Friday, December 30, 2011

Kailangan Kita: Kabanata 1



Kailangan Kita
Kabanata 1: Tulak ng Pangangailangan


Mataas ang sikat ng araw noon, kahit na nga ba humahangin ay hindi pa rin sapat upang patigilin ang pagtagaktak ng pawis ni Camillo. Papunta siya sa isang paaralang wala naman talaga sa kanyang loob na pasukan, kinailangan lamang niya dahil sa hindi siya natanggap sa eskwelahang kanyang matagal nang pinapangarap.

Puno ng kasawian ang kalooban ni Camillo ng mga oras na iyon, sa kabilang banda iniisip at pinipilit na lang niya sa kanyang sarili na ang karanasang ito ay ang gusto ng Panginoon para sa kanya.

Maraming tao na labas-masok sa tarangkahan ng paaralang iyon. Ang mga mag-aaral, dalub-guro, at aplikante upang maging bagong estudyante ay sa may maliit na gate nagdaraan na matatagpuan sa kaliwang bahagi ng isa pang malaking gate kung saan pinapapasok ang iba’t ibang uri ng mamahaling sasakyan na isang ebidensya na ang institusyong papasukan ni Camillo ay hindi lamang simpleng paaralan kundi isang sikat, popular at puno ng mga mayayaman. Pero hindi na iniisip pa ni Camillo ang mga bayarin, dahil naipasa naman niya ang iskolarsyip sa institusyong ito.

Matapos niyang magsulat sa logbook ng security guards sa may guardhouse na matatagpuan sa daanan ng mga tao upang masigurado ang seguridad, nagtungo siya sa Center for Admissions and School Relations upang magpasa ng kanyang mga papeles at magtanong tungkol sa mga hakbang ng kanyang enrollment.

Katunayan, kagagaling pa lamang niya sa simbahan kung saan siya bininyagan upang kumuha ng patunay na siya ay Kristiyano. Medyo nahirapan nga si Camillo sa pagkuha sa kadahilanang ang petsa kung kalian siya idineklarang Kristiyano ay parehong nakalimutan ng kanyang ama’t ina. Sinubukan niyang tanungin ang kanyang lola subalit hindi rin nito alam ang isasagot sa apo.

Minabuti na lamang ni Camillo na manghula ng taon at 1995 ang unang pumasok sa kanyang isipan. Hinanap ito ng nasa window pero wala.

Wala na siyang maisip.

“Baka naman 1994?” bulong ni Camillo sa sarili.

Sinabi niya ito sa babaeng nasa window at jackpot, tama ang hula niya. Disyembre 18, 1994 siya bininyagan.

Print. Stamp. Sign. Bayad ng 50 pesos. At nakuha na ni Camillo ang pinakahuling papel na kailangan niya para sa kolehiyong kinailangan lamang niyang pasukan.

At ito na nga siya sa tapat ng pintuan ng CASR (Center for Admissions and Schools Relations), ito na ang pinakaunang hakbang para makamit ang kanyang pangarap                   ang maging isang tanyag na manunulat at makapagbukas ng isipan gamit ang kanyang panulat.

Bubuksan na sana ni Camillo ang pintong yari sa salamin ng may isang lalaking boluntaryong nagbukas nito para sa kanya. Dahil dito, natigilan siya at napako ang mga paa sa kinatatayuan.

“Good afternoon po!” bati ng lalaking may katangkaran ng kaunti kay Camillo. “How may I help you?”

Nanatiling nakatanga si Camillo dahil sa inasal ng nakitang nilalang sa kanyang harapan..

“Grabe...” sabi ni Camillo sa sarili. “Parang artista ang mga tao rito...nakakahiya naman...”

“Ahhm...Sir?” nagtatakang tanong ng lalaki kay Camillo. “Tuloy po-“

Hindi pa man natatapos ng lalaki ang kanyang sasabihin, biglang umalis si Camillo at tinungo ang palikuran ng nakayuko.

“Nakakahiya naman dito...mukha pa akong marungis...amoy araw pati...mag-aayos na muna ako.”

Minabuti muna ni Camillo na mag-ayos ng sarili bago pumanik sa CASR. Nais niyang maging presentable sa lahat ng taong nasa loob ng opisinang iyon at gusto niya makipantay sa ayos ng mga taong makakasalamuha niya araw-araw.

“Anong problema no’n?” nagtatakang turan ng lalaking iniwan ni Camillo. “Gwapo sana...suplado nga lang.” Sabi nito habang nakanguso sa tonong lalaking-lalaki at pagkatapos ay bumalik sa ginagawa.

Si Camillo Guillen Montallban ay ipinanganak noong ika-27 ng Setyembre, 1994. Maagang naulila sa ina na ngayon ay kasalukuyang naninirahan sa Laguna kasama ang panibago nitong pamilya. Oo nga’t nariyan ang kanyang ama, subalit mas minabuti ni Camillo na manalagi sa kanyang lolo at lola dahil sa ilegal na gawain ng nauna.

Hindi rin pahuhuli si Camillo sa usapang katalinuhan at kagwapuhan. Kahit na nga ba galing siya sa isang mahirap na pamilya, kapag siya’y iyong tiningnan, aakalain mong kasapi siya ng marangyang pamilya dahil sa puti ng kanyang kutis at magandang tindig. Nagpapaangat din sa kanyang kagwapuhan ang suot niyang walang gradong salamin ngunit nagbibigay sa kanya ng impresyong pagkamahiyain.

Pabalik na si Camillo sa CASR. Dumaan siya sa gilid nito. Siguradong makikita mo ang tao sa loob dahil sa salamin nitong pader. Habang binabagtas niya ang gilid ng opisina napansin niyang mayroong isang lalaki na nasa harap ng kompyuter na nakatitig sa kanya. Sinusundan siya nito ng tingin hanggang sa marating niya ang pintong yari sa salamin.

Bubuksan na ni Camillo ang pinto ng mapansing humangos ang lalaking nakatitig sa kanya na ngayon ay papunta sa kanyang lugar.

“Naku!” sigaw niya sa kanyang isip. “Ayan na naman si kuya. Kaya ko naman kasi ang magbukas ng pinto...” bulong ni Camillo.

Agad na tinulak ni Camillo ang pinto. Nabuksan na niya ito ng dumating ang lalaking may tindig na para bang isang modelo ng mga damit.

Humakbang si Camillo, huminto ang lalaki sa kanyang harapan, naamoy agad ni Camillo ang pabango ng binata. Walang kaalam-alam si Camillo na napapapikit na pala siya habang inaamoy ang lalaki. Iniangat rin niya ang kanyang mukha habang walang malay na lumalapit na pala ang mukha niya sa malapad na dibdib ng nasa harapan.

“Ahh...Sir?” tanong ng binata.

Bumalik sa ulirat si Camillo ng marinig ang baritonong boses. Napatayo siya ng diretso dahil sa pagkabigla.

“Ah...eh” naibulalas ni Camillo. Hindi siya makahanap ng maidadahilan, hindi niya rin matignan ng diretso ang nasa harapan.

Kung titingnan naman ang lalaki, tila natutuwa pa ito sa nangyaring paglapit ng mukha ni Camillo sa kanyang dibdib. Siguro kung sa iba nangyari ito, malamang na naitulak na si Camillo palayo.

“I’m Ron.” nakangiting pakilala ng lalaki habang inilalapit ang kanang kamay kay Camillo.

Natulala na lang si Camillo dahil sa kaninang kahihiyan. Hindi niya agad nakuha ang gustong mangyari ng lalaki sa pag-abot nito ng kamay.

“Huh?” ani Camillo ng tumingin ng may pagtatanong kay Ron.

“What’s yours?” natawang kaunti na tanong ni Ron.

Wala pa ring imik si Camillo. Inabot na lamang ni Ron ang kanang kamay ni Camillo, hinila ito ng marahan palapit sa kanyang kamay at pinaglapat ito.

“Ah...” sabi ni Camillo ng makuha ang nais ni Ron. “I’m Camillo.” sambit niya ng may pilit na ngiti dahil sa pagkapahiya.


Please subscribe:
fernandzsteppingstones.blogspot.com

Thursday, December 29, 2011

Kailangan Kita: Teaser


Kung siya ang kaligayahan mo...

Handa ka bang ipagpalit ang kahit na ano?

maging ang sariling buhay na handog sa'yo?


Sa mundong puno ng mapanghusgang mga mata,
Kaya mo bang iwaksi ang pag-ibig na...
kasalanan sa iba?


Kailangan Kita...

bukas na...












