala ang prinsipe, may pera ka ba?” tanong ni mama.


“Ahm wala … penge nga ma….”


“Nako kuripot talaga ayaw mag labas ng kayamanan niya.”


“Eh naman ma eh..”


“Tita wag na po. ako na bahala. Libre ko naman pos a kanya ito. nga pop ala baka gabihin po kami ha.”


“Ha? Grabe ha gabi talaga?”


“Sige sige pinapayagan  ko kayo. Ingatan mo anak ko ha. Pagpasensiyahan mo na yan pag nagsusungit yan ha parang may h. Masanay ka na.”


“Opo tita. Kakayanin ko to.”


Teka bakit parang may hindi ako alam na nangyayari? Ano to sabutahe? Si mama pa nangunsinte.


“Naku andami pang alam tara na Mr. Cool guy.”


“Sige po Tita.” Nagkiss na muna si Jaysen kay mama. Teka close na agad sila?


Habang nasa byahe hindi ko maiwasan na mapatingin kay Jaysen.


“Bakit may dumi ba sa mukha ko?”


“Wala naman. Eh bakit kasi ganyan ka makangiti?”


“Wala naman. Masama ba?”


“Eh kung walang dahilan malamang dapat matakot na ako kasi nangingiti ka mag isa.”


“Aysus. Masaya lang ako kasi kasama kita ngayon. Na pinagbigyan mo ako.” 

Tapos ngumiti siya. My God ang cute talaga niya. Ang gwapo pa. tulungan po ninyo akong iresist tong sarili ko.


“Ang babaw ng dahilan.” Biro ko.


“Aysus. Kilig ka naman.”


“Bakit ako kikiligin?”


“Aysus. In denial pa. Uhm ano pala gusto panoorin ngayon?”


“Uhm kahit ano. Basta wag lang yung nakakaboring. Iiwanan kita sa loob ng sinehan pag nagkataon.”


“Ah okay boss”


After naming manood ng sine kumain kami sa isang fast food. 

Ako na nagsabi na ayaw ko sa mamahalin kasi hindi naman ako ganun ka susyal kahit na libre niya at mayaman siya.


Nag KFC na lang kami. Puno na kasi sa Jollibee at McDo masyado kaya dito kami. Siya na ang nag order. 

Pagbalik niya ang dami niyang dala dala. Animo’y marami kami doon.


“Hoy lalaki, bakit ganito to? Ang dami ah.”


“Yaan mo na. pati gutom ako.”


Hindi naman halata. Grabe ha ang dami. 

Nagsimula na kaming kumain. Natatawa ako habang kumakain siya. Tahimik lang siya. Tapos tingin pa ng tingin sa akin. 

Nakita ko na sa kakain niya eh may amos siya sa mukha.


“Alam mo para kang bata. Ang amos mong kumain.”


Pinahid ko yung amos niya sa mukha. Bigla na lang niyang hinawakan yung kamay ko. 

Nabigla ako sa ginawa niya. Napatigil ako at napatitig ako sa mukha niya. Ang amo ng mukha niya. 

Bakit ganun na lang ang kabog ng dibdib ko ng mahawakan niya ang aking kamay?

Tinanggal niya ang kamay ko at hinawakan niya ng mahigpit. 

Pinisil niya ito at hindi pa rin siya nagsasalita. 

Pagkalingon ko sa paligid ko ay nakita kong marami na ang nakatingin sa amin.

Nahiya ako bigla kaya tinanggal ko yung kamay ko. 

Agad akong bumalik sa pagkain at ganun din siya. 

Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyayari. 

May posibilidad kaya na mahulog ako sa kanya?

 Maari ba na mag mahal muli ako sa pagkatao niya? Pero natatakot ulit akong masaktan.

Natatakot ako na baka maulit lang ang dati. Tumingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin.


“Wag ka nga tumitig ng ganyan sa akin.” Ang sabi ko.


“Masama ba?”


