Wednesday, May 16, 2012

Love Me Like I Am (Book 2 Part 15)

Gusto ko pong humingin ng sorry sa delay ng posting. Alam naman po ninyo siguro ang dahilan behind  this dahil paulit-ulit ko na pong pinaliwanag iyon. Gusto ko rin pong magpaslamaat sa lahat ng taong patuloy na sumusubaybay sa una kong story at sa GM's Diary (na soon may karugtong na rin). Salamat din sa mga taong patuloy na nagtitiwala at umiintindi sa kalagayan ko kung bakit nadelay. Anyway, hinati ko po sa dalawang chapter ang Part 15 dahil sa sobrang haba. Therfore, yung kalahati ng Part 15 will become Part 16. Then yung Part 16 ay magiging Part 17, thus yung EPILOGUE will be Part 18 na.  Napansin ko lang, Part 18 sa Book 1, same sa Book 2. :)

Anyway, Eto na po ang Part 15. Muli, maraming salamat sa lahat.


Click here: LOVE ME LIKE I AM CHAPTER GUIDE

----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 15: "Goodbye?"

 




Mabilis naming narating ang ospital. Agad akong bumaba at tumakbo papasok sa ospital hindi ko na hinintay pang makapag-park si Jared. Nababalot pa rin ng takot at kaba ang aking dibdib, hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang tanging naiisip ko lang ngayon ay mailigtas si Ella at ang anak namin. Hindi ko alam kung papaano pero dapat ko silang mailigtas sa lalong madaling panahon.

Habol hininga kong tinahak ang reception desk.

“Nurse, nasa emergency room pa po ba si Angelo Cruz?”

Hindi pa man nakakasagot ang nurse ay may narinig akong tumawag sa aking pangalan. Liningon ko ito at agad kong nakita si Ace. Lumapit siya at yinakap ako.

“Ace, si Tito Angelo?” sabay kalas sa aming pagyayakapan.

“Nasa ICU siya ngayon Gab, ang sabi ng doctor ay 50-50 ang lagay niya.”

Napapikit ako’t napahawak sa aking ulo. Pakiramdam ko’y umikot ang buong paligid ko sa narinig, ramdam ko rin na parang pinipiga ang aking puso. Napaluhod ako at nag-umpisang umiyak. Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Ace, napahagulgol ako. Maya-maya’y naramdaman ko ang himas niya sa likuran ko. Napayakap na rin ako sa kanya.

“Gab…”tawag sa akin ng isang boses na nanggaling sa aking likuran.

Lumingon ako at nakita ko si Jared.

“Ace si Papa?” bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at takot.

“Nasa ICU Jared, 50-50 raw sabi ng doctor.” Sabi ni Ace at napayuko.

Hindi siya agad nakaimik, alam ko ang hirap na dinadanas ngayon ni Jared, masakit… sobrang sakit. Lumapit ako at yinakap siya. Ilang sandali pa’y naramdaman ng aking balikat ang mainit niyang luha. Hinimas ko ang kanyang likuran senyales na nandito ako para sa kanya, ilang sandali pa’y hindi na niya nakayanan ang hirap at sakit, siya’y humagulgol sa aking bisig.

“Jared… Jared tama na.” sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Kumalas siya sa aking braso’t tumakbo palayo. Akmang hahabulin ko siya’y hinawakan naman ni Ace ang aking kamay.

“Hayaan mo na muna siya Gab.”

“Si Gabriel Earl? Hindi ba nasaktan ang bata?” tukoy ko sa anak nila ni Ely.

“Kalaro ni Inday sa playground sa labas ng condominium nila Jared noong nangyari ang insidente.”

Tumango ako’t nakahinga ng malalim kahit papaano nang malamang ligtas ang aking pamangkin. Muli tiningnan ko ang paglayo ni Jared. Wala na akong nagawa kundi titigan siya palayo. I sighed, at muli’y tumulo ang mainit kong luha mula sa aking mga mata.