^^^^^^^^^^
Post your expectations...
and
Please do subscribe:
fernandzsteppingstones.blogspot.com

Tuesday, December 27, 2011

Love Me Like I Am (Book 2 Part 12)

Bukas ko po ipopost ang Part 13. Maaga po ako nakatulog kagabi kaya hindi ko po na-post ito. Pasensya na po. Muli, maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay, abangan ang mga huling yugto ng "LMLIA!" ^_^

----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 12: "Revelations and the Engagement..."



 


Bumungad sa akin ang isang taong nakahiga sa kama. Nababalot ng putting gasa ang mata nito. Nakabalot din ng tela ang ulo niya. Pero alam ko sa itsura niyang iyan ay may mabigat siyang karamdamang dinadala. Hindi ko alam, naguguluhan ako sa nakikita ko.

“Ely?” ang nanginginig na sabi ko.

“Hi Gab…” ang sabi niya sabay bigay ng isang pilit na ngiti, bakas sa boses ang hirap.

Tumakbo ako palapit sa aking kaibigan at yinakap ito. Kinapa rin niya ang braso ko para haplusin ito.

“Jared, anong ibig sabihin nito? Bakit nakabalot yung mata ni Ely? Bakit ganyan ang lagay niya? Bakit Jared?” ang sunud-sunod kong tanong.

Imbis na sagutin ang tanong ko’y yumuko lang siya’t napahilig sa may pader ng kwartong iyon.

“Ely… Ano ibig sabihin nito? Ely wag mong sabihing…”

“Oo Gab, ako ang donor mo. Binigay ko sa iyo ang mga mata ko.”

Hindi ako nakapag-salita, nakaramdam ako ng pangingilabot sa natuklasan ko, dagdag pa dito ang matinding pagka-awa sa kaibigan ko. Napaluhod ako kasabay nito ang paghagulgol ko. Lumapit din sa akin si Jared para yakapin ako’t himasin ang likod ko. Pansin ko din na sumunod pala sa amin si Ella na lumapit kay Ely.

“Bakit Ely? Bakit! Bakit mo iyon ginawa?” ang sigaw ko habang humahagulgol.

“Kasi Gab… ang laki ng pagkaka-sala ko sa iyo. Nang dahil sa akin kaya ka nabulag sa galit, nang dahil sa akin nabuo ang plano mong paghihiganti. Nang dahil sa akin ay kailangan mong pahirapan si Jared at itakwil ang mga magulang mo. Gab, nakunsensya ako… Hindi ko dapat hinalikan si Jared noon… Kung hindi ko ginawa iyon ay hindi ka magkakaganyan. Eto ang paraan ko para makabawi sa iyo. Kasi Gab mahal kita… mahal kita hindi lang dahil kaibigan kita kundi dahil… dahil kapatid kita.” Ang sabi niya pagkatapos ay tuluyan na siyang humagulgol.

Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa ulo ko nang marinig ko ang kanyang rebelasyon. Parang mawawalan ako ng hininga ng oras na iyon, parang unti-unting gumuho ang mundo ko. All this time, siya pala ang nawawala kong kapatid. Dumating din sa puntong nagalit ako ng todo-todo sa kanya to the point na pati siya, muntik ko ng paghigantihan.

“Ely bakit!!! Bakit ka naman ganyan Ely? Bakit hindi mo sinabi sa akin? BAKIT?” ang sigaw ko habang si Jared naman ay yakap-yakap ako para pigilan sa aking pagwawala.

“Ayokong ipaalam sa iyo Gab. Kasi… kasi ayokong mag-alala ka pa, ayokong mag-alala pa kayo sa kalagayan ko…” ang humahagulgol na rin niyang sabi.

Napatigil ako’t tinitigan siya.

“Anong kalagayan Ely?” ang nanginginig na sabi ko.

“Gab… kaya ako umuwi ay para makuha ni Jared ang right sa anak namin. At ang dahilan kung bakit gusto akong pakasalan ni Jared ay...” ang humihikbi niyang sabi, bakas sa boses at sa itsurang hirap na hirap na ito.

Hindi ko maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig, naguguluhan ako, parang nag-clash lahat sa utak ko ang mga natutuklasan ko.

“Ay ano?” ang nanginginig kong sabi.

“Gab… I’m dying…” ang mahina niyang tugon.

Sa narinig ko, wala na akong nagawa kung hindi umiyak at magsisisigaw. Hindi ko rin sinasadyang masuntok ang pader ng kwartong iyon na gawa sa kahoy. Ngayon na nagsink in sa akin ang lahat, ngayon ko na unti-unting nabuo ang puzzle sa kanyang pagbabalik kasama na rito ang planong pagpapakasal nila ni Jared.

Hindi ko alam kung gaano katagal ako sa aking pag-iyak. Napansin ko na lang na naka-upo ako sa labas ng kwartong iyon, tulala, balisa, wala sa sarili. Napansin ko rin na biglang ihinilig ni Jared ang ulo ko sa balikat niya, muli ay hindi ko napigilang humagulgol at magtanong…

“Diyos ko bakit naman po ganito? Bakit kailangan maging ganito ang lahat? Bakit ganito ang nangyayari sa pamilya ko? Ang tagal ng panahong hinanap ng mga magulang ko ang kapatid ko, pero ngayon… bakit naman po ganito? Bakit kailangan magsakripisyo ng kapatid ko? Bakit kailangan niyang mawala ng maaga?” ang sabi ko sa diyos.

“Iiyak mo lang Gab… Nandito lang ako…” ang bulong sa akin ni Jared.

Dahil dito’y napahawak ako sa kanyang kamay habang nakahilig pa rin ang ulo ko.

“Kasi naman… bakit ganito? Bakit kailangan maging ganito?”

“Gab, kagaya nga ng lagi kong sinasabi sa iyo… Lahat ng bagay may dahilan. May mabuting dahilan ang diyos kung bakit nangyayari ito... Basta kahit anong mangyari, nandito lang ako palagi… Hindi kita iiwan.” Ang malambing niyang sabi.

Sa totoo lang, na-touch ako kay Jared, kasi ba naman, after all nandito pa rin siya sa tabi ko. Hindi siya bumitiw kahit kalian.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa posisyon naming iyon.

Alas-kwatro na ng hapon ng magising ako. Bumungad sa akin ang isang malaki ngunit simple na may pagka-romantic na kwarto. Napansin kong nakahiga ako sa king-size bed na gawa sa kahoy, may mga putting tela pa na nakasabit sa apat na gilid ng kama. Tumayo ako’t tinungo ang salamin na sa kwartong iyon, hugis oblong ito at medyo mataas sa akin. Nakita ko ang pamumugto ng mata ko. Napabuntong hininga ako, naisip ko ang nangyari kanina. Muli ay hindi ko napigilang umiyak.

Nasa ganoon akong pag-iyak ng biglang…

“Gising na pala ang sleeping beauty.” Ang sabi ng lalaki na nasa may balcony.

Lumingon ako’t nakita ko si Jared, nakatayo sa balcony ng kwartong iyon. Pinuntahan ko doon at yinakap.

“Oh! Iyak ka na naman!” ang sabi niya sabay himas sa likuran ko.

“Hindi nuh! Gusto ko lang magpasalamat.”

“Wala kang dapat ipagpasalamat Gab.”

Tumingin ako sa kanyang mga mata, nakita ko na nahihirapan din siya sa nangyayari, hindi lang niya pinapakita. Naisip ko, sana ganyan ako din ako katatag.

“Jared… gusto ko pakasalan mo si Ely.” Ang mahina kong sabi.

Biglang nanlaki ang mata ni loko.

“Sure ka ba dyan Gab?”

“Oo… Gusto ko ituloy niyo yung kasal niyo.”

Tumahimik siya, at ilang sandali pa’y…

“Sa totoo lang Gab, iniisip namin kung itutuloy ba namin ang kasal o hindi… Dahil iniisip ka namin, yung kalagayan mo, alam kasi naming nasa recovery ka pa rin eh.”

Napangiti ako’t kasabay nito ang aking pag-iling.

“Okay lang. Para sa bata at para kay Ely. Jared, ito lang yung tanging paraan para mapasalamatan ko siya.”

Nakita kong ngumiti si Jared at pagkatapos ay binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

“Salamat Gab.” ang mahina niyang sabi sa akin.

Dahil sa sinabi ko, tuloy ang kasal ni Ely at Jared at nakatakda itong gawin sa lalong madaling panahon. Sinabi rin sa akin ni Jared na bilang na bilang na ang oras ni Ely kaya kailangan ng madaliin ang lahat. Pamilya ko at pamilya lang ni Jared ang dadalo sa kasal, gusto kasi ni Ely na simple lang ito’t talagang kami-kami lang ang dadalo.

Isang araw bago ang kasal, dumating ang isang taong matagal kong hinahanap kasama ang mga kasambahay namin. Pagharap na pagharap niya’y binigyan ko siya ng isang napaka-higpit na yakap.

