Wednesday, July 27, 2011

Love Me Like I Am (Book 2 Part 6)

Eto na po ang Part 6!!! Sa Wakas natapos ko din!! LOL XD!!
Sobrang Sorry po kung inabot ng 2 weeks ang sumunod na chapter.
Next part na lang po ang batian portion (grabe ha, sobrang delay na nito.. LOL XD!!!)

Anyway, I hope magustuhan niyo pa rin ang naging output ng Part 6 so eto na..
Happy Reading!!! ^_^


----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 6: "A Day With Jared.."

“Uuumm.. busy ka ba?” ang tanong nito.

“Bakit?” ang tanong ko dito.

“Uumm.. Yayain sana kita lumabas eh. Pwede ka ba?” ang tanong nito.

“Ha???” ang bigla kong nasabi.

At napangiti naman ang mokong sa reaksyon ko.

“Ang sabi ko, Pwede ba tayo lumabas? Yung gumala ba?”

Sa totoo lang, I didn’t expect na iimbitahan niya ako.

“Please? Kahit ngayon lang?” ang sabi niya ulit.

“Hhhmmm.. Ok! Call.”

Kita ko naman na napangiti ang mokong sa sagot ko.

“So.. Sure na ito ha? Hindi ka busy?” ang tanong niya.

“No I’m not. Palagay mo ba papayag ako sa proposal mo kung busy ako?”

Isang matamis na ngiti nanaman ang ginawa niya. Sh*t! kita ko nanaman ang dimples niya.

“Give me 15 minutes, aayusin ko lang itong gamit ko. Then we’re ready to go.” Ang sabi ko.

Makalipas ang 15 minutes ay lumabas na ako at sabay kaming bumaba.

Kung iniisip ninyo na pumayag ako sa alok niya dahil sa nararamdaman ko, well nagkakamali kayo. Sabi ko nga, it’s part of my plan na pa-ibigin siya ng todo-todo at pagkatapos ay iiwan ko. Ang bad right? I Know Right! Bwahahaha!!

Sa labas ng company, akmang dudukutin ko na ang cellphone ko para tawagin ang limusin ay..

“Oooppss!!” ang sabi ni Jared.

“Why?”

“We won’t use your Limo.”

“Edi ano? Yung kotse mo?”

“No.”

“Ano nga?”

“Mamamasahe tayo.”ang sabi niya sabay killer smile.

“Ha!?!?!” ang gulat na gulat kong reaksyon.

Kita ko naman na natawa siya sa reaksyon ko.

“Nasisiraan ka na ba ng ulo?”

“Nope! Gusto ko lang gawin natin ulit yung mga ginagawa natin dati, yung namamasahe tayo kapag gumagala.” sabay ngiti.

“Ok.. Sige..” ang nasabi ko na lang.

“Dun tayo sa Mall na lagi nating pinupuntahan dati ha?”

“Bakit dun? Ang layo kaya! Diyan na lang tayo sa ****** para malapit lang dito sa opisina.” Ang giit ko.

“Ayoko nga!” ang sabi niya.

“Bakit ayaw mo? Dyan na lang para tipid sa pamasahe.” Ang sabi ko.

“Wag mo na isipin ang pamasahe, treat ko. At tsaka gusto ko malayo eh..”

“Bakit?” ang medyo mataray kong tanong.

“Para makasama kita ng matagal.” Sabay killer smile.

“Sh*t! Ang lakas ng topak nitong mokong na ito!“ ang sigaw ko sa isip ko.

“Hoy Mr. Cruz, tigil-tigilan mo ako ha!”

“Hahaha! O siya, tara na.”

Gaya ng gusto niya, sumakay kami ng jeep papunta dun sa Mall na dati naming pinupuntahan. Kung maingay ang makina at arangkada ng jeep ay kabaliktaran naman kami ni Jared. Sobra kaming tahimik, pero kahit ganoon ay kita ko pa rin ang saya sa kanyang mata.

“Masaya ka ngayon, pero iiyak ka din!” ang sabi ko sa sarili ko.

Aaminin ko na mahal ko siya, pero hindi ko din alam kung bakit masmatimbang ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Aminin ko din na kinikilig-kilig ako minsan, at bumabalik paminsan-minsan ang dati kong pagkatao kapag kaharap ko siya, pero.. Ewan!

“Hay bahala na nga Gab! Just Stick to the plan!” ang sabi ko sa sarili ko.

Sa Mall..

“Gutom ka na?” ang tanong niya.

“Hindi pa, kaka-almusal ko lang.”

“Ok, gusto mo sa Arcade tayo?”

“Ayoko! Hindi ako marunong ng mga laro dun!” ang sabi ko.

“Halika na, tuturuan kita.” Ang sabi niya sabay hawak at hatak sa kamay ko.

Para akong nakuryente sa paghawak ng kamay niya sa kamay ko. Naalala ko nanaman ang nakaraan sa aming dalawa.

Anyway, ayun na nga, naglaro kami dun sa arcade at tinotoo nga niya ang sabi niya, tinuruan nga niya ako.

“Ayan Ganyan yan. Oh, eto pindutin mo.” Ang sabi niya habang nasa likuran ko siya at ang kamay niya ay nasa may screen. Ang posisyon namin ay para siyang nakayakap sa akin habang gina-guide niya ako sa paglalaro.

Imbis na mag-focus sa paglalaro ay napatingin naman ako sa kanyang mukha.

“Ang gwapo niya talaga Sh*t! Wait.. kalma Gab.. Kalma..” ang sabi ko sa sarili ko.

“Baka naman malusaw na ako niyan.” Ang biglang sabi niya.

Takte! Kahit ang mata niya ay nakatutok sa screen ay napansin pala niyang nakatitig ako sa kanya. Syempre, binawi ko ang tingin ko at nagfocus sa linalaro ko. Ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko.

Kita ko naman na ngiting-ngiti ang loko. Pansin ko din ang pagtingin sa amin ng mga tao sa paligid, hindi ko na lang pinansin pa iyon.

Sa totoo lang nag-enjoy ako sa mga linaro namin, meron nga dun isang game eh, nag-duel kami at ang nangyari, since alam naman niyang hindi ako ganun karunong ay nagpatalo ang loko.

