Tuesday, March 20, 2012

If I Let You Go- Part 18


   

hey guys eto na po yung kasunod na chapter... sorry ulit kung late na po ako nakapag post... sobrang hapit lang po schedule ko dahul finals na po namin. Hope you understand.




Malapit na po siyang matapos.......hope you tune in....



Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
Dahil Mahal Kita – Jovit Baldivino Song Lyrics



__________________________________________________________________________

Nagpaalam ako kila mama na aalis ako ng bahay. .ayaw pa nga nila ako payagan 
eh. 




“Ma, alis na muna ako, kailngan ko sa shop eh...” 






“Nak magpasama ka kay Ryan...”






 “Ma, wag na po...” 



“Mahal ko, sasama ako...” 



“Wag na... kaya ko na to...” 



“Anak wag matigas ang ulo ha....” 



“Sige po pa.... tara na mahal ko...” nagmadali kaming pumunta sa shop para sa problema na sinasabi ni Annie.



 Di ko mapigilan ang kabahan dahil sa seryosong tawag na narinig ko mula sa kanya. Nanumbalik ang kaba sa aking dibdib. Tinawagan niya ako ulit.





“Best... asan ka na?”



 “On the way na ako...” 




“Ninenerbyos ako sayo eh,....” 



“Bilisan mo best... urgent to....” at binaba na niya ang tawag. 



“Mahal ko, kinakabahan ako...” sabi ko. 



“Cool down lang... wag kang mag histerical.. baka mamaya mapano ka pa eh...” pag aalala niya. 



“Paano ba naman kasi kinakabahan ako sa problema na sinasabi ni Annie.” 




“Haixct.... cool down...” 



Hinawakan niya ang kamay ko. Alam niya ang tanging paraan lang para kumalma ako eh yung hawakan ang kamay ko. Hinalikan ko siya. 





“Salamat.... mahal na mahal kita.... mahal na mahal...” 



“I love you too.... you are now my life.......” nginitian niya ako. 




“Bakit kaya hanggang ngayon di ko pa rin mapigilang kiligin sayo?” 





“Kasi naman po.. ang gwapo ng asawa mo... san ka pa diba?”






May paraan siya na kung saan napapakilig niya ako at napapasaya. Ilang minuto lang eh nakarating kami sa shop. Nagmadali akong bumaba pero hinabol ako ni Ryan. Niyakap niya ako ng mahigpit.



“Bakit?” tanong ko. 



“Easy ka lang... kaw talaga....” bigla niya akong hinalikan sa labi na labis kong ikinagulat.




gumanti ako sa ginawa niya. Alam kong gusto niya lang akong kumalma. 




“Okay ka na?” tanong niya sa akin. 




“Yup... thank you...”





Pumasok na kami sa shop at nadatnan namin si Annie at ang may ari ng supplier namin na si Mr. Okinowa. 





“Best.... buti andito ka na...” sabi ni Annie. 





“Anong problema?” tanong ko. 





“Nagbackout sa atin si Mr. Okinawa. Sabi ko naman na ikaw ang kausapin.” 





“Uhm.. Good Morning Mr. Okinawa. Uhm, may I ask if there is a problem?” 





“Mr. Mercado, I’m sorry but I want to solve my company’s problem and I don’t want to see it falling.” 



“What do you mean?” sabat ni Ryan. 





“Ayokong ipasara at malugi ng dahil sayo. Mr. Reyes, your father have told me. Ayoko lang mawalan ng kinabubuhay. I’m sorry.”






 “What? Ibig sabihin lahat ng ito kagagawan ni papa? Pero bakit?” 




“Just ask him. I will go now.”




“Rye, bakit? Anong meron sa papa mo?” 





“I will talk to him.” 




“Sasama ako....” 




“stay here...” 





“Sasama ako... sa ayaw mo at sa hindi..” nagtaas na ako ng tono. 




Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. 




“Best... mag ingat ka ha... easy lang...” 





“Okay.” Hinagilap niya ang kamay ko at umalis na kami.






Habang nasa byahe kami, seryoso ang mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin siya sa akin. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Sadya yatang di mapipigilan ang kamalasan sa aking buhay. Itinabi niya ang kotse niya sa tabi ng kalsada. 





“Uhm. O bat ka tumigil?” 





“Kasi gagawin ko ito.” Niyakap niya ako ng mahigpit. 





“Uhm... alam kong kinakabahan ka na harapin ang papa mo. Ramdam ko yan.” 





“oo.. kaya kumukuha ako ng lakas ng loob sayo... kung anuman ang mangyari. mahal na mahal kita...”





 “wag ka ngang magsalita ng ganyan. Basta magiging okay ang lahat. I love you Ryan...” 




