Sunday, December 4, 2011

If I Let You Go- Part 1








Sa mga readers ko dati, hello, I'm Back at eto na yung new story ko. hope magustuhan ninyo. sorry kung napakatagal ha. masyado lang po akong busy kaya di ko po natapos gad. sa lahat po ng sumuporta sa akin noon, lalo na sa Campus Figure at Ang Best Friend kong Lover, maraming salamat po. Hope magustuhan po ninyo ito.


to see my updates, here is my 


blog: http://yaoiblogs01.blogspot.com/

Fb: Dylan Kyle Santos (yaoi_addicted01@yahoo.com)


Salamat po sa lahat. Lalo na kay Chris na laging nagcocomment sa blog ko.

P.S. Salamat kay kambal na pinayagan niya akong magpost dito... ahahahah






By: Dylan_Kyle
BLOG: http://yaoiblogs01.blogspot.com
FB: yaoi_addicted01@yahoo.com

Always here,

Dylan Kyle Santos




___________________________________________________________



“Bilisan mo jan... babagal bagal ka jan eh.... anong tingin mo sa sarili mo ha? Kala mo... sampid ka lang dito....” 


Isang sigaw na nakakabulahaw. Nakapagtataka kung kanino nanggagaling ang mga tinig na ito. Galing ito sa isang taong marami raming naranasang kalungkutan, kapighatian at kung anu-anong pag hihirap. Kung susumahin ba eh maniniwala ba kayong nanggagaling ito sa aking mga boses. 


Oo ako nga. Ako ang bida sa storyang ito pero di lang yan. Ako din ang tumatayong kontrabida sa pinsan kong malandi at haliparot. Oo yan ang tingin ko sa pinsan ko matapos niyang agawin ang lahat lahat sa akin.


Ako si Nicko. Pierre Nicko Mercado, 24 taong gulang. Isang owner ng isang natatanging shop. Masaya ako, maayos at maaliwalas ang buhay kasama ang best friend kong si Annie, yan eh before pa umeksena ang kontrabida at bida-bidahan kong pinsan, si Rona. 


Siya ang sumira sa akin, sa pageksena niya sa buhay ko. Dahil sa kanya kaya pati mga magulang ko ipinagtabuyan ako. Ipinagtabuyan ako dahil sa aking pagkatao. Kaming lang nila Annie, ako, Rona,  Anthony at mga kabarkada ko ang nakakalam ng aking totoong pagkatao. Tandang-tanda ko pa lahat ng nangyari noon kung gaano kami ka close ni Rona.

 ________________________________________________________________________________

“Insan, salamat sa regalo mo ha.... naku, naapreciate ko talaga... ang ganda oh.... ang swerte talaga sayo ni Anthony...” sabi ni Rona sa akin.


 “Hahahah... adik ka... thank you gift yan sa lahat... pati sinu-sino ba ang magtutulungan? Diba tayu-tayo lang din? At kung sa swertehan nga lang eh, naku, nakaswerte ako sa mahal ko....” sagot ko. 


3 taon na kami ni Anthony mag bf. 19 years old ako at 3rd year college ako sa kursong business management major in marketing at siya naman ay 3rd year college din at may kursong Mechanical Engineering nung naging kami. Nakakatuwang isipin kung paano nagsimula ang lahat-lahat sa amin.


“Babe... andito na ako..... muwah..” bati sa akin ni Anthony. 


“O... ayan ka na pala.... musta ang work? Pagod ba?” tanong ko sa kanya.


 “Ayon...kakapagod...pero makita pa lang kita eh nawawala ang pagod ko....” pambanat niya. 


“Ang sweet ninyo naman.. nakakinggit...” sabat ni Rona. 


“Eheheheh.... oo nga eh...kasi naman etong si Babes eh... hahahah...” sabi ko.

 _______________________________________________________________________________

“Sorry na pinsan sa lahat.... di ko naman sinasadya eh...” nakita kong umiiyak kong pinsan. 


“Kulang pa yan sa ginawa mo sa buhay ko.... hindi mo alam kung gaano ako naghirap...  I will be your worst part of your life..... until the day I die...” pagmamatigas ko.


 Biglang dating ni Anthony sa eksena. 


“Bull****... anong nangyayari dito? bakit mo ba siya ginaganyan.. magpinsan kayo remember?” awat niya sa amin.


 “Magpinsan? Parang di naman.. at saka.... as I can remember ay that was 2 years ago before ka niyang agawin sa akin at sirain ang buhay ko....” sagot ko. 


“Pero... the fact remains.... at isa pa...let just forget what happen... it was 2 years since that incident happen. Lets forget that.... kasal na kami... at may anak na...” pagpapamukha sa akin ni Anthony. 


