---------------------------------------------
Nagising ako
sa sinag ng araw na dumampi sa mukha ko. Pagdilat ng mga mata ko ay bumungad sa
akin ang isang kwarto.
“Takte ang
sakit ng ulo ko.. Nasaan ba ako??” ang sabi ko sa sarili ko.
Tumayo ako at
inikot ang kwarto. Nakita ko ang mga pamilyar na gamit doon. Ang bag, sapatos,
mga damit..
“Teka.. Kay
Jared itong mga ito ahh.” Ang sabi ko sa sarili ko.
Bigla naman
akong kinabahan dahil malamang nakita na ako ni Jared. At alam niyang
nagpaka-lasing ako kagabi.
Dahan-dahan
kong binuksan ang pinto ng kwarto upang tumakas at umalis. Sinarado ko ang
pinto at inikot ko ang mga mata upang mahanap ang labasan ngunit..
“Gising ka na
pala..” ang sabi ng isang babae.
Liningon ko
ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ella. Parang galling siya sa
pag-iyak gawa ng namumula ang mata niya.
“Ahh ehh..
Oo..”
“K-kamusta
tulog mo??” ang sabi niya na parang kinakabahan.
“Ok lang..”
“Sige.. Upo
ka.. K-kumain ka muna..” ang sabi niya sabay diretso sa kusina.
Umupo ako at
inihanda niya ang makakain.
Habang
kumakain..
“Ikaw ba
nagluto nito??”
Hindi siya
kumibo.. Nakatingin lang ng diretso sa pagkain.
“Woi!!”
“O-ohh!!” ang
gulat niyang sabi.
“Ikaw ba
nagluto nito??”
“Ahh.. Oo..”
ang sagot niya na parang kinakabahan.
“Ang sarap
ha.. Marunong ka pala magluto parehas kayo ng kuya mo..” Ang natutuwa kong
sabi.
Ngumiti lang
siya pero bakas sa mata na merong malalim na iniisip.
Nasa ganoon
akong pagkain ng..
“G-Gab..”
“Yes??”
“May naaalala
ka ba kagabi??” ang tanong niya na kinakabahan.
Nag-isip
ako.. at habang nag-iisip ako ay napansin kong ibang damit ang suot ko.
“Ang
natatandaan ko lang ay yung nasukahan kita. At woi!! Kanino namang damit ito at
parang ang laki naman ata..”
“Ahh.. Kay
kuya yan.. Medyo malaki lang pero bagay sa iyo ohh..” ang sabi niya.
Natuwa naman
ako. Pero bigla din akong napaisip.
“Teka..
sinong nagpalit ng..”
“Ako..
Syempre, alangan namang hayaan na lang kitang matulog ng may suka di ba??” ang
biro nito.
Ngumiti lang
ako at ganun din siya.
“Gab..”
“Yes?”
“D-Dapat
h-hindi ka na nagpakalasing..”
Muli ay
inisip ko ang dahilan ng pagpapakalasing ko.. At naalala ko ang nangyari sa kumpanya. At dahil dito, parang nakaramdam nanaman ako ng depression.
“Wag mo ng
isipin Gab.. Dahil kagabi, naayos na nila Kuya at ni Ace ang problema..”
Para naman
akong nabuhayan ng loob.
“Ginawan ng
kwento ni Ace.. Sinabi na photoshoot lang ang lahat at trip-trip lang yung
pagka-sweet ninyo sa bay walk noon at mag-best friend lang kayo. Si Kuya naman,
sinabi na meron kayong importanteng appointment sa paris ng tatlong linggo.”
Kahit sinabi
ni Ella na ok na ang lahat, hindi pa rin ako kumbinsido. Dahil alam ko,
gagamitin ito ng taong gusting magpabagsak sa akin.. at si Steph yun.
“Gab.. wala
ka ba talaga natatandaan kagabi??” ang sabi niya na naiiyak.
“Wala.. Ano
bang meron Ella??”
Napabuntong
hininga na lang siya. Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti at sabay
sabing..
“Kahit anong
mangyari.. Gab, Ipangako mo.. Na hindi mo bibitiwan ang kuya ko.. Hindi mo siya iiwan at siya lang ang mamahalin mo..” ang naiiyak na sabi ni Ella.