“Namiss kita ah.”

“Mas na-miss kita Gab.” Ang mahinahon niyang sabi.

“Ace, san ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang?”

Imbis na sagutin ang tanong ko’y binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti.

“Gab… tapos na ang lahat.” Ang simpleng sagot niya.

“Ha!?!? Anong… anong tapos na ang lahat?”

“Nakakulong na si Steph.”

Tuwang-tuwa ako sa aking narinig, gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil sa wakas ay nakakulong na ang taong naging sanhi ng lahat ng problema ko. Para akong nabunutan ng isang malaking tinik na nakatusok sa puso ko sa balitang hatid niya.

“Papaanong nangyari Ace? Papaano siya nakulong?”

“Sa tulong ni Jared.”

Muli ay natahimik ako, naisip ko na may ginawa na naman para sa akin si Jared, at syempre kinilig ako.

“Papaano nangyari Ace? Ikwento mo!” ang pangungulit ko na na-eexcite.

Natawa naman siya sa reaksyon ko, halata kasing tuwang-tuwa ako sa nangyari.

“Noong panahong comatose ka, ipinasa ni Sir Angelo ang shares nito kay Jared. Ibinigay ko rin ang 50% ng shares ko kay Jared para mas mahigitan nito ang shares ni Steph na nakuha niya kay Bianca… at ang desisyon ng board? Nagwagi si Jared ngunit pagkatapos na pagkatapos ng meeting ay sinurpresa namin si Steph sa isa pa naming plano, dumating ang nanay ni Steph sa kumpanya. Binulalas nito ang lahat-lahat ng kahayupang ginawa ng kanyang anak. Si Miss Synthia ang lumapit sa amin Gab, hindi niya nakayanan ang kanyang kunsensya. Kasama niayng dumating ang mga pulis para dakipin si Steph.” ang sabi ni Ace.

“Malaking tulong ang testamentong binigay ng nanay ni Steph sa kaso, kabilang sa kanyang ibinunyag ay ang pagsagasa niya sa iyo na muntik mo ng ikamatay. Sinabi rin ng ina nito ang ginawa sa iyo ni Steph apat na taon na ang nakakaraan kung saan walang awa ka niyang pinagbababaril at hinayaang mahulog sa bangin. Inamin din ng ina niya na silang dalawa ang mastermind sa pagsunog at pagpapasabog sa kumpanya ng Papa mo. Lastly, sinabi niya na si Steph ang may kagagawan ng sunog sa bahay niyo na kinapahamak ng Papa mo. Tumestigo rin si Ella sa ginawa sa kanya at sa anak niya…Nakumbinsi rin namin ni Jared na magsalita ang mga dating tauhan ni Steph tungkol sa nalalaman nila, at kinumpirma ng mga ito ang pahayag ng kanyang ina.” Ang mahabang paliwanag pa nito.

“Anong hatol sa kanya Ace?”

“Life imprisonment.”

Alam kong masaya ako dahil sa wakas ay nabigyan na rin ng hustisya ang lahat-lahat ng ginawa niya sa akin. Dapat Masaya ako sa naging desisyon ng korte, ngunit hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng matinding awa para kay Steph. Yun bang, kahit ganoon yung ginawa niya, kahit sobra-sobra ang pagpapahirap niya sa buhay ko’y hindi ko magawang magalit sa kanya tulad ng dati. Ang tanging nararamdaman ko lang ay awa. Awa dahil sinira niya ang buhay niya, awa dahil kailangan niyang pagbayaran habang buhay sa kulungan ang mga kasalanan niya.

“Ang tahimik mo.” Puna sa akin ni Ace.

“Wala lang, naaawa kasi ako sa kanya Ace.”

“Ano ka ba Gab, she deserves it!”

“I know, pero ewan ko. Kasi Ace… I want to end the hatred. Para talagang tapos na ang lahat.”

Hindi nagsalita si Ace bagkus ay yinakap ako nito.

“It’s over Gab, there’s nothing to worry.”

Naikwento rin sa akin ni Ace na naibalik ang perang ninakaw ni Bianca sa amin four years ago. Nabanggit din ni Ace na nagkaroon ng malaking damage sa mukha ni Steph gawa ng last confrontation naming sa Ospital. Hindi na ako nakasuhan ni Steph gawa ng sinubukan talaga nilang madaliin ang kaso para makulong na ito.

Kinagabihan habang sabay-sabay kaming naghapunan sa isang malaking kubo malapit tabing dagat. Napuno ng masasayang kwentuhan at tawanan ang hapag-kainan. Lalo na’t nandyan si Inday at Enso na humihirit ng mga nakakatawang linya nila.

“Alam niyo ba nabwiset ako kanina!” ang maingay na entra ni Inday.

“Bakit teh?” ang tanong ni Enso.

“Kasi kanina naka-higa ako dyan sa buhangin, sunbating ba?” ang sabi ni Inday.

Bigla kaming nagtawanan ng sabihin niyang “sunbating” as in walang “H”.

“Inday, sunbathhhhing!” ang sabi ni kokoy na tinatalsikan pa ng laway si inday ng i-pronounce ang “H”.

“Sunbathing! Kuha mo? Hindi sunbating! Boba!” dagdag pa ni kokoy.

“Whatever kokie ko! Talsik mo lumalaway! Anyway, tapos may dalawang lalaki na tingin ng tingin at tawa ng tawa sa akin. Ngumiti lang ako at sabay sabing… Ganda ko ba? Para akong sirena ano? Tapos tumawa sila sabay sabi ba namang… Oo sirenang lantutay! Sirenang mukhang pukeng panis! At nagtatakbo ang mga walang-hiya! Kabwiset!” ang naiiritang sabi ni Inday.

Tawa kami ng tawa sa kinwuento ni Inday. Pansin kong pigil tawa si Jared, Ace, Papa at Tito Angelo samantalang kami nila Mama, Tita Jade, Ella, Ely at ibang kasambahay ay go lang sa pagtawa.

“Hay naku! Na-stress din ako kanina teh!” biglang sabat ni Enso.

“Bakla! Bakit ka naman na-stress?” si Inday

“Na-stress kaya ako dyan sa lintek na lechon na yan!” ang tukoy ni Enso sa lechong nasa lamesa.

“Ano naman meron sa lechon teh?” tanong ni Inday.

“Naku! Noong in-order ko yan kanina, nabwiset ako sa nagbabantay. Sabihin ba namang nasira raw yung panluto nila ng lechon!”

“Kalerkey!”

“I know right? Tapos sabi ba naman sa akin nung manong doon na tauhan na raw nila ang nagpapa-ikot nung lechon. Ang sabi ko naman… So ano gusto niyong gawin ko? Tulungan ko? Tulungan ko siyang paikutin yung puking-inang lechon na yan!?!?” ang pagpuputak ni Enso.

Tawanan naman kami sa sinabi ng baklang bata. Pansin kong hindi na rin napigilan ni Papa, Tito Angelo, Ace at Jared na humagalpak sa tawa.

Ilang sandali’y kinindatan ako ni Jared at pagkatapos ay nagpaalam sa amin na lalabas upang magpahangin. Makalipas ang limang minuto’y may nag-text sa akin, si Jared.

“Samahan mo naman ako. Dito lang ako sa batong inuupuan natin dati kapag sunset at sunrise.”

Tumayo ako’t nagpaalam na magpapahangin lang sandali. Kita ko naman na napangiti si Ella.

“Goodluck sa date!” ang sigaw ni Inday sa akin.

Agad namang tinampal ni Aling Minda si Inday.

“Aray naman Aling Minds!” ang sigaw ni Inday

“Ang ingay-ingay mo madinig ka ni Ma’am Ely!” ang mahinang sabat ni Aling Nelly at kurot pa dito.

“Aling Nelly, wag ka namang mangurot!”

“Anyway! Ella, kamusta ang chikahan niyo dyan ni Ely?” Ang biglang sabat ni Ace. Sabay senyas sa akin na umalis na.

Dali-dali naman akong umalis. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero parang pinagplanuhan nilang lahat ito. Sa totoo lang ay parang nakukunsensya ako dahil parang pinagtataksilan ko ang kapatid ko.

Binaybay ko ang madilim na beach, ramdam ko ang lamig ng hangin at tanging alon lang na nagmumula sa dagat ang naririnig ko. Medyo madilim ang buong kapaligiran, medyo nakakatakot ngunit dire-diretso pa rin akong naglakad.

Nang makarating ako sa harap ng malaking bato’y may biglang tumakip ng mga mata ko. Pumalag ako at nagsisisigaw ngunit...

