Wednesday, March 28, 2012

If I Let You Go- Part 19


guys eto na po ang update... salamat po sa paghihintay... :))


Always here,

Dylan Kyle Santos


_


videokeman mp3
High Song Lyrics

____________________________________________________________________________



Labis kong ikinagulat ang ginawa at sinabi ni Ryan. Di ko akalaing magagawa niya ito. Ipinagpalit niya ang buhay niya para lang sa akin. Kung susumahin natin, yamam laban sa tingga ang posisyon namin. Yaman ang sa pamilya niya at tingga naman ako.




Naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya ako pipiliin eh pero mas pinili pa niya ako, na labis ko namang ikinagalak.



 “Pa... if you don’t mind, we will go...” sabi ni Ryan.




 “You are out of your mind! Wala ka na ba talagang natitirang kahihiyan at katalinuhan jan sa katawan mo?” sabi ng kanyang papa.




 “Pa... you don’t understand.... mahal ko si Nicko at it’s final. Buong buhay ko kayo ang sinunod ko. Lagi na lang akong buntot sa inyo. Para na akong isang puppet na pinapagalaw ninyo. Lahat naman ginawa ko. It’s time naman para gawin ko ang tinitibok ng aking puso.... Kung ano at saan ako sasaya...” ang pahayag ni Ryan.



“Pa, let them. Hayaan mo namang lumigaya si Kuya. Please lang...” sabi ni Anthony.




"Wag kang makialam dito. Kinukunsinti mo pa ang kapatid mo." sabi ng papa nila.



"pa naman kasi. Mabuksan naman kayo ng isip."



"Wag kang makialam."




"Pero pa..." hindi na natuloy ni Ryan ang sasabihin niya.




Nabigla kami sa sunod na ginawa ng papa niya, sinuntok niya si Ryan na siyang dahilan para ikatumba nito at ikabagsak sa mukha. Agad kong inalalayan si Ryan pataas.





“Ryan, ayos ka lang ba? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Handa akong magsakripisyo para sayo.” Sabi ko.




“Mahal kita... mahal na mahal... ito ang gusto ko at handa akong harapin kung anuman ang magiging kapalit nito. Mahal na mahal kita. At walang makapagpapabago nito. Maging hadlang man ang langit at lupa, ikaw pa rin ang ititbok nito...” sabi niya.



Sobra akong natutuwa sa lahat ng sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.



Biglang sumigaw ang kanyang papa,

 “Ikaw lalaki, tandaan mo ito. Sa oras na lumabas ka ng opisina nito na bitbit yang prinsipyo mo, itatakwil kita, itatakwil kita hayop ka. Wala kang utang na loob. Lahat ginawa namin sayo. Hindi ka mapakiusapan.!!!”




Nanggagalaiti na sabi nito.




“Pa, sana maunawaan ninyo ako. Alam ko pagdating ng panahon maiintindihan mo din ako... mahal ko po si Nicko at wala ng makakapag pabago nito.” Sabi ni Ryan.




“Kuya, umalis na kayo dito..” sabi ni Anthony.




“Ayaw na ayaw ko ng makita ang pagmumukha ninyo. Lumayas kayo. Umalis kayo dito!”





Magkahawak kamay kaming lumabas. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon sa nangyari. Natutuwa ako sa ginawa niya kasi ipinaglaban niya ako pero nalulungjkot nito eh dahil kapalit nito eh yung pamilya niya.




Tahimik lang si Ryan habang pababa kami ng kumpanya nila. Pero ramdam ko ang pagmamahal niya sa higpit ng kapit ng kamay niya sa aking kamay. Didiretso kami sa bahay nila para kunin ang gamit ni Ryan.




Mahaba habang lakabayin din ang mangyayari sa aming kinabukasan. Makalipas ang 20 minuto, nakarating na kami sa abhay nila. Nagmadali kaming pumasok at umakyat sa kwarto niya. Nakasalubong agad namin yung mama niya.



“Anak anong nangyayari? Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng papa mo? Magpaliwanag ka...” sabi ng mama niya.




“Ma, it’s a long story. Pero to make the story short, aalis na ako dito sa bahay na to. Mahal ko si Nicko at hindi ko siya hahayaang mawala sa akin. Ma, si Nicko nga pala, boyfriend ko...” sabi nito.