“Ano bang
sinasabi mo Ella? Magpapakasal na si Kuya kay Ely. Hindi naman pupwede iyon. Isa pa, best friend mo si Ely at ganun din ako. Hindi pwede ang iniisip mo
Ella.”
“BASTA
IPANGAKO MO!!” ang sigaw niya kasabay ang pagtulo ng luha niya.
Nagulat ako
sa pagsigaw niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon
niya.
“Ella..”
“Gab please..
Sa tagal nating magkaibigan, ngayon lang ako hihingi ng pabor sa iyo.. Wag mong
bitiwan ang kuya ko.. Kailangan ka niya Gab.. Please..” ang umiiyak na niyang
sabi.
Hindi ako
kumibo.. Inisip ko ang situasyon naming lahat.. Naisip ko din ang kasal at ang
anak ni Jared at Ely..
“Mangako ka
Gab.. Please??” ang sabi pa ulit ni Ella.
Nakatignin pa
rin ako sa kanya, pilit iniisip ang dahilan ng pabor na hinihingi niya.
“Gab..
Maiintindihan mo din ang sinasabi ko.. Sa takdang panahon..”
“Diretsuhin
mo nga ako Ella..” ang seryoso kong sabi.
Naging
seryoso din ang mukha niya.
“Meron ka
bang alam na hindi ko alam??”
Hindi siya
kumibo.
“Meron ka
bang alam na HINDI NAMIN ALAM??” ang pagdiin ko.
“Wala.. Gusto
ko lang na lagi kang nandyan kay Kuya..”
Napailing ako
sa sagot niya. Alam ko may tinatago siya sa akin.
“Basta Gab..
Wag kang bibitiw sa kuya ko.. Kahit ano pang pagsubok ang dumating, kahit ano
pang delubyo yan, wag mong iiwan ang kuya ko. Kailangan ka niya at ikaw ang
mahal niya.” ang sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Hindi na ako
kumibo. Hindi ko na lang din tinanong ang bagay na gusto kong malaman dahil
kilala ko si Ella, hindi niya talaga sasabihin iyon.
Pagkatapos
noon ay nag-ayos ako, hiniram ko muna ang damit ni Jared, nagpaalam kay Ella at
lumabas ng condominium. Sa totoo lang, wala akong planong pumasok ng opisina
dahil alam kong sasalubong sa akin ang maiinit na mata ng mga tao kasama ang
pambabatikos nila. Sa ngayon hindi ko pa sila kayang harapin. Hindi ko alam
kung saan ako dadalhin ng paa ko hanggang sa maisip ko ang isang lugar na hindi
ko pa nabibisita simula ng umuwi ako galling US. Isang lugar na malapit sa puso
ko. Sumakay ako ng Jeep patungo sa lugar na iyon.
…..
Malamig,
madilim, at walang tao. Nasa labas ako ng aking bahay. Bahay na kinalakihan ko
at dating tinitirhan ko at ng mga magulang ko. Dito din sa bahay na ito nabuo
ang pagkakaibigan namin nila Jared, Ella, at Ely.
Papaalis na
sana ako ngunit parang merong napakalakas na pwersang tumatawag sa akin na
pasukin ko ang dati kong bahay. Dahil dito, tinangka kong pasukin ito. Umakyat
ako sa pader at ng makaayat sa taas ay timuntong ako sa sanga ng puno na katabi
ng pader at pagkatapos ay ibinagsak ko ang aking paa sa bakuran. Pinakiramdaman
ko ang paligid, malamig, madilim, at patay na lugar. Isang lugar na
napakaraming ala-ala sa akin. Naglakad ako patungo sa Main door ng bubuksan ko
na ito ay napansin kong nakakandado ito.
Gusto ko na
talagang umalis dahil hindi naman ako makakapasok ngunit meron talagang
napakalakas na pwersang nagnanais na pasukin ang dati kong bahay.
Napagdesisyonan kong magpunta sa backdoor at doon pasukin ang bahay. Nand
makarating ako ay nadatnan kong hindi nakakandado ang pintuan at ng kabigin ko
ito ay hindi din naka-lock sa loob.