“Oo.” Sabi ko.


“BAkit naman?”


“May bayad.”


 “Handa ako magbayad matitigan ka lang.”


My God kinikilig ako.


“Wag ka nga… tara na ubusin na natin tong kinakain natin.”


“Sige. May pupuntahan pa tayo eh.” At tinapos na nga namin ang pagakin.


Kung saan-saan niya ako pinag dadala. 

Tawanan at libangan lang ang pinag gagawa namin. 

Nasa isang bayside kami ng nagsimula ako ng isang paguusap.


“Bakit nga pala wala ka pang karelasyon mo? Wala pa nga akong nababalitaan na nagiging karelasyon mo ah.” Tanong ko sa kanya.


Natahimik lang siya bago nagawang makapagsalita.


“Ah yun ba. Wala pa akong nakakarelasyon na tulad natin. At tsaka may hinihintay akong tao. May gusto akong tao at tingin ko mahal ko na siya. Hihintayin ko yung tao na yun na mahalin ako at tsaka ako aamin. Sana nga lang mahalin din niya ako.” Sabi niya.


“Kilala ko ba to?”


“Uhm… ah eh… kilala mo to. Kilalang kilala. Alam kong kilala mo.” Sabi niya.


Di ko maintindihan kung bakit ganito reaction ko. Siguro mahal niya si Chad. 

Pero bakit nasaktan ako? Bakit parang nag expect ako na baka ako yon? Nagseselos ba ako?


“Eh ikaw ba?” tanong niya.


“May nakarelasyon na ako dati pero hindi na nag work out. Ayoko pati. Atsaka isa pa di ko alam kung gusto kona ba o mahal ko nab a yung isang tao na kakilala ko. Pero natatakot lang ako na magmahal ulit.” Nakita ko na para siyang nagulat at nalungkot.


“So may nagpapatibok na pala ng puso mo.”


“Ah eh hindi naman sa ganun.” Bigla niya akong inakbayan.


“Ang swerte naman ng taong yun.” Sabi niya.


“Swerte ko din siguro pagmahal niya talaga ako. Pero mukhang may mahal siyang iba eh.”


“Paano mo naman nasabi?”


“Ah eh wala lang. pakiramdam ko lang.” humarap siya sa akin at tumingin.


“Alam mo swerte talaga ng mamahalin mo. Hindi ka naman mahirap mahalin eh.”


“Paano mo nasabi?”


“Basta alam ko yun. Kaya be confident.”


Ngumiti lang ako bigla sa kanya. Hinawakan niya ang labi ko at tumitig sa akin.


“bakit?” tanong ko.


“Sarap titigan ng labi mo eh. May nakadampi na ba dito?”


“ah eh… adik mo.”


Tinanggal ko yung kamay niya sa labi ko.


“Meron na. Bakit gusto mong dampian?”


“Oo.” Sabi niya bigla.


Lalong kumabog ang puso ko. Bakit ganito? Wag sana. Wag sana.


“Manyak ka ha. Pati ako minamanyak mo ako.”


“Haha. Asa ka naman. Joke lang yun.”


“aysus. Umamin ka nga. Mamaya pinagnanasaan mo ako eh.” Biro ko.


“Wag mo nga baligtari ang usapan. Baka namain ikaw yun. As if naman na may pagnanasaan ako sayo.” Sabi niya.


“O yang kapal mo naman. Ang dami kayang naghahabol sa akin.”


“Kung madami sayo, eh paano pa ako? Mas madami?” pagmamayabang niya.


“Ang lakas ng hangin. Naku. If I know nilalandi mo lang sila.”


“Hahaha. Sorry hindi kasama sa bokabularyo ko ang salitang landi.”


“Weh di nga?”


“Oo naman. Baka naman alam mo yung word nay un? Pwede mo ba akong turuan?” biro niya.


“Kapal mo naman. Hindi ako marunong mag landi. Matino akong tao.”


“Aysus. Ako nga never been kissed pa at never been touched.”