Mabait ang mama niya. Siya ang unang tumanggap sa akin nung nalaman niya ang relasyon namin ni Anthony dati. Sa una tutol siya pero nung makita niya ang dedikasyon ni Anthony noon, buong puso niya akong natanggap.




“Anak naman.. di naman dapat umabot dito yun di ba? Alam ko naman na mahal mo siya eh. Pero di na dapat umabot pa sa puntong aalis ka dito sa pamamahay natin. Ang hirap anak. Please anak wag mong gawin ito.” Pagmamakaawa ng mama niya.





Nagmadali sa pag aayos ng gamit si Ryan.



“Ma, wag ako ang sabihan mo nan, si Papa... siya na mismo ang nagsabi sa akin na lumayas ako sa pamamahay natin. At isa pa ma, hindi ako matatanggap ni papa sa pagkatao ko. Ayoko na. Lagi na lang siya ang sinusunod ko. Lagi na lang siya....” giit nito.




“Anak, nagmamakaawa ako sayo.... pakiusapan mo ang papa mo...” sabi nito.




“Ma, I’m sorry, pero buo na ang desisyon ko. Ingatan po ninyo ang sarili ninyo at wag na wag po ninyo pababayaan ang sarili ninyo...” pamamaalam nito.




“Anak.... ag ingat ka lagi.... lagi akong nandito para sayo. Bukas loob kitang tatanggapin ulit...” lumuluhang sinasabi ito ng kanyang mama.





Dinala na niya lahat ng gamit niya. Laptop, gadgets, damit, kotse at amrami pang iba. Pati ang paborito niyang aso, dinala niya. Nagmadali rin kaming umalis at pumunta sa atm machine para mag withraw ng pera. Lahat ng laman ng atm niya winithraw na niya. Alam niya kasi na ipapacancel nito ang account niya.




Pumunta naman kami sa bangko para kunin ang pera niya na nakatago dito. Ngunit bigo kami dahil napa-freeze agad ng kanyang papa ang account niya kaya hindi niya maigalaw ang kanyang pera. Naginit ang ulo nito kaya minabuti na lang namin ang umalis.





Nang makarating kami ng bahay, sinalubong agad kami nila mama. Tinanong nila ang nangyari at agad naman naming sinabi. Nakita ko ang pagkagulat nila sa nangyari. Pero natuwa sila ng malamang ako ang pinili niya. Ngunit, katumbas nito ay ang kalungkutan sa pagkatao ni Ryan. Kahit naman di siya magsalita ay ramdam ko ang pagkalungkot.




Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang matinding nararamdaman niya. Ipinapanalangin ko na nga lang na sana lang ay maging maayos ang lahat. Marami na ang bumabagabag sa amin. Di ko alam kung kakayanin ko pa ba. Nahihirapan na rin naman ako na magpanggap na okay ako kahit hindi. Sadya lang siguro na mas mahalaga na ipakita mo ang ibang side mo alang-alang sa ibang tao.





Magkatabi kami natutulog ni Ryan sa aking kwarto. Sa kabila ng pinagdaraanan niya, nanantili siyang sweet sa akin. Malambing, maasikaso, maalalahanin at marami pang iba. Ganyang tao si Ryan, lahat gagawin para lang di mainda ang mga nangyari. Pero kahit na napapasaya niya ako, bakas sa aking kalooban ang tindi ng dinadala ko. Hindi ako mapakali hangga’t hindi nahuhuli ang nagpadukot sa akin.





Naaalala ko pa ang mga pambababoy na ginawa nila sa akin. Masakit mang isipin pero tinatatagan ko na lang ang aking loob para lang sa kanya. Kung kinakaya niya ang lahat, bakit ako hindi, para sa kanya kaya kong gawin ang lahat. Ipinagkaloob ko na sa kanya ang buong puso ko. Kanyang kanya na it at siya na lang ang ititibok nito.




“Mukhang malalim ang iniisip ng mahal ko ah.” Tanong niya sa akin.




“Uhm.. hindi naman.. kaw talaga....” sagot ko.




“Iniisip mo pa rin ba yung nangyari sa yo noong nadukot ka?” tanong niya.




Di ako nakasagot agad. Di ko alam kung ano ang isasagot ko, oo, ewan o hindi?




“Ayos lang yan.. halika nga.... yayakapin kita para naman mapanatag ang loob mo...” sobrang sweet talaga niya.




Ginagawa niya ito sa tuwing nararamdaman niya na hindi ako mapalagay. Buhay buhay nga naman. Bakit ba kasi kailngan ko pa ang magkaganito.





“Alam mo, napakaswerte ko sayo....” sabi ko sa kanya.




“At bakit naman?” tanong niya sabay halik sa aking pisngi.




“Kasi, daig ko pa ang nanalo sa lotto ng maging tayo. Dahil nanjan ka lagi. Ang yaman yaman ko sa pagmamahal mo. Lahat ginawa mo para sa akin. Isinakripisyo mo ang lahat lahat, at natutuwa ako na sa kabila ng lahat ng nangyari at pinag gagawa sa akin ng mga walang pusong iyon, nanjan ka pa rin. I love you so much....”




Pumatak sa akin ang luha niya. Ramdama ko iyon dahil nakayakap ako sa kanya.




“Wala na akong mahihiling pa, makasama lang kita. Alam mo ba na kaya kong gawin ang lahat. Kaya kong isakripisyo ang sarili kong buhay para lang sayo. Ganyan kita kamahal. Kaya wag mong iisipin na kung minsan man na nag aaway tayo na hindi kita mahal. Lahat ng bagay titiisin ko para sayo. Mahal na mahal kita Nicko. Pangako ko sayo na kahit anuman ang mangyari, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko.” Pinahid ko ang luha sa kanyang mga mata at ikinandado ko siya sa isang napakatamis na halik.





“ Mahal na mahal din kita Ryan. Mahal na mahal.” Hinawakan ko ang kamay niya. Kahit kailan talaga, hindi ako nagsawang hawakan ang kanyang mga kamay. Ito na lang kasi ang mapang hahawakan ko. Kasama na siya sa mga pangarap ko.



"Alam mo ang swerte mo..." sabi niya



"Bakit naman?" tanong ko.



"Kasi asawa mo ako eh. tiba-tiba ka na. Masarap magmahal, mabait, gwapo, macho at isa pa maalaga. San ka pa."



"Ay naku, ang mahal ko nagyabang. Aysus."



"Ako pa, pero mas swerte ako.."




"At bakit naman? Kasi sayo na ako?'




"Uhm. Oo, kasi asawa kita, at isa pa pinagpala ako ng sobra. Burger lang ang hiniling ko kay God, sinamahan pa niya ng fries at drinks.."




"Aysus. Bumabanat. Mukhang alam ko na kung bakit."




"Oh bakit?"



"aysus. I'm sure may lindol na naman mamaya."




"Oh? Ang galing. Paano mo nalaman ?"





"Nagsisimula na kasing mag galawan mga plates..."




"Aysus....."



"Halika nga dito at mayakap ulit..."




"Uhm... Sige mahal ko..."



"Sana araw- araw na tayong ganito..."




"Oo naman. Masasanay ka na sa akin..."




"Wag mo akong masyadong sanayin....."




"Bakit naman?"




"Baka kasi hanap-hanapin ko na..."




"Hay naku. Mahal ko wala akong planong itigil ito kasi hindi ko hahayaan na hanapin mo ito kasi hindi ako titigil na mahalin ka..."



"Salamat..."



"Walang anuman. Love you!"



"Love you too..."



"Love you more...."




"Love you most..."




"Love you forever..."



"Love you forever- ever and ever..."



"Love you with all my heart..."



"Love you with all my body..."



"Basta mahal kita. Period."




"Aysus."




"Wag ka na kasing komontra.."


"yes bosss."




Nagtagal kami sa ganung posisyon. Sinulit namin ang gabing iyon para maging isang memorable night. Siya an ang gusto kong makasama sa aking buhay. Siya at siya na. Wala ng iba pa. Iginaya niya ang aking mukha papunta sa kanyang mukha at isang halik ang kumawala sa kanyang mga labi. Isa, dalawa, tatlo hanggang magtagal ang aming mga labi sa isa’t-isa.




Ramdam ko ang intense ng kanyang mga halik at yakap. Nagisa ang aming puso sa gabing iyon at tulad ng dati, hindi lang puso ang nag-isa sa amin. Pati ang aming mga katawan. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya sa bawat galaw na kanyang ginagawa.