“Hindi kaya
may nakatira na dito? O di kaya ay may pumapasok?”
Pagbukas ko
ng pinto ay nakita ko ang kusina, puno ng alikabok ang lamesa at mga gamit.
Tumungo ako sa Dinning area, nakabalot ng puting tela ang lamesa’t upuan,
ganoon din sa sala. Nakita ko ang hagdan patungong 2nd floor. Parang
may boses sa utak ko na nagsasabing akyatin ko ito, hindi ko alam kung ano pero
sinunod ko iyon. Pag-akyat ko sa taas ay dumiretso ako sa aking kwarto.
Pagbukas ng
pinto ay nakita ko ang kama ko. Inikot ko ang aking mata at nakita ko ang
upuan, cabinet, at ilan sa mga gamit ko. Nang buksan ko ang cabinet ay lumantad
sa akin ang ilan sa mga dati kong damit. Napangiti ako. Nang lingunin ko ang
isang parte ng kwarto ay nakita ko ang isang basag na salamin. Bigla kong
naalala na binasag ko ito sa apmamagitan ng litrato naming ni Jared tatlong
taon na ang nakakaraan. Napansin kong pinagdikit-dikit ang mga piraso ng
nabasag na salamin at namangha ako dahil nabuo ito, iyon nga lang ay litaw ang
crack na nandito.
Tiningnan
kong mabuti ang salamin at nakita kong
may mga dugo ito.
“Malamang
dugo ito ng nag-ayos ng salamin, pero sino kaya? Si Mama ba o si Papa?”
Tinitigan ko
ang sarili ko sasalamin, nakita ko ang isang lalaki. Isang lalaking naghahanap
ng kapayapaan at kalayaan. Isang lalaking unti-unting nagbabayad sa kanyang mga
nagawang kasalanan.
“This is it..
It’s pay back time Gab.. You’re about to face the consequences of your actions. Lahat ng nagawa mo kay Steph at kay Jared.” Ang bigla kong nasabi kasabay ang
pagtulo ng aking luha.
“Ang
kumpanya, ang kasal ni Jared at Ely, at ang unti-unting pagbagsak at pagkasira
mo..”
“Hindi naman
dapat naging ganito ang lahat ehh.. Kung nakinig ka lang sa kung anong sinasabi
ng kunsensya mo.. ng puso mo..” ang sabi ko kasabay ang pag-hagulgol ko.
Matagal-tagal
din akong humahagulgol ng..
“You are more
than what you have become..” ang sabi ng boses na nanggagaling sa likuran ko.
Itinaas ko
ang aking ulo at nakita ko sa salamin ang Kuya Erick.
“K-kuya??”
“Kung nung
umpisa pa lang, hindi ka nagpadala sa emosyon mo.. Kung nakinig ka lang Gab.. Hindi mangyayari ang lahat ng ito.. Walang gulo sa kumpanya, walang kasal si
Jared at Ely, at wala ang mga pambabatikos sa iyo..”
“Kuya kasi..”
“Kasi ano?
Nang dahil sa galit mo kaya nangyayari ang lahat ng ito.. Ito ang kabayaran ng
lahat..”
Dahil sa
sinabi niya ay nakaramdam ako ng kawalang pag-asa. Yumuko ako at nagpatuloy sa
pag-iyak.
“Pero hindi
pa huli ang lahat bunso.. Hindi pa..”
Muli ay
tumingin ako sa kanya.
“Anong dapat
kong gawin??”
“Do what you
think is right. Malaki ka na at alam mo kung ano ang tama at mali. Higit sa
lahat, sundin mo kung ano ang sinasabi niyan.” Sabay turo sa dibdib ko.
“There’s
still hope Gab..” at kasabay nito ay yinakap niya ako.
“Thank you
kuya..”
“Hangga’t
kailangan mo ako, nandito ako. Hindi kita iiwan..”
Nagising akong
nakahiga sa tapat ng salamin. Panaginip lang pala ang lahat at nakatulog ako sa
pag-iyak ko.
Nang tingnan
ko ang oras ay nakita kong alas dose na ng tanghali. I also check my phone and
I receive one text message from Ace.