“Ssshhh… Ako lang ito.”

Kilala ko ang boses na iyon, bigla akong napangiti. Tinanggal niya ang kamay niyang nakatakip sa mata ko’t iniharap ako sa kanya. Suot-suot niya ang putting pants at color blue na polo, dagdag pa dito na nakabukas ang lahat ng botones kaya naman kitang-kita ko ang magandang hubog ng kanyang katawan.

“Ikaw naman kasi eh!” ang sabi kong naiinis.

Ngunit imbis na sumagot ay bigla niya akong hinalikan, isang mapusok na halik. Lumaban ako, sumabay ako sa sayaw ng aming labi kasama ang aming dila. Bigla niyang inilapit ang katawan ko sa kanya. Naradaman ko ang kuryenteng bumabalot sa kanyang katawan at ang init nito na pumapaso sa aking balat. Naramdaman ko na lang ang paglikot ng kanyang kamay at ganoon rin ang sa akin. Ilang sandali pa’y bumalik ako sa katinuan at pwersang inilayo ang sarili ko sa kanya.

“Jared… Hindi tama.”

“Anong hindi tama? Mali bang mahalin kita?”

“Hindi tama kasi ikakasal ka na.”

“Para lang iyon sa anak namin, pero Gab ikaw ang mahal ko. Alam mo yan.”

“Jared don’t be selfish! Masasaktan si Ely! Masasaktan ang kapatid ko! Jared, ikaw na rin ang may sabing bilang na bilang na ang oras niya.”

“I know, pero gusto kong ipadama sa iyo na mahal kita Gab. Ayoko ring nahihirapan ka.”

“Jared, okay lang ako. Sige na, bumalik na tayo doon.” Ang sabi ko sabay talikod

“Wait!” bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“I want to show you something.” Ang malambing niyang sabi sabay hatak sa akin.

Wala na akong magawa kung hindi sumunod. Ngayon ko napatunayang kahinaan ko talaga ang lalaking ito. Haayyy.

Dinala niya ako sa isang sulok ng isla, mapuno ang lugar na iyon at medyo madilim ngunit hindi pa rin ito nalalayo sa tabing-dagat. Bumungad sa akin ang isang maliit na bonfire at isang tent. Umupo kami sa labas noon at nag-umpisang mag-usap. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga buhay-buhay, sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay biglang siyang tumahimik at ganoon din ako. Napuno ng katahimikan ang buong lugar, tanging hampas lang ng dagat at wagayway ng mga dahon ang aming naririnig.

“Tahimik mo…” ang pagbasag ko ng katahimikan.

“Wala lang… Iniisip ko lang kung tama ba ang gagawin ko bukas.” Tukoy niya sa kasal.

“Jared… Napag-usapan na natin ito di ba?”

“Alam ko, pero kasi di ba? Marriage is a choice. Nagpapakasal ang isang tao dahil gusto nitong maging masaya, at ang dahilan ng pagpapakasal ay dahil sa mahal mo ang taong pakakasalan mo. Other reasons than that is not necessary.” Ang matigas at diretso niyang sabi.

Hindi na ako umimik, alam kong may punto siya. Ilang sandali pa’y hinawakan niya ang aking kamay.

“Gab… Ikaw ang gusto kong pakasalan.”

Nanlaki ang mata ko sa nadinig, bigla akong napatingin sa kanya gawa ng hindi ko inaasahang sasabihin niya sa akin iyon.

“Jared!” ang pasigaw kong sabi.

“Gab, Mahal mo ba ako?”

“Jared, tigilan natin ito ok?” ang sabi kong naiirita na.

“Mahal mo ba ako!?!?” ang sigaw niya.

“Oo mahal kita pero…”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko gawa ng bigla niya akong hinalikan. Madiin niyang hinawakan ang aking braso’t inilock ito para hindi ako makapalag. Hindi ko namalayang lumalaban na rin ako sa halik na iyon. Ilang sandali pa’y kumalas siya’t marahang kinuha ang kamay ko.

“Gab... will you marry me?” ang seryoso niyang tanong.

“Jared ano ba!” ang sabi ko sabay talikod ngunit hinatak niya ang braso ko.

“Mahal mo ba ako?”

“Ano ba namang tanong yan Jared!”

“Oo o hindi lang.”

“Mahal kita!”

“So… will you marry me?”

“Ehh kasi.”

“Kung mahal mo ako, pakakasalan mo ako.” Ang sabi niyang bakas sa boses ang pagkairita.

“Oo na! Mahal kita!”

“Para ka namang napilitan eh.”

“Mahal naman kita pero hindi naman kasi tayo pupwedeng ikasal. Lalo na si Ely---“

“Wag mo siyang isipin.” Ang maiksing tugon nito.

Pagkasabi niya ng katagang iyon ay napansin kong may kinuha siya sa kanyang bulsa. Iniabot niya sa akin ang isang maliit na box.

“Buksan mo.”

Hindi ko maipaliwanag ang excitement ng mga oras na iyon, nanginginig kong binuksan ang box at laking gulat ko sa aking nakita, ang singising naming dalawa.

“Papaano napunta sa iyo ang singsing ko?”

“Noong maaksidente ka, binigay sa akin ng nurse yan.”

“Gab, mula noong una tayong magkakilala minahal na kita, noon pa mang mga bata pa tayo alam kong mahal na kita, mahal na mahal. Kaya ako naging isang Jared Earl Cruz dahil sa iyo, ikaw ang naging inspirasyon ko, you made me a better person. Mahal kita Gab at walang ibang bagay dito sa mundo ang kayang humigit doon. Lahat ipagpapalit ko, makasama ka lang. Gab. ikaw lang ang minahal ko ng ganito, at alam kong kahit ilang libong beses man tayong magkahiwalay, ikaw at ikaw lang din ang mamahal nito.” Sabay turo sa puso niya.
Pagkasabi niya noon ay tumayo siya’t inalalayan din niya akong tumayo. Hinugot niya rin ang kanyang cellphone at pinatugtog ang isang kantang malapit sa aming dalawa.

Rascal Flatts - Like I Am

Powered by mp3skull.com

“Will you marry me?”

Muli ay tumaas ang kilay ko.

“Mahal mo ba ako?” ang pasigaw niyang tanong.

“Oo nga!”

“Oh! Edi umpisahan na natin.”

“Ha?”

“Wag kang mag-maang maangan Gab alam kong naiintindihan mo ang ibig kong sabihin.” ang sabi niya sabay ngiting pilyo.

Hindi ko alam pero biglang may pumasok na kahalayan sa utak ko.

“Uuuyyy… namumula siya oh. Iba ang gusto niya.” Ang pang-aalaska ni gago.

“Tigilan mo ako!”

"Malibog ka!"


"Hoy Jared, sino kaya sa atin ang masmalibog aber? Sino kaya ang madaling..."


"Ano?"


"Wala!"


"Madaling tigasan..." ang pabulong kong sabi.


"Ano iyon?"

"Wala!!!" ang depensa ko.

Kinuha niya ang kamay ko ‘t isinuot ang singsing dito, at ganoon din ang ginawa ko.

“Engage na tayo!” ang masayang sabi niya.

“Ha?” ang maang-maangan kong tugon.

“Ayaw mo?”

“Eh… Gusto!” ang sabi kong kinikilig.

“Ayun naman pala eh.” Ang ngiti-ngiting sabi nito at pagkatapos ay yinakap ako.

Nauwi ang yakapan na iyon sa pagsayaw naming dalawa. Hindi namin namalayang sinasabayan na pala namin ang background music na paulit-ulit na nagpi-play. Ilang sandali pa’y hinarap niya ang mukha ko sa kanya at marahan nitong hinalikan ang labi ko. Mula sa simpleng halik ay nauwi ito sa isang mapusok at maalab na halik. Tanging bonfire, mga puno, at malalaking bato sa paligid ang naging saksi sa aming paghahalikan.

(ITUTULOY)

Wednesday, December 21, 2011

Love Me Like I Am (Book 2 Part 11)

Bukas ko po ipopost yung Part 12. Pasensya po sa delay, finals po kasi namin eh. Anyway, sana po ay magustuhan niyo ang part na ito na talaga namang umikot ang ulo ko sa pag-gawa. Hehehe. Muli, maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay, abangan ang mga huling yugto ng "LMLIA!" ^_^

----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 11: "Darkness..."



 


“Kuya. Kuya gising.”

Kasabay ng pagdilat ng aking mata ay siya ding pag-angat ng aking ulo na nakahilig sa braso ng aking mahal.

“Kuya kain na bumili ako ng pagkain.”

“Wala akong gana Angel.”

“Kuya, kailangan mong kumain, nangangangayat ka na ohh.”