“I love you too Nicko.” At hinalikan niya ako. Kakaiba ang halik na iginawad niya sa akin.





Para bang judgement day ngayon. Pagpasok pa lang ng office kakaiba na ang atmosphere.




“Good morning Sir.” 




Bati nila pag nakakasalubong si Ryan. Sumakay kami sa elevator. Kami lang dalawa ang lulan nito. Hinawakan ko ang kamay niya at himawakan niya ito ng mahigpit. Pumunta siya sa likod ko at yumakap sa akin. Biglang bumukas ang elevator at ibinulaga si Anthony. 




“Oh bro... akala ko ba nasa ospital ka?” 




“Naku di na kailngan. Lumabas din ako kanina. May kailngan akong kunin eh. kAw ba anong ginagawa ninyo dito?” 



“Kakausapin namin si papa. May kailngan kaming magkalinawan...”




Sumama sa amin si Anthony. 




“Buti ok ka na. Nag alala ako sayo. Lalo na ng actual kang dukutin...” 




“Medyo ok na naman ako eh...” 





At nakaratig na kami sa pupuntahan namin. Parag bawat hakbang namin eh kapalit nito eh ang lamig ng atmosphere.isang katok ang ibinigay ni Ryan sa pinto ng office ng papa niya at agad naman itong nagbukas. Secretary ng papa niya ang bumungad sa aming harapan. 




Pinatuloy naman niya kami. Siguro inaasahan talaga ng papa niya ang aming pagdating. Bago kami humarap ni Ryan sa papa niya, hinawakan niya ang dalawa kong kamay. 




“Kahit anong mangyari... mahal na amhal kita. Tandaan mo yan. I Love you.” At hinalikan niya ito. Ilang minuto lang eh dumating na rin ang papa niya.







“What can I do to both of you?” sabi nito. Nakangiti pa ito sa amin na para bang walang alam.





 “Pa, bakit mo tinakot si Mr. Okinawa na iurong ang ang pag susupply nila Nicko sa kanila?” 






“Anak, alam mo kung bakit. Alam mo kung ano ang dahilan. Mag isip ka.” 






Matalinghagang sabi nito. Bigla siyang tumingin sa akin at sa puntong iyon, nagkaroon ako ng idea. Mukhang alam na niya ang relasyon namin ni Ryan. Tumungo ako bigla para hindi nila mapansin ang namumuong luha sa aking mga mata. 




“I don’t know what are you talking about.” 




They are arguing. Ngayon alam ko na na kaya ako ginigipit niya dahil ayaw niya sa akin at sa relasyon namin. Lalo na ang nakaraan namin ni Anthony. Tumayo ako at nagsalita.





“Ryan.... there’s no need to talk anymore. Wala na rin namang pupuntahan ang usapan na to.”





 “Pero... hindi.... Hindi ako titigil hanggat ibalik niya ang supplier ninyo.” 





“And that will happen if you and him will break up. Gusto kong maghiwalay kayo ngayon din.” 




Natameme si Ryan at natahimik ang paligid. 




“Don’t make me fool Ryan. Anong tingin mo sa akin, stupid? Alam kong mayroon kayong relasyon. Hindi ka ba nadala? Nangyari na yan sa kapatid mo? Ano bang meron sa lalaking ito at nagkakaganyan kayo. Nakakahiya kayo. Nakakahiya. You are a disgrace to our family. Buti na lang at natauhan itong kapatid mo. Ikaw nga, matauhan ka. Matalino ka, wag kang magpakabobo. Ang mundo ay ginawa para sa lalaki at babae, umayos ka. Magpakalalaki. Hindi ikaw ang anak na nakilala ko.” Galit nitong sabi.







“I love him at iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya iniiwan. Oo pareho kaming lalaki, pero pa, tandaan ninyo, hindi sa pagkatao nasusukat ang pagmamahal. Puso ang sumusukat ng pagmamahal hindi ang mga mata, paningin o anumang parte ng katawan. Hindi ko maaring sisihin ang puso ko para sa pagkakaganito ko. Dahil dumadaloy lang sa aking puso ang dugo ko. Hindi ko rin maaring sisihin ang hypothalamus ko sa pagsesecrete ng hormones sa kung ano ang nararmdaman ko. Wala akong isishing parte ng katawan ko. Mahal ko siya at wala na kayong magagwa. Intindihin at tanggapin ninyo kami, yun na lang ang magagwa niya. Sa ayaw at sa hindi di ninyo kami mapipigilan.” Giit ni Ryan sa kanyang papa.








Nagulat ako sa sinabi niya. Pinaglalaban niya ako. Talaga bang nangyayari ito? Tuluyan ng tumulo ang aing luha. 





“Walang hiya ka. Magising ka nga. Matauhan ka. Kinikilabutan ako sa sinasabi mo. Ano ka ba?” giit nito. 





“Pa, ikaw ang umintindi. Mahal ko siya at nagmahal din kayo. Alam mo yan.” Sabi nito. 





“Mamili ka ngayon, ako at ang yaman mo o siya at ang pagdurusa mo? Tandaan mo, pag pinili mo siya, itinatakwil kita bilang anak. Tandaan mo yan. Mag hihirap ka at gagawin ko ang lahat para mag hirap kayo.” 





Galit na sabi nito. Tahimik kaming lahat at matamang nag isip si Ryan. Nakita ko ang mabigat na kalooban ni Ryan. Kaya ako na ang nagsalita at bumasag sa katahimikan ng lahat.






“Di mo na kailangan mamili Ryan. Alam kong mahirap iwan ang pamilya mo. Mr. Reyes, I would like to say na kahit ganito ako, minahal ko po ang mga naak ninyo. Mahal na mahal ko po si Ryan. Alam ko po na siya ang inaasahan ninyo. Mabait at napakaswerte ninyo sa kanya. Ako na po ang lalayo.” 




"Hay nako ang dali ko rin pala kayong mapaghihiwalay..."




Di ko mapigilan ang mapaluha at humagulgol sa pag sasalita. Umakto akong palabas ng hindi nililingon si Ryan. Mas mahihirapan akong tanggapin ang lahat kung makikita ko pa muli ang kanyang mukha. Mahal na mahal ko siya at nadudurog na ang puso ko sa mga nangyayari.






Ngunit, bago ako makalabas ng pintuan ay hinawakan na ni Ryan ang braso ko at niyakap ako. Alam kong lumuluha siya sa mga oras na iyon. Ito na ang huling pagkikita namin kung sakali. Ito na ang huling pag ibig na aking daranasin. Ayoko ng masaktan muli. 





“Mahal na mahal kita.... mahal na mahal kita Nicko...” sabi nito. Biglang nagsalita ang papa niya. 





“So easy. Haixt. Umalis ka na dito Nicko. At wag ka ng magpapakita kay Ryan. Ayoko ng malalaman ko na may mamumuong communication sa inyo.” Sabi nito. 




“Pa, are you crazy? Bakit ka ba ganyan? Di pa ba sapat na pinaghiwalay ninyo kami? Alam mo yan pa, pinaghiwalay ninyo kami. Lahat ginawa ko para mapansin ninyo, pero wala kahit ano wala. Lagi na lang si kuya, kuya kuya, eh ako, ano? Si kuya lang ang nanjan para sa akin. Nakatikim ako ng pagmamahal galing kay Nicko pero ipinagkait ninyo. Ngayon gagawin ninyo pa kay kuya yan? Ano pa ba gusto ninyo? Ang itali kami sa mga kamay ninyo?” sabi ni Anthony.





Nagalit na ng sobra ang papa nila. 





“Huwag kang sasabat sa usapan namin. Wala kang utang na loob. Lahat ginawa ko para lang sa inyong dalawa pero eto ang isusumbat mo sa akin? Walang hiya ka. Baka naman gusto mo ikaw din itakwil ko? Di ka pa ba nagsasawa sa mga ari-arian na ibinigay ko sayo?” 






“Pa, hindi pera ang kailngan ko sa inyo, pagmamahal..” sabi nito. 






Natigil sa pagsasalita ang papa nito. Habang nakikinig kami sa pagtatalo nila, nakayakap sa akin si Ryan.







“Ikaw, ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na dito at wag kang babalik pa.” 






Sa akin ibinaling ang sama ng loob ng papa nila. Tumingin lang ako kay Ryan at gustong gutso ko siyang halikan. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at sinapo ang kanyang mukha. Naluluha ako habang ginagawa ko ito.mahal na amhal ko siya at hindi ko mapigilan ang masaktan.






 Nahihirapan akong tanggapin. Ngunit sa huli, si Ryan na mismo ang humalik sa akin. Hinalikan niya ako sa harapan ng kanilang papa. Isang halik na alam kong pamamaalam. Alam ko ang magigig reaction ng papa niya sa ginawa niya. Lalo itong magaglit.







“Nakakasuka, umalis ka na dito. At wag ka ng mag babalik pa...!!!” sabi nito sa akin. 







Palabas na ako ng pinto ng opisina ng marinig kong magsalita si Ryan. 







“Kung aalis siya, kasama ako. Kung itataboy mo siya, kasama ako. Mahal ko siya at hindi ko hahayaan na umalis siya dito ng hindi niya ako kasama.





(Itutuloy)

1 comment:

  1. Omg..........that's what we called "TRUE LOVE"
    I'll salute you mr.dylan ....ang galing,palakpakan ahe:):):)

    ReplyDelete