“Gab, at 1pm
may meeting ang board at sana.. Magpunta ka..”
Muli ay
tumingin ako sa salamin. At nabuo ang isang desisyon.
Mabilis akong
lumabas ng bahay at sumakay ng taxi papunta sa AL-UR Inc building.
This time,
naka-casual ako, hindi naka-formal attire. Wala akong pakielam kung ano isipin
nila basta i-eexpress ko ang sarili ko sa paraang alam ko at eto yun. Sa
pagkakataong ito, hindi si Erick ang makikita nila.. Kundi si Gabriel, pero
nandoon ang tapang ng isang Erick Uriel Alvarez.
Pagpasok ko
ng building ay bumungad sa akin ang tingin ng mga tao, ngunit wala akong
pakielam dito. Dumiretso ako sa Elevator. Ganoon din ang ginawa ko,
dire-diretso papuntang meeting room.
Pagpasok ko
ng kwarto ay bumungad sa akin ang nag-aalalab na tingin ng board ngunit wala
akong pakielam. Nakita kong nandoon din si Ace.
“Here’s Mr.
Erick Alvarez..” ang nasabi na lang ni Ace. Siguro ay napansin niya ang suot
ko.
Nagpunta ako
sa harapan at umupo.
“So Mr.
Alvarez.. Is there anything that you want to say about the issues the company
is facing?”
Tiningnan ko
sila, isang matulis na tingin.
“Let’s make
this straight shall we? Ano ang purpose ng meeting na ito??” ang diretsong
tanong ko sa kanila.
Kita ko ang
pagkagulat sa mukha ng buong board. Ngunit merong isang matapang na diniretso
ako.
“Ano ba ang
namamagitan sa inyo ng trainee mo? Kumakalat na ang tsismis at usap-usapan sa
inyong dalawa. Kahit na naglabas na ng statement si Mr. Ace at ang trainee mo.”
Tiningnan ko
siya at sabay sigaw ng..
“WALA KANG
PAKIELAM SA KUNG ANO ANG RELASYON KO KAY JARED. WALANG SINUMAN SA KUMPANYANG
ITO ANG MAY PAKIELAM SA PRIBADONG BUHAY KO!!! NANDITO KAYO PARA MAGTRABAHO,
HINDI MAG-TSISMIS NG BUHAY NG IBANG TAO!!!” ang sigaw kong umalingaw-ngaw sa
buong kwarto.
Pagkatapos
kong sabihin iyon ay yumuko ang lahat ng tao sa loob ng meeting room.
“So… Is there
any other concern? Kung wala na, aalis na ako. I’m a busy person.”
“You’re going
to work wearing those clothes?” ang sabi pa ulit ng board member na nambatikos
sa akin kanina.
Pa-sarkastiko
akong ngumiti sabay sabing..
“What you’re
seeing now is me.. THE REAL ME. Ikaw? Bakit ka nagtatago dyan sa suot mo? Bakit
hindi mo ibulalas ang mabaho mong pagkatao? Alam ko namang gusto mong makuha
ang shares ko sa company at patalsikin ako dito di ba?”
“That’s very
unprofessional!!” ang sigaw niya.
“IKAW ANG
UNPROFESSIONAL! Ultimong buhay ko pinapakielaman MO or should I say, NINYO!
Kung ganyan din lang ang gagawin ninyo, sana naging press at writer na lang
kayo, yung mga taong walang ginawa kundi sirain at pagtsismisan ang buhay ng
artista. Hindi kayo nababagay dito!”
Muli ay
natahimik sila.
“So.. Is
there any other concern?” ang seryoso kong sabi.
At lahat sila
ay umiling.
“Ok..
Dismiss.”
At agad na
nagsilabasan ang buong board members. Naiwan ako at si Ace.
“Gab..” ang
nasabi na lang niya.
“Ace, kamusta
ang problema ng kumpanya?”
“Medyo
maganda na ang lagay Gab.. Thanks to Jared.”
“Ha?” ang
bigla kong nasabi.
“Nabawi niya
ang mga investors na nag-back out.”
Hindi ko alam
pero bigla akong napangiti. Ay sus! Hehe.