Hindi ako umimik. Tinuon ko ang mata ko sa mahal kong nakaratay ngayon. Kasama kong nakita ang mga makina na nakakabit sa katawan niya para lang mabuhay siya. Para akong paulit-ulit na pinapatay sa tuwing makikita ko siya kalagayanan niyang iyan. Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit. Kung pupwede ko lang akuhin ang hirap at sakit na nararanasan niya ngayon ay gagawin ko. Sobra-sobra na kasing paghihirap ng mahal ko eh.

Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko.

“Kuya.” ang sabi ni Ella kasabay ng pagpunas ng luha ko.

“Bakit ganito ang nangyari Angel? Bakit kailangan niyang maghirap ng ganito? Bakit niya kailangang paulit-ulit na masaktan?”

“Ssshhh. Kuya tama na.” sabay yakap sa akin.

“Bakit kailang maging ganito ang lahat? Ang lahat sa amin? Bakit Angel?? Bakit niya kailagang magdusa? Wala naman siyang ibang ninais kundi ang may mag-alaga’t magmahal sa kanya di ba? Bakit ganito kasama ang kapalaran sa kanya?” ang humahagulgol kong sabi.

“Kuya making ka.. ok? Makinig ka.” ang sabi niya kasabay nitong iniharap ang mukha ko sa kanya.

“Kuya sa totoo lang hindi ko alam kung bakit. Pero lahat ng bagay may dahilan. Kuya, magpakatatag ka, para kay Gab.” ang sabi niya na umiiyak na din.

Yinakap niya ako at ganun din siya, pinalabas namin ang pagdadalamhating nararamdaman sa isa’t-isa.

Nasa ganoon kaming pag-iyak ng biglang may pumasok sa pinto. Lumantad sa akin si Enso, Aling Nelly, Aling Minda, Inday, Kokoy, at Totoy. Sinarado ni Totoy ang pinto.

“Kuya Jared, kamusta na si Kuya Gab?” ang malungkot na tanong niya.

“Ganoon pa rin daw Enso.”

“Kailan ba siya magigising kuya? Mag-lilimang buwan na siya diyan ehh.” ang naluluhang sabi ni Enso.

“Gigising din ang kuya Gab mo Enso. Nagpapahinga lang siya, kailangan niya lang magpahinga mula sa...” ang hindi ko natapos na sabi gawa ng nag-crack nanaman ang boses ko.

“Mula saan?” ang tanong ni Enso.

Huminga ako kasabay nito ang pagbulalas ko ng gusto kong sabihin.

“Mula sa mapait na mundo. Kailangan niya lang ng enough time para magpagaling.”

Pagkatapos nito ay yinakap ako ng bata. Ramdam ko ang luha niyang tumutulo sa balikat ko.

“Dapat kasi ako nandyan ehh, dapat ako ang nakaratay dyan hindi si Kuya Gab.” ang humahagulgol niyang sabi.

“Wag mong isipin yan Enso, aksidente ang nangyari ehh.Wala kang kasalanan.” ang sabi ko.

Lumapit si Aling Nelly para himasin ang likod ni Enso at pakalmahin ito.

Ilang sandali pa ay biglang may nag-ring. Nakita kong hinugot ni Inday ang kanyang Cellphone. Si Inday kasi ang sumasagot sa lahat ng tawag sa bahay nila Gab.

“Eto nanaman!” ang sabi niyang may bahid ng pagka-irita. Nagpunas din ng luha si inday, umiiyak din pala siya.

“Bakit sino ba yan?” ang sabi ni Aling Minda.

“Aling Minda, eto yung  kinukwento ko sa iyo nung isang araw na tawag ng tawag, hinahanap si Sir Ace at Sir Gab. Hindi ko naman maibigay kay Sir Ace dahil nagkukulong sa kwarto’t ayaw makipag-usap kahit kanino.”

“Sagutin mo Inday, Loud speaker ha.” Ang sabi ni Kokoy.

“Okey Kokiiee!” ang malanding sabi nito.

“Hallerryy Alvarez Residence. Inday on the line how may I help ya?” ang malanding sabi nito kahit nasa ospital kami. Pinindot niya din ang loud speaker.

“Ikaw na namang bobita ka!” ang sigaw ng babaeng nasa kabilang linya.

“Si Steph!” ang sabi ko sa sarili ko.

“Ineng, Ate, Mare, Manang, Mamita, Majordoma, whatevah! Wala kang magagawa teh! Ako talaga ang taga-sagot ng lahat ng tawag sa bahay na itey!” ang sabi ni Inday na nang-iinis pa.

“Dyan ka naman magaling eh, ang sumagot ng tawag dahil boba ka! Wala kang utak! Wala kang pinag-aralan! Hampaslupa!” ang sigaw ni Steph kay Inday.

“Same on you! I mean in you! Ay! Mali! To you! Ahahaha!!” ang paenglish-english pa ni inday kasabay ang paghalakhak nito.

“Hoy ha, bwisit na bwisit na ako sa iyo! Baka gusto mong pasabugin ko yang bunganga mo? Nasaan si Ace? Nasaan si Gabrie?” ang pagpuputak ulit ni Steph.

“I said you, I mean... I told you. Ahahaha!!” sabay halakhak na nang-iinis pa.

“Ayaw tumanggap ni Sir Ace ng kahit kaninong tawag, lalo na sa walang name at fez na kagaya mo.” Dagdag pa ni Inday.

“Hoy muchacha kang hampaslupa ka! Hindi mo kilala ang kausap mo!”

“Talagang hindi ko kilala dahil hindi ka naman nagpapakilala! Siguro pinanganak kang walang pangalan ano? Bruhang ito!”

“Hoy! Eto tandaan mo ha, isaksak mo sa maliit mong utak ang pangalang ito. Stephanie Isis Valencia Aragon, Tonta! Sabihin mo din sa dalawang amo mo na malapit na mapasa-akin ang majority ng AL-UR Inc.” ang mayabang na sabi nito.

“Huwaaaw!! Ang haba naman ng pangalan mo teh! Stephanie Isis Valencia Aragon Tonta! Hahaha!! Tonta ka nga talaga Miss Tonta!” ang sabi ni Inday sabay halakhak.

“AAARRRGGGHHH!!!” ang pagsisigaw nito kasabay nito ang pag-end call niya.

“Ay! Binaba na ni Miss Tonta ang phone!” ang sabi ni Inday.

“Papaanong mapapasakanya ang kumpanya!?!” ang biglang sigaw ni Kokoy, halata sa mukha ang pag-aalala.

“Bago nangyari ang aksidente ni Gab, napag-usapan na namin ni Ace na merong mga members ng board na kasabwat ni Steph. At sa nangyari kay Gab, ginamit na ni Steph ang pagkakataon para makuha ang kumpanya. Sa ngayon, malamang ay nakuha na niya ang loob ng board dahil wala ni-isa kina Gab at Ace ang lumilitaw.” Ang pagpapaliwanag ko.

“Ehh kuya sabihin mo na kaya sa board ang nangyari kay Gab?” ang sabi ni Ella.

Nag-isip ako, kung gagawin ko ito ay magpa-panic ang board members. At kapag nangyari yun, malamang ay makuha na nga ni Steph ang buong kumpanya. Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang nagsalita si Kokoy.

“Nagtataka lang ako Sir Jared, papaanong makukuha ng Steph na yun yung company? Di ba wala na siyang pera?” ang tanong niya.

Umiling ako.

“Remember Bianca? Yung pinsan ni Steph? Ace told me na merong company shares na naipasa ng Lolo ni Gab kay Bianca. Dagdag pa dito, may nawawalang 1 Billion sa account ni Don Raphael. Nawala iyon bago mamatay si Bianca. Nasabi din sa akin ni Ace na merong access si Bianca sa account ni Don Raphael.” ang paliwanag ko sa kanila.

“So Kuya, you’re telling me na nakuha ni Steph ang lahat ng iyon?” sabi ni Angel.

“Yes, She’s the legal Heir, by blood, Aragon si Bianca and so is Steph. Kung buhay ang Daddy ni Steph sa kanya mapupunta iyon but since patay na ang daddy niya. Steph is the rightful heir sa mga properties ni Bianca since unica hija din siya.”

“Anong gagawin natin? Hind pupwedeng mapunta sa bruha na iyon ang kumpanya.” ang sabi ni Kokoy.

“Enso, hindi mo ba talaga namukaan yung bumangga kay Gab?” dagdag pa ni Kokoy.

“Hindi eh. Pero sure akong si Steph yun. Bigla na lang nawala ang hayup na iyon after ng confrontation nila ni Kuya Gab sa Hospital eh. Isa pang napansin ko ay may gasang nakabalot sa mukha nung driver, dagdag pa dito yung scarf na nakapulupot sa leeg niya, parang kay Steph.” ang sabi ni Enso.