“Alam kong masaya ka na jan sa piling ng haliparot na yan...pero di mo ba nararamdaman? Handa akong maging kabit... willing ako mag beg ng pagmamahal mo.... mahal na mahal kita...sobra..... it hinding-hindi ako bibitaw hangga’t mahal mo ako....” panunumbat ko sa kanya habang nakaluhod sa kanyang harapan at umiiyak.


 “Pero Nicko... hindi na tayo pwede..... hinding-hindi na.....sana maintindihan mo...” sabi sa akin ni Anthony. 


“Di ko aakalain na di mo ipaglalaban ang pagmamahalan natin... akala ko mahal mo ako... oo tinanggap kita ng malaman ko na may nangyari sa inyo niyang malanding yan...pero ikaw ang sumuko agad....” at tatakbo akong pumasok sa loob ng aking kwarto.



Oo kung ira-rating ang aking pagkatanga eh nangunguna na ako sa lahat. Tanga na kung tanga pero mahal ko talaga siya. Ang buhay ko ngayon eh parang isang telenovela. Kahit na may nagawang kasalanan siya sa akin, heto ako at buong-buo tinanggap siya at nagpapakabaliw para lang manlimos sa kanyang pagmamahal. 


Kahit pa sabihin nila na baliw ako, di ako susuko hanggat di ko siya naaagaw mula sa makati kong pinsan. Bakit ba kasi ang unfair ng mundo sa akin? Sobra, minsan nga dumating sa punto na mag laslas ako. Lahat na nawala sa akin. At si Annie na lang ang masasabi kong nanantiling nandiyan sa akin. Habang nagdadrama ako sa kwarto ko, unti- unti bumabalik sa akin ang lahat-lahat. Mula ng puntong magkakilala kami ni Anthony.



 _______________________________________________________________________________

Isa lang akong simpleng estudyante noon. Mabait, mapagkakatiwalaan, mapag-alaga, maalalahanin, masipag at marami pang iba. Jan ako nakilala ng mga kaeskwela ko. Katamtaman lang ang aking height dahil tamang tama lang sa age at weight ko. Maganda ang built ng body ko dahil na rin sa pagbabasketball at pag gy-gym kung minsan sa araw ng sabado.



 Si Annie ang bestfriend ko mula pa noong 4th year highschool. Di lingid sa aking kaalaman kung ano ba talaga ang aking pagkatao. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ganun na lang ang pagka attract ko sa mga lalaki lalo na pagnakakakita ako ng ilan. Graduation day noon at yun, inamin kong lahat kay Annie ang nararmdaman ako. Sa una nagulat siya, di makapaniwala. Nagkaroon kasi ako ng 4 na girl friend at di niya inaasahan ang nalaman niya.



“Best... kung ano ka man... andito ako.. tanggap ka at mahal na mahal kita best....kahit anong mangyari...di kita iiwan..at pababayaan... best friends forever..til the end...” sabi niya. 



Buti na nga lang at pareho kami ng school na pinapasukan at pareho din ng course. At siya ang unang nakaalam ng tungkol sa amin ni Anthony.



Late na ako ng araw na yon at nagmamadali ako. May binubulatlat akong mga papers ng di sinasadyang mabangga ko ang isang lalaki. 



Di ko na nagawang tignan siya dahil sa nagmamdali ako. Pinulot ko na lahat ng gamit ko at yun na umalis na ako. Nagsorry ako ng bahagya ng di tinitignan ang kanyang mukha. 



Ng lunch break na, doon ko napagtanto na maling notebook ang napulot ko at nagkapalit kami. Kaya ako, imbes na kumain eh naglibot sa campus kasama si Annie. 



“Best.. gutom na ako... nu ba yan....” reklamo ni Annie. 


“Sorry best ha....una ka na kaya..sunod na ako....” sabi ko. 



“Naku.. yan ang di pwede...di kita iiwan..tara na nga...dali at makakain na tayo.” Sabi niya.



Sa kasamaang palad, yun na nga, at di ko nakita. Kaya disappointed ako buong araw. 



Pagkadating ko sa bahay eh humiga agad ako. Wala pa sila mama at papa dahil sa work. 



Binuklat ko laman ng notebook nung nakabangga ko Joseph Anthony Reyes pala ang panaglan niya. Ang adik ko, di ko nakita yung mukha noong nakabangga ko. Pero yun, sobrang humanga ako sa ganda ng sulat niya. 



Puro calculations ng physics at math ang notebook na yun. Engineer siguro yung course nito. At habang binubuklat ko ito, nakita ko ang isang picture sa notebook niya. 