“Ehh ang
board? Ano ang lagay nila noong wala ako? I mean ano ang mga pinagsasabi nila?”
“Gab.. Some
of them want to replace you as the Chairman of this company. ANg gusto nilang
ipalit ay yung isang board member na..”
“Na nangengeelam
sa buhay ko?” ang pag-butt in ko.
“Oo..”
“Wag nila
akong subukan Ace.”
“But Gab..
There’s more.”
“I had a
feeling that some board members ay kaalyado ni Steph.”
“Biglang
nanlaki ang mata ko sa aking nadinig.”
“Papaano mo
nasabi?”
“Kahapon
pagkatapos ng board meeting, umalis ka remember? After noon pumasok ako dito sa
meeting room. Nakita kong may naiwang cellphone at may tumatawag. I answer it
at bumungad sa akin ang isang pamilyar na boses.. malakas ang kutob kong si
Steph iyon.”
“Ano ang
sabi?”
“Ang sabi lang
ay… ‘Kamusta ang mga galamay ko?’ yan
ang bungad ng nasa kabilang linya. Then after that, one member of the board
came back and get the phone.”
Napailing na
lang ako sa aking nadinig.
“Sige Ace..
Gusto kong paimbestigahan ISA-ISA ANG MGA MEMBERS NG BOARD. Ayokong merong ahas
sa kumpanyang ito.”
Napagkwentuhan
din namin ni Ace ang tungkol sa issue sa amin ni Jared at kung papaanong damge
control ang ginawa nila. It seems everything is going to be ok except na ayun
nga, yung sa ilang board member na maaaring kaalyado ni Steph.
Dumaan ang
ilang buwan at medyo naging maayos na din ang lahat. Back to normal. Tuwing Sabado
at Biyernes na lang nagpupunta s Jared ng kumpanya gawa ng nagpapatuloy na siya
sa last year niya sa college. Pinag-paplanuhan na din ni Jared at Ely ang nalalapit
nilang kasal that is 2 months from now.. Haayy..
Isang araw..
Sinamahan ko
si Enso papuntang hospital, ilang araw na rin kasing linalagnat ang bata.
Papalabas na sana kami ng Ospital ng makasalubong ko si Ella. Kita ko ang
pagkagulat sa kanyang mata, hindi ko alam kung bakit.
“Ella.. Anong
ginagawa mo dito?”
“Ah Ehh..
Kasi.. Ahh..”
“Oh here you
are Miss Cruz.” Ang sabi ng isang doktora.
“Siya ba??”
ang turo sa akin ng doktora.
“Ahh Doc tara
na po, Gab sige na nagmamadali ako ehh. M-may
bibisitahin akong kaibigan.” Ang sabi niya sabay hatak sa kamay ng
doktora at nagmamadaling umalis.
Hindi ko alam
pero kung anong nangyayari kay Ella pero malakas ang kutob kong may tinatago
siya sa akin.
Papaalis na
ang sasakyan namin ni Enso ng..
“Kuya,
pupwede bang bumalik ako sa loob?? Bibili lang akong tubig.. Nauuhaw na kasi
ako ehh..”
“Ahh sige..
Bilisan mo lang ha..”
Dumaan ang
lima, sampu, ay hindi pa bumabalik si Enso. Ilang sandal pa ay nakita ko ang
bata, tumatakbong duguan. Bumaba ako at sinalubong siya..
“Kuya Gab!!!”
ang sigaw niya.
“Naku! ANo
bang nangyari sa iyo?? Bakit puro dugo??”
“Kuya.. Si..
Si.. Si ate Ella, n-nakita kong tinulak ni Steph sa may hagdanan tapos ayun
na.. May kumalat na dugo.. Kuya, palagay ko buntis si Ate Ella..”
Para akong
nabuhusan ng malamig na tubig sa aking nadinig. Si Ella.. BUNTIS?? Papaanong
nangyari?? Sino ang ama??
Dali-dali
kaming bumalik ni Enso ng Ospital, nasa ganoon kaming pagtakbo ng makasalubong
ko si Steph. Kita ko ang paglaki ng kanyang mata ng makita niya ako.