“Nako!! Ang daya mo naman eh nagpapatalo ka.” Ang sabi ko.

“Hindi ah! Ang galing mo kaya.” Ang pambobola niya.

“Uttuutt!” sabay batok ko sa kanya.

Tawa lang naman siya.

“Madaya!”

“Hindi rin!”

“Hindi! Madaya ka talaga!”

Ganyan ang naging takbo ng paglalaro namin, kulitan, harutan, asaran. Nasa gitna kami ng paghaharutan ng..

“Mag-CR lang ako ha? Hintayin mo ako dito.” ang paalam niya.

“Sige.”

“Sama ka?” sabay ngiting nakakaloko.

“Baliw! Sige na! mamaya na ako.”

At umalis na nga si Loko. Habang naghihintay ako ay merong lalaking umakyat sa Stage. Yung Stage na merong karaoke, yun bang public karaoke ata tawag dun. Basta yung open area karaoke. LOL!

Pag-akyat ng lalaki ay tumugtog ang isang kanta at sinabayan niya ito.



Six Part Invention - Sana\'y Ako Na Lang
Mp3-Codes.com


“Heto na naman
Sulyap ng 'yong mata
Na nagsasabing, ika'y nag-iisa
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita

Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan

(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang

Lagi kitang inaabangan
Baka sakali maka-usap man lang
Ngunit takot ang nadarama
Pag nariyan ka na
Pero naiinis pag may kausap ka ng iba

Laging nasa isip ka
Di na magbabago magpakailan pa man

(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang

Hindi na magbabago ang puso ko
Ako'y magmamahal sayo ooh... ohh...

(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang..”


Infairness, maganda ang boses niya at mukhang damang-dama ang kanta. Nakaka-relate kuya? Hehehe.

“Sana’y Ako Na Lang.” ang sabi isang lalaki na umakbay sa akin.

Nang lingunin ko ito ay nakita kong si Jared ito.

“Ha? Ano sabi mo?” ang maang-maangan ko.

“Wala.. Sabi ko ang ganda nung Song.”

Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niyang iyon. Sa totoo lang ay naisip ko ang situasyon naming tatlo nila Ace.

Ilang sandali pa ay..

“Insan!!” ang sigaw ng isang lalaki sabay yakap kay Jared.

“Woi! Kamusta ka na?” ang sabi ni Jared.

“Eto ok naman.” Ang sabi nung “pinsan” ni Jared sabay kalas dito.

“Ahh.. Si Gab ngapala..” ang pakilala ni Jared sa akin.

“Jaybie tol!” ang sabi nung pinsan ni Jared sabay abot ng kamay sa akin.

At kinamayan ko naman siya. Pansin ko ang pagkakaparehas ng face shape nilang dalawa ni Jared, yun nga lang, cute itong si Jaybie, samantalang si Jared ay Gwapo. Naks! Isa pa ding factor ay maputi si Jared samantalang si Jaybie ay sakto lang ang puti at sakto lang din ang pagka-moreno.

“Ah Insan, si Ryzo ngapala..” ang pakilala ni Jaybie sa kasama niya.

“Teka!! Siya yung kumanta kanina ahh.” Ang sigaw ko sa isip ko.

“Jared tol..” sabay abot ng kamay.

At nakipag-kamay si Ryzo dito.

“Ryzo po!” sabay ngiti na parang inosente.

“Hhhmm.. Siguro mag-syota kayo ng insan ko nuh? Bwahahahaha!!” ang banat ni Jared sabay halakhak.

Kita ko naman na napatulala si Jaybie kay Jared, samantalang si Ryzo naman ay namula ang mukha. Hhhhmmm.. I smell something! Hehehe.

“Adik ka talaga insan! Eh kayo nitong si Gab? Mag-jowa kayo nuh? Hahahaha!” ang balik na pang-aasar ni Jaybie.

“Hindi!!” ang sigaw ko.

“Naman!” ang sigaw naman ni Jared.

At napalingon ako sa kanya, bakas sa mukha ang pagkainis.

“Hoy Mr. Cruz!” ang sita ko dito.

“Oo Joke lang, ito namang Gabby ko oh!” ang sabi niya sabay akbay sa akin.

“Aba!! Tawagin ba naman akong Gabby nito sa harap ng ibang tao!!” ang sabi ko sa isip ko habang tinatanggal ang braso niya sa balikat ko.

“Aaayyyiieeehhh!! Gabby daw ohh!!” ang biglang banat ni Ryzo.

Kita ko naman na natawa ang magpinsang Jared at Jaybie sa reaksyon ni Ryzo.

“Tara na nga ‘Kulit’ (tukoy kay Jaybie), iwan na natin sila, mukhang nasisira natin ang momentum ehh.” Ang sabi ni Ryzo na parang kinikilig-kilig pa.

“Hahahaha!! O siya insan, text-text na lang ha?” ang sabi Jaybie.

“Sige, yun pa rin ba number mo?”

“Yeah.”

“Sige Bye! Goodluck sa date ninyo ni Ryzo ha!” ang sigaw ni Jared.

“Blehh!! Goodluck sa inyo ni GABBY!! Ahahahaha!!” ang sigaw naman ni Jaybie.


(ABANGAN SI RYZO AT JAYBIE SA SUSUNOD KONG KWENTO!!! Click Here for the TEASER)


“Oh!! It sucks!! Nakakahiya ang daming tao sa paligid.” Ang sigaw ko sa isip ko.

“Gab tingnan mo, ang sweet nila oh.. Parang tayo lang dati..” ang sabi ni Jared sa akin habang tinitingnan palayo ang dalawa.

“Sweet!?!? Hindi kaya..” ang kontra ko dito.

“I mean, parang ganyang tayo noon oh nung mag-best friend pa lang tayo. Pustahan tayo magkaka-developan yang dalawang yan.” Ang sabi niya.

“Ewan ko sa iyo!” ang naiirita kong sabi sabay lakad palayo.

Hindi pa man ako nakakalayo ng mahawakan ni Jared nag braso ko.

“Tek Gab! Ano bang problema??”

“Itanong mo sa sarili mo kung anong problema!! Ang lakas ng loob mong tawaging akong Gabby sa harap ng ibang tao!! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan bwisit ka!” ang dire-diretso kong sigaw dito.