“Angel, kamusta ang kaso na isinampa niyo kay Steph?”

Imbis na sumagot ay tingin lang ang ginawa ng kapatid ko. Ilang sandali pa ay huminga ito ng malalim at sinabi ang isang bagay na nagpagulat sa akin.

“Iniurong ko ang kaso.”

“WHAT!?!? Bakit mo ginawa iyon Angel?” ang pagtaas ng boses ko.

“Kuya, tinakot ako ni Steph na kapag tinuloy ko ang kaso, ay sasampahan niya ng kaso si Gab sa pambubugbog sa kanya at sa damage na nagawa ni Gab sa mukha niya.”

“Pero Angel!” ang malakas na tono kong sabi.

“Violence Against Women and Children ang ikakaso ni Steph kay Gab. Kuya, kahit saang anggulo ay makukulong si Gab. Oo nagawa niya yun dahil nalagay sa piligro ang buhay ko at ang buhay ng anak namin. Pero kahit anong gawin natin ay wala tayong lusot kuya. Makukulong at makukulong si Gab.” Ang humahagulgol na sabi ng kapatid ko.

Hindi ako agad nakapag-salita. Nanlumo ako sa aking nadinig. Naisip ko tuloy, kapag nagising si Gab ay malaking posibilidad na makulong siya. Oo buhay nga siya pero nakakulong naman.

Nagkaroon ako ng matinding galit kay Steph. Ang lakas ng loob niya na gawin iyon. Siya na nga ang nagpahamak sa buhay ng kapatid at pamangkin ko, siya pa itong may lakas ng loob na magsampa ng demanda.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, yinakap ko na lang ang kapatid ko.

“Wag ka ng umiyak Angel. Nakakasama sa pamangkin ko yan eh.” Ang sabi ko sa kanya.

“Ikaw naman kasi eh.” ang sabi niya sabay hampas sa braso ko.

Pitong buwan ng buntis ang kapatid ko, kahit ganito ang kalagayan niya ay araw-araw itong nagbabantay kay Gab kasama ko. Nasa ganoon kaming lagay ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Linuwa nito si Papa at si Mama. Umuwi sila galing states kasama sina Tito Luis at Tita Tess nang mabalitaan nila ang nangyari kay Gab. Nag-beso ako sa kanila at pagkatapos ay…

“Jared anak, Pupwede ba kitang makausap?”

“Tungkol saan Pa?”

Hinatak ako ni papa palabas ng kwarto at dinala sa isang sulok. Umupo kami doon, ilang sandali pa ay ini-abot niya sa akin ang isang documento.

Kinuha ko ito at binuksan. Binasa ko ang nakasaad dito at nagulat ako sa aking nabasa.

“You’re giving all your shares sa akin!?!? Pa, Bakit??” ang gulat na gulat kong sabi.

“Jared, inagawa ko ito, dahil kailangan. Anak alam kong ikaw lang ang makakasalba ng kumpanya nila Gab mula kay Steph.” Ang sabi ni Papa.

Part si Papa ng board kaya alam niya ang nangyayari sa kumpanya.

“Pa!”

“Ace told me everything. Gab trusted your ability, and so is Ace. Actually si Ace ang nag-propose nito.”

Nagulat ako sa sinabi ni Papa, I can’t believe that Ace wants me to take the company.

“Pero Pa, di ba dapat si Ace ang lumaban para dito?”

“Wala ng tiwala ang Board kay Ace. Kay Gab lang nakikinig ang board. At sa situasyon ngayon, unti-unti ng nakukuha ni Steph ang loob ng board. But Jared, remember how you save the company from the scandals na pinakalat dati ni Steph? Naalala mo ba kung papaano mo nalinis ang pangalan mo at pangalan ni Gab sa public? Naalala mo ba kung papaano bumilib ang lahat sa isang trainee na kagaya mo? They believe in your capabilities, And I know that they believe in your ability to lead the company like Gab. Or should I say--- Erick.” Sabay kindat at ngiti.

“But I’m just a trainee Pa, I’m just Jared Earl Cruz, I mean, I can’t be like Gab or Erick na ganoon kagaling. I mean, Gab is like a Great Wall. A shinning wall na kung sino man ang bumangga ay natutumba. A powerful tychoon.”

“Anak, isipin mo na lang. Ano ba si Gab noon?”

Sa simpleng salitang iyon, natahimik ako. Tama si Papa. Now I realize, like Gab, kulang ako ng bilib sa sarili ko. May paninindigan, pero kulang sa gawa.

Naisip ko tuloy ang nangyari sa amin dati ni Gab. Kung naging matapang lang ako noon, edi sana hindi nagalit si Gab sa akin at hindi rin siya lumayo. Pero naisip ko din noong isinakatuparan ko ang paninindigan ko, ang paniniwala ko, ay nagbalik ang dating Gabriel. Kasama ang pagmamahal niya sa akin.

“Tama ka Pa..”

“So. Tinatanggap mo na? You will hold a big amount of shares Jared.” Ang pagsisigurado niya.

“Yes, I will! Gagawin ko ito para kay Gab.” ang sabi ko. Buo na ang loob ko.

“Then pirmahan mo na ang documentong yan. Paalala ko lang anak, tuso ang makakalaban mo.”

“I know Pa, but I think I’m ready. Ready to fight for Gab.” ang matigas ko sabi.

Inakbayan ako ni Papa at pagkatapos ay sinabi niyang.

“I’m proud of you son.”

“Thanks Pa.” ang sabi ko kasabay ang pagyakap ko dito.

The moment I accept this battle is the moment that I start to fight for Gab kay Steph. Bahala na kung saan hahantong ang laban na ito, pero sisiguraduhin kong hindi ko bibiguin si Ace, si Mama, si Papa, at si Gab.

Kinagabihan ng araw ring iyon, nagbabantay pa rin kami kay Gab ng bigla kong naitanong ang sila Tito Luis at Tita Tess.

“Pa, Ma, sila Tito and Tita po?” ang tanong ko sa kanila tungkol sa parents ni Gab.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay nagkatinginan lang sila.

“Why? What’s wrong? Anong nangyari?” ang sunud-sunod kong tanong.

Yumuko si Papa at tumingin si Mama sa akin, isang buntong hininga ang ginawa niya.

“Anak kasi…”

“Kasi ano Ma?”

“They’ll going to meet their daughter. Gab’s lost twin sister.”

Nanlaki ang mata ko sa aking nadinig. Hindi makapaniwala sa aking nalaman.

“Papaano!?!? I mean, papaano nila na-confirm na siya nga ang kapatid ni Gab??”

“Ako kuya.” ang sabi ni Ella na nanggaling sa labas ng kwarto.

“Sinabi ko na sa kanila ang totoo.” Dagdag pa nito.

“Anong totoo Angel?” ang naguguluhan kong sabi.

Yumuko siya, humugot ng lakas para makapagsalita.

“Kuya kasi… Matagal ko ng alam.” ang nanginginig pa rin niyang sabi.

“Kailan pa ito?” ang mahina kong tanong.

“Pagkagaling niyo ni Gab ng Paris kuya. Kuya, hindi ko masabi sa inyo ni Gab kasi nakiusap siya… Kasi...” ang umiiyak niyang sabi.

“Kasi ano? Angel ano!?!?” ang sigaw ko.

“Jared! Tama na yan!” ang sigaw sa akin ni Mama.

“Kuya kasi, ayaw niyang may ibang makaalam ng dinadala niya, ayaw niyang malaman ng kahit na sino sa atin ang mabigat na dinadala niya!” ang sigaw niya sa akin.
Hindi na ako nagsalita, tumingin ako sa kisame sabay sabing…

“Sino siya Angel? Gusto ko siyang makita’t makausap.” ang sabi ko sabay tingin sa kanya ng diretso.

Hindi agad nakakibo ang kapatid ko, naupo siya at sinabi ang pangalan ng kapatid ng mahal ko. Sa pagbulalas ni Ella ng katotohanan ay siya ding pagkawala ng aking emosyon.


=====PAGLALAHAD NI GAB=====


“Gab ito na... Ito na ang kabayaran ng poot at paghihiganti.” ang sabi niya sa akin.

“Anong ibig mong sabihin kuya?” ang naguguluhan kong tanong.

“Bunso, sana pagkatapos nito ay imulat mo ang iyong mga mata sa katotohanan. Hayaan mong tuluyan ng mapawi ang galit na nasa puso mo. Tama na Gab.” ang mahinahon niyang sabi.

“Kuya hindi kita maintindihan ehh.”