Kaysarap talagang mag mahal. Alam mo yung feeling na lumulutang ka sa ere at para bang nagsusumiksik ang puso mo sa tuwa. Lahat yan ang naranasan ko. Lahat ng iyan.





Sa gabing iyon, mulit-muli, dinamdam namin ang aming mga katawan. Nanabik ang mga kilos niya papunta sa akin. Ramdam ko ang hustong pagmamahal niya sa akin. Matagal ko ng gustong ipakita at patunayan sa kanay kung gaano ko siya kamahal. At sa muling pagkakataon, ang aming pawis at laman ay nag isa, sa ngalan ng pagmamahal.




Nauna akong nagising sa kanya. Nakayakap siya sa akin habang ako naman ay nakaharap sa kanya. Pareho kaming walang saplot dahil sa nangyari kagabi. Di ko mapigilan ang titigan ang maamo niyang mukha.





 Sobrang swerte ko talaga sa kanya. Lahat ata nasa kanya na eh. Sobrang gwapo niya lalo na pag tulog. Ang hugis ng kanyang ilong, makinis na mukha at napaka among mukha. Bumangon ako at nagbihis. Gusto kong ipaghanda siya ng almusal.




Alam kong magiging masarap ang ihahanda ko dahil puno ito ng pagmamahal. Kinareer ko talaga ang pagluluto. Sinarapan at talagang inspired ako habang ginagawa ito. Makalipas ang 30 minutes, ready na ang lahat. Isa isa ko na itong inilagay sa lamesa.




Todo ayos ako sa paglalagay sa lamesa. Matapos ang ialng minuto, natapos ko na ang pag aayos. Bumalik ako sa kusina para ayusin lahat ng pinag gamitan ko. Hinugasan ko ito at mabilis ko naman itong natapos. Maya maya, nag ring ang phone ko at unknown number ito. Agad ko naman itong sinagot.




 “Hello”


“Napakatigas talaga ng ulo mo. Pasaway ka at di katalaga nagtatanda. Sabi ko sayo, hiwalayan mo na yang si Ryan. Ano pa ba ng gusto mong gawin ko para lang matakot ha? Hindi kayo pwedeng magsama niyan. Tandaan mo, mapapahamak lang siya sayo. Ano ba ang gutso mong gawin ko para lang paghiwalayin ko kayo? Patayin siya? Saktan? Sagasaan? Sige, sa oras na hindi mo pa hiniwalayan si Ryan makikita mo ang gagawin ko...” sabi sa kabilang linya.




Kilala ko ang boses nito, ito yung bumaboy at lumapastangan sa aking pagkatao.




 “Di mo ba kami tatantanan? Wala kaming ginagawang masama. Utang na loob, tantanan na ninyo kami. Nagmamakaawa na ako...” sabi ko.




“Pasensiya ka, pero sundin mo na lang ang inuutos ko. O mas gusto mo na magkita ulit tayo at gawin ko ang paulit-ulit kong ginawa sayo?”





“Hayop ka!!!” sigaw ko.

(Itutuloy)

Tuesday, March 20, 2012

If I Let You Go- Part 18


   

hey guys eto na po yung kasunod na chapter... sorry ulit kung late na po ako nakapag post... sobrang hapit lang po schedule ko dahul finals na po namin. Hope you understand.




Malapit na po siyang matapos.......hope you tune in....



Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
Dahil Mahal Kita – Jovit Baldivino Song Lyrics



__________________________________________________________________________

Nagpaalam ako kila mama na aalis ako ng bahay. .ayaw pa nga nila ako payagan 
eh. 




“Ma, alis na muna ako, kailngan ko sa shop eh...” 






“Nak magpasama ka kay Ryan...”






 “Ma, wag na po...” 



“Mahal ko, sasama ako...” 



“Wag na... kaya ko na to...” 



“Anak wag matigas ang ulo ha....” 



“Sige po pa.... tara na mahal ko...” nagmadali kaming pumunta sa shop para sa problema na sinasabi ni Annie.



 Di ko mapigilan ang kabahan dahil sa seryosong tawag na narinig ko mula sa kanya. Nanumbalik ang kaba sa aking dibdib. Tinawagan niya ako ulit.





“Best... asan ka na?”



 “On the way na ako...” 




“Ninenerbyos ako sayo eh,....” 



“Bilisan mo best... urgent to....” at binaba na niya ang tawag. 



“Mahal ko, kinakabahan ako...” sabi ko. 



“Cool down lang... wag kang mag histerical.. baka mamaya mapano ka pa eh...” pag aalala niya. 



“Paano ba naman kasi kinakabahan ako sa problema na sinasabi ni Annie.” 




“Haixct.... cool down...” 



Hinawakan niya ang kamay ko. Alam niya ang tanging paraan lang para kumalma ako eh yung hawakan ang kamay ko. Hinalikan ko siya. 





“Salamat.... mahal na mahal kita.... mahal na mahal...” 



“I love you too.... you are now my life.......” nginitian niya ako. 




“Bakit kaya hanggang ngayon di ko pa rin mapigilang kiligin sayo?” 





“Kasi naman po.. ang gwapo ng asawa mo... san ka pa diba?”






May paraan siya na kung saan napapakilig niya ako at napapasaya. Ilang minuto lang eh nakarating kami sa shop. Nagmadali akong bumaba pero hinabol ako ni Ryan. Niyakap niya ako ng mahigpit.



“Bakit?” tanong ko. 



“Easy ka lang... kaw talaga....” bigla niya akong hinalikan sa labi na labis kong ikinagulat.




gumanti ako sa ginawa niya. Alam kong gusto niya lang akong kumalma. 




“Okay ka na?” tanong niya sa akin. 




“Yup... thank you...”





Pumasok na kami sa shop at nadatnan namin si Annie at ang may ari ng supplier namin na si Mr. Okinowa. 





“Best.... buti andito ka na...” sabi ni Annie. 





“Anong problema?” tanong ko. 





“Nagbackout sa atin si Mr. Okinawa. Sabi ko naman na ikaw ang kausapin.” 





“Uhm.. Good Morning Mr. Okinawa. Uhm, may I ask if there is a problem?” 





“Mr. Mercado, I’m sorry but I want to solve my company’s problem and I don’t want to see it falling.” 



“What do you mean?” sabat ni Ryan. 





“Ayokong ipasara at malugi ng dahil sayo. Mr. Reyes, your father have told me. Ayoko lang mawalan ng kinabubuhay. I’m sorry.”






 “What? Ibig sabihin lahat ng ito kagagawan ni papa? Pero bakit?” 




“Just ask him. I will go now.”




“Rye, bakit? Anong meron sa papa mo?” 





“I will talk to him.” 




“Sasama ako....” 




“stay here...” 





“Sasama ako... sa ayaw mo at sa hindi..” nagtaas na ako ng tono. 




Wala siyang nagawa kundi ang sumunod. 




“Best... mag ingat ka ha... easy lang...” 





“Okay.” Hinagilap niya ang kamay ko at umalis na kami.






Habang nasa byahe kami, seryoso ang mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin siya sa akin. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Sadya yatang di mapipigilan ang kamalasan sa aking buhay. Itinabi niya ang kotse niya sa tabi ng kalsada. 





“Uhm. O bat ka tumigil?” 





“Kasi gagawin ko ito.” Niyakap niya ako ng mahigpit. 





“Uhm... alam kong kinakabahan ka na harapin ang papa mo. Ramdam ko yan.” 





“oo.. kaya kumukuha ako ng lakas ng loob sayo... kung anuman ang mangyari. mahal na mahal kita...”





 “wag ka ngang magsalita ng ganyan. Basta magiging okay ang lahat. I love you Ryan...” 




“I love you too Nicko.” At hinalikan niya ako. Kakaiba ang halik na iginawad niya sa akin.





Para bang judgement day ngayon. Pagpasok pa lang ng office kakaiba na ang atmosphere.




“Good morning Sir.” 




Bati nila pag nakakasalubong si Ryan. Sumakay kami sa elevator. Kami lang dalawa ang lulan nito. Hinawakan ko ang kamay niya at himawakan niya ito ng mahigpit. Pumunta siya sa likod ko at yumakap sa akin. Biglang bumukas ang elevator at ibinulaga si Anthony. 




“Oh bro... akala ko ba nasa ospital ka?” 




“Naku di na kailngan. Lumabas din ako kanina. May kailngan akong kunin eh. kAw ba anong ginagawa ninyo dito?” 



“Kakausapin namin si papa. May kailngan kaming magkalinawan...”




Sumama sa amin si Anthony. 




“Buti ok ka na. Nag alala ako sayo. Lalo na ng actual kang dukutin...” 




“Medyo ok na naman ako eh...” 





At nakaratig na kami sa pupuntahan namin. Parag bawat hakbang namin eh kapalit nito eh ang lamig ng atmosphere.isang katok ang ibinigay ni Ryan sa pinto ng office ng papa niya at agad naman itong nagbukas. Secretary ng papa niya ang bumungad sa aming harapan. 




Pinatuloy naman niya kami. Siguro inaasahan talaga ng papa niya ang aming pagdating. Bago kami humarap ni Ryan sa papa niya, hinawakan niya ang dalawa kong kamay. 




“Kahit anong mangyari... mahal na amhal kita. Tandaan mo yan. I Love you.” At hinalikan niya ito. Ilang minuto lang eh dumating na rin ang papa niya.







“What can I do to both of you?” sabi nito. Nakangiti pa ito sa amin na para bang walang alam.





 “Pa, bakit mo tinakot si Mr. Okinawa na iurong ang ang pag susupply nila Nicko sa kanila?” 






“Anak, alam mo kung bakit. Alam mo kung ano ang dahilan. Mag isip ka.” 






Matalinghagang sabi nito. Bigla siyang tumingin sa akin at sa puntong iyon, nagkaroon ako ng idea. Mukhang alam na niya ang relasyon namin ni Ryan. Tumungo ako bigla para hindi nila mapansin ang namumuong luha sa aking mga mata. 




“I don’t know what are you talking about.” 




They are arguing. Ngayon alam ko na na kaya ako ginigipit niya dahil ayaw niya sa akin at sa relasyon namin. Lalo na ang nakaraan namin ni Anthony. Tumayo ako at nagsalita.





“Ryan.... there’s no need to talk anymore. Wala na rin namang pupuntahan ang usapan na to.”





 “Pero... hindi.... Hindi ako titigil hanggat ibalik niya ang supplier ninyo.” 





“And that will happen if you and him will break up. Gusto kong maghiwalay kayo ngayon din.” 




Natameme si Ryan at natahimik ang paligid. 




“Don’t make me fool Ryan. Anong tingin mo sa akin, stupid? Alam kong mayroon kayong relasyon. Hindi ka ba nadala? Nangyari na yan sa kapatid mo? Ano bang meron sa lalaking ito at nagkakaganyan kayo. Nakakahiya kayo. Nakakahiya. You are a disgrace to our family. Buti na lang at natauhan itong kapatid mo. Ikaw nga, matauhan ka. Matalino ka, wag kang magpakabobo. Ang mundo ay ginawa para sa lalaki at babae, umayos ka. Magpakalalaki. Hindi ikaw ang anak na nakilala ko.” Galit nitong sabi.







“I love him at iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya iniiwan. Oo pareho kaming lalaki, pero pa, tandaan ninyo, hindi sa pagkatao nasusukat ang pagmamahal. Puso ang sumusukat ng pagmamahal hindi ang mga mata, paningin o anumang parte ng katawan. Hindi ko maaring sisihin ang puso ko para sa pagkakaganito ko. Dahil dumadaloy lang sa aking puso ang dugo ko. Hindi ko rin maaring sisihin ang hypothalamus ko sa pagsesecrete ng hormones sa kung ano ang nararmdaman ko. Wala akong isishing parte ng katawan ko. Mahal ko siya at wala na kayong magagwa. Intindihin at tanggapin ninyo kami, yun na lang ang magagwa niya. Sa ayaw at sa hindi di ninyo kami mapipigilan.” Giit ni Ryan sa kanyang papa.








Nagulat ako sa sinabi niya. Pinaglalaban niya ako. Talaga bang nangyayari ito? Tuluyan ng tumulo ang aing luha. 





“Walang hiya ka. Magising ka nga. Matauhan ka. Kinikilabutan ako sa sinasabi mo. Ano ka ba?” giit nito. 





“Pa, ikaw ang umintindi. Mahal ko siya at nagmahal din kayo. Alam mo yan.” Sabi nito. 