“Sorry..”

“You should be..”

Tahimik.. Siguro ay napansin niya ang pagtataray ko. Well it’s part of my plan di ba? Pero totoo lang kinilig ako dun sa pagtawag niya ng “Gabby ko!” Hihihihi!!

“Anyway, kumain na lang tayo! Nagugutom na ako! Hehehe.” Ang pagdivert ko ng mood.

Natawa naman siya sa sinabi ko. Napagdesisyonan naming kumain sa food court. Pagkatapos naming kumain ay nanood kami ng sine then we went sa “Blue Magic” dahil may bibilhin daw siya.

“Gab, para sa iyo oh..” ang sabi niya sabay abot ng Teddy Bear na merong hawak-hawak na heart at nakalagay na “I Love You”.

“Sus..” ang nasabi ko na lang.

“Putcha!! Kinikilig naman ako!!! Gaaawwwddd!! Wait nga kalma, KUMALMA KA GABRIEL!! Ikaw si Erick ok?? Wag kang kilig potek!” ang sigaw ko sa sarili ko.

“Bakit mo naman ako binigyan nito ha?”

“Wala lang.. gusto ko.. wala namang masama di ba?”

“Eh saan ko naman ilalagay ito? At tsaka hindi mo man lang ba naisip ang magiging reaksyon ni Ace kapag nakita niya ito? Ikaw talaga gusto mo pa kaming mag-aaway eh.”

Kita ko naman ang pagbabago ng expression ng kanyang mukha. Mula sa masaya ay nagign malungkot ito.

“Joke lang!” ang bawi ko.

“Gusto lang naman kita regaluhan eh.” Ang sabi niya.

“Bakit naman?”

“Wala.. Gusto ko lang..”

Napagdesisyonan ni Jared na umuwi kami through Bus para daw maiba naman hehehe. Syempre sinakyan ko na lang.

Habang nasa Bus..

“Thanks Gab ha.”

“Bakit?”

“Kasi pinagbigyan mo ako.” Sabay ngiti.

Hindi na lang ako kumibo, ang akala niya siguro ay unti-unti na niya ako nakukuha ulit. Well, nagkakamali siya. Bwahahahaha!!

Sinuot niya ang earphone niya at nag-play ng kanta. Ako naman ay tahimik na naka-upo at dumudungaw-dungaw sa bintana ng bus.

“Gab.” Ang tawag niya.

“Yes?” Ang sagot ko.

Inabot niya ang earphone senyales na meron siyang gustong ipadinig sa akin. Pag suot ko nun ay bumungad sa akin ang isang kanta. Ang kanta naming dalawa..


(Like I Am..)

rascal flatts - like i am

Powered by mp3skull.com


Nang matapos ang kanta ay tatanggalin ko na sana ang earphone kaso hinawakan niya ang kamay ko senyales na wag kong tanggalin ito. Naka-automatic repeat yung kanta so paulit-ulit na nadidinig ko yun sa aking tenga.

Muli, naalala ko ang mga masasayang oras naming dalawa. Sa pagkakataong ito, nagtatalo or should I say, naglalaban ang dalawang emosyon sa akin. Galit at Pagmamahal. Sa totoo lang gusto ko ng bumigay, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan dahil mahal na mahal ko pa rin siya. Pero hindi pupwede, dahil sa tuwing naiisip ko ito ay naaalala ko ang ginawa niya noon kay Ely na dumurog sa puso ko. Naisip ko din si Ace, papaano na si Ace?

“Anong tinitingin-tingin mo dyan??” ang bigla kong tanong sa kanya ng mapansin kong tumitingin-tingin siya.

“Wala.. Masaya lang ako.. kasi..” napatigil siya.

“Kasi ano?”

“Kasi alam ko, malapit ng bumalik sa akin ang Mahal ko.” Sabay ngiti.

Hindi ko na lang pinansin iyon imbes ay tinuon ko ang mga mata ko sa bintana. Hindi ko namanlayan nakatulog na pala ako.

…..

…..

…..

Pagmulat ng aking mga mata ay pansin ko na naka-hilig ang ulo ko sa kanyang balikat at ang kamay naman niya ay naka-akbay sa akin. Tiningnan ko siya, himbing na himbing ang tulog ng mokong. Hindi ko naiwasang titigan ang maamo’t gwapo niyang mukha. Napansin ko na mas gwapo siya ngayon kumpara noon.

“Shit!! Tumigil ka nga Gab! Ano ba?” ang sabi ko sa isip ko.

Akmang kakalas ako sa posisyon namin ay bigla siyang nagsalita (kahit tulog).

“I Love You Gab..” ang mahinang sabi niya.

Para akong natunaw sa salitang iyon. Simple, pero napaka-makapangyarihan.

Hindi ko napigilang hawakan ang kanyang kamay sabihing..

“I Love You Too Jared.. I Love You So Much...” sabay tulo ng luha ko.

Humilig ako sa kanyang balikat at muli ay naka-tulog ako habang nag-pplay pa rin ang kanta namin.

….

….

….

“Gab, wake up.. Bababa na tayo..” ang sabi niya habang yinuyugyog niya ako.

Tahimik kaming bumaba ng bus at pagkatapos ay pumara ng taxi.

“Manong sa ****** po.”

“Teka! Yun yung compound namin ahh.” Ang sabi ko.

“Oo nga..” ang sabi niya.

“Paano ka uuwi?”

“Uuuyyy nag-aalala siya.” Ang panunukso nito.

“Adik!! Tinatanong ko lang.”

“Hehehe. Don’t worry about me.”

“Eh papaano mo ngapala nalaman kung saan ako nakatira?”

“Ako pa!”

Pagdating sa May Gate ng compound namin ay tinext ko ang driver na nasa labas ako ng gate para sunduin niya ako.

“Sige na Jared..” ang paalam ko dito.

“Gab, alam mo ba kung ano meron ngayon?”

“Bakit? Ano ba meron ngayon?”

“Ngayon yung araw na pinagtanggol mo ako mula sa mga batang nagtangkang kumuha nung singsing ko. Eto yung araw na nagkakilala tayo.” Ang sabi niya sabay ngiti.

Nagulat ako sa kanyang sinabi, hindi ko akalain na natatandaan niya rin pala ang eksaktong araw ng una naming pagkikita.

“So kaya mo ba ako binigyan ng regalo?” ang sabi ko dito.

“Oo..”

“Ahh.. Uumm.. Sige Jared, una na ako.”

“Sige ingat!”

At umalis na nga ang taxing sinasakyan niya.

Ilang sandali pa ay dumating na ang driver ko upang ihatid ako sa bahay. Habang nasa sasakyan ay nakatanggap ako ng text mula kay Jared.

“Alagaan mo yang binigay ko ha? Good Night! Sweet Dreams! Love You!”

“Si Sir Erick oh ngiting-ngiti.” Ang sabi ng driver.

“He!!! Tigil-tigilan mo nga ako manong! Bilisan mo na lang dyan at inaantok na ako.” Ang sabi ko.

Sa totoo lang ay kilig na kilig ako sa text nyang iyon, grabe ibang level na ito!! Aaaagghhh!!!

Pagkadating ko ng bahay ay nadatnan kong natutulog na si Ace. Dahan-dahan akogn tumabi sa kanya ngunit..

“San ka nanggaling?” ang tanong ni Ace.

“Shit!! Gising pa pala siya.” Ang sigaw ko sa utak ko.

“Ahh.. Ehh.. May appointment ako tapos medyo na-traffic pauwi.” Ang alibi ko.

“Appointment? Eh bakit hindi mo kasama yung driver?” ang sabi niya sabay tayo.

“Sasakyan nung kausap ko ang gamit ko.” Ang sabi ko sabay tayo na rin.

“Aaahh!! So Hinatid ka niya? How sweet!” ang sarcastic na sabi ni Ace.

“Pwede ba! Tigil-tigilan mo nga ako!” ang matigas kong sabi dito.

“Kailan pa nakisakay ng ibang sasakyan ang isang Erick Uriel Alvarez na may ari ng sandamukal na kumpanya sa loob at labas ng bansa?”

“Kailan pa Gab sige nga!” ang medyo malakas niyang sabi.

“Pwede ba Ace, pagod ako ok? Ayoko makipag-talo sa iyo.”

“Wow!! Pagod!! Bakit ano ba Ginawa mo at napagod ka!?!?”

“Bwisit na ito ahh!” ang sigaw ko sa isip ko.

“Gusto mo malaman kung bakit ako napagod?” ang tanong ko.

“Oo!”

“Nakipag-sex ako! Oh?? Ok ka na?? Masaya ka na??” ang pagsisinungaling ko sa kanya.

Para siyang naging bato pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon.

“Oh! Edi natahimik ka din!”

“Sinong YUNG KA-SEX MO?? SINO!!” ang sigaw niya sabay madiin na hawak sa braso ko.

“Ano ba Ace! Bitiwan mo ako nasasaktan ako!!” ang sigaw ko dito.

“Sino Gab!?!?”

“ANO BA!!” ang sigaw ko sabay tulak sa kanya.

“Eto ang patunay na wala kang tiwala sa akin!!” ang sigaw ko sa kanya.

“Lagi mo na lang akong pinaghihinalaan Ace! Lagi na lang!!”

“Eh kasi naman ehh, saan ka ba nagpunta talaga??”

“Dapat ba lahat ng pinupuntahan ko alam mo??”

“OO!! DAHIL BOYFRIEND MO AKO!!” ang sigaw niya.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. Oo nga naman, nakalimutan ko na boyfriend ko siya at dapat ay nagpapaalam ako.

“Sana Gab naisip mo na merong Boyfriend na hindi makatulog sa pag-iisip sa iyo! Yung cellphone mo nakapatay, hindi namin ma-contact. Pinatawagan ko lahat ng possibleng puntahan mo pero wala!! Ano ba yan!!”

“Sorry.. N..n..na-lowbat ako Ace.. Sorry..” ang pagsisinungaling ko sabay yakap ko dito.

“Promise Ace di ko na uulitin.. I’m Sorry..” ang sabi ko.

“Sorry din mahal.. Sorry kung masyado ako naging Harsh.” Ang sabi niya at pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi.

Natapos ang araw na iyon na nagkabati kami ni Ace. Ok naman ang lahat eh, pero eto si Jared, ginugulo ang nararamdaman ko. Oo, plano ko ang maging malapit sa kanya at sa huli ay saktan siya pero eto ako, unti-unting nahuhulog nanaman sa kanya. Ang hirap! Ang hirap-hirap palang pigilin ang totoong nraramdaman. Ang hirap palang magsinungaling, ang hirap magpanggap na hindi mo mahal ang isang tao, pero ang katotohanan ay mahal na mahal mo ito.

Kinabukasan sa Opisina, nagpunta ako sa desk ni Jared para bigyan siya ng ilang assignments. Sa gitna ng aming pag-uusap..

“Sir Jared?” ang sabi ng isang babae.

“Yes?” ang sabi Jared.

“May nag-hahanap po sa inyo. Nasa Waiting Room po.”

“Sino daw?”

“Ayaw po magpakilala eh. Pero kilala mo daw siya.” Ang sabi ng babae.

“Ok sige bababa na ako.”

“Umm Gab, I mean Sir Erick, sandali lang po ha?” ang paalam nito.

“Sure..” ang sabi ko.

Pagka-alis ni Jared ng Room at nakita kong naiwan ang Cellphone niya. Kinuha ko ito dahil baka mawala at sinundan siya sa Waiting Room.

Pagkarating ko sa Waiting Room..

“Jared, Naiwan mo yung Phone mo.” Ang sabi ko.

Paglingon ni Jared ay nakita ko ang kausap niya, si Ely at may hawak-hawak na maliit na bata.

“Gab!?!?” ang gulat na gulat niyang sabi.

(itutuloy..)

Friday, July 15, 2011

Love Me Like I Am (Book 2 Part 5)

Pasensya na po at natagalan nanaman ang update. Kakatapos lang po ng Midterms namin at eto, Pre-finals na kami so medyo busy na talaga ako.

Pagpasensyahan niyo na din po kung meron mang pong part na makulangan kayo. Pasensya na..

Eto na ang Part 5!!! Sana po ay magustuhan niyo pa rin..

----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 5: "Torn Between Two Lovers.."