“Sana, sa muling pagdilat ng iyong mata, sa muling pagkita mo ng liwanag ay siya ding pagkamulat mo sa katotohanan. Katotohanang walang patutunguhan ang poot. At... katotohanang matagal mo ng dapat nalaman.”

Hindi pa ako nakakapag-salita ng bigla niya akong yakapin. Ang dami kong gustong itanong, ang dami ko malaman, ngunit hindi na ako makapagsalita.
Ilang sandali pa ay biglang napawi si Kuya sa aking paningin. I saw black, darkness. As in pure darkness. Ramdam ko rin na parang may bendang nakabalot sa mata ko.
Ilang sandali pa ay nadinig kong may nag-uusap.

“Ano bang nangyari sa anak natin Luis?” ang sabi ng babae sa may bandang tabi ko, bakas sa boses ang pag-iyak nito.

Si Mama!” ang sigaw ko sa sarili ko.

“Diyos ko! Bakit ganito ang nangyayari sa pamilya natin Luis? Si Gab, nasa alanganin ang kalagayan. Ang kapatid naman niya’y…”

Imbis na tapusin ang sinasabi niya’y humagulgol na lang ito.

Sa pagkakataong ito, nakaramdam ako ng matinding awa kay Mama. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko sinabing hindi ko sila kilala. Nagsisisi ako sa lahat ng mga nagawa ko, dahil hindi lang ako ang nahihirpaan, kundi pati ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Dahil dito, hindi ko napigilang lumuha.

“Luis! Si Gabriel!” ang sigaw ni Mama.

Nadinig kong bumukas ang pintuan.

“Gabriel anak! Nadidinig mo ba ako? Nadidinig mo ba si Mama? Magsalita ka naman oh.” Ang umiiyak na sabi ni Mama.

“M-Ma…” ang sabi ko, bakas sa boses ang hirap.

“Diyos ko! Gising na ang anak ko!”

Pagkatapos sabihin ni Mama ang katagang iyon ay nadinig kong may mga yapak ng sapatos galing sa labas papalapit sa akin. Iyon ang huli kong natandaan.

Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog, ngunit sa aking pagising ay may isang taong naramdaman kong nakahawak sa aking braso. Bumulong siya.

“Hindi kita iiwan, lagi lang akong nandito sa tabi mo… mahal na mahal kita.” Bakas sa boses na umiiyak ito.

Si Jared!” ang sigaw ko sa isip ko.

At kasabay nito’y nadinig kong nag-play ang isang kanta. Isang kanta na naging dahilan ng muli naming pagkikita, at pagpapatuloy ng naudlot na pagkakaibigan.









Josh Wilson - Before The Morning
Mp3-Codes.com



Do you wonder why you have to,
feel the things that hurt you,
if there's a God who loves you,
where is He now?

Maybe, there are things you can't see
and all those things are happening
to bring a better ending
some day, some how, you'll see, you'll see

Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming

so hold on, you got to wait for the light
press on, just fight the good fight
because the pain you've been feeling,
it's just the dark before the morning

My friend, you know how this all ends
and you know where you're going,
you just don't know how you get there
so just say a prayer.
and hold on, cause there's good who love God,
life is not a snapshot, it might take a little time,
but you'll see the bigger picture

Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming

so hold on, you got to wait for the light
press on, just fight the good fight
because the pain you've been feeling,
it's just the dark before the morning
yeah, yeah,
before the morning,
yeah, yeah

Once you feel the way of glory,
all your pain will fade to memory
once you feel the way of glory,
all your pain will fade to memory
memory, memory, yeah

Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming

Would dare you, would you dare, to believe,
that you still have a reason to sing,
'cause the pain you've been feeling,
can't compare to the joy that's coming

com'n, you got to wait for the light
press on, just fight the good fight
because the pain you've been feeling,
it's just the hurt before the healing
the pain you've been feeling,
just the dark before the morning
before the morning, yeah, yeah
before the morning



Habang nagpi-play ang tugtog ay sinabayan niya rin ito ng kanta. Nasa kalagitnaan pa lang ng kanta’y hindi ko napigilang lumuha. Biglang humigpit ang hawak niya sa braso ko ng tumulo ang aking luha.

Nang matapos ang kanta’y nag-salita siya.

“Kamusta ka na Gab? Kamusta ang nararamdaman mo ngayon?” ang mahina niyang sabi habang pinipisil-pisil ang aking braso.

“Bakit wala akong makita Jared?” ang diretsong tanong ko sa kanya.


Hindi siya naka-sagot. Nadinig ko na lang ang paghagulgol niya. Hinalikan niya din ang aking pisngi at inihilig ang ulo sa aking braso. Dahil dito, nakaramdam ako ng takot, matinding takot.

“Jared sagutin mo ako! Bakit wala akong makita?” ang pagsisigaw ko.

Nasa ganoon akong pagsisigaw ng biglang bumukas ang pinto.

“Gab, anak…”

“Ma?”

“Gabriel!” ang sigaw niya sabay yakap sa katawan ko.

“Ma, na-miss kita. Sorry po sa ginawa ko ha?”

“Ssshhh… Wag mo ng isipin iyon anak.” Ang sabi niya sabay punas ng luha ko na dumadaloy sa pisngi.

“Ma, bakit wala po akong makita?” ang takot kong sabi.

Imbis na sumagot ay nadinig ko ang kanyang paghagulgol.

“Mama, bakit po wala akong makita? Bakit hindi ko kayo makita ni Jared? Ma sagutin niyo ako!” ang pagsisigaw at pag-iyak ko.

“Kasi anak… N-nasira ang mata mo.” Ang nanginginig niyang sabi.

Parang gumuho ang mundo ko nang madinig ko ang katagang iyon. Parang nawalan ako ng ganang ipagpatuloy pa ang buhay ko. Naalala ko tuloy ang sinabi ko dati kay Jared; ang pagkabulag ay isa sa aking pinaka-kinatatakutan. Heto, nangyari na nga… Ayokong mamuhay bilang isang bulag. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang ako kesa mabulag ako habang buhay.

“Hindi totoo yan… Hindi totoo yan!!!” ang pagsisigaw ko kasabay nito’y pagwawala ko. Hinugot ko rin ang dextrose na nakakabit sa akin.

Ramdam kong yinakap ako ni Mama, samantalang naramdaman ko naman ang mga kamay at braso ni Jared na pumipigil sa akin.

“Ma, hindi ako pupwedeng mabulag Ma! Natatakot ako Mama!” ang pag-iiyak at pagsisigaw ko.

“Huminahon ka anak. Gagawan natin ng paraan ha?” ang sabi niya habang yakap ako.

“Jared… Please… Jared ayokong mabulag... Ayoko!!!” ang pagsisigaw at pagwawala ko pa rin.

“Nandito lang ako Gab, hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Kumalma ka lang please. Hindi makakatulong yan eh. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.”

“Jared hirap na  hirap na ako! Wala ng mashihirap pa sa situasyon ko! Kumuha kayo ng kutsilyo’t saksakin niyo na lang ako para mamatay na ako!” ang sigaw ko sa kanya.

Nasa ganoon akong pag-iyak at pagwawala ng naramdaman kong may sinaksak silang karayom sa aking braso. Malamang pampatulog ito para kumalma ako. Ilang sandali pa’y umepekto na ang gamot.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog. Sa aking pagising ay siya ding pagtahimik ko. Hindi ko sila masyado kinakausap dahil ang gusto ko na lang ngayon ay mamatay na lang ako para matapos na ang paghihirap ko.

Ilang araw rin akong nakaratay sa ospital. May mga bumisita sa aking kamag-anak, mga kaibigan, kaklase noong high school na humingi ng tawad at binigay ko naman. Dahil dito, kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam ko. Naramdaman kong napaka-selfish ko dahil merong mga taong gusto akong mabuhay at lumaban, samantalang ako gusto ko ng tapusin ito.

Isang araw, naka-upo ako sa wheel-chair noon kasama ang nurse at si Ella.

“Ella…”

“Yes Gab?”

“Alam mo, mabuti na rin sigurong nabulag ako nuh?”

“Bakit naman?”

“Kasi… Masyado ng maraming kasamaang nakita ang mga mata ko. Masyado ng maraming negatibong imahe ang nakita ng mata kong ito. Masyado na rin itong nabulag sa galit, sa paghihiganti... dapat ng itapon, dapat ng palitan.” Ang seryoso kong paliwanag.
Imbis na sumagot ay binago niya ang usapan namin.

“Gab…”

“Yes Ella?”

“8 months na ang anak natin.” Ang masaya niyang sabi.

Ngiti lang ang sagot ko. Muli ay naramdaman kong dapat akong lumaban para sa magiging anak ko.

“Inaalagaan mo ba yan ha?”