Malapit nang kainin ng dilim ang araw ngunit wala pa rin si Jared. I was so worried, hindi ako mapakali. Naka-upo ako sa labas ng ICU, tulala, wala sa sarili, iniisip ko pa rin kung ano na ang nangyayari kay Ella, nasaan na sila? Pinapahirapan ba sila ni Steph? Hindi ko alam, para akong mababaliw tuwing iniisip ko ang maaaring ginagawa sa kanila ng hayup na si Steph.

“Kuya kain ka muna.” Pagbasag ni Enso nang aking pag-iisip. Inabot niya ang isang platong may laman na pasta at garlic bread.

Binigyan ko siya ng isang ngiti at umiling.

“Kuya naman eh. Hindi ka na nga kumain ng tanghalian eh.”

“Enso I’m not hungry. Okay lang ako. Si Gabriel Earl kamusta? Alam na ba niya?”

“Oo at iyak nang iyak kanina nang malaman niya ang nangyari sa Lolo niya. Ngayon natutulog na siya kasama ni Inday.” Nagpakawala ng isang buntong hininga si Enso. Napabuntong hininga rin ako’t napapikit. Naisip ko ang aking pamangkin, masyado pa siyang bata para madepress sa mga ganitong bagay. Una sa pagkawala ni Ely, ngayon naman sa Lolo niya.

“Si Papa at Mama ano sabi?”

“Nasa pulis sila, iniimbestigahan ang nangyari. Your Papa was devastated kuya.” Malungkot nitong sabi.

Napapikit ako, hindi ko alam kung gaano kasakit para kay Papa ang nangyari kay Tito Angelo, I know he still love him.

“Si Tita Jade?”

“Ayun, nagpapahinga, nahimatay noong nalaman ang nangyari. Hinahanap din niya si Ate Ella, but she’s nowhere to be found.”

Napabuntong hininga ako. Naisip ko ang sobra-sobrang pagpapahirap ni Steph sa amin. Nang dahil sa isang tao nagkakagulo ang lahat, dahil sa galit niya kaya may mga naghihirap na inosenteng tao. Sobra na siya.

Nagpaalam si Enso na hahanapin si Aling Minda. Pagtalikod na pagtalikod ni Enso ay biglang tumunog ang aking cellphone, tiningnan ko ito at nakita kong muli ang unregistered number. Nakaramdam na ako ng pangingilabot. Tumayo ako at naglakad palayo sa ICU. Sinagot ko ang tawag.

“Hello.”

“Gab… Gab…” Paos na paos at halatang hirap na hirap na sigaw ng isang babae mula sa kabilang linya. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso, alam ko ang boses na iyon, boses ni Ella.

“Hello Ella?” bakas sa boses ko ang pag-aalala.

Hindi siya nakasagot, imbis ay isang sigaw ang aking narinig, sigaw na nasasaktan, tinotorture. Hindi ko napigilang maluha sa aking narinig. Parang paulit-ulit na sinasaksak ang aking puso.

“Steph tama na! Steph ano ba nasasaktan si Ella!” pagmamakaawa ko habang umiiyak.

Isang tawa ang aking narinig mula sa kabilang linya, tawa na parang demonyo.

“Kamusta Gabriel?” si Steph.

“Tangina Steph wag mong idamay si Ella at ang anak ko!”

“Aba! Ang tapang mo pa rin ah. Tingnan natin ang tapang mo Gabriel.” Ang sabi niya. Wala pang tatlong segundo’y muli kong narinig ang pasisisigaw ni Ella sa kabilang linya, I know she was in terrible pain. Napaluhod ako, ramdam ko ang magkahalong galit kay Steph at pagkaawa kay Ella  sa aking puso. I was devastated. Hindi ko na napigilang humagulgol.

“Steph ano ba tama na! Steph!” humahagulgol kong sigaw sa kanya.

“Sige mag-ingay ka pa at pauulanin ko ng bala ang tiyan ni Ella. Sige! Sige pa!” sigaw niyang nanggigigil pa.

Natahimik ako, hindi ko na alam ang aking gagawin.

“Takot ka naman pala!”

Hindi ako nakapag salita, napatakip ako ng kamay sa aking bibig.