Pagkat Mahal Kita - Bugoy Drilon
Mp3-Codes.com

“GAB!!” ang sigaw ng lalaki sa likod.

Nang lingunin ko ito ay bumungad sa akin si Ace, at kita ko ang galit sa mukha niya. Pansin ko din na nasa likuran niya si Enso.

Wala pang tatlong segundo ng tawagin ako ni Ace ay lumapit ito at hinatak ang isa kong kamay palayo kay Jared.

“Umuwi na tayo..” ang matigas na sabi ni Ace.

Ngunit hinatak naman ni Jared ang kamay ko na kanina pa niya hawak-hawak.

“Gab.. Mag-usap tayo please.. kahit sandali lang.” ang nagmamakaawang sabi ni Jared.

Pagkatapos sabihin ni Jared ang mga katagang iyon ay biglang tumingin ng masama si Ace dito.

“Shit!! Baka magkaroon ng gulo dito!! Anong gagawin ko!?!?!” ang sigaw ko sa sarili ko.

…..

Patuloy pa rin ang matulis na titig ni Ace kay Jared na para bang kakainin niya ng buhay ito. Nakakatakot, nakakapangilabot, kailangan mapigilan ko kung ano man ang gulong pupwedeng mangyari.

“Please?” ang pagmamakaawa ni Jared sa akin.

“I SAID LET’S GO HOME!” ang biglang sigaw ni Ace sabay hatak sa akin.

“Ace, bitiwan mo ako!! Nasasaktan ako ano ba!!!” ang sigaw ko dito.

Napakahigpit ng hawak niya sa kamay ko, parang mababali na ito sa sobrang higpit.

“BITIWAN MO NGA AKO SABI EHH!! ANO BA!?!?” Ang malakas na sigaw ko sabay pwersahang kalas ng braso ko sa kamay niya.

Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Ace. Tinitigan ko siya, yung parang tingin niya kanina kay Jared. Alam ko kasing kapag galit na ako, ay wala ng magagawa si Ace kundi sumunod sa gusto ko. Ngunit iba sa pagkakataong ito.

“Umuwi na tayo..” Ang mahinahon ngunit matigas na sabi nito sabay muling hawak sa braso ko.

“Ano ba!!” ang sigaw ko ulit dito.

“Sir mawalang galang na po, pero di mo ba nakikita? Nasasaktan na si Gab. Wag mo siyang pilitin kung ayaw niyang sumama sa iyo.” Ang biglang singit ni Jared.

Muli ay tiningnan ni Ace ng masama si Jared at sabay sabing..

“Ikaw wag kang mangengeelam ha!! Boyfriend ko ito!! Wala kang karapatan!!” ang sigaw ni Ace dito sabay tulak sa dibdib ni Jared palayo sa amin.

“Alam ko, pero WALA KANG KARAPATANG SAKTAN SIYA!!” ang sigaw ni Jared kay Ace sabay papasugod dito.

“Jared please umuwi ka na..” ang sabi ko sabay harang ko dito upang pigilan ang pagsugod niya kay Ace.

“Bakit ikaw ha? Hindi mo ba siya sinaktan noon HA!?! HINDI BA GINAGO MO SIYA DATI HA!!??” ang sigaw ni Ace.

“Hindi ko siya sinaktan.. Alam ng diyos na kahit kailan, hindi ko magagawang saktan ang taong pinakamamahal ko. Unlike you!!”

“Ikaw—“ ang hindi natapos na sabi ni Ace kay Jared dahil.

“Ace ano ba tama na!!” ang sigaw ko.

“Hep! Hep! Hep! People drama is over!! Tama na yan!!” ang biglang singit ni Enso na pumagitna sa aming tatlo.

“Kuya Ace awat na, tama na yan umuwi na tayo.” ang sabi ni Enso sabay akbay kay Ace at hatak palayo

“Gab let’s go..” ang mahinahon na sabi ni Ace habang hawak pa din ang kamay ko.

Kahit alam kong nandoon si Ace, nakahawak at nakatingin sa akin ay kay Jared pa rin ako nakatingin. Kita ko ang pagmamakaawa ng mata niya na huwag akong umalis. Pero anong magagawa ko di ba?.

Bago naming tuluyang lisanin ang pool area ay liningon ko ulit si Jared, kita ko pa rin na nakatingin siya sa akin.

Ramdam ang tension na namamagitan sa amin ni Ace habang kami’y nasa sasakyan. Wala ni isang salita ang madidinig sa aming labi. Sa totoo lang, galit ako sa kanya dahil una, pinapunta niya ang maingay na si Enso na naging sanhi ng pagkasira ng plano ko kay Jared sa araw na ito. Pangalawa, susugod siya at aawayin si Jared gayong wala naming ginagawang masama yung tao sa kanya, ano ba ito? Nagseselos? Pangatlo, sa dami-dami ng lugar na mag-eeskandalo ay sa may pool area pa ng hotel ko. Buti na lang at walang guest ng hotel ang nandoon kundi naku!

Pagpasok sa pintuan ng bahay ay hinarap ko agad si Ace.

“Ace mag-usap nga tayo..” ang matigas kong sabi.

Ngunit dire-diretso lang siyang umakyat ng staircase na para bang walang nadinig.

“Ace ano ba!!”

Wala pa rin siyang response.

“ACE ANO BA MAG-USAP TAYO!!” ang sigaw ko sa kanya sabay hatak ng braso nito ngunit tinabig niya ito at dire-diretso papuntang kwarto.

Bago pa man siya makarating sa pintuan ng aming kwarto ay nagmadali ako at hinarangan ko ito upang hindi siya makapasok sa loob.

“Ace mag-usap tayo!” ang matigas kong sabi.

“Umalis ka diyan!!” ang sigaw niya.

“Hindi ako aalis ditto hangga’t hindi mo ako kinakausap.”

“Alis sabi ehh!” ang sigaw niya sabay hawak sa braso ko at hinatak ako palayo sa pintuan.

Bago pa man niya ako mailayo sa pintuan ay hindi ko sinasadyang masampal ng malakas si Ace.

“Ace.. Sorry.. Hindi ko sinasadyan, ikaw naman kasi ehh..”

“Ako pa ngayon ha!?!? Ako pa!!!”

“Eh kasi naman ikaw ehh..”

“Anong ako Gab? Hindi mo ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito, ikaw kaya Makita mong may kahalikang iba ang mahal mo, ang boyfriend mo, hindi ka ba magagalit ha!?!?”

Para akong naging bato sa nadinig ko. Ibig sabihin, nasaksihan pala ni Ace ang lahat ng nangyari sa pool area.

“Ace, nakita mo naman di ba?? Hinatak niya ako!! Pinwersa niya ako!!”

“Pinwersa ka nga niya.. Nasarapan ka naman!! Bakit? Masmasarap ba yung halik niya kesa sa halik ko ha?? Ay! Bakit ko pa ba tinatanong yan, eh kitang-kita naman ng dalawa kong mata ang sagot.”

“Ace..”

“Alam mo Gab, tanggap ko naman eh. Tanggap ko na hindi ako ang mahal mo, na Hanggang Ngayon, siya pa rin ang mahal mo, siya pa rin ang laman ng puso mo. Pero sana naman Gab naisip mo na merong isang taong nagmamahal sa iyo, na may boyfriend kang masasaktan kapag.. kapag nakita niyang may kahalikan na iba ang mahal niya. Sana naman Gab naisip mo ako..” ang sabi ni Ace kasabay ang pagtulo ng luha nito.

“Ace kung alam mo lang, kapag kasama ko si Jared ikaw ang iniisip ko.. Ikaw ang inaalala ko.. Iniisip ko na kapag ginawa ko ito, na kapag ginawa ko yung ganyan, masasaktan ka. Ace ayaw kitang masaktan, lahat ginagawa ko Ace maniwala ka..”

“Gab, papaano ako maniniwala kung iba ang nakikita ko sa sinasabi mo? Kanina sa pool nakita ko kayong naghahalikan, kahapon ng gabi nahuli ko kayo sa cubicle ni Jared na magkalapit ang mukha ninyo at ang kamay niya nakahawak pa sa mukha mo. Sabihin mo nga Gab, papaano ako maniniwala??”

Napatigil naman ako sa nadinig ko, ibig sabihin ay umakyat pala siya kagabi sa office ko para sunduin ako kaya lang nakita niya kami ni Jared sa ganoong posisyon at binigyan na niya ng malisya ito.

“U-umakyat ka?? N-nakita mo yung--”

“Oo at nakita ko. Pero bumaba ako agad dahil ayaw kong makita ang paglalaplapan ninyo!” ang pasigaw niyang sabi.

Dahil sa sinabi niya, sa pagkakataong ito hindi na sampal ang nagawa k okay Ace kundi suntok sa kanyang mukha. Kita ko naman na paparating si Enso at ang mga kasambahay naming sila Aling Minda, Aling Nelly, Inday, Kokoy at Totoy. Lumapit ang iba kay Ace upang alalayan ito at ang iba naman ay sa akin upang awatin ako.

“Ganyan ba ang tingin mo sa akin Ace ha?? Sa tatlong taon nating magkasama ganyan ang pagkakakilala mo sa akin?” ang galit na galit na tanong ko dito.

Hindi nakasagot si Ace sa mga nasabi ko. Para siyang naging istatwa sa mga oras na iyon.

“Kuya Gab tama na..” ang sabi ni Enso.

“At ikaw!! Umamin ka nga ha, pinapunta ka ba ng lalaking ito para bantayan ang kilos ko? Nagpunta ka ba para ibuking ako kay Jared? HA!!!” ang sigaw ko.

“K-k-kuya Gab.. kasi..”

“SUMAGOT KA!!” ang mas malakas na sigaw ko.

“Oo.. Pinapunta ako ni Kuya Ace para doon kasi—“ hindi niya natapos dahil.

“Now I know..” ang sabi ko at pagkatapos ay tinumbok ko ang pintuan ng kwarto at binuksan ito.

Bago ko pa man maisara ang pinto ay pinigilan ito ni Ace sabay sabing.

“Gab.. I’m Sorry.. I’m just afraid to lose you..” ang sabi ni Ace.

“LUMAYAS KA SA HARAPAN KO!!!” ang bulyaw ko dito sabay bagsak ng pintuan.

Pagkasarado ko ng pintuan ay tuluyan ng bumigay ang sarili ko. Hindi ko na napigilang humagugol, humagugol sa sobrang sobrang sama ng loob. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay para akong tinraydor, pakiramdam ko para akong pinagkaisahan, parang hindi nila ako kilala, lalo na si Ace. Para bang sa tatlong taon naming magkasama ay ganun pala ang tingin niya sa akin. Nakakainis, nakakagigil sa inis.

Sa gabing iyon, hindi ako nakatulog ng maayos, natapos ang araw na hindi kami nagkakabati ni Ace at ganun din si Enso.

“Bahala kayo sa buhay niyo!” ang sigaw ko sa sarili ko.


....

Kinabukasan..

“Sir, eto na po yung report and analysis na pinapagawa niyo.” Ang sabi ni Jared

“Is this about the meeting yesterday?”

“Yes Sir.”

“Ok.. Go to my secretary, she will give you the instruction. Then, report back to me Friday next week.” ang sabi ko dito.

Kita ko ang pagtataka sa kanya mukha. Ang alam niya kasi ay laging sa akin siya mag-rereport. Well, sinadya ko na this time ay hindi sa akin dahil na din sa nangyari kagabi. Ayokong mag-away kami ni Ace nang dahil sa kanya.

“Sir b-bakit po—“

“I don’t have to explain Mr. Cruz. Siguro naman ay enough na ang nangyari kagabi para malaman mo kung ang dahilan.” Ang sabi ko sabay ngiti.

Pagkasabi ko noon ay tahimik siyang umalis ng kwarto. Alam ko nalungkot siya sa nangyari, pero ito ang nararapat. Kung sa bagay di ba? Sa umpisa pa lang, eto na talaga ang plano ko.. Ang pahirapan siya..

“Mabuti na rin ito” ang sabi ko sa isip ko.

Pagkalabas na pagkalabas ni Jared biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.

“Halu! Ser Erick!” ang sigaw ni Inday.

“I-inday?? A-anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko sa kanya.

“The questionnaire is, ikaw! I mean, You! Ser Gab! What are you doing here?” ang tanong ni Inday sa akin.