“Mamili ka ngayon, ako at ang yaman mo o siya at ang pagdurusa mo? Tandaan mo, pag pinili mo siya, itinatakwil kita bilang anak. Tandaan mo yan. Mag hihirap ka at gagawin ko ang lahat para mag hirap kayo.” 





Galit na sabi nito. Tahimik kaming lahat at matamang nag isip si Ryan. Nakita ko ang mabigat na kalooban ni Ryan. Kaya ako na ang nagsalita at bumasag sa katahimikan ng lahat.






“Di mo na kailangan mamili Ryan. Alam kong mahirap iwan ang pamilya mo. Mr. Reyes, I would like to say na kahit ganito ako, minahal ko po ang mga naak ninyo. Mahal na mahal ko po si Ryan. Alam ko po na siya ang inaasahan ninyo. Mabait at napakaswerte ninyo sa kanya. Ako na po ang lalayo.” 




"Hay nako ang dali ko rin pala kayong mapaghihiwalay..."




Di ko mapigilan ang mapaluha at humagulgol sa pag sasalita. Umakto akong palabas ng hindi nililingon si Ryan. Mas mahihirapan akong tanggapin ang lahat kung makikita ko pa muli ang kanyang mukha. Mahal na mahal ko siya at nadudurog na ang puso ko sa mga nangyayari.






Ngunit, bago ako makalabas ng pintuan ay hinawakan na ni Ryan ang braso ko at niyakap ako. Alam kong lumuluha siya sa mga oras na iyon. Ito na ang huling pagkikita namin kung sakali. Ito na ang huling pag ibig na aking daranasin. Ayoko ng masaktan muli. 





“Mahal na mahal kita.... mahal na mahal kita Nicko...” sabi nito. Biglang nagsalita ang papa niya. 





“So easy. Haixt. Umalis ka na dito Nicko. At wag ka ng magpapakita kay Ryan. Ayoko ng malalaman ko na may mamumuong communication sa inyo.” Sabi nito. 




“Pa, are you crazy? Bakit ka ba ganyan? Di pa ba sapat na pinaghiwalay ninyo kami? Alam mo yan pa, pinaghiwalay ninyo kami. Lahat ginawa ko para mapansin ninyo, pero wala kahit ano wala. Lagi na lang si kuya, kuya kuya, eh ako, ano? Si kuya lang ang nanjan para sa akin. Nakatikim ako ng pagmamahal galing kay Nicko pero ipinagkait ninyo. Ngayon gagawin ninyo pa kay kuya yan? Ano pa ba gusto ninyo? Ang itali kami sa mga kamay ninyo?” sabi ni Anthony.





Nagalit na ng sobra ang papa nila. 





“Huwag kang sasabat sa usapan namin. Wala kang utang na loob. Lahat ginawa ko para lang sa inyong dalawa pero eto ang isusumbat mo sa akin? Walang hiya ka. Baka naman gusto mo ikaw din itakwil ko? Di ka pa ba nagsasawa sa mga ari-arian na ibinigay ko sayo?” 






“Pa, hindi pera ang kailngan ko sa inyo, pagmamahal..” sabi nito. 






Natigil sa pagsasalita ang papa nito. Habang nakikinig kami sa pagtatalo nila, nakayakap sa akin si Ryan.







“Ikaw, ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na dito at wag kang babalik pa.” 






Sa akin ibinaling ang sama ng loob ng papa nila. Tumingin lang ako kay Ryan at gustong gutso ko siyang halikan. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at sinapo ang kanyang mukha. Naluluha ako habang ginagawa ko ito.mahal na amhal ko siya at hindi ko mapigilan ang masaktan.






 Nahihirapan akong tanggapin. Ngunit sa huli, si Ryan na mismo ang humalik sa akin. Hinalikan niya ako sa harapan ng kanilang papa. Isang halik na alam kong pamamaalam. Alam ko ang magigig reaction ng papa niya sa ginawa niya. Lalo itong magaglit.







“Nakakasuka, umalis ka na dito. At wag ka ng mag babalik pa...!!!” sabi nito sa akin. 







Palabas na ako ng pinto ng opisina ng marinig kong magsalita si Ryan. 







“Kung aalis siya, kasama ako. Kung itataboy mo siya, kasama ako. Mahal ko siya at hindi ko hahayaan na umalis siya dito ng hindi niya ako kasama.





(Itutuloy)