“Oo naman nuh!”

“Good. Naku! Mamaya niyan pinapagod mo yang bata. Araw-araw ka kasing nandito eh.”

“Hindi nuh! Kung pupwede ko nga lang ipakita sa iyo yung ultra-sound eh para makita mo kung gaano ka-gwapo ang bata kagaya mo.” Ang masigla niyang sabi.

Natuwa ako sa sinabi niya, but at the same time, naramdaman ko ang pagka-awa sa sarili… dahil bulag ako.

“Gab, wag ka ng malungkot.” Ang sabi niya.

Napansin niya siguro ang pagtahimik ko.

“Lahat ng pagdurusa, lahat ng paghihirap, lahat ng iyan, natatapos din.” Ang casual niyang sabi.

Hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig doon, gusto ba niyang isipin kong may pag-asa pa sa kalagayan ko? Kasi sa totoo lang, hindi ko na iniisip na gagaling pa ako, na makakakita pa ako. Oo, nag-fufunction ng maayos ang lahat ng parte ng katawan ko, pero bulag naman ako. So what’s the use?

“Hay Ella.” Ang sabi ko na lang.

“Basta Gab, trust in God… Alam kong kaya mo yan. Malay mo, few days later magaling ka na. Basta lagi ka lang maging handa Gab. Laging Handa.” ang sabi niya, halata sa tono ang saya nito.

Hindi ko na lang pinansin iyon, imbis ay nanalangin ako.

“Kayo na pong bahala sa akin. Kung may mahihiling man ako, yun ay sana… Mahanap na ang kapatid ko. Sana maging maayos ang problema sa kumpanya, at sana… Maging maayos na ang lahat.”

Isang araw, sinabihan ako ni Mama na meron daw gagawin sa akin kaya patutulugin nila ako. Hindi na ako nagtanong pa kung ano pa iyon.Nang magising ako ay parang wala namang pinagbago, ganoon pa rin. Pero kagaya ng hiniling ko noong isang araw, sana nakatulong ang ginawa sa akin kung anuman iyon.

Isang araw…

“Gab anak, wag kang malikot ha?” ang sabi ni Mama.

“Bakit Ma?”

“Basta anak…”

Ilang sandali pa’y naramdaman kong tinatanggal nila ang benda sa aking mata.

“Now Gab, slowly… Idilat mo ang mga mata mo.” Ang sabi ng doctor.

Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan ng loob. Naisip ko bigla yung sinabi sa akin ni Ella at sinabi ni Mama na may gagawin sila sa akin.

“Makakakita na kaya ako?” ang na-eexcite kong sabi sa sarili ko.

Pagdilat ko ng mga mata ko’y nakita ko na medyo madilim na hindi ko maintindihan. Ilang sandali pa ay may mga tao akong naaninag. Unti-unti, nakita kong luminaw ito at nakita ko yung Nurse, si Doc, mga kasambahay namin, si Tito Angelo, si Tita Jade, si Mama, si Papa, si Ella, at si Jared.

Napangiti ako kasabay ang pagtulo ng luha ko senyales na nakakakita na ako.
Bigla silang nagpalakpakan, lumapit si Mama, si Papa, at si Jared.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ng mga oras na iyon. Parang daig ko pa ang nanalo sa lotto. Naalala ko tuloy ang sinasabi sa kantang “Before the Morning”, na sa bawat pagsubok, sa bawat sakit, sa bawat paghihirap, sa bawat pagdurusa, mayroon umagang nag-aabang para sa atin, na dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa.

“Salamat sa Diyos!” ang lumuluhang sabi ni Mama.

“Sabi ko naman sa iyo Gab eh, wag kang bibitiw.” Ang sabi ni Jared na nakayakap sa likod ko.

“Ma’am Tess! Sir Luis! Hayaan niyo muna mag-moment yung dalawang mag-jowa!” ang biglang sabat ni Inday na kinatawa naming lahat.

Bigla naman akong namula pagkadinig ko noon. Kita ko din na abot-tenga ang ngiti ni gago. Hinawakan niya ang pisngi ko at pagkatapos ay pinunasan ang luha dito.

“Wag ka ng umiyak Gab. Eto naman napaka-iyakin.” Ang sabi niya na natatawa.

“Eh kasi naman eh! Hindi ko akalaing ganito na… na makakakita pa ulit ako. Hindi niyo man lang sinabi sa akin!” ang sigaw kong naiinis sa kanila.

“Para surprise Sir Gab!” ang sabat ni Kokoy.

“Yeaaahhh!!! Tingnan mo oh, sobrang saya ni Ser Gab, pero mas masaya siya dahil nakita na niya ang jowa niya! Pupwede na ulit sila magbembangan! Yehey!” ang walang prenong sabi ni Inday sabay palakpak pa na nakakaloko.

Para  akong naging istatwa sa sinabing iyon ni Inday, kita ko naman na nagtawanan sila sa sinabi ng bobitang bungangerang ito.

“Ikaw talaga!” ang sabi ni Aling Minda sabay pingot at tampal dito.

“Arrraaayyy naman Aling Minds!” ang sigaw nito.

Muli ay napuno ng tawanan ang apat na sulok ng kwarto. Ilang sandali pa’y napansin nila ang pagtahimik ko.

“Anak bakit? May masakit ba? May bumabagabag ba sa iyo?” ang tanong ni Papa.

“Wala naman… I just want to meet the family of my donor.” ang seryoso kong sabi sa kanya. Nagtinginan si Papa at Mama, habang si Ella naman ay napa-yuko. Tumingin ako kay Jared na naka-akbay sa akin at nakita kong nakatingin siya sa akin ng seryoso.

“Bakit?”

“Ah anak, pupuntahan natin yung…” hindi niya natapos ang sasabihin, pansin ko ang namumuong luha sa mga mata nito.

“Ma, bakit ka umiiyak?”

“Ah wala! Wala! Pupuntahan natin siya next week.” Ang sabi ni Mama.

Hindi ko alam pero kinutuban na ako ng masama. Tinanong ko din kung nasaan si Ace, ang sabi ay may inaasikaso daw at next week ko daw siya makikita. Ganoon din si Ely. Tinanong ko rink ay Jared ang lagay ng kumpanya ngunit ang sabi lang nito’y pag-uusapan naming iyon next week. Hindi ko alam kung bakit puro next week ang sagot nila, iniisip ko tuloy parang revelation day iyon eh.

Dumating ang araw na makikilala ko ang pamilya ng Donor ng mata ko. Mag-aalas sais ng umaga ng bumyahe kami. Dalawang van ang ginamit namin patungo doon. Sumakay rin kami sa barko na pag-aari ko’t dumiretso sa isang isla. Nang makarating na kami doon ay namukaan ko ang lugar.

“Jared, anong ginagawa natin dito?” ang naguguluhan kong tanong.

Alam ko kasing napuntahan na namin nila Jared, Ella, at Ely ang lugar na ito noon bago kami gumraduate ng high school.

“Tara Gab.” Ang seryoso niyang sagot.

Habang naglalakad kami sa maputing buhangin patungo sa bahay sa gitna ng isla, napansin kong wala masyadong nagbago rito. Nandyan pa rin ang malalaking itim na bato sa isang sulok kung saan dati kaming umuupo para abangan ang sunset. Sa isang parte ay nandoon pa rin ang makukulay na bulaklak at iba’t-ibang klaseng halaman. Syempre hindi mawawala ang malalaking puno na nagsisilbing lilim sa aming paglalakad. Malamig ang simoy ng hangin, at kung titingnan ang dagat ay para itong isang crystal sa sobrang linaw. Isolated pa rin ang dating ng Isla.

Nang makarating kami sa bahay na nasa tuktok ng burol ay muli, tumingin ako sa likod at natanaw ko ang kabuuan ng isla. Napaka-ganda, parang paraiso.

“Gab!” ang tawag ni Tito Angelo sa akin sa loob ng bahay.

Pagpasok ko ng bahay ay napansin kong walang nagbago rito, kagaya pa rin ng huling punta namin apat na taon na ang nakakaraan. Hindi ko maiwasang magtanong…

“Bakit niyo ako dinala dito? Asan ang pamilya ng donor ko?” ang tanong kong naiirita na. Kasi naman, alam kong walang nakatira sa bahay na iyon dahil inuupahan iyon.

Tumingin si Mama kay Jared at pagktapos ay tumango ito.

“Gab, tara sa itaas…” ang sabi lang niya sabay akbay sa akin.

Pagdating naming sa ikatlong palapag ng bahay ay dumiretso kami sa isang kwarto, binuksan kumatok ito’t binuksan ang pinto.

Pina-una ako ni Jared pumasok at laking gulat ko sa aking nakita.


(ITUTULOY)