Pagkasabi niya noon ayy..

“Arrayy!!” ang sabi ni Inday (may kumurot sa kanya.)

“Palpak ka nanaman!! Bobita ka talaga kahit kailan!” ang sabi ng lalaki sa may labas ng pintuan.

“Ehh kasi naman ehh.. You! You! You put me in my place, You put me in my situation! You put me in troubleness..” ang sabi ni Inday.

Sa totoo lang ay natatawa ako sa pagsasalita ni Inday, ang trying hard kasi eh.

Ilang sandali pa ay pumasok ang lalaking nasa likuran ng pintuan at laking gulat ko na si Kokoy pala ito. Pagkatapos noon ay mas lalo pa akong nagulat dahil ang sunod na linuwa ng pinto ay sina Totoy, Aling Nelly, Aling Minda, at Enso.

“A-a-anong ginagawa—“ hindi ko natapos dahil..

“I” ang sabi ni Kokoy sabay taas ng isang Papel na may nakalagay na “I”

“M” ang sabi ni Inday na ganun din ang ginawa.

“S” si Totoy.

“O” si Aling Minda

“R” si Aling Nelly

“R” si Enso

Pagkatapos ng linya ni Enso ay linuwa naman ng pintuan si Ace. May hawak-hawak na flower basket. Sa gitna ng flower basket ay merong stick na naka-tusok dito at sa stick na iyon ay may nakadikit na letter “Y”.

Dahan-dahang lumapit si Ace sa kina-uupuan ko samantalang ako naman ay biglang napatayo.

“Gab, I’m sorry.. I’m so sorry.. Sana mapatawad mo ako.”

“Ace..” ang nasabi ko na lang.

“Gab, I love you.. Yun ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon, ayokong mawala ka sa akin Gab.. Hindi ko kaya.. ” ang sabi niya sabay yakap sa akin.

At yinakap ko rin siya senyales ng aking pagpapatawad.

“Promise.. I won’t do that again” ang sabi nito.

Sobra akong na-touch sa ginawa niya, at talagang pinapunta pa niya ang mga kasambahay namin para lang kumbinsihin akong patawarin siya. Sa totoo lang, mahal ko naman talaga si Ace eh, pero sadyang may masmatimbang na nasa puso ko. Sa araw ding iyon, bumalik ang dating samahan namin ni Ace.

Kay Jared naman, dumaan ang mga araw ng hindi ko siya nakakausap. Minsan ay nagkakasalubong kami ngunit hindi ko siya pinapansin, hindi ko tinitingnan, parang hindi ko kilala ang nakikita ko. Samantalang siya naman ay madalas kong nahuhuling nakatingin sa akin o di kaya ay pinagmamasdan ako. Syempre deadma lang ako, busy-busyhan ba?

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Isang araw, pauwi na ako noon at papasok ng elevator. Akmang sasarado na ang elevator ay kita kong dali-daling pumasok si Jared dito.

“Sh*t! Bakit ba sumabay pa akong mokong na ito? Tsk!” ang sabi ko sa isip ko.

Sa loob ng elevator, tanging kaluskos lang nito ang madidinig, hanggang sa..

“Ehem.” Ang sabi ni Jared.

…..

“Uuumm.. Pauwi ka na?” ang tanong nito.

…..

…..

“Hello! Pauwi ka nab a?” ang muling tanong nito.

“Ha!?! A-Ako ba?” ang maang-maangan kong tanong.

“Ay hindi! Ako! Ako! Pauwi na ba ako?” ang pamimilosopo ng mokong.

“Aba’t g*gu ito ahh!!” ang sabi ko sa isip ko.

“Ay hindi!! Papunta pa lang, papasok pa lang ako! Kita mong Ground floor yung pinindot ko di ba? Papasok pa lang ako!! Ang aga ko nga para buaks ehh.” Ang pamimilosopo ko rin.

Natawa naman siya sa pamimilosopo ko. Sh*t! ang cute niya talaga kapag tumatawa, idagdag pa yung dimples niya potek!!

Ilang sandali pa ay biglang tumigil ang elevator. Kasama ang pagkurap-kurap ng ilaw dito.

“What the?!!?” ang bigla kong nasabi sabay tingin sa kanya.

Kita ko naman na natigilan siya sa pagtawa-tawa. Naging seryoso ang mukha niya kasabay nito ang pamumula ng kanyang mukha.

“Anong nangyari?” ang nasabi ko na lang sabay pagpipindot ng switch sa ground floor.

“Sir, I think na-stuck po tayo..” ang sabi ni Jared.

“Ha!?!?” gulat na gulat na sigaw ko.

Bigla namang napangiti si Jared sa nasabi niya at sa naging reaksyon ko.

“Oh.. Tawa tawa ka pa diyan!?!? Kita mong nakulong na nga tayo dito, pangiti-ngiti ka pa.” ang sabi ko sa kanya.

“Bakit masama?”

“Oo masama dahil wala namang nakakatawa.”

“Ehh kung sa natatawa ako ehh. Anong pake mo!?!?” ang pabiro niyang sabi.

“Hoy, Mr Cruz baka nakakalimutan mo, boss mo pa rin ako!”

“Gab or should I say Sir Erick! Office hours is over. And it means na hindi na kita boss sa oras na ito.”

“But still, hindi ka pa rin nakakapag-sign out di ba? Hindi mo pa nai-swipe yung ID mo sa ground floor.” ang sabi ko sabay taas ng kilay.

“Oo na lang..” ang sabi niya.

Tahimik.. Ilang sandali pa ay bigla niyang pinitik ang tenga ko.

“Arrayy!!” ang sigaw ko dito.

“Hahahaha!!” ang tawa naman niya.

“Ano namang trip mong g*go ka ha!?!” ang sabi ko sa kanya.

“Ang cute-cute mo talaga kapag naiinis” ang sabi niya.

“So kaya mo ako pinepeste ganun?”

“Naman!” ang sabi niya.

“Suman!” ang sabi ko.

“Palaman” ang sabi niya.

Bigla naman akong natigilan gawa ng alam ko na ang kasunod noon ay may pagka-green. Pauso kasi ito ni Enso noong nag-dinner kami.