Hindi ako makapagsalita. Tae ang yabang talaga. Hindi ko naman masabi na ganun din ako dahil I’ve been kissed and I’ve been touched.


“Oh di ka na nakapagsalita jan?” sabi niya.


“Wala.”


“Siguro kasi nahalikan ka na at na-touch na ng iba.”


“Eh ano kung ganun na nga?”


“Wala lang.”


“Alam mo para kang bola.” Sabi ko.


“Bakit naman?” akala siguro niya pick up lines.


“Kasi ang sarap mong ibato.”


“Takte yan ang sweet mo ha.”


“Naman.”


“Alam mo para kang unan.”


“Bakit?”


“Bago kasi ako matulog, ikaw ang nasa ulo ko eh.”


“Ang corny mo. Alam mo para kang saging.”


“Bakit?”


“Sarap mong balatan.”


“Hahaha. Para kang utak.”


“Bakit?”


“Hindi kasi ako makapag isip kung wala ka eh.”


“Ang corny mo.”


“I know. Pero kahit corny kinikilig ka naman.”


“Kapal mo ha.”


“Gusto mo na bang umuwi?”


“Bakit?”


“Kasi bubuksan ko na ang puso ko para makapasok ka na sa bahay mo eh.”


Grabe hanggang ngayon pick up lines pa rin. 

Napapangiti naman ako sa ginagawa niya. 

Actually kinikilig pa nga. Sa tingin ko madedevelop ako sa kanya.

Pero bawal eh. Hindi pwede. Paano na si Chad? 

Alam ko naman na ultimate crush niya ito. hindi ko kailngan na sirain friendship ng dahil dito.

Gabi na at halos kakaunti na ang tao. 

Nakaakbay pa rin siya sa akin na para bang mag karelasyon kami. 

Ang sweet sweet niya sa akin. Ewan ko ba pero sana lang may gusto siya sa akin.

Feeling ko nag fufunction na ulit si kawawa kong heart na sinaktan ng iba tao dati. 

Hoping nga lang na sana hindi na ulit mag malfunction o masira. Heart will be repaired soon.

 Hope na mangyari nay un.

Naalala ko tuloy si James sa pagkatao niya. 

Ganito rin kami noon. Masaya at sobrang sweet. 

Kahit maraming tao eh ipinapakita niya na kami nga. 

Walang alnlangan na pinapakita niya na mahal niya ako at handa siyang ipagsigawan sa mundo.

 Oo bata pa kami pero mature na siyang mag isip. 

Lalo ko siyang minamahal dati lalo na pag pinapakita niya sa akin ang pagmamahal niya.

Nakauwi na kami sa bahay at hinatid niya ako hanggang sa gate naming.


“Salamat ng marami ha. Nag enjoy ako ng sobra. Sa uulitin ha.” Sabi ko.


“Yaan mo mauulit din to. Gusto mo nga lagi-lagi eh.”


“Hahah. Mamya magsawa ka na. atska nakkahiya.”


“Ikaw nahiya sa akin.”


“Aysus. Siya uwi na. good night. Text ka pagnakauwi ka na para alam kong safe ka pag uwi”


“Naks caring ha.”


“Adik ganyan ako sa lahat.”


Papasok na sana ako ng bigla niya akong hinila at nagulat ako sa ginawa niya.

 Niyakap niya ako tapos pagkatapos noon ay hinalikan niya ako sa labi. Labis akong nagulat sa ginawa niya.

Ipinikit ko ang aking mata sa ginawa niya. 

Bakit ganito? Bakit ka nag paubaya na halikan ka niya? 

Baka mahulog ka na sa kahibangan mo? 

Itigil mo iyan.

Bigla na lang siyang kumawala at walang sabi sabing umalis ng bahay namin. 


I’m not sure any more sa nararamdaman ko. 

Mahal ko na ba siya?

**********************************************************

(Itutuloy)


No comments:

Post a Comment