“Alam mo iniisip ko nga kung bubuhayin ko pa ang babaeng ito. Knowing na dala-dala niya ang bastardo at basura mong anak. Masmasaya nga kung mamatay na silang dalawa eh. Ay hindi! Masmaganda kung makita ng iyong mga mata kung papaano ko patayin itong mag-ina mo.” Sabay halakhak na parang demonyo.

Tikom na tikom ang aking kamay. My teeth are gnashing. Gusto kong mag-sisisigaw at magmura sa sobrang poot na aking nararamdaman. Ang poot na ginamot ni Jared at Ely mula sa aking puso ay muling binubuhay ni Steph. Gusto kong wasakin ng buo si Steph. Gustong kong mailigtas ang mag-ina ko ngunit hindi ko alam kung papaano.

“Ano Gabriel lalaban ka pa ha?” sigaw pa niya ulit.

“Ako naman ang gusto mo di ba? Pakawalan mo sila Ella… Kapalit ko.” Diretsong sabi ko.

“Tumpak! Yan ang gusto ko!” bakas sa boses ni Steph ang pagka-excite.

“Naaalala mo ba yung dating clubhouse na pagmamay-ari ng umampon kay Ely? Abandunadong building na iyon ngayon eh… Ngayon Gabriel… Gusto kong mag-isa kang pumunta doon mamayang alas-dose ng madaling araw. Subukan mo lang magdala ng pulis at makikita mo na lang na mahuhulog itong babaeng ito mula sa rooftop ng building na iyon. Naiintindihan mo? Ha!!!” dagdag pa ng demonyong si Steph.

“Opo…”

“Bilisan mo na at baka hindi mo na abutan pang buhay ang mag-ina mo!” Sabay end call.
Ramdam ko pa rin ang panginginig nang aking katawan, hindi ko magawang kumalma at huminga ng maayos. Para akong na-paranoid. Nanginginig ang kalamnan ko mula paa pataas sa aking ulo. Muli kong naalala ang takot na aking naramdaman noong naipit ako sa sunog ng kumpanya ni Papa kung saan linigtas lang ako ni Ace at Enso kaya ako nabubuhay ngayon. Naalala ko rin ang takot sa pagkakadukot sa akin ni Bianca at ang tangkang pagpatay sa akin ni Steph apat na taon ang nakakaraan. Iba ang takot na naramdaman ko noon at iba ngayon. Hindi ko alam pero masmatindi ngayon. Ito na siguro ang pinakamatinding takot na aking nararamdaman, siguro ay dahil involve na ang aking kaibigan at ang aking anak.

Napabuntong hininga ako’t nagpunta ng banyo upang ayusin ang aking sarili. Naghilamos ako’t pinunasan ko ang aking mukha ng panyong kong kulay blue na may shade ng black lines sa gilid nito. Tumingin ako sa salamin. Nakita ko ang isang lalaking hinubog ng panahon at pagsubok. Isang lalaking matapang at kayang harapin ang lahat ng dagok sa kanyang buhay. I smiled. I know, it’s time na harapin ko ang pinakamatinding pagsubok sa aking buhay. Inayos ko ang kwelyo ng aking white polo, ang kuwelyo at sleeve nito’y may shades of black. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang mata ng aking kapatid. Simula ng bata pa lang kami’y lagi ko na siyang kasama, hanggang sa puntong ito, alam kong hindi niya ako iniwan. Muli ako’y napabuntong hininga at nagbigay ng isang ngiti.

Lumabas ako ng banyo at dumiretso sa labas ng ICU. Nakita ko si Enso. Agad ko siyang yinakap bago pa man siya makapagsalita. Ito na ata ang pinakamahipit na yakap ang ginawa ko sa kanya.

“Kuya may problema ba?”

“Gusto ko lang magpasalamat. Kasi lagi kang nandyan, hindi mo ako iniwan kahit kalian.” Kumalas ako at nagbigay ng isang ngiti. He gave me a quizzical look.

“Si Aling Minda?”

Bago pa man siya makasagot ay nakita ko na ang taong hinahanap ko papalapit sa amin. May dala-dalang box ng pichi-pichi at supot ng siopao.