“Anong ginawa
mo kay Ella Steph??”
“Ooohh.. So
here comes the father to the rescue..”
“Father!?!?!”
ang gulat na gulat kong tanong sa kanya.
“Aaaayyyy!!
Hindi mo alam??? Aaaaww… Mamamatay na lang ang anak niya, hindi pa nalalaman na
may anak pala siya. Hahahahaaha!!” at tumawa siya ng malakas.
“Anong
sinasabi mo Steph?” ang matigas kong tanong dito.
“Ikaw ang ama
ng dinadala ni Ella..” ang diretsong sabi nito sa akin.
Parang may
isang napakalakas na bomba ang sumabog sa ulo ko. Naalala ko na, ang panahon na
nalasing ako, malamang.. may nangyari sa amin ni Ella.
“Kawawa naman
ang bastardong bata, hindi man lang kinilala ng kanyang ama. Ngayon.. Patay na
ang hampaslupa mong anak!!” ang sigaw niya.
Dahil sa mga
katagang binitiwan ni Steph ay hindi ko napigilan lapitan siya at bitiwan ang
isang napakalakas na sapak sa kanyang mukha. Tumalsik siya pintuang nasa
likuran ng kinatatayuan niya. Bumagsak si Steph sa may lamesa sa loob ng
kwartong iyon at pagkatapos ay pinaulanan ko ng suntok ang kanyang mukha.
Inawat naman ako ng mga Staff na nandoon, ngunit sadyang mas matimbang ang
galit na nadarama ko. Nang pwersahan nila akong nailayo kay Steph ay..
“Tangina kang
hayup ha!!” ang bulyaw niya sa akin. Kita ang pagdudugo ng mukha niya.
“Mas hayup
ka!! Pati anak ko idadamay mo pa!! Ha!!!” ang sigaw ko dito
“Alam mo,
bagay lang naman yun sa anak mo ehh. Dahil bastardo siya! Hampaslupa! Peste! Basura!
Dapat dyan mamatay!!” ang sigaw niya.
Dahil sa mga
masasakit na salitang iyon ay siniko ko ang mga umaawat sa akin at pwersa akong
kumawala. Lumapit ako kay Steph at pagkatapos ay hinablot ang kanyang buhok at
sinubsob siya sa cabinet na nadoon na may mga lamang bote ng gamot o kung anu
pa man.
“Tangina ka!! Putangina kang hayup ka!!! Bakit
Anak ko pa?? AKO NA LANG SANA PINATAY MO!!!” ang umiiyak kong sabi habang
paulit-ulit siyang inuuntog sa cabinet na iyon.
Alam kong
nasasaktan na siya ngunit wala akong
pakielam dahil walang kasing sakit ang ginawa niya, pati buhay ng anak ko
malalagay sa panganib.
Ilang sandal ay
dumating ang security at inawat ako. Ngunit bago pa man ako makalayo ay nasipa
ko ng dalawang beses ang likuran ni Steph. Naiwang nakahandusay sa lapag si
Steph.
“Kakasuhan
kitang hayup ka! MAKUKULONG KA SA GINAWA MO SA ANAK KO!!” ang sigaw ko sa kanya
sabay alis.
Pagdating sa
room ni Ella ay sumalubong sa akin ang doctor.
“Kayo po ba
ang ama ng bata?”
“O-opo..” ang
sabi ko.
“Ligtas na
ang bata.. Nagtamo ng ilang gasgas sa binti at braso ang misis niyo, kailangan
lang niya magpahinga.” At umalis ang doctor.
“Uumm.. Enso,
labas ka muna sandal.. Please?”
Tumango siya
at lumabas.
Tiningnan ko
si Ella, nakatingin ito sa may bintana. Umupo ako sa tabi niya.
“Ella, bakit
hindi mo sinabi sa akin?”
At lumingon
siya sa akin.
“Dahil
ayokong panagutan mo ako..”
“Pero..”
“Ssshhhhh!!!
Hindi ako papayag Gab..”
“Pero papaano
ang bata? Ella, hindi ko hahayaang lumaki ang anak natin ng walang ama..”