“Oh, bakit hindi mo ituloy” ang sabi niya.

“Wala.. Ayoko lang.. Angal?” ang pagtataray ko.

“Hay nako hanggang ngayon pa-demure ka pa din..” ang sabi niya.

“Siyempre..” ang sabi ko.

“Kaya nga Hanggang Ngayon Mahal na Mahal pa din kita eh” ang banat niya sabay ngiti na nakaka-gago.

Napatitig ako sa kanya, ramdam ko ang kilig na bumalot sa buong katawan ko, para akong hihimatayin sa sobrang kilig. Siyempre naman nuh! Sino ba namang hindi kikiligin ng todo-todo dun lalo na’t isang napakagwapong prinsipe ang magsasabi nun di ba? Ay..wait nga.. Sinabi ko bang “napakagwapong prinsipe?” MALI!! ERASE!

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kanang kamay niya sa pisngi ko. Gumapang ito papunta sa batok ko. Ramdam ko namang binalot ng kaliwa niyang kamay ang likuran ko.

“Sh*t! Hindi na tama ito ahh.. Gab ano ba?? Bakit ba ayaw mong kumalas?” ang sabi ko sa isip ko.

Unti-unti, papalapit ng papalapit ang aming mukha. Pumikit ako senyales ng pagpaparaya sa kanyang halik. Pagpikit ko, may isang pangyayari sa aming dalawa ang aking naalala.


===FLASH BACK===

“Jared..”

“Yes?”

“Papaano kung may magawa ka at magalit ako sa iyo? Anong gagawin mo?”

“Bakit ka naman magagalit sa akin?” ang tanong nito.

“Wala.. Basta halimbawa lang..” ang pangungulit ko.

“Edi hindi ako susuko hangga’t hindi mo ako napapatawad..”

“Ehh papaano kung sobra sobra akong nagalit sa iyo, yun bang abot langit ang galit ko.”

Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing..

“Gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako..”

“Ganun?”

“Oo.. kahit ikamatay ko pa..”

“Hala ka! Wag ka ngang ganyan!” ang gulat kong sabi.

“I’m serious Gab, walang kwenta ang buhay ko kung wala ka.. At mas walang kwenta ang buhay ko kapag nagalit at lumayo ka sa akin.. Mas gugustuhing kong mamatay na lang ako..”

Hindi naman ako nakakibo sa sinabi niya, siyempre touch ako sa sinabi niya.

“Ehh papaano kung ikaw naman ang magalit sa akin?” ang tanong ko dito.

“Hindi-hindi mangyayari yun..” ang sagot niya

“Weh? Talaga?”

“Oo naman.. Kahit patayin mo pa ako Gab, hinding-hindi ako magagalit sa iyo.”

“Bakit naman? Papatayin na nga kita ehh.”

“Kasi Mahal kita, at kahit ano pa man ang gawin mo, patuloy pa rin kitang mamahalin..” ang sabi niya.

At ilang sandali ay naglapat ang aming labi. Sa totoo lang hindi ko na lang pinansin iyon, para kasi siyang tanga ehh..


===KASALUKUYAN===

Konting-konti na lang at maglalapat na ang aming mga labi ng biglang umandar ang elevator.

Kasabay ng pag-andar ng elevator ay pagbalik ng aking katinuan, ang paglayo ko sa kanya.

“Sorry..” ang sabi lang niya.

Hindi ko sinagot ang paumanhin niya. Yumuko na lang ako, nananalangin na sana ay tuluyan ng makababa ang elevator para hindi na ako matukso pa sa kanya.

Pagbukas ng elevator ay dali-dali akong naglakad, palabas ng building.

Sa gabing iyon, hindi ko nanaman nagawang makatulog ng maayos. Papaano ba naman di ba? The more na iwasan ko siya, the more na napapalapit kami sa isa’t-isa. The more na pahirapan ko siya, the more na nahuhulog muli ang loob ko sa kanya.

“Nakakainis naman!” ang sigaw ko sa isip ko.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng..

“Mahal, bakit gising ka pa?” ang tanong ni Ace.

“Ahh.. Wala, may iniisip lang ako..” ang dahilan ko.

“Ahh. Matulog ka na mahal.” Ang sabi niya sabay yakap sa akin.

Nginitian ko lang siya sa sinabi niya. Ilang sandali ay nakatulog na rin si Ace.

Tinititigan ko ang mahimbing na pagtulog ni Ace, at the same time iniisip ang kalagayan naming tatlo nila Jared.

“Ayaw kong masaktan ka Ace.. Kasi mahal kita eh.. Pero mas mahal ko siya ehh” ang sabi ko sa isip ko kasabay ang pagtulo ng luha ko.

“Lord, tulungan niyo naman po ako.. Nahihirapan na ako..” at tuluyan na akong umiyak.

…..

Kinabukasan, araw ng pagrereport sa akin ni Jared.

Tok! Tok! Tok!

“Come in!” ang sabi ko.

Tahimik siyang pumasok sa loob ng kwarto ko at linatag sa desk ko isang folder. Pagbukas ko ng folder, imbis na report niya ang bubungad sa akin ay isang maliit na papel ang nandoon kasama ang reports niya na may nakalagay na…


“Sorry if I caused you pain.. Sorry kung nasaktan ka noon.. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo, kahit kailan hindi kita magagawang saktan. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, wala akong ginawa kundi mahalin ka.. ang paulit-ulit kang mahalin.. I miss you so much Gab..”


Pagkabasa ko ng note niya ay..

“Uumm bumalik ka na lang bukas. Tapos na ang trabaho mo ngayong araw.” Ang nasabi ko na lang.

“Ok..” ang sabi niya.

Paalis na sana siya ng..

“Uuumm.. busy ka ba?” ang tanong nito.

“Bakit?” ang tanong ko dito.

“Uumm.. Yayain sana kita lumabas eh. Pwede ka ba?” ang tanong nito.

“Ha???” ang bigla kong nasabi.

At napangiti naman ang mokong sa reaksyon ko.

“Ang sabi ko, Pwede ba tayo lumabas? Yung gumala ba?”

Sa totoo lang, I didn’t expect na iimbitahan niya ako.

“Please? Kahit ngayon lang?” ang sabi niya ulit.

“Hhhmmm..”

(itutuloy..)