Bago pa man siya tuluyang makalapit ay yinakap ko ito. Hindi siya naka-imik.

“Gabriel anak?”

“Gusto ko pong magpasalamat sa lahat. Naging mabait po kayo sa amin, tinuring niyo po akong pamilya noong walang-wala po ako. Ipaabot niyo po ang pagpapasalamat ko sa iba ha Aling minda?” Bakas sa aking boses ang pag-crack. Pigil na pigil pa rin akong maiyak sa kanilang harapan.

“Anong problema anak?” sabay himas sa akin likuran na parang isang ina.

“Kayo na po ni Enso bahala dito Aling Minda.”

“Bakit anak saan ka pupunta?” pagkalas niya sa yakap.

“May aayusin lang po. Si Ace po nasaan?”

“Kasama ni Gabriel Earl sa bahay.”

Ngumiti ako.

“Sige po, uuwi na lang muna ako. Pagod na rin po kasi ako eh.”

Bago pa man sila makapagsalita’y agad akong tumalikod at nagmamadaling umalis. Kasabay ng aking pagtalikod ay siya ring walang patid na pagtulo ng aking luha. TIningnan ko ang oras, it was 9:21pm. I sighed.




Marahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Ace, it was so dark and so cold. Tanging liwanag mula sa binta lang ang nagbibigay ng katiting na liwanag sa kwarto. Nakita ko siyang nakahiga katabi si Gabriel Earl. Lumapit ako sa kanila, pinagmasdan ko ang payapa nilang pagtulog. Hindi ko napigilang umiyak.

Yinakap ko si Gabriel Earl at hinalikan sa ulo. Parang pinipiga ang aking puso. Bumulong ako sa bata.

“Kung may mangyari man sa akin, sana huwag mong pababayaan ang Papa mo ha? Alagaan mo siya para sa akin ha?” After I utter those words, I felt an endless tears fell down from my eyes. Muli kong tinitigan ang bata. I saw Jared. Kamukhang-kamukha niya ito. I hugged him so tight.

Tinuon ko ang aking mga mata kay Ace. I smiled. I hugged him and whispered.

“Thank you everything… Hindi mo lang alam Ace… Pero mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi man sa paraang alam mo, pero sa paraang alam ko. I will always love you. Kung wala lang si Jared, hindi ako magdadalawang isip na ikaw ang mahalin at makasama ko habang buhay.”

Tinitigan ko ang kanyang mukha. Napakaamo nito. I kissed his lips. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking luha sa kanyang pisngi. Agad kong pinunasan ito at nagmadaling tumbukin ang pinto at umalis dahil baka magising ito.

I closed the door, at doon sumabog ang emosyong kanina ko pa pinipigil. I felt my heart is tearing apart. Sobra-sobra ang bigat na aking nararamdaman. I was having a hard time breathing.

“Ser! What’s yer problem ser?” biglang sigaw ng isang boses mula sa aking kanan.

Bago pa man siya makalapit ay binigyan ko siya ng isang yakap.

“Ikaw na ang bahala kay Gabriel Earl at sa magiging anak namin ni Ella ha?” Bakas sa aking boses ang panginginig.

Kumalas ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

“Ser wag na kayong umiyak!” sabay punas ng basahan na kanyang hawak sa aking mukha. Napahalakhak ako. Gaga talaga ang babaeng ito kahit kalian.

“I won’t. Inday salamat sa lahat ha. Sa kalokohan at kagagahan mo.” Sabay bigay ng malutong na halakhak.

“O sige na, matutulog na ako.” Ang alibi ko sabay talikod at tumbok sa aking kwarto.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong tinumbok ang aking cabinet. Hinawi ko ang aking mga damit at bumungad sa akin ang vault. Binuksan ko ito’t kinuha ang isang bagay na alam kong magagamit ko mamaya… Baril.

Agad akong dumiretso sa sasakyan, pinaandar ito patungo sa aking destinasyon. Sa kalagitnaan ng aking byahe ay sinubukan kong tawagan si Jared. Nagulat ako nang mag-ring ito. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Ilang sandali pa’y sinagot na niya ito.

“Hello Gab?” bakas sa kanyang boses ang pagaralgal nito.

“Jared… Nasaan ka ngayon?”

Hindi siya sumagot. Ngumiti ako.

“Di bale… Gustuhin ko mang magkita tayo’y hindi pupwede.”

“Gab bakit? Anong problema?” bakas sa kanyang boses ang takot.

“Jared salamat sa lahat-lahat. Salamat sa pagmamahal, salamat sa pagtanggap sa kung sino ako. I was weak, yet you saw the strong person inside of me. I was in deep darkness yet you saw the real me. I tried to be that man, and I did. Thank you Jared, because you love me like I am.” Kasabay ang walang tigil na daloy ng aking luha.

“Gab! Gab tell me what happen? Gab bakit ganyan ka magsalita?”

“Always remember Jared, my heart belongs to you… Ikaw lang ang nagmamay-ari nito. Salamat… Salamat sa lahat… Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.” Sabay end-call at patay ng cellphone. TInabi ko ang sasakyan at hininto ito. Pinalo ko gamit ng aking mga kamay ang manibela, hindi ko napigilang magsisisigaw at humagulgol. A thousand arrows pierced through my heart, I felt millions of unexplainable pain. It was unmeasurable.

Pinilit kong kumalma at huminga ng malalim. Ilang sandali pa’y muli kong pinaandar ang sasakyan patungo sa pinagmulan ng lahat.



(ITUTULOY)
Next Chapter: "All For Love"



8 comments:

  1. At long last nakapag-update na rin si Bebe Gab at nabasa ko na.


    Grabe ang chapter na ito, one of the most dramatic chapter in the whole story from book 1. We're really near the climax. Konting-konti na lang at malalaman na natin ang kahihinatnan ng lahat. Damn that bitch Steph, ultimong buntis hindi pinatawad. Hayup sa kasamaan. For me, this is the best chapter in the entire series.


    Napansin ko lang, kagaya ng sinasabi ng mga past comments. Ibang-iba na ang writing style mo Bebe Gab. You improved a lot! I can't wait for the finale na. Post it na please?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow Dark Shade nag-comment ka rin dito! Hahaha!!! Hhhmmm... Please check my reply sa MSOB. Hahaha!!! Salamat ulit Dark Shade! Sana abangan mo rin po yung mga upcoming stories ko. :D

      Delete
  2. bebe gab, im soooooo excited as in..... i can sense na malapit na ang ending nito sana maging maganda.

    for steph: P**A ka!!! mamatay ka na sana H***P ka! damn you bakit pati si ella at ang bata idadamay mo!

    for Gabriel: kaya mo yan i know you can survive through this. i commend you for being so strong after all this so bravo. just a little more alam kong makakya mo yan.

    bebe gab take you time a real master piece can never be done in a single snap so take all the time you need we all understand you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako rin Roj excited ng tapusin ito. But as you know, hindi ganoon kadali. Pero ang target ko ay Saturday, posted na ang ending. Salamat sa support at patuloy na pagbabasa! ^_^

      PAHABOL!!!: COol ka lang kay Steph, baka atakihin ka! Hahaha!!! :D

      Delete
  3. hahahahah.... yeah kambal... afyer 1213164875986180531895378517539610739018 years mala[ah update ka na... ayiieh..... galing... nag improve ka nga... hahahah sana ako din mag improve... shere mo naman talent mo... hahahah..... by the way congratulations.....:)) thumbs up

    ReplyDelete
    Replies
    1. Che Kambal! CHE!!! Palibhasa hindi pa naman ganoon kademanding ang schedule mo kaya ka nakakapag-update at hindi nagpang-abot yung chapter na inu-update mo at nagawa mo na. Hahahahahahaha!!!!! :P
      By the way, i-chat ko sa iyo yung sinasabi mo. ^_^
      Salamat Kambal! Congrats din sa "If I Let You Go" mo! ^_^

      Delete
  4. im gonna kill that bitch grrrr

    ReplyDelete
  5. next chapter pls.. :)

    ReplyDelete