“Gab,
please.. Nakikiusap ako sa iyo.. Ginusto ko ito, kaya dapat pagbayaran ko. Wala
kang kasalanan sa nangyari Gab, ako ang nagsamantala sa iyo noong mga oras na
iyon.” Ang sabi niya kasabay ang pagtulo ng luha nito.
“Ella..”
“Gab
kikilalanin ka pa ring Ama ng bata.. Basta ayoko lang na panagutan mo ako..”
“Ella naman
ehh..”
“Gab
kailangan ka ng kuya ko!!” ang sigaw niya.
Hindi na ako
nakakibo. Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Ilang sandal pa ay..
“Gab..
Please..”
“Alam na ba ito
ng kuya mo?” ang pag-divert ko ng topic.
“Hindi pa..
Dalawang buwan pa lang ang bata Gab.. Kaya hindi pa niya nahahalata..”
“Ano na lang
sasabihin ng kuya mo kapag nalaman niya ito?”
“Akong
bahala.. Basta Gab please..” ang sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
“Ok.. Pero
Ella. Kung ako ang masusunod..”
“Ssshhh..
Walang kasal na magaganap..”
“Bakit ba
kasi??”
“Ayokong
matulad tayo sa mga magulang natin..”
“Bakit? I
think naging maayos naman ang lahat ahh..”
“Ayokong maging
kagaya ng mga magulang natin Gab. Ayokong mga anak lang natin ang nagiging
dahilan ng pagsasama natin..”
Tumingin ako
sa kanya mata sa mata.
“What do you
mean?”
“Isa sa
naging dahilan ng madalas na pag-aaway ni Papa at Mama ay dahil sa nakaraan ni
Papa at Tito Luis. Ayoko ng ganoon Gab, gusto ko kung magkakaasawa ako, yun ay mamahalin
ako..”
“Kaya ko naman
Ella ehh..”
“NANG AKO
LANG. WALANG IBA, WALANG IBANG LALAKI O BABAE GAB..”
Bigla akong
natahimik.
“Kaya mo ba yun??
Kaya mo bang alisin ng tuluyan si Kuya sa puso’t isip mo? To think na
magkapatid kami?? Na sa tuwing titingin ka sa akin ay nakikita mo si Kuya?? Gab
I know, it will take forever to do that... At ayokong mahirapan ka..”
Ngumiti lang
ako sa sinabi niya.
“Salamat
Ella.. Alam mo, kahit ikaw na yung nahihirapan, iniisip mo pa rin yung
kapakanan namin ehh..”
“Dahil mahal
ko kayo Gab.. I want a better life for us.. At alam ko, ito ang tama.. para sa
akin at para sa inyo ni Kuya..”
Nginitian ko
na lang siya. Hindi ko talaga makuha ang punto ni Ella. Alam naman niyang
ikakasal na si Jared kay Ely pero eto si Ella, pinagpipilitang wag kong bitiwan
si Jared, hindi ko alam kung bakit. Pero.. Ewan!
Bigla kong
naitanong kung papaano sila nagkaharap ni Steph, kinuwento ni Ella na nasampal
pala niya si Steph gawa ng pinagsalitaan daw nito ng hindi maganda ang anak naming
pati na ako. At dahil sa sampal na iyo ay gumanti daw si Steph ng sampal na
siya namang ikinahulog ni Ella sa hagdan. Sinabi ko din na magsasampa ako ng
demanda laban kay Steph, hindi lang sa ginawa niya sa anak naming kundi pati na
rin sa ginawa niya sa kumpanya.
Pagkadating
ni Jared ay agad na akong umalis gawa ng mayroon pa akong kailangang daluhan na
meeting. Alam kong mag-uusap ang magkapatid tungkol dito at malalaman na ni
Jared ang lahat.
Papunta na
kaming sasakyan ni Enso ng may biglang..
“Kuya!!!” ang
sigaw at turo ni Enso sa Rumaragasang kotse.
Mabilis
kong
tinulak palayo si Enso ngunit kasunod nito ang pagbangga ng kotse sa
akin. Tumama ang katawan ko sa hood ng kotse at nauntog naman ang ulo ko
sa windshield nito.
Iyon ang
huli kong natandaan..
(ITUTULOY..)