Namangha ako sa angkin niyang kagwapuhan. Maputi, ganda ng ayos ng buhok, at marami pang iba. Di ko maialis ang tingin ko sa kanya. Kaya ayon, kinuha ko ang cellphone ko at hinuhanan ng picture. Di pa ako nakuntento at iniscan ko pa yung picture niya.


Tsaka ko lang napansin yung nakasulat sa likod ng kanyang picture. 



“Kung sino man makapulot nito o yung note book na to... kindly write down your name and signature... thank you...” at dahil sa kakulitan ko, ayon at isinulat ko ang aking pangalan. 



At sa katapusan ng page, may nakalagay na cellphone number. At agad kong tinawagan yung number.


“Hello... good evening... who’s on the line please?” sagot ng nasa kabilang linya?" Grabe, ang ganda ng boses niya. Gwapong gwapo. 



“Ahm... I’m Pierre Nicko Mercado.... may I ask if you are Mr. Joseph Anthony Reyes?” sagot ko. 


“Ahm... yup... why po?” tae, grabeng englishan to. 


“Kasi po, ako yung nakabanggaan mo kania... humihingi po ako ng sorry sa nangyari. At isa pa po, nagkapalit po tayo ng notebook.... kanina ko pa po kayo hinahanap sa school kaso di ko na po kayo nakita....” sabi ko. 



“Ah....kaw pala yun..nako sorry din po ah...di kasi ko tumitingin kanina sa dinadaanan ko weh...sorry talaga....” sabi niya. 



“Nako ako yun...kaw talaga...nga po pala.... don’t mind my asking...kailan ko po pwede makuha yung notebook ko?” tanong ko. 



“Ay oo nga pala..... kung gusto mo mamaya eh.... im free naman at ayon....” sabi niya. 



“Mamaya malayo ka pala ha... pati nakakhiya naman po...” sabi ko. “Im here naman sa Sta. Rosa Laguna, kaw po ba? Pati it’s okay, wala akong gagawin ngayon.” Sabi niya. 



“Ah...malapit lang....dito din ako sa may Sta.Rosa eh... sa may balibago...” sabi ko. 



“Ah.... same tayo...sa balibago din ako...” sabi niya. 



“Nice naman oh...ahahhaha... what a coincidence.....” sabi ko.


“So.....pwede ka ngayon?” tanong niya. 



“Uhm...okay po....san po tayo kita?” tanong ko.


 “Sa may SM na lang...around 5 pm....okay ba?” 


“Uhmm..sige sige...i will be there.....see you....txt txt na lang po.....” sabi ko. 




“Okay...see you...” at yun binaba ko na yung phone.


Ewan ko kung bakit ako pumayag pero isang reason lang yung tinitignan ko, dahil sa note book. Pero di ko maintindihan kung bakit para bang mayroon pang ibang dahilan. 



Pero sinantabi ko muna ito. Nagtext na ako kila mama na aalis ako ng around 4:30pm. Nagpahinga lang ako saglit at mayamaya, maliligo na ako. First time kong makikipag meet at sa lalaki pa. Kung sa pagkatao ko lang eh excited ako na hindi ko maintindihan. 



Totoong naatract din ako sa lalaki at tagong tago ang aking pagkatao. Tiyak na ipagtatabuyan ako nila mama kung malaman ang aking pagkatao.


After 30 mins na pagpaphinga eh naligo ako. Maaga kasi ang uwian namin kaya ayon. Naligo ako at ewan ko ba pero talagang binabad ko ang sarili ko. Grabe akong nagahanda sa sarili ko. I



lang beses kong sinipat-sipat sa salamin ang aking sarili. Siya kaya talaga ang nasa picture? Nacurious ako. At exactly 5 pm na sa SM na ako. I was about to txt him pero naunahan niya ako. 


“Here na ako... dito sa may 2nd floor sa may food court tapat ng Kusina ni Gracia wearing Blue poloshirt and maong pants” natawa ako bigla sa text niya. Detelyadong detelyado pa ah.


Habang paakyat ako, kinakabahan ko. Di ko maintindihan kung bakit. Hanggang sa magsimulang mag hanap ang aking mga mata. Una kong hinanap ang kusina ni Gracia. 



At sumunod eh yung lalaking nakablue poloshirt. Nakatalikod siya at nakaupo. Lahat ng definition eh nandun sa lalaking nakatalikod. Habang papalapit ako eh ayon na ang kaba sa aking dibdib. 



Hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan niya at sa lamesa na puno ng pagkain at sinalubong ako ng ngiti at nakipagkamay sa akin. Di ko namalayan at mapigilan ang mapatulala na lang. Para akong nalulusaw sa kanyang mga titig.

_________________________________________________